Ika-dalawampu't-isa
--Bratty--
NGAYON nga ay nakahanda na ang mga gamit namin papunta sa beach resort. Pagkatapos maghanda ay nagbihis na ako sa loob ng banyo.
Napatda naman ako dahil sa bultong nakaharang nung lalabas na ako.
Problema nito at nakatitig sa shorts ko?
"Magpalit ka." Matalim ang mga tinging ibinigay nito saken. Napakalamig din ng boses niya.
Hindi ko kinakaya!
"Bakit? Maganda naman ah!" Tapos umikot pa ako patalikod pero pinanlakihan niya lang ako ng mata at sininghalan.
"Magpalit ka sabi eh!" Then hinatak niya ako papuntang closet upang pumili ng damit.
"Seriously?!! Beach pupuntahan natin hindi slumber party! Sobrang haba at kapal niyan!" Mapapaikot na lang kayo ng mata kung kayo ang nasa posisyon ko. Pajama?!
For real!
Pajama na makapal at mahaba!
"Eh m-mahal, di ba a-ang i-init ng panahon. Baka ma-sun burn ka. You know."
Nagkamot na naman ng batok. Nakakapika!
"Sun burn?! Anong silbi ng lotion di ba?! Tsaka pagtatawanan lang ako dun kase may tangang nakapajama na napakakapal sa gitna ng buhanginan. Duh!"
Hinablot ko ang shorts na hawak niya at yun ang isinuot ko. And that's final!
Pagkalabas ko ng banyo ay mukha na naman niya ang bumungad saken. Napa-irap na lang ako!
"At talagang yan pa rin ang isinuot mo ha! Bahala ka na nga sa buhay mo!" Luh. Bat yun naman ay ganun na agad?
"Uy! Uy! Mahal ko. Sandali lang naman."
Ano ba ito? Moodswings? Pero parang di naman siya ganito dati ah? Sanay akong maloko lang siya at seryoso.
He really don't fail to amaze me.
Para siyang bata na nagtatampo dahil hindi napabigyan ang gusto.
Hinabol ko siya at pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya. Hindi naman siya nagpumiglas at mukhang natigilan sa walang habas kong aksyon.
Ang kamay ko ay nasa tiyan niya kaya't malaya kong nakakapa ang magigiting niyang 8 pack abs habang ang ulo ko naman ay nakasubsob sa kaniyang likod na napakabango.
Hmm, lalaking-lalaki ang amoy. Ang tapang!
"Sorry na po mahal ko. Hindi ko lang kasi maatim na magsuot ng ganun. Sorry naaa."
Mula sa pagkakasubsob sa hot niyang likod ay iniangat ko ang aking mukha upang dampian ng masuyo at malambing na mumunting mga halik sa kaniyang batok at leeg. Rinig ko namang napapahagikhik siya.
Nakikiliti siguro.
Nararamdaman kong makakamit ko na ang tagumpay sa panunuyo ko dito sa tampururot na ulupong.
Pero kabaligtaran ng inaasahan ko ang nangyari...
"Bitawan mo nga ako. Ang sabihin mo! Gusto mo lang lumandi doon!!!"
Singhal niya bago nag-walk-out.
Hala siya. Pinagsasasabi nun?
------------------------------------------------
Masaya kaming binungad nina Mommy at Daddy, Mommy Christina at Tito Manuel.
Kabaligtaran sa ekspresyon ni Fredrick na hindi maipinta ang mukha.
Hanggang ngayon ay hindi ko makuha ang ipinuputok ng butsi niya.
Sa gusto kong naka-short lang ako eh. Masama ba yun?
Ngayon nga ay nag-iihaw ako habang yung iba ay nagtatampisaw sa dagat.
Di ko feel magpakabasa eh bakit ba?
Teka nga lang nasan na yung asawa ko?!
Hala ayun! Aba, aba, aba. Nalingat lang ako ay may kasama na agad na ibang babae!
At tuwang-tuwa pa silang dalawa ha!
Bale nakatalikod ang talipandas na haliparot sa akin habang kausap ang asawa ko kaya hindi ko makita ang pagmumukha niya.
Pero ha, to be fair. Sexy ang gaga. Pero for sure, seksi lang yan. Tapon ulo! Hipon! Ika nga nila.
The heck! Di ko marinig pinag-uusapan nila pero nanggigigil ako dahil halatang natutuwa si Fredrick sa presensya nito. Sa'kin lang dapat siya natutuwa!
At talagang, humawak pa ang malandi sa tiyan ng asawa ko, sa abs to be exact!
Hindi ko na kaya! Nanggigigil na ako!
Hinango ko na ang mga inihaw. Susunduin ko lang ang pusit na iihawin ko!
"Excuse me." Nakangiti pero plastikada kong pagkuha ng atensyon sa dalawang ito.
Humarap na sa wakas ang babae at nawindang ako sa kung sino siya.
At aba nga naman. Imbes na magtaka sa attitude ko ay ngumiti lang at UMAKBAY pa sa BRUHA ang ulupong kong asawa!
"Oww. Mahal, ito nga pala si Cassy. Remember her? Yung dati kong secretary. Dito rin pala siya magbabagong taon." Huwow. Bati na pala sila. Di ako na-inform. At base sa mukha nung gaga, ito na ang comeback niya na sinasabi!
Binigyan ko naman ng matalim na tingin ang braso niyang hanggang ngayon ay naka-akbay kay walang Cassy'ng landi.
Ng mapunta naman ang tingin ko sa kanya ay kita ko ang ngiting tagumpay niya.
Wag mo akong sisimulan.
Masama akong kaagaw!
Well, mukhang may plano siya. Dahil halata namang hindi purely coincidence na napunta siya rito.
Gusto niya lang talaga kaming guluhin. Lalo na ngayon nandito pa ang parents namin ni Fredrick
I will make sure na mawawala sa landas namin ang babaeng 'to.
Panira ng bakasyon.
Ikot ng mata, mga sampu!
"Owww. By the way Fredrick and.... Bratty. Gusto niyo laro tayong volleyball. May dala akong bola and I saw a volleyball area na malapit lang rito. Ano game?"
Kita ko na ang mapagnasang tingin ng asawa ko.
Kapag kasama naming naglaro yan, malamang tuwang-tuwa yan sa nag-aalugang niyog ng iba diyan.
Irap ng mata, mga labing-isa!
"Game---"
"Hindi!" Pinutol ko na siya bago pa pumayag.
"B-Bakit hindi mahal ko? Enjoy kaya magpatalbog-talbog ng bola sa buhanginan."
Manyak! Ang sabibin mo, enjoy makakita ng tumatalbog-talbog na niyog in two piece!
Irap ng mata, sagad na!
"Marami pang iihawin at kanina pa ako nag-iihaw habang ikaw... KAUSAP mo itong ex mo. Ex-secretary. Kaya ikaw, mag-ihaw ka dun! Ihawin mo yun lahat habang kami maglalaro muna. Kapag natapos ka na, saka ka na sumunod!"
Oh diva!!! Maiwan kang manyak ka bwisit!
"P-Pero---"
"Tara na landi este Cassy! Magtuos este mag-laro na tayo ng sabunu- este volleyball!"
Hinaltak ko siya sa pulsuan niya. I guess kailangan kong ibabad sa alcohol ang kamay ko. Nakahawak ako ng linta.
Iniwan na namin ang ulupong at nag-ihaw sa di kalayuan. Buti nga sa kaniya. Ngayon naman ay pumunta na ako sa kabilang net, habang si walang Cassy'ng landi ay iniikot ang bola na di ko alam kung san niya nakuha.
'Para siyang kabute ng bola niya, kiring kabute to be exact, kusa na lang umuultaw! Hayp!' Sigaw ng isip ko dahilan upang matawa ako.
"Why are you laughing?" Aba, napuna ako ng higad. I guess simula na ng gyera!
"Wala lang. Nakakatawa ka kasi. You're very versatile, pwede kang kabute na kusa na lang umuulpot, moth na makati sa mata dahil literal na makati, at ahas na basta na lang nanglilingkis ng pagmamay-ari na ng iba! Haha. Just kidding."
I said with a hilarious sarcasm tone. Palakpakan niyo naman ako mga bes kong beks! Clap! Clap! Clap!
Pasimple naman siyang humirit ng irap pero nakabawi din at nagbigay ng plastikadang ngiti.
Naku girl, title holder ako sa plastikan kaya wag ako!
"HAHAHA. You're very funny Bratty. I think ang sarap mong kaibiganin. At ang sarap mo ding lokohin. Haha. Just kidding."
May laman ang bawat salitang binibitawan niya at kasunod nun ay isang pangmalakasang serve ng bola ang iginawad niya saken. With my full power and elegance ay itinara ko ito pabalik.
"Oh yeah. Pero mas nakakatawa ka pa rin naman. Desperate much eh. Ooops. Haha. Just kidding." With her full power ay tinira niya pabalik ang pangmalakasan kong atake.
Kasabay nito ang pagtalbog ng niyugan, NAKAKASUKA!
"Haha. Iba naman yung desperate sa kinukuha lang yung nararapat na saken. Atsaka mas nakakatawa yung over makabakod sa asong pagmamay-ari naman ng iba. Haha. Kidding aside."
With full of panggigigil ay hinagupit ko ng spike ang bola at naka-score ako!
"Haha. Nakakatawa lang din dahil wala naman akong bakod. Purong pagmamahal lang ang ibinibigay ko sa asong yun! Haha. Ampatawa mo!"
Makalipas ang ilang minutong patutsadahan at pagpapatalbog ng bola ay nakakalamang na ako.
18-18. Tie kami. Hmmp!
Ako ngayon ang magse-serve. Carefully, ay ini-serve ko ito.
"Haha. Why so gentle ang pag-serve? Takot na takot lang? Haha."
Matunog niyang sabi habang ipinatalbog pabalik sa akin ang bola. Nakakaaduwa lang ang dalawa niyang bola na talbog ng talbog. Ilang kilo kaya yun?
Hanggang ngayon ay talagang di siya tumitigil sa mga pasaring niya. Pwes.
"Hindi naman sa takot noh. Iba na yung nag-iingat. Marami kasi diyang tuso at ahas na mapanlinlang, tutuklawin ka pag di ka aware. Haha."
Parinig ko sabay toss papunta sa kanya.
Ngumisi naman ito at napatawa pa ng bahagya.
"Yun nga ang nakakatawa eh. Aware naman talaga siya, pero nagbubulag-bulagan lang. Hindi marunong tumanggap ng kasawian at pagkatalo. Gutom na gutom sa lalaki at pagkalalaki. So poor fag."
Hindi ko na napigilan ang kinikimkim kong galit sa atribidang ito kaya't nung ipabalik niya saken ang bola ay malakas ko itong hinampas kasabay ng aking pagsabog.
"Sino kayang mas gutom sa'ting dalawa. Ako na legal na asawa? O ikaw na lumalandi sa asawa ng may asawa?!"
Ngunit sa halip na mainis ay lalo pang natawa ang bruha at naibalik sa akin ang powerful kong tira ng walang kahirap-hirap.
Baliw!
"HAHAHA! Nakakatawa ka talaga... At nakakaawa din at the same time.
Oo! Ikaw ang legal pero ako ang MAHAL! Wag kang hangal! Ilusyunada!"
Nawala na ang kaplastikan niyang awra at purong natural na mapanghamak na lamang.
Natigilan ako sa sinabi niya. Nagising na lamang ang diwa ko sa dahil sa bolang papunta sa'ken.
Kahit parang nanlata ay nagawa ko pa rin itong matira papuntang kabilang side ng net.
"Ano?! Tameme ka ngayon? Bat di mo nalang kase tanggapin na kahit anong gawin mo, kahit isampal mo pa sa kanya ang papeles ng imoral niyong pagpapakasal, at ang pera mong ni hindi mo pinagpawisan. Hinding-hindi ka niya mamahalin! Dahil wala kang kwenta!"
Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas upang salubungin ang bawat pag-atake niya, kasabay ang mga maaanghang niyang salita na direktang sinasaksak ang puso ko.
Namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko.
Isa... Dalawa.. Tatlo... At sunod-sunod ng rumagasa ang luha na hindi ko alam kung bakit patuloy na tumutulo.
Bakit ako umiiyak?! Bratty labanan mo 'yang malanding yan! Ikaw ang tama! Ikaw ang legal!
Pinahid ko ang mga luha ko.
Pilit kong pinapalakas ang loob ko. At bumwelta ng malupit na tira!
"Ganun? Eh sino kaya yung palagi niyang kasama? Sino kaya yung kasama niya sa isang bubong? Sino kaya yung nagagawa siyang alagaan? At sino kaya yung pinakasalan? Huh?"
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas na ito pero di ako papatalo. Sa volleyball man o kay Fredrick ay hindi ko hahayaang maungusan niya ako. She's just a bitch, but I'm the brat!
But when I thought I already win, she just flip her hair and give a devilish grin.
"Pinagmamalaki mo yang panahon na nakakasama mo siya? Bakla, dream on! Kahit kasal kayo, wala ka namang matris! Never kang mabubuntis! At si Fredrick, lalaki siya. For sure, he will feel longingness for a child from his own flesh and blood. And he can only satisfy his self with a woman...
Like me!"
Nalingat lang ako, naka-score na siya agad. Siguro dahil napa-isip na rin ako sa sinabi niya.
Napatda naman ako sa kanyang paglapit at pagbulong
"~Oh, at bilang bonus sa kalbaryo mo. Ito pabaon ko sayong sweet message...
Pinakasalan ka lang naman niya dahil sa yaman at kompanya niyo eh. Atsaka, wala ka sa kalingkingan ng mga type ni Fred. Ang gusto niya independent, intelligent, at business-oriented, di katulad mo, palaasa sa magulang, bobita, at tatanga-tanga. Ang masaklap pang katotohanan, bakla ka. Kaya dream on na lang bakla. Tignan natin kung hanggang saan tatagal ang ipinagmamalaki mong "marriage" niyo. Pakasaya ka, Hahahaha. Goodluck."
Para akong tinakasan ng ulirat sa bawat matalim niyang salita. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.
At muli, rumagasa ang luha na kanina lamang ay tumulo.
Yet, I wiped it immediately because of the familiar presence.
"Oh! Tapos na akong mag-ihaw. Baka pwede na akong suma---" Bago pa matapos magsalita si Fredrick ay hinaltak na siya ni Cassy at yumakap sa kaniyang braso.
Napayukom ako ng kamao.
"Fred, gutom na kami ni Bessy Bratty. Kain na tayo ng inihaw mo. Tara!"
At tuluyan na ngang nahatak si Fredrick palayo. Pero lumingon pa ang huli upang tignan ako. Binigyan ko na lang siya ng mapanlinlang na ngiti.
At nang lumingon ito ay napaluhod ako, at pinalaya na ang mga luhang kanina pa pilit na kumakawala.
------------------------------------------------
"Anak sino ba yan? Di ko gusto ang presensya niyan dito ha!" Inis na sambit ni Mommy habang nakatingin sa dalawang bultong sumasayaw.
"Oo nga. Bratty, anak. Gusto mo, sugurin na natin? Wagas makalingkis sa anak ko oh! Feeling asawa." Gigil na saad naman ni Mommy Christina.
At bago pa gumawa ng eksena ang dalawang ginang ay pinigilan ko na ito at nina Daddy at Tito Manuel.
"Okay lang yan Mommy, Mommy Christina. Wag na lang natin bigyan ng malisya. Friends lang naman po sila eh." Pagtatakip ko, bagamat ang sariling sakit na nararamadaman ay hirap kong ikubli.
"Pero, parang naaalala ko 'yang mukha ng babaeng yan eh. Parang pumuti lang at kuminis, di ko lang matandaan. AHAS siguro 'yan na nagluno ta---"
"Christina Stop it!" Pagpigil ni Tito Manuel sa hinaing ng kaniyang asawa.
Ayoko ng ganito, ayokong makita silang nag-aaway. Nandito kami para magsaya. Oo tama, maging masaya Bratty.
'Tanga ka talaga'
"Wag na po kayong magtalo-talo diyan. Walang anumang namamagitan sa kanila ng asawa ko kundi friendship lang. Sa halip na punahin niyo po sila, ay bat di na lang po kayo magsayaw?" Masigla/
mapagpanggap kong paanyaya sa kanila.
Na later on ay pinaunlakan naman nila.
Ang saya lang 'nila' titigan habang nagsasayaw. Puno ng pag-ibig at... pag-aalala?
Puno ng pag-aalala ang ipinupukol na tingin nina Mommy, Daddy at Mommy Christina saken. Muli, binigyan ko sila ng malupit/mapait na ngiti.
Bukod tanging si Tito Manuel lang ang masayang nakatingin sa direksyon...
Nina Cassy at Fredrick.
Sino nga ba naman ang hindi mapapangiti sa ganitong tanawin?
Maganda at halos perpektong babae na kasayaw ang gwapo, matipuno, at halos perpekto ring lalaki. Perfect Match.
Sino nga ba naman ang hindi kikiligin sa kanila?
Ako? Oo nga. Ako na lihim na umaasang, mali yung mga sinasabi ko.
Na ako talaga yung perfect match para sa kanya....
Hindi ko alam pero kahit napaka-sweet ng tugtugin sa classic restaurant dito sa resort, ay unti-unting nababalot ng pait ang puso ko.
At sa halip ay masakit sa pusong kanta ang nagpe-play sa isipan ko.
Wish I could be the one
The one who could give you love
That kind of love you really need.
Sana magawa ko ngang maibigay ang pagmamahal na kailangan mo. Sana kaya ng pagmamahal ko na tapalan ang pagkukulang ko.
Sana ako na lang ang mahal mo...
Ako lang...
I Love You...
Goodbye.....
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top