ika-dalawampu't-apat

--Bratty--

Nagising akong dama pa rin ang napakahigpit at napaka-init na yakap ni Fredrick.

Hinipo ko ang kaniyang noo at leeg at mainit pa rin siya.

'Ang tigas kase ng ulo.'
Dahan-dahan akong bumaba ng kama at umalis ng kaniyang kwarto upang magluto ng mainit na sabaw.

Pagkaluto ko nun ay dumiretso na ako sa aking kwarto upang mag-impake.

'Ito na yun, ang huling araw ko dito.'

Mapait akong napangiti. Labag man sa kalooban kong gawin ito pero nakapagdesisyon na ako.

Kahit ngayon lang ay susundin ko ang isip ko.

Matapos mag-impake ay lumabas na ako ng aking kwarto– na sakto ring pagbukas ng kwarto ni Fredrick.

Agad ko siyang inalalayan at tinulungang maka-upo.

"Kain ka na." Ani ko matapos ihanda ang mainit na sabaw para sa kanya.

Pero tinignan niya lang ako na parang– nagpapacute?

"Gusto mo bang subuan kita?" Tanong ko na lang kapagkuwan.

Mabilis itong tumango na parang bata. Kahit kailan talaga...

Matapos ipa-ubos ang pagkain sa kaniya– na inabot ako ng siyam-siyam bago matapos dahil sa kakulitan niya. Ay pina-inom ko na siya ng gamot.

"A-ayaw k-ko." Namamalat man ay pilit ang kaniyang pagtanggi.

"Fredrick wag ng makulit. Kailangan mo nito para gumaling ka agad." Pero ayaw niya talaga pumayag. Ang ginawa ko ay lumuhod sa kaniyang harapan at nagpacute rin.

Pinagdikit ko pa ang dalawa kong kamay na parang nagdarasal.

"Sige na. Uminom ka ng gamot. Please......."

Sinubukan ko lang kung tatalab ang powers ko.

Ipinangako kong hindi na siya ituturing na mahalaga pa pero hindi ko naman pwede siyang pabayaan ng may sakit. Huli na naman ito, I swear.

Nakita ko namang nag-iwas ito ng tingin at namula. Pero tumango din siya bilang pag-oo.

Dahil dun ay agad akong tumayo at iniabot sa kaniya ang gamot at ininom din naman niya ito agad.

Walang sabi ay tumayo ito kaya't nagkumahog agad akong alalayan siya.

Manonood pala siya ng t.v. N.B.A. Finals yah' know but I'm not a fan so I don't care.
Rinig ko rin siyang may tinawagan.

Nagpapaalam na hindi siya makakapasok kaya't paki-cancel daw ng lahat ng kaniyang appointments, si Aling Vicky siguro yung kausap niya.

Ako naman, sa kabilang banda ay naghugas na ng pinggan. Pagkatapos ay pumunta na ng kwarto ko ulit upang magbihis na.

'Kaya mo ito Bratty.'

But the more I said it to myself, the more something in my head tells that...

'Wag mo siyang iwan...'

I heaved a deep sigh at umiling-iling. I even slap my face to stop the tears from forming in my eyes.

Pero napakahirap...

'Bratty, hindi ka niya mahal. Itatak mo yan sa utak at sa puso mo. Hindi ka niya mahal, hindi ka niya minahal, at hindi ka niya mamahalin kailanman. Kaya magtigil ka diyan. Kailangan mo na siyang iwan, palayain.


Hayaan mo siyang maghanap ng totoo niyang mamahalin– at please lang wag ka ng umasang ikaw yun.'

Pilit kong ipinamukha sa sarili kong wala ng pag-asa pa para kayanin ko.

At mukhang nagawa ko nga...

Nakangiti kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko hatak-hatak ang maleta at mga piling gamit.

Ng makita niya ako ay binigyan ko siya ng napakalaking ngiti. Habang siya naman ay napabalikwas ng makita ang aking ayos.

"A-aalis ka? T-teka, bakit hindi ka muna n-nagpaalam? Saan ka p-pupunta? S-sinong kasama mo?" Pagtatanong niya sa paos na boses.

"I'll be leaving... For good..." Simple kong tugon sa mga katanungan niya.

"Ha? A-anong pinagsasabi mo mahal ko? Kung a-aalis ka di sasama ako. O-okay na naman ako eh. Tamo anlakas-lakas ko na." Pinamahanga niya pa ang kaniyang mga biceps.

Pinilit kong hindi matawa...

"Alam ko na ang lahat Fredrick... Noon pa..." Nakangiti pa rin ako. At hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang lakas ko upang komprontahin siya ng ganito.

"A-ang alin yun m-mahal ko?" Napapikit ako at pinigilan ang sarili na ituring lang na wala ang pagtawag niya sa akin ng 'mahal ko.'

"Alam kong hindi mo ako mahal Fredrick. At nagpakasal ka lang sa akin upang makakuha ng mataas na posisyon sa kompanya." Nakangiti pa rin ako. Kailangan ko itong panindigan...

Kaya kakayanin ko.

Kita ko naman ang gulat sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro inaasahang alam ko na.

"Wag kang mag-alala. Hindi naman ako galit. Hindi ako mapagtanim ng galit at isa pa ay, matagal na kitang napatawad. Kahit hindi ka pa man humihingi ng kapatawaran sa akin."
Ang mukha niya ay hindi mapalagay at halatang guilty sa kaniyang mga ginawa. Napatungo na lang siya dahil siguro sa hiya.

"At isa pa. Kung ang ikinatatakot mo ay ang patatalsikin kita sa kompanya ay hindi ko naman gagawin. Kahit nagawa mo akong lokohin ay kita ko namang magaling ka talaga pagdating sa paghandle ng kompanya pero isinusuko ko na ang titulo bilang asawa mo." Inilabas ko ang aming marriage certificate, pinunit-punit, at pinira-piraso ko ito.

"Ayan wala na. Wag kang mag-alala, hindi naman kinikilala sa Pilipinas ang kasal natin kaya makakapagpakasal ka pa rin sa iba kung nanaisin mo. Hahaha."

Natatawa ako sa sarili ko.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kaniyang mga mata. Pero kita kong may gusto siyang sabihin– na hindi niya magawa.

"Ito na pala yung singsing ng pagpapakasal natin, ibigay mo yan sa mapapang-asawa mo balang-araw." Iniabot ko ito sa kaniya.

Ayaw niya pa sana tanggapin pero ipinagpilitan kong ilagay ito sa kaniyang palad.

Napakalamig ng kaniyang kamay.

Tulad ng pakiramdam ko ngayon, para akong nakangiting bangkay.

"Tapos ito na lahat ng ni-regalo mo sa akin nung anniversary natin. Ikaw na lang bahala magsunog. Haha. At ito pa."

Tinanggal ko ang kwintas sa aking leeg na regalo niya nung debut ko noon at di ko pa kasal.

"Tanggapin mo na. Alam kong hindi nararapat sa akin ang regalong ito mula sayo." Sa huli ay kinuha niya na rin ito. Lahat ng ibinigay niya saken, lahat yun iniwan at ibinalik ko sa kaniya.

Bago ako lumisan ng tuluyan ay hinarap ko siya.

"Paalam Fredrick. Salamat sa lahat. Kahit papaano ay napaniwala mo ako sa true love–sa maikling panahon. Sabihin mo kay Mommy Christina na mamimiss ko siya. Salamat din sa effort para mapagtiyagaan mo ako. Ang mga kapalpakan ko. Haha. Tsaka ang pagtitiis sa mga luto kong hindi naman talaga masarap. Alagaan mo ang kompanya ha, palaguin mo at gawing tanyag sa lahat. Kung maaari. Wag kang mag-alala dahil pipilitin kong hindi mo na ako makita kahit kailan. Haha. Sige, paalam. M-Malaya ka na... Fredrick."

'Mahal ko...'

Gusto ko sanang idugtong pero tumakbo na ako paalis. Agad-agad akong pumara ng taxi at nagsituluan na naman ang aking luha– na akala ko'y naubos na.

Masakit magmahal...

Lalo na kung hindi ka mahal ng minamahal mo...

----------------------------------

"Mr. Aguilar!"

"Ay bakang nangitlog!"

Nagising ako mula sa ala-ala ng nakalipas. Hayyst.

Nakakapagod magbanat ng buto. Ganito pala ito kahirap.

"Mukha ba akong bakang nangitlog para sayo Mr. Bratson Aguilar, ha?!"

Haynaku. Ang lapad talaga ng noo ni sir. Lagi pang nakakunot, ang tanda niya tuloy tignan. Well, nakaka-stress nga naman maging manager ng isang restaurant.

"Kalma lang sir. Eto naman, medyo napagod lang po ang ganda ko kaya umidlip lang saglit. Di na po mauulit. Hihi. Pish." Nag-peace sign pa ako sa kanya.

"This would be the third and last warning for you Mr. Aguilar. Kapag naulit ito ire-report ko na ito kay boss." Luh, grabe siya.

"Wag naman po kayong ganyan sir. Sayang yang kapogian niyo. Hihi." Pwee.

"Oo na, oo na. Maliit na bagay. Magtrabaho ka na at ang dami pang costumers. Que bago-bago mo pa lang pinapasakit mo na ang ulo ko. Hayyst. Hirap kumita ng pera!" Natawa ko sa mga pinagsasasabi ni Sir Jarr. Sa totoo lang ay mabait talaga siya, medyo masungit lang as a manager kasi kailangan.
Humayo na ako palabas at nagtrabaho muli. Ganito ang buhay ko tatlong linggo mula ng iwan ko si Fredrick. Monday, Wednesday, Thursday ay waiter ako sa umaga sa isang sikat na restaurant at Tuesday, Wednesday, at Friday ng hapon hanggang gabi ay nagtatrabaho ako sa isang Flowershop.

Mayroon lang talaga akong gustong patunayan. About naman sa pangalan ko ay apelyido ni Mommy ang ginamit kong apelyido para walang makakilala sa akin.

Buti na lang din talaga at hindi ako mahilig magpa-pic in public noon.

Tanggap ko na kung ano ako ngayon at nagiging masaya naman ako.

Noon nga ay nahirapan pa akong ipaliwanag kina Mommy at Daddy pero natanggap din nila ang gusto kong mangyari. Galit sila kay Fredrick pero pinakiusapan ko silang hayaan na lamang ang tao, sinabi ko sa kanilang okay lang naman talaga sa akin at hindi naman ako galit. In fact nakatulong pa siya na ipamukha sa akin ang mga bagay-bagay.

~~~
"Hindi ako gagawa anak ng kilos laban sa Hay-- este lalaking yan pero wag lang siyang magpapakita sakin dahil hindi ako nangingiming paduguin ang mukha niya."

"Daddy!"

"Oo na. Pero wag mong asahan na mapapatawad namin agad yang lalaking yan sa pananakit sayo."

~~~~

Ngayon nga ay wala na akong koneksyon kina Mommy, Daddy, Maureen, Aling Vicky, Mommy Christina, sa lahat.

Gusto kong mabuhay sa sarili kong mga paa.

Gusto kong magsimula sa mababa.

Gusto kong maranasan ang maghirap at magbanat ng buto.

Kaya kahit mahirap ay kakayanin ko ito.

"Brat! Sa table no. 4 ito oh!" Akmang kukunin ko na ang order ng umikot ang paningin ko.

Hayy, napakahina ko talaga...
Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig, at pagsara ng aking mga talukap.

"Brat, uy!"
"Hala si Brat na-tegi na!"

"Gaga, nahimatay lang. Tumawag kayonng medic!"

Siguro katapusan ko na...

Siguro nga...

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top