Ika-dalawampu't-anim

--Bratty--

Parang gusto ko na lang tumakbo ng malayong-malayo mula sa kinatatayuan ko.

Siya? Siya ang big boss?

I cannot!

Sana di niya ako mamukhaan.

NAKAKAHIYA!

Nagtataka ba kayo kung sino ang tinutukoy ko?

Siya ay wala ng iba pa kung hindi si Vincent Ryugie Villaesconde.

Pero mas kilala siya bilang Rogue.

Ang gangster nung elementary days ko.

And yes! Isa rin siya sa mga lalaking nagreject sakin!

Hindi ko kinakaya.

Naalala ko pa nga noon kung paano niya ako ipinahiya sa mismong canteen.

~~~~~~~

"Guys look! Mayroon daw sasabihin ang baklang ito."

Para naman akong napipi.

Kung pwede lang sana higupin pabalik ng malandi kong bunganga ang mga pinagsasabi ko kanina ay nagawa ko na.

'Bata pa lang talaga, malandi na ako.'

"Ano? Hindi ka magsasalita? Ang lakas ng loob mong abalahin ako sa pagkain ko para jan sa kabaklaan mo."

Buo niyang bulong sakin. Puno ng pagkadisgusto at pagkadiri sa akin.

"Gusto daw ako ng baklang ito! At kahit ano daw gagawin niya para magustuhan ko din daw siya. How Pathetic!"

Ipinagsigawan niya pa yung confession ko na dapat ay sa aming dalawa lang.

I just bowed my head and wipe my tears ng magsimula na silang pagkaisahan ako.

"Grabe talaga mga bakla ngayon. Bulgaran na ang kalandian."

"Faggot! Hindi ka magugustuhan ni Rouge!"

"Salot."

"Kadiri."

"Psst, Wampipti."

Nakakabingi na ang mga sinasabi nila kaya nagtatakbo na lang ako.
Pero narinig ko ang sigaw niya.

"Hoy!" Napangiti ako ng wala sa oras. Babawiin na siguro niya yung mga sinabi niya. Kaya malaki ang ngiti ko ng siya ay harapin– pero kamao niya ang bumungad sa akin.

"Haha. Pasensya na bakla. Wala pa akong nakaka-isparing ngayong araw eh. And since gusto mo naman ako, tanggapin mo pa ito!"

~~~~~~~~~

Umuwi akong bugbog sarado nun, Mommy and Daddy kept asking me noon about what happen pero sinabi ko na lang na hinabol ako ng aso at nadapa.

Nagpa-transfer ako agad-agad ng school dahil dun.

All in all, sinubukan ko na lang kalimutan yun. Pero mukhang malabo na ngayong eto siya ngayon! Sa harap ko!

T-teka, SA HARAP KO?!!

"Excuse me, are you deaf? mute? Or something? Why aren't you speaking?"

Yung tono niya ay parang nauubusan na siya ng pasensya. Sa takot ko ay umatras ako ng isa at nauutal na tumugon sa kanya.

"Ah, e-eh. I'm B-Bratson. B-Bratson Aguilar po. M-Magandang umaga po Sir Rogu--I m-mean Sir V-V-Villaesconde."

Gusto kong sampalin ng bongga ang sarili ko dahil sa kaeng-engan ko ngayong araw. Bratty! Compose yourself!

"Cute."

"A-Ano po yun sir?" Kung anu-ano naririnig ko, may tubig pa siguro tenga ko mula sa pagkakaligo kanina.

"Ah, nothing." Nilagpasan niya na lang ako at ang ibang empleyado naman ang kinausap niya, kilig na kilig naman ang mga babae.

Pwes ako naman, takot na takot.

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat na alam ko na naman kung kanino galing.

"Nyare sayo Bratmaylabs?" May pag-aalala sa tingin niya. Binigyan ko na lamang siya ng isang pilit na ngiti.

"Wala yun. Wag mo na akong intindihin Nathan." Pero parang hindi siya naniniwala.

Magpagayunpaman, kahit na nalaman ko ang katotohanang pagmamay-ari ng dati kong minamahal na gangster ang bago kong pinagtatrabahuhan na restaurant.

Masaya na rin ako na mukhang di na niya naman ako naalala. Okay na yun noh, baka sapakin ulit ako niyan pag nagkataon.

And elementary days pa naman yun eh. Syempre, hindi na niya ako maalala pa.

"Brat! Pinapatawag ka ni Sir Villaesconde sa office niya." Ano? As in m-me?

Kahit hesitant ako ay wala naman akong karapatang humindi sa utos.
Tama utos lang ito. At ipinatatawag ako para utusan din, hindi dahil nakikilala niya ako.

Tama. Yun na lang iisipin ko. I can do this.

Kumatok ako ng tatlong beses bago siya tumugon sa loob.

"Pasok!"

Pagkabukas, at pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa pakiramdam. Lalo na at ang mga mata niya ay nakatitig sa akin ng husto.
Ang matang minsan ng nagpahulog sakin.
Teka nga, Bratty umayos ka!

Nakatitig lang siya saken for 1? 4? 10 minutes? Basta ang tagal na.

Tutubuan na yata ng ugat ang mga binti ko.

"Sir?" Naglakas-loob na akong magsalita kasi mukha namang wala naman talaga siyang ipapagawa at dahil nararamdaman ko na nga ang mga ugat na unti-unting tumutubo sa nga binti ko. Charot!

Para namang bigla siyang bumalik sa katinuan mula sa– Ewan? Pake ko ba.

"Leave." A-ano d-daw?

"Ano po sir?" Ang labo eh.

"Akala ko bakla ka lang, bingi ka rin pala. I said leave! Labas sa tagalog kung di mo naiintindihan!" Grabe ha. Below the belt na siya.

"Sige po I'll be leaving na. Pero ito lang po ang masasabi ko. Bratson po ang pangalan ko, but you can call me "Brat" and not "Bakla!"

I have a name po kasi. And marunong po akong mag-English. Di porket waiter ako...
Kami ay mahihina na ang kokote namin. Marangal at maayos kaming nagtatrabaho rito kaya sana naman po ay tratuhin niyo po ako ng hindi tumitingin sa sekswalidad ko, kundi sa pagiging tao ko po. Sir---" Natigil lang ako dahil sa mabilis na pagkilos ni Sir. Namalayan ko na lang na kapit-kapit niya ang kwelyo ng uniform ko.

"And who are you to reprimand me? Huh? Fag?" Eto na naman tayo sa fag-fag na yan. Ise-search ko na nga yan sa dictionary.

"Haynaku. Paulit-ulit na lang tayo sir. I'm Bratson Aguilar and you can----"

"Pinipilosopo mo ba ako?" Ayy. Grabe mga teh. Nakakatakot ang tingin niya. Nakakamatay, hindi sa kilig ha! As in para na akong sinasaksak ng napakaraming kutsilyo.

Ganurn!

"Ah-eh. Di naman po ganun sir. Sinasagot ko lang po----"

"At magdadahilan ka pa talaga." Ano ba! Wala ba siyang balak patapusin ako? Epal eh.

Sa inis ko ay sinalubong ko na lang ng tingin ang kaniyang mga matang nanlilisik.

To be fair, maganda naman ang mga mata niya. Diyan nga ako na-fall noon di ba? Pero noon yun.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa isiping malapit kami sa isa't-isa at halos magka-amuyan na ng hininga. Buti nakapag-toothbrush ako. Kayo ba mga bes kong beks?

Luh.

Ano yun?

May nararamdaman akong matigas sa aking kanang hita. At bago ko pa iyon makita ay itinulak niya ako at tinalikuran.

Problema nun?

"Labas!" Para siyang natatae na ewan sa tono niya sa totoo lang.

"Ah-eh. Wala po ba kayong ipag-uu---"

"Oo. Este, oo-oo wala. Labas na! Bilis!" Kung titigan ako kanina wagas.

Ngayon naman ay hindi ako magawang harapin. Ano bang kinakalikot niya dun?

Lumabas na lang ako at iniwanan siya. Pero parang, may Dejavù? Pakiramdam ko talaga nangyari na ito eh.

~~~~~~~~~~~~~
Hindi ko alam kung bakit pero na-stuck sa ere ang sana ay ika-labing-limang suntok saken. Namalayan ko na lang na nakatitig siya sa mga mata ko.

Hawak ng kaniyang kanang kamay ang kwelyo ng suot kong uniform habang ang kaliwa naman ay ayun, stuck na talaga ng tuluyan.

Naramdaman ko na lang na pinapahid niya na ang mga luha at uhog ko. Ginawa niya yun ng walang salita-salita. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya pero ng tumayo siya at akmang iaalok ang kaniyang mga kamay ay kumaripas na agad ako ng takbo.

Masakit mabugbog ulit noh!

~~~~~~~~~~~~

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top