Ika-apatnapu't-tatlo

-Bratty-

Ngayon nga'y lulan kami ng kotse ni Fredrick sapagkat ihahatid 'di umano nito ang mga bata sa school. Hindi na lang ako humindi o tumutol dahil ayoko pa talaga siyang kausapin.

Magmula ng pag-usapan namin yung kagabi tila ilang na ilang ulit ako sa kanya. Pero somehow, aaminin ko naman, masaya ako. Sobrang saya.

Ganitong-ganito ang pakiramdam namin nung nagsisimula kami dati. At ayoko na parang nauulit na naman ang katangahan ko. Hindi na ulit, at hindi na pwede pa.

Sapat ng isang beses ko siyang inangkin at pinakawalan, ayoko nang maging makasarili ulit.

"Yey, andito na tayo sa school. 'Wag niyo na po kami ihatid sa wooms namin Mommy at Daddy. Bigboys na po kami eh." Nagising ako sa pagkakatulala ng biglang magsalita si Rickson. Nginitian ko na lang silang dalawa at parehas hinalikan sa pisngi bago kumaway.

"Ingat kayo mga anak! Mahal ko kayo!" Ani ko.

"Take care my sons! Enjoy your classes!" Ani naman niya.

Walang sali-salita ay minani-obra niya ang sasakyan. Alam ko na gagawin niyan, ihahatid niyan ako. At kahit humindi pa ako, may magagawa pa ba ako?

Tahimik lang ang byahe tulad ng dati ng mapansin kong, teka. HINDI NAMAN PAPUNTANG RESTAURANT ANG TINATAHAK NAMING LANDAS AH?!

"T-teka, Fredrick. S-Saan tayo papunta?! Uy, may pasok ako. Sandali. Itigil mo yung sasakyan!"

"Mahal."

"Stop it!"

"I won't until you call me Mahal."

'Di ako madalas magmura pero shuta. Kailan pa siya nagkaugaling ganyan? Yung maharot na asal bata?

"Okay! Okay fine! Mahal, stop the car!"

"I won't."

"Pero sabi mo?!"

"I lied. Sorry mahal."

Oh Lord, at mga bes kong beks, bigyan niyo ako ng sapat na pasensya para tiisin na huwag siyang saktan ngayon dahil baka maaksidente lang kami.

Humalukipkip na lang ako at itinuon ang atensyon sa kabilang bintana. Sinusubukan kong maging pamilyar sa dinadaanan namin pero mukhang ang bilis niya lang magmaneho kung kaya't hindi kayang iproseso ng utak ko kung nasaan na ba kami. Pero ang masasabi ko lang, mukhang napapalayo kami sa syudad...

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin sa wakas ang sasakyan. At ang pinaka-di ko inaasahang lugar ang bubungad sa akin.

"Ha? Bakit mo ako dinala dito sa isang park?"

Oh yes, dinala niya ako sa isang park na di ko alam ang pangalan. Lumang-luma na ito at mukhang hindi na napangalagaan pa, dahil sa dami ng mga nagkalatang tuyong dahon at mga damo. Napalilibutan ito ng mga nagtataasang puno kung kaya't ramdam mo ang napakapreskong hangin.

"Hoy, Fredrick Deltran. Yung totoo, balak mo ba akong patayin? Dito sa remote area na ito?" Wala lang pumasok lang sa isip ko, malay ko ba kung may tinatago talaga siyang galit sa akin. Knowing the fact na wala mssyadong napapadaang sasakyan dito, kung patayin man niya ako. For sure, walang makakaalam.

"Chill. I won't ever do that, Mahal. Kung papatayin man kita, sa kilig yun."

Corny.

"Lumang tugtugin na yan, hala ano ngang gagawin natin dito? Magbubunot ng damo?"

Tumawa-tawa lang siya. Hala sige, matuwa ka pa.

"Just follow me." He said at lumabas ng kotse. I was about to open the door on my side nang maunahan niya akong gawin ito.

Ganda ko ba?

Napansin ko namang papalapit ng papalapit ang mukha niya sa pisngi na parang may maitim na balak kung kaya't tinapik ko ang nguso niya.

At nauna nang maglakad. Hmmp. Hindi na ako marupok!

"Damot, parang kiss lang eh."

Somehow, natutuwa ako sa mga paganito niya. Para tuloy gusto ko nang maniwala na...

Mahal niya nga ako.

Masama ba?

"Tatayo ka na lang ba diyan? Upo ka na rito sa piling ko!"

Nasabi ko na bang parang ang harot-harot niya today? Well, ganyan din naman talaga siya dati. Diyan nga ako nahulog sa mga pa-ganyan niya eh.

Tahimik na lang akong naupo sa tabi niya. Syempre, with a three dangkal distance. Sinukat ko talaga mga bes kong beks.

Anyhow, parang nasayang lang din naman ang effort ko dahil hinatak niya rin naman ako palapit sa kaniya.

Ang landi!

"Oh ano na? Tutulala na lang ba tayo sa asul na langit? Mahal ang talent fee ko ha." Pasimple kong biro sa kaniya though nakakarelax ang posisyon naming dalawa.

Pasimple siyang umakbay sa akin at nilapit ang kaniyang nakakapanuksong labi sa aking tenga. At malanding bumulong.

"Odeh, para may magawa tayo... Kainin mo itong saging ko..."

Nagtaas-baba pa ang ulupong ng kaniyang kilay na waring push na push talaga sa baboy niyang ideya.

Ngumiti naman ako ng plastik at kalauna'y pinaghahampas siya ng sobrang lakas!

"Kahit kailan ang lamog-lamog mo! Ang manyak-manyak mo! Presidente ka ng isang malaking korporasyon pero ang bastos mo! Bwiset ka! Bwiset ka! Kainissss kaaa!!! Nanggigigil ako sayo!"

"Uy, mahal! Tama na! Aray, aray! Eto na nga ang saging ko, ilalabas ko na, hindi ka na ba makapaghintay?"

Aba, nanghahamon talaga ang gago ha!

"Hayup kaa!!! O eto, tanggapin mo pa! How dare you to slutify my virgin ears! Lapastangan ka!"

"Aray! Mahal tama na kasi, eto na nga yung saging madudurog na oh."

At inilabas niya na nga ang dilaw na prutas na ubod ng laki at haba.

Natigilan naman ako dahil sa pagkapahiya. Nakakainis, ang dumi ng isip ko!

"Oh, oh, oh. Bat parang namumula ka ata mahal? Luh. Iba naman ata ang iniisp mo eh. Yung totoong saging ko ba?"

"Bwisit! Kahit kailan talaga, nakakairita ka! Ang tanda-tanda mo na hindi ka pa rin nagbabago!"

"Ikaw din naman mahal ah, pikunin ka pa rin. Di ka pa rin nagbabago. Kaya mahal pa rin kita eh."

"YUN NA NGA Eh-ehh huh?" Natigilan naman ako nung matanto ko ang huli niyang sinabi.

Hindi pabulong. Hindi sinaad upang maging lihim. Direkta. Seryoso.

Alam kong totoo.

Pero ang hirap paniwalaan.

"Mahal kita, Bratty. Noon hanggang ngayon. Nagawa ko na bang humingi ng sorry sa mga nagawa ko sayo noon? Oo man o hindi pa, gusto ko ulit humingi ng patawad. Alam kong hindi na nun mababago ang katotohanang niloko at ginamit kita pero... Marami sa mga pagkakataon nung nagsasama pa tayo ang totoo. At nasaktan din ako nung umalis ka."

"Hindi ako umalis."

"Iniwan mo ako."

"Pinalaya kita. Magkaiba yun."

"Nung pinalaya mo ako. Mahal, doon ko napagtanto ang lahat. Di ko matanggap na sinukuan mo ako."

"Hindi kita sinukuan. Tinupad ko lang yung dapat na gagawin mo talaga. Alam kong in no time, hihiwalayan mo rin ako."

"Hindi Bratty. Hindi. That time, ilang linggo bago ka pa man tuluyang umalis, I've contemplated about you, us. Nakita ko yung halaga mo. Na importante ka na rin pala sa akin. At lihim na ako talagang napapamahal sayo. Siguro, hindi ko lang agad natanggap. Kasi to be honest, hidni ka mahirap mahalin. Ako lang naman itong naging bulag. Kaya Bratty, sana mapatawad mo ako."

Hindi ako naiiyak. Pero alam ko sa loob-loob ko. Sobrang saya ko. Ito yung mga salitang pinapangarap-ngarap ko noon na marinig mula sa kaniya. Sobrang saya ko.

"Oo, Fredrick pinapatawad na----"

Bago pa man ako matapos ay sunod-sunod na putok ang nagpatigil sa akin.

"B-Bratty... P-p-patawad... Argh---"

Bumulagta na lang sa harapan ko si Fredrick habang habol-habol ang kaniyang hininga at patuloy na rumaraga ang kaniyang dugo sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.

"F-Fredrick... Hindi... Fredrick. Huy! FREDRICK!!! FREDRICKKKKKKKKK!!!!!!!!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA. Buti nga saenyo mga bakla. Akala ko pa naman mapapakinabangan ko pa ng matagal-tagal yang lalaking yan pero mukhang lumabas din ang tunay niyang kulay. Sayang, gwapo pa naman si Fredrick at masarap pa sa kama! Tapos, ano 'to? Maabutan ko lang na naghaharutan kayo rito sa parke na binili niya out of nowhere?! Ano 'to bl series?! Wag niyo nga akong patawanin. May reservation na kayo sa impyerno mga ungas! BWHAHAHAHAHAA."

Ikaw ang Demonyo Cassandra. Wala kang puso!

"B-Bratty. T-takbo.. I-iwan mo n-a--"

"Wag ka na magsalita Fredrick! Dadalhin kita sa ospital!"

"Ospital? Baka sa punerarya bakla! At wag ka na magpakabayani pa, dahil dito na kayo mamamatay."

Tinutok niya na nga ang hawak niyang baril sa akin at kalauna'y nagpakawala ng putok.

At naramdaman ko ang hapdi, ng sunod-sunod na balang tumama sa akin, na tumagos sa katawan ni Fredrick. Pagkat ginawa niyang panangga ko ang sarili niyang katawan.

"F-Fredrick..."

"B-Bratty..."

Dinuraan niya kami sa mukha bago tinutukan muli ng baril.

"Dalawang putok, tigisa sa sintido niyong dalawa. Hala, paki-hi na lang ako kay Satanas. #Lovewins!"

At madilim.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top