Ika-apatnapu't-apat
-Bratty-
"FREDRICK!!!"
NAPABALIKWAS AKO NG BANGON
dahil sa isang napakasamang panaginip. For the pahid ako ng pawis mga bes kong beks, daig ko pang naligo jusq!!!
"Haaa, ahhhh. Hoo!" Sinusubukan kong kumalma upang pigilan ang aking paghingal. Pakiramdam ko sumisid ako sa tubig na malalim na malalim at ngayon lang nakaahon.
"Mommy! Good Mowning powwww!!!" Nagulat naman ako sa pagsulpot ng mga anak ko na may dala-dala pang tray ng pagkain.
"Hala!!! Okay ka lang Mom? Wickson, give me the watew." Hindi ko naman tinaggihan ito at agad nilagok ang isang basong tubig. Jusko, sobrang tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya hindi ako agad nakapagsalita.
"G-good morning mga a-anak. Ang agap niyo namang nagising, ano yang d-dala-dala niyo?"
"Okay na po ba kayo Mom? Masama po ba pakiwamdam niyo po?"
"Oo nga Mommy, did you dweam something bad po? Naku, siguwo nakalimutan niyo po magpwey kagabi kaya po kayo nagka-bad dweam. Haynaku, Mommy talaga. Tsk, tsk, tsk."
"Kayo talagang dalawa ang kukulit niyo. Hahaha. Oh, sinong nagluto nito? Teka don't tell me nagluto na naman kayo ng kayo lang? Mga anak, how many times do I have to tell you na delikado pa para edad niyo ang magluto. Paano kung napaso kayo, patingin nga ng mga braso niyo!"
Todo alala kong tinignan ang bawat kanto ng braso nilang dalawa bilang isa akong praning na ina. And I'm proud of it!
"Mom, hindi naman po kasi kami ang nagluto niyan ih."
"Eh sino? Multo?"
"Gwapo ko namang multo."
Natigilan naman ako at takot na takot na tinignan siya. Tama ako, hindi ako nag-iilusyon. Si Fredrick ang nagsalita. Buhay siya, wala siyang kahit anong galos.
Tama panaginip lang ang lahat.
Pero...
Takot na takot ako.
"Okay ka lang?" His smirk is now turned into a worried look.
Umiwas na lang ako ng tingin at tumango.
"Okay fine. Basta kumain ka na lang diyan. Nakakain na kaming mga bata. Dalian mo't male-late na sila."
"Ha? Bakit?"
"Anong bakit? Dali, ihahatid ko kayo."
><><><
ANUMANG pagtanggi ko ay napilit ako ng kambal na sumabay sa kanilang ama. And knowing me, hindi ko kayang tumanggi sa kanila.
Kanina ko pa napapansing panakaw-nakaw ng tingin sa akin si Fredrick. Siguro napapansin niya ang pananahimik ko.
Hanggang ngayon naiisip ko pa rin kasi ang napanaginipan ko. Parang masyadong totoo. At ano namang ginagawa ni Cassandra doon? Parang di naman niya kayang gawin ang ganoon ka-brutal na bagay. Masama ugali niya minsan pero mukhang di naman aabot sa tipong makakapatay na siya ng tao.
"Dito na tayo mga anak..."
"Yey, andito na tayo sa school. 'Wag niyo na po kami ihatid sa wooms namin Mommy at Daddy. Bigboys na po kami eh."
Tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig ng marinig ko ang sinabi ni Rickson. Naramdaman ko rin ang panginginig ng aking mga kamay at tuhod.
"Take care my sons! Enjoy your classes!"
Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Fredrick. Bakit niya... B-Bakit?
"I-ingat mga a-anak." I managed to say kahit nanginginig ang aking bibig.
Mabuti at hindi nila yun napansin at masaya silang humakbang papasok ng gate ng kanilang school.
Walang sali-salitang minaniobra ni Fredrick ang sasakyan kung kaya't agad akong naalarma.
"S-sandali, Fredrick!"
"Bakit mahal?"
BAKIT NIYA SINABI YUN?!
"Itigil mo ang sasakyan."
"Ha? Bakit mahal? Ihahatid kita."
"Itigil mo sabi."
"I won't, if you call me mahal." Nagbibiro pa niyang ani.
"ITIGIL MO ANG SASAKYAN!!!"
Nawala ang mapagbiro niyang ngisi at napalitan ito ng pagtataka. Ako man, nagtataka dahil naapektuhan ako ng mga nangyayaring Deja Vú mula sa panaginip ko
"Ito na, ititigil ko na. Bakit ka ba nagagalit?"
Pagkahintong-pagkahinto ni Fredrick ng sasakyan ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Ngunit bago ko man yun tuluyang nagawa ay nagawa akong kapitan ni Fredrick sa aking kaliwang siko.
"May problema ba tayo Bratty?" Tanong niya or pwede ko rin sabihing pagsusumamo niya. Yun tonong parang nanunuyo ng isang taong nagtatampo?
Parang batang nagsusumamo sa kaniyang ina na siya ay pagbigyan.
Pero may napagtanto ako. Baka ang panaginip ko ay isang babala.
Babala na...
Kahit paikut-ikutin natin ang mundo, hindi naman talaga kami nababagay na dalawa.
Itong paghawak niya sa akin, ang pagpigil sa akin na umalis, hindi niya dapat ito ginagawa. Hindi dapat nagbago ang nararamdaman niya, hindi niya dapat na-realize yung halaga ko.
Okay na ako na ako yung nasasaktan, sanay na ako. Ayoko na siyang idamay sa kamiserablehan ko. Kasi, kahit saan ko tignan. Wala naman kaming patutunguhan.
Sabihin na natin na nagka-anak kami, pero matatanggap ba kami ng lipunan? Aminin man natin sa hindi, marami ang manghuhusga. At tapos na ako dun.
At higit sa lahat, hanggang ngayon...
Hindi pa rin naman talaga ako naniniwalang mahal niya ako.
"Wala tayong problema Fredrick. Wala tayo, walang tayo. Naiintindihan mo ba? Sir? Kaya bitawan niyo na po ako kasi male-late pa ako sa trabaho ko. Ikaw ba? Wala ka bang ibang gagawin bukod sa landiin ako?"
Lakas loob kong saad sa kanya. Tila hindi naman siya makapaniwala sa mga nasabi ko ngayon, ako rin man. Pero nasabi ko na, papanindigan ko na lang.
Hindi ko na hinintay na magsalita siya at naglakad na ako patungong sakayan. Di rin nagtagal nakarating na ako sa resto.
Pamilyar na mga mukha, nakangiti, ganun pa rin, isang nakakapagod na araw— na hindi ko na namalayan dahil sa pagkalutang.
"Bratmaylabs, okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo? May gamot ako rito." Dala ng kasamaan ng timpla ay 'di ko sinasadyang may masabing mga salita na— di ko na mababawi pa.
"Pake mo ba? Wag mo nga akong kulitin. Lubayan mo ako."
Na siyang kina-guilty ko dahil banaag na agad sa mukha niya na parang maiiyak siya.
Luh.
"Ah... S-sorry Nathan, I think I gotta' go, puntahan ko lang mga bata. Sorry, dala lang ng pagod." Hindi ko na hinintay ang kaniyang tugon dahil agad na akong lumabas ng resto at nag-abang ng taxi.
Pagkarating na pagkarating ko sa school ay nakangiti ko agad na tinan-awan ang silid-aralan ng aking mga anak. Lumalaki na sila talaga at mas nagiging independent na. Nagagawa na nga nilang pumasok ng sila-sila lang, di tulad dati na hanggang pagpasok sa room nila halos kailangan nakasunod ako kundi papalahaw sila ng iyak.
Lumipas ang oras at naglabasan na ang mga bata...
Ang aking mga mata nama'y aligaga sa paghahanap sa aking mga anak.
Nasaan na kaya ang cute na kambal ko? Siguro nagpapabibo pa sa room kaya ang tagal lumabas— natulong pa siguro sa kanilang teacher na ubod ng gwapo.
Speaking of Sir Kiel andito na siya sa aking harapan, kung kaya't pasimple akong naghawi ng buhok at ngumiti sa kaniya.
Pero sinalubong niya ako ng nagtatakang tingin, at parang nabalisa siya agad. Luh, ganda kong 'to? Para siyang nakakita ng multo.
"M-m-miss, Aguilar? I thought, you're in the hospital due to an accident? But you seemed so fine?"
"Ano pong s-sinabi niyo Sir Kiel?"
"Your cousin came rushing here to inform the twins na naaksidente ka, nagpresent din siya ng I.D. and other papers to prove it, kaya sumama sa kanila ang mga bata. P-pero, y-you're here. T-teka Miss Aguilar, sandale! Where are you going."
Hindi.
Lahat ng kamag-anak ko.
Nasa states na.
At kung sino mang nasa likod neto, magbabayad siya ng triple kung mapapahamak ang mga anak ko! Hayop siya!
Nanginginig-nginig akong nakalabas ng school sa galit at handa ng pumara ng sasakyan ng magvibrate ang telepono ko.
Tinignan kong mabuti ang isang unregistered number na tumatawag sa akin.
Walang dalawang isip ko itong sinagot.
"Well, well, well. Kamusta ka na, Bratson Dela Vega? It's been a long-long time..."
"I-ikaw?!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top