Ika-anim

--Bratty--

Letse! Ang bigat ng ulupong na ito. Yung totoo tao ba 'to o aparador. Nanlilimahid na ako sa lagkit matapos ng mahaba kong pinagdaanan papunta rito tas magbubuhat naman ako ngayon ng doble ng bigat ko?!

"Ano ba! Magpagaan ka naman! Letse ang bigat-bigat mo!" Wah!!! Ang kamay ko nagkakasala na.

Ang siste yung mga kamay ko nasa may bandang kili-kili niya. Damang-dama ko ang mga maskels! Jusko! Mahabaging langit! Nakikiliti ang mga kamay ko sa buhok ng kili-kili niyang ginandahan ng tubo.

"God! Totoo nga, hindi ako nananaginip. Nandito ka nga..." Nanghihina pa nitong saad pagkatapos ay kinulong ang pisngi gamit ang dalawa niyang malapad at may kakapalang mga kamay.

The heck! Ganito ba ito 'pag may sakit. Gaad! Ang sakit niya sa tumbong!

"Oo, ako nga ito. At kapag hindi ako nakapagpigil iiwan kita dito mag-isa." Hindi ko alam pero matapos kong sambitin ang mga katagang iyon ay mula sa paghawak sa aking mga mukha ay nauwi sa napakahigpit na yakap ang aming tagpo.

Bale nakaupo siya, habang mahigpit akong yakap ng maskulado niyang braso, nakapulupot ang kanyang binti sa aking likuran at nakapatong ang kanyang baba sa aking kaliwang balikat.

Hindi ba uso sa lalaking ito ang salitang awkward?

Mukha na ba akong sanga para lambitinan ng unggoy na ito?

"Huwag mo akong iwan. Dito ka lang. Dito ka lang...
mahal ko..." Halos pawian ako ng ulirat sa mga pinagsasasabi niya.

Kumpirmadong-kumpirmadong may sakit nga ito.

Nanindig naman ang mga inahit kong balahibo ng manaka-naka pa nitong halikan ang balikat at pisngi ko. Ang mas ikinabigla ko pa ay ang pagluha niya.

Teka nga! Ano bang nangyayari kay ulupong? Wala sa script 'to ah!

"Dito ka lang ha. Dito ka lang."
Pagsusumamo nito at pinakatitigan ako. Halos mahipnotismo ako sa mga mata niyang napakagaganda bagamat bakas ang naglandas na luha dito kani-kanina lang.

I don't know why but I just found myself nodding at him. Agreeing on what he said a while ago.

Itinukod niyang muli ang kaniyang baba sa aking balikad at makalipas ang ilang minuto ay naghihihilik na ito.

Hindi ko maintindihan ang mga kinikilos niya. Katulad ng kung paano hindi ko rin maintindihan ang napakabilis na pagkarera ng puso ko.

I always have been liking guys in the past but I never felt as same like ulupong. Kakaiba siya, sobrang kakaiba to the point na baka mas malala na sakit ang idulot nito saken kung mauuwi lang din pala sa rejection.

Dahan-dahan kong inalalayan si Fred patungong silid-tulugan niya. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko siyang dalahin dun. Hindi ko rin alam pero parang naubos bigla ang lahat ng lakas ko at hindi na ako makapag-joke.

Pero seriously, siya lang ang may sakit na naka-boxer lang. Lubos na kilabot naman ang naramdaman ko matapos isipin ang nakatago roon. Gayundin sa ala-alang napadampi ito sa hita at tuhod ko matapos ako nitong yakapin kanina.

Iwinaglit ko na lang ang kamunduhang nasa isip ko at pinagsilbihan si Fred. Hindi ko rin alam kung bakit nawalan ako ng ganang tawagin siyang ulupong. Siguro'y marahil sa pagkahabag sa sitwasyon niya.
Mag-isa lang kasi lang siya sa condo unit niya at mahirap 'yun. Mahirap ang mamuhay ng mag-isa, lalo pa't mahirap ang trabahong kinakaharap niya araw-araw.

Kaya siguro napalapit si daddy sa kanya dahil sa ganito rin siya noon. Mag-isang nakipagsapalaran sa buhay dahil malayo sa pamilya. Nagsumikap, at nagtagumpay. Sa gitna ng kaniyang pakikibaka ay nagkrus ang landas nila ng aking butihing ina at doo'y nagsanga ang wagas na pagmamahalan.

Kahit na madalas ay inis-inis ako dito kay Fred, ramdam kong napakabuti niya namang tao.
Matapos ko siyang linisan at bihisan ay humayo ako papuntang kusina at ipinagluto siya ng lugaw. Ang pambansang pagkain ng mga may sakit.
Di nagtagal ay natapos na rin akong magluto at nagising na rin siya.

Ikinuha ko siya ng isang mangkok ng lugaw at sinubuan. Walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi naman siya umaangal nung sinubuan ko siya kaya't tinuloy ko na lang. Ramdam kong mataman lang siyang nakatitig saken pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito.

Malamang siguro ay namamangha na nandito ako.
Hindi ko na lang inisip yung mga sinabi niya kanina dahil baka bunsod lang 'yon ng sakit niya at naalala lang ang kaniyang minamahal.

Ng matapos ko siyang pakainin ay lalabas na ako ng kwarto niya.
Ngunit bago yun ay nagsalita siya.

"M-Maraming S-salamat."
Nanghihina bagamat puno ng sinseridad niyang saad.

"Uhm, wala yun. Nandito lang sana ako para humingi ng sorry sa mga nagawa at nasabi ko sa'yo noon sa birthday party ko. Pasensya na, hindi ako nag-iisip nung mga panahong yun. Nandiyan nga pala ang peace offering ko sa ibabaw ng katabi mong lamesa. Sana tanggapin mo. Uhm, yun lang." Nahihiya kong saad.

Halos matampal ko na ang sarili ko dahil may kalahating pagkapabebe ang pagsasalita ko. Pasensya naman, ganun ako magsorry eh.

"Naku n-nag-abala ka pa. Yung fact na n-nandito ka pa alagaan ako. Sapat na yun."

Hindi ko alam pero parang napakalambing ng tono niya ngayon pero ipinagsawalang-bahal ko na lang yun.

Lalabas na sana ako ng pigilan na naman niya ako.

Yung totoo, nangangalay na ako sa mga hawak kong hugasin. Kung wala lang siyang sakit ay inihambalos ko na 'to sa mukha niya.

Dejoke lang.

"Uhm, Bratty. Pwede bang pag galing ko. Lumabas tayo?" Napaawang ang labi ko sa pagkabigla sa mga sinasabi niya.
Niyayaya niya ba akong magdate?

Myghad. For the first time in forever makakaranas na akong magdate at hindi mag-i-imagine lang. Lihim akong kinilig sa bagay na 'yon.

'Lumalandi ka na naman Bratty!' Kastigo ko sa sarili ko.

"Don't get me wrong ha. It is just like a friendly date. Gusto ko lang sanang magsimula tayo sa simula ulit. We're in the good terms right?" Tumango naman ako sa sinabi boys bagamat nadismaya sa term na 'friendly.'

"To make it formal, ako nga pala si Fredrick Deltran. And you are?" Sabay lahad ng kanyang kamay.

Naiilang man ng kauntian ay nagawa kong lumapit upang kamayan siya.

"Ako si Bratson Dela Vega. Just call me Bratty." Nangingiti kong saad.

Hindi ko alam, pero parang ito na ang simula ng malaking pagbabago sa buhay ko...

***********

"Salamat sa mga nagbabasa at nagvote. Hihi."

-NOTA

SUNDAN...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top