Chapter 9: Flam

Thursday of November

Ako si Flam. Second year student at mula sa class II-C. May mga kaibigan akong wierd. Kasama doon si Phoebe at Janet na mahilig sa mga paranormal. Hindi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan kapag sila ang magkasama kaya nakikinig na lang ako sa tabi.

Noong una, hindi ako naniniwala sa mga kaluluwa o mga multo dahil wala pa naman akong nakikita pero nang may nangyaring kakaiba sa school, mas lalo na sa classroom namin at sa session room, hindi ko na mapagkakaila ang mga ito.

Katulad ng ibang school, may mga kwentong katatakutan din sa amin, katulad na lang ng mga usap-usapan kung saan may nakita daw silang kaluluwa ng bata, lady in white, o kaya isang matandang may tungkod. Halo-halo ang mga kwento kaya hindi mo alam kung ano ang paniniwalaan hanggang sa puntong kami na ang nakaranas.

Nagsimula ito noong biglang nanlamig at may malakas ba ingay ang bumulabog sa silid naming class II-C habang wala pa ang guro. Nagsibasag ang mga bintana at nagsisigalaw ang mg upuan at lamesa. Nakalabas kaming lahat na walang galos mula sa tulong ng dalawang class officers. Si Steve at Rue ang naglakas-loob buksan ang pintuan sa gitna ng kaguluhan. Sabi ni Phoebe at Anne pwedeng 'poltergeist' daw iyon.

Pinaalam ni Laura at Russel, ang dalawa naming classmate ang nangyari sa mga faculty members pero hindi sila naniwala, dahil kahit kami ay nagulat nang balikan ang silid. Bumalik ito sa dating ayos at parang walang nangyari, na sa aming alaala ay halos nagkagulo ang lahat ng mga kagamitan at nagsibasag ang mga bintana. Para bang nagkaroon ng misteryong pagasabog, at pagbalik namin, panaginip lang ang lahat.

Kaya sa sumunod na araw ay naging malaking usapan ang class II-C sa school. Hindi lang iyon. May nangyari namang kakaiba sa parehong week- sa session room, noong nagkaroon ng meeting sa buong batch ng second years para sa magaganap na Recollection Day nung Friday ng September.

Wala ring guro nung oras nang biglang bumagsak ang temperatura. Walang malakas na ingay na bumagsak katulad sa nangyari sa amin sa II-C pero nakarinig kami ng ingay ng mga yabag at paghampas sa mga pader. May narinig din kaming parang mga yapak ng maraming tao na hindi makita.

Kitang-kita naming magkakasama ang biglaang paggalaw mag-isa ng mabigat na teacher's table, na sa paghampas nito ay nagka-watak-watak. Muntikang matamaan si Craig kung hindi pa siya nahila ni Rue. Laking gulat din namin nang magsibasag ang mga bintana. Wala namang nasugatan sa mga pangyayari at buti na lang hindi malala. Pero sabi ng faculty earthquake lang daw iyon.

Pagdating ng Saturday, ang umaga bago magsimula ang recollection day events, nalaman kong may nangyaring kakaiba naman sa principal's office habang nandoon ang school principal, pero unti lang ang nakakaalam. Si Phoebe ang nag-kwento sa amin ni Janet, sa nangyari dahil nagkataong napadaan siya doon nang mangyari iyon.

Hindi na ito maibabaliwala pa ng school kaya nagkaroon ng dasal sa araw ng recollection day nung September. Pinangunahan ito ng isang paring nagkataong bumisita sa paaralan at kagagaling lang mula sa Europe, si father Louis Duchueven. May alam siya sa mga ganitong bagay at maswerte kami dahil tamang-tamang sumakto ang kanyang pagbisita.

Mukha ngang masamang panaginip ang mga nangyari dahil wala na kaming naramdamang kakaiba matapos ang sinagawang dasal. Pero makalipas ang dalawang buwang katahimikan at dumating ang huling linggo ng Nobyembre, sa araw na ito, hindi namin alam na nagsimula nanaman ang mga kakaibang pangyayari.

"May nagising." Abala kaming nag-aayos ng silid para sa darating na school booths at Intramural's week nang biglang nahulog ni Janet ang dala niyang box sabay napabigkas sa mga salitang iyon. Ako lang ang nakarinig dahil malapit ako sa kanya. Nakatulala siya at nang tumingin siya sa akin, pinipinta ng pangamba at takot ang mga mata niya.

Mabilis na dumating si Remy, isa sa mga classmate namin sa class II-C. May pagkamahaba ang medyo kulot nitong buhok na aabot sa kanyang dibdib.

"Narinig niyo lang ba ang nangyari kay Phoebe?" Ginilid niya sa likod ng kanyang tainga ang ibang hiblang humarang sa kanyang mukha nang lumapit sa amin at nagtanong.

"A-anong nangyari sa kanya?" mabilis kong paggising sa diwa dahil sa kakaibang reaksyon ni Janet, pero ngayon ay binalik niya na ang kanyang seryosong mukha at pinunta ang atensyon kay Remy.

Nang magsasalita si Remy, narinig namin ang malakas na halakhakan ni Kevin at Harvey, ang dalawang lalaking maingay at pasaway na classmate namin. Kinuha nila ang halos lahat ng atensyon sa silid dahil sa lakas ng tawa nila.

"Nakita mo 'yun? Grabeng basang-basa si Phoebe," wika ni Harvey habang hawak-hawak ang tiyan dahil sa kakatawa.

"Ang ganda ng sikat ng araw, pero parang naligo lang siya sa ulan," tuloy naman ng kasama nitong si Kevin na sumasabay sa pagtawa. "Nahulugan ata ng tubig na naipon sa bubong."

"Oh! Ang lakas nga ng ulan kagabi. Baka yun nga!" natuwang turo ni Harvey sa kasama nang maalala ang mabigat na ulan kahapon, saka natawa muli. "Ang malas naman niya!"

Oo nga, wala si Phoebe sa silid. Mula sa maingay na usapan ng dalawa, nakita daw nila si Phoebe na basang-basa nang mapadaan sila sa hardin sa likod ng school at iyon ang kanilang tinatawanan. Pero dinaanan lang nila si Phoebe nang makitang basang-basa siya? Talaga? Kevin at Harvey? Napakunot-noo akong napatingin sa kanila.

Napatigil ang dalawa sa masaya nilang tawanan nang makita ang paglapit ni Janet. Sumunod rin kami ni Remy at tinanong sila na may halong irita at pagtataka sa tono. "Ni hindi niyo man lang ba siya tinulungan o kaya tinanong kung ayos lang siya?"

Sa huli ay wala rin lang kaming nakuhang impormasyon sa kanila maliban sa narinig namin kanina. Habang natatapunan sila ng mga tanong at salita mula kina Remy at Janet, napatingin ako sa isang dako, sa pinakadulo ng silid na hindi pansin.

Nandoon si Rue at inaasahan kong nakatingin siya sa amin at nakikinig sa usapan pero... Eekk! Anong ginagawa ni Wain dito? Katulad ni Harvey at Kevin, isa rin si Wain sa grupo ng tinatawag naming 'noisy troupe' sa II-C. Akala ko nasa labas siyang nagpipintura. Manggugulo nanaman ang taong ito.

Buti na lang at hindi kami ang kanyang nilapitan kundi si Rue. Napansin kong may pinag-uusapan silang dalawa habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakabukas ang bintanang iyon at pumapasok ang malamig na hangin habang hindi ko mapigilang magandahan sa imaheng nakita.

Ang guwapo nga talaga ng aming class president at ang cool din ng kanyang tindig kahit taimtim lang siyang nakatingin sa labas ng bintana. Kahit si Wain, mapapansing gwapo din kung hindi lang sa magulo niyang pag-uugali. Pareho silang may pagka-slender ni Rue. Kahit simpleng porma ay maganda nang tingnan sa kanila.

Silang dalawa lang ang nasa bintana. Mula sa maayos nilang tindig at porma, gumagawa na sila ng isang magandang larawan, hanggang sa nakita kong hinablot ni Rue ang nakatuping tela na nakapatong sa lamesang malapit sa kanila, saka siya tumalon palabas mula sa bintana ng walang nakakahalata maliban sa kasama niyang si Wain at sa akin na nagkataong nakita ko.

"Sa tingin ko, may nangyaring kakaiba kay Phoebe."

Nakuha ang atensyon ko nang marinig ang sinabi ni Janet sa tabi ko, saka napansin kong wala na sila Kevin at Harvey sa aming harapan. Baka tumakas bago pa sila masabihan ng kung ano-ano.

"Sinasabi niyong may mga kakaiba rin siyang nararanasan, di ba?" napaisip na banggit ni Remy.

Minsan may mga sinasabing kakaiba si Phoebe pero binabalewala lang namin, dahil mukhang hindi siya sigurado at padaan niya lang itong sinasabi kaya hindi pinagtutuunan ng pansin.

Malakas rin kasi ang kanyang imahinasyon kaya parang normal na ito sa amin. Pero kung iisipin, pwedeng may katotohanan ang kanyang mga pinagsasabi, katulad lang nung parang may nakita siyang bata dati at naulit iyon kahapon na hindi niya alam kung imagination niya lang o kaya nananaginip lang siya ng gising.

"Puntahan na nga lang natin siya." Napasang-ayon kami sa suggestion ni Janet at nagmadaling umalis sa silid.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top