Chapter 8: Written Words

Saturday of September

Sa umaga ng Sabado matapos ang morning assembly, lahat ng second years, ang batch na may pasok lamang ngayong araw, ay pinapunta sa social hall para masimulan ang activity. May mga grupo na rin ng facilitators na dumating upang pangunahan ang activity. Hinati nila kaming mga estudyante sa pitong grupong naaayon sa aming birth archangels.

May pitong archangels; Saint Gabriel (Monday), Saint Rapahel (Tuesday), Saint Uriel (Wednesday), Saint Sealtiel (Thursday), Saint Jegudiel (Friday), Saint Barachiel (Saturday) and Saint Michael (Sunday).

Si archangel Gabriel ay kilala bilang God's messenger angel at ang meaning ng pangalang Gabriel is 'God is my strength.' Si archangel Raphael naman is known as an angel of healing and protection, mula pa sa meaning ng name niya na 'God's healing.' Si archangel Uriel ay kilala bilang angel of truth and wisdom at ang meaning ng name niya ay 'God is my light.'

Si archangel Sealtiel ang angel of prayer na mahahalintulad din sa meaning ng pangalan niya- 'prayer of God.' Si archangel Jegudiel naman ay kilala bilang angel of work at ang meaning ng name niya ay 'praise of God.' Si archangel Barachiel naman ay kilala bilang angel of blessings, na ang meaning ng name niya ay 'God's blessing.'

Lastly, si archangel Michael is known as 'chief of the angels' at ang meaning ng name niya ay 'who resembles God.' Kilala siya bilang supreme commander of the heavenly army. Isa siya sa mga pinaka-kilalang angels, mas lalo na dahil siya ang nag-lead sa battle against rebellious angels at pina-alis sila sa heaven casting them into hell, according sa book of Revelation.

Sa activity ngayon, ang birth archangel ko pala ay si Saint Sealtiel. As the angel of prayer, tumutulong siya sa pag-communicate ng prayers to Father God, improve faith at pag-iwas ng mga distraction kaya he also known to preside over exorcisms.

Ito ang summarize sa lesson and activity namin ngayong umaga, pero magkakaiba actually ang interpretations sa pagkakaalala sa mga na-research ko nung pina-assignment sa amin ito dati noong first year kami. Medyo nakakalito. Sana nga lang maalala ko dahil may pa-quiz daw mamaya.

Nagpatuloy ang activity habang hindi ko sinabi sa sino man ang nangyari kanina sa principal's office, kahit gusto kong sabihin kay Janet. Napagsabihan kami ni Rue na huwag naming ipagsabi para hindi maantala ang mga batchmates.

Film-viewing ang naka-schedule before lunch. Ang location ay sa social hall ulit. Malawak ito at kayang ma-accommodate ang numero naming batch kasabay ang mga activities. Pumunta kaming mga estudyante sa bawat komportableng upuan na mapili para pumyesto.

Habang napupuno ang mga upuan, agad na tumabi sa akin si Janet at si Flam na classmate ko rin sa class II-C. Nang magsimula na ang film viewing, bumulong si Janet sa akin.

"May naramdaman akong kakaiba kaninang umaga, pero nawala din."

Hindi ko alam ang sasabihin dahil tama ang kanyang hinala habang pinilit kong ibalik ang focus sa pinapanood. Pero dahil parang hinihintay niya akong magsalita, naghanap ako ng topic hanggang sa makita ko ang bracelet sa kamay niya.

Simple ang bracelet na iyon, binubuo ito ng mga munting magkakaibang bato, magkakaibang kulay at hugis pero magkakaparehas ang laki. Maganda ang mga bato na parang magkakaibang diyamanteng nagkukulay kapag natamaan ng liwanag. Nakwento sa akin ni Janet na bigay ito ng yumao niyang lola at ito rin ang hinagis niya sa salamin kahapon na maaaring tumulong na mapatigil ang kaguluhan sa session room.

"Yang bracelet, para bang charm 'yan sayo?" tanong ko sa mahinang tono.

Inangat at hinawakan niya ang mga bato ng bracelet na parang may inaalalang nakaraan. "Palagi akong nakakaramdam ng mga nakakatakot at kakaiba simula bata. Minsan naiiwan sa akin ang pakiramdam at hindi maganda ang resulta nito. Pero simula nang pinasuot ito sa akin ng lola ko at siguro nasanay na rin, hindi na ako masyadong apektado sa mga kakaibang nararamdaman. Parang hindi na dumidikit sa akin, kung naintindihan mo ibig kong sabihin."

"Baka ang ibig mong sabihin, hindi ka na masyadong psychologically affected?" napatingin naman kami ni Janet kay Flam dahil nakikinig pala siya.

Si Flam ay isa sa mga kasama namin, classmate at may alam patungkol sa kakayahan ni Janet. Naalala ko, kasama din pala siya kanina nila Anne sa ginagawa nilang 'seance.' May pagka-carefree talaga ang ugali niya kahit mukang tahimik, halata rin sa mala-baby face niyang mukha na pinatingkad pa dahil sa maikli niyang buhok na abot hanggang balikat.

"Parang gan'un na nga," sagot naman ni Janet.

Napatingin na lang ako sa kanilang dalawa dahil naalala ko ang nangyari sa session room. Kaya pala hinagis niya sa salamin at doon tumigil ang paggugulo sa silid. "Isa sigurong protective charm yang bracelet mo, Janet."

Matapos ang film viewing at lunch, abala ang lahat na gumagawa ng reflection sa buong activity kaninang umaga, nang bigla akong napatawag at pinalabas. Maya-maya, sumunod si Janet na pinatawag din. Nasa hallway kami, sa labas ng social hall habang nagtatakang nakatingin kay Steve, ang class vice pres ng II-C na nagtawag sa amin.

"Pinapatawag kayo ni father Louis sa director's office," sabi nito habang naglalakad at nagtatakang nakasunod kami sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Janet habang napakunot-noo.

"Yung ginawa niyong 'seance' kanina. May nangyari daw."

Aangal sana ako kay Steve para ipaalam na hindi kami kasali ni Janet sa seance, pero nakuha ang atensyon ko sa sinabi niyang may nangyari, masa lalo na sa mga sumunod pa nitong sanaysay.

"During film viewing kanina na occupied tayo sa panunuod, sila father Louis at ibang facilitators, sinumulan na nilang dasalan ang ibang parte ng school. Pagkadating nila sa proposed building, sa first floor, doon sila may nadatnan na kakaiba. Doon niyo ginawa yung tinatawag niyong 'seance,' di ba?"

"Sila Anne 'yun, hindi kami kasali," sabat ko, saka naman mabilis na sumingit si Janet.

"Anong nangyari?"

"Iniwan niyo daw na naka-sindi yung kandila at maraming nagkalat na mga papel." Tumitig siya sa amin saka nagsalita sa nang-aasar na tono. "Hala kayo, mapapagalitan kayo ulit."

Napatigil kami ni Janet. Naalala kong hinipan nila yung nag-iisang kandila at inayos yung mga papel bago kami umalis, dahil ilang beses kaming napagalitan. Sinigurado din iyon ni ma'am Trisha bago kami papuntahin sa guidance office.

Pagkadating sa director's office, humarap sa amin si father Louis Duchueven. Naka-upo siya sa director's chair kaharap ang lamesa. Very kind young grandpa ang unang impression ko sa kanya at hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Medyo namumuti na ang brown color niyang buhok pero nandun pa din ang dark blue niyang mga mata, na mapapansin ang pagka-blue nito kapag nalapitan.

"Mga iha," bungad niya sa mabait niyang boses. "May gusto lang akong tanungin patungkol dito. Kayo ba nagsulat nito? Ito ang mga papel na nadatnan namin sa proposed building."

Naglabas siya ng mga papel at pinatong sa lamesa. Lumapit kami ni Janet para makita ng mabuti habang isa-isa naming binuklat ang compiled papers. Crumpled ang halos lahat at nakapagtatakang may mga scribbles na parang sulat ng bata. Inisa-isa namin na parang may mga salitang hindi maintindihan.

"Kapag tinitigan niyong mabuti, may nakasulat na 'tulong, 'ayudame,' 'help,' at may japanese character din," saad ni father sa kalmado niyang tono.

"Ni-research namin at iisa lang ibig sabihin ng mga 'to," dagdag ni Steve habang lumapit at tinuro sa amin ang magulong sulat sa isang papel. Kung titignang mabuti, mababasa ang salitang...

"Tu...long?" pilit kong pagbasa.

Agad namang nagsalita si Janet. "Blanko ang mga papel na iniwan sa lamesa, maliban sa isa na may mga sulat, pero kinuha iyon ni maam Trisha at pinaharap sa amin habang pinapagalitan kami sa Guidance office."

"Ahh, yung ginawa nilang substitute sa oujia boa-" agad kong tinakpan ng dalawang kamay ang bibig habang nagmadaling umangat ang tingin ko kay father Louis. Nakatingin siya sa amin at naramdaman ko din ang suspetsyang pagtitig sa akin ni Steve mula sa tabi ko. "Y-yung mga blankong papel," mabilis kong pag-iba ng usapan. "Iyon lang ang nakaayos na pile of papers na naiwan sa kagagawang-hindi-pa tapos na room."

"Present din sila Anne sa buong activity na naganap kanina," malalim na napaisip habang dagdag ni Janet. "Mapapansin pag may umalis, at mukang wala na silang balak bumalik sa proposed building matapos kaming mapagalitan at mapagsabihan."

Napalingon ako kay Janet. "Ibig sabihin.... success yung seance nila? Pero hindi sila Anne yung nagsulat. Sino..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang mapagtagpi ko ang mga pangyayari.

Ang seance na nasimulan pero hindi natuloy, saka may nangyari sa principal's office habang may kakaiba ring naramdaman si Janet kaninang umaga... Iisa lang ang kaganapan. Malaki ang posibilidad na nagsabay ang mga ito. Misteryosong nagsindi ang pinatay na kandila saka nagsikalat ang mga papel pero misteryoso ring nagkaroon ng mga sulat.

Ang aftermath nito ang nadatnan nila father Louis nang marating ang proposed building para ituloy ang pagdadasal sa bawat parte ng school, habang kami na buong 2nd year batch ay abala sa morning activities.

"Nasa... principal's office ba... yung salamin?" Hindi ako sigurado pero may halong panginginig ang boses kong pagtanong. Kung saan man ang kaguluhan, naroon ang salamin. At sa proposed building unang nahanapan nila Russel ang salamin.

"Pano mo alam na nasa principal's office iyon?" binalikan naman ako ni Steve ng tanong, saka parang may napagtanto. "Ikaw... ikaw ang kasama ni Rue nang may nangyaring kakaiba kanina sa principal's office?!"

"Sabi na nga ba, may nangyari kanina," pabulong na komento ni Janet.

"Kung hinahanap niyo ang salamin, the mirror is with me now after taking it from the principal's office. They reported what happened earlier," sabi ni father Louis habang nilabas ang salamin mula sa drawer ng table, na nakabalot pa sa puting tela. "Kukunin ko ito dahil mukhang isa itong cursed relic. I'll gonna have it check by the experts in the church."

"Thank you po, father Louis," magalang na pasasalamat ni Steve, habang hindi ako makapagsalita at nagtatakang napatitig sa kanila dahil parang alam na nila ang mga nangyayari.

"And as for you my dear, if I'm not mistaken, you have a gift to feel those that cannot be seen, tama ba iha?" tanong ni father Louis sa magaang tono habang deretsong nakatingin kay Janet. "I know someone na katulad mo din, and I know it isn't that easy. Are you faring well?" nag-aalala niyang tanong.

Malaki naman ang pagtataka ni Janet kung paano nalaman ni father, pero sinagot niya pa rin kahit na uutal. "Y-yes po. I'm okay naman po. Hindi naman po malala, father."

"Good to hear. I'm glad it doesn't affect you too much."

Saka ako lumingon kay Steve at tinitigan siya ng deretso at matagal. Sino pa nga ba ang magsasabi kay father Louis kundi siya.

Mukang nabasa niya ang titig ko at agad nagsalita. "H-Hindi lang ako ang nagsabi, pati si Rue," pagdahilan niya. "Pero hindi alam ng faculty ang patungkol kay Janet at sa babae sa salamin. Hindi rin lang sila maniniwala. At kay father Louis lang namin sinabi."

Hindi ko naman siya sinisisi, napalingon lang ako sa kanya dahil sa napagtanto, na nagkataong sinagot naman niya.

Nakuha ang atensyon namin nang may nag-knock sa nakabukas na door ng director's office. Naroon si Rue, parang mga ilang segundo na siyang nakatayo doon bago siya nag-knock para makuha ang atensyon namin.

"Father, by 15 minutes, mag start na daw po ang prayer," saad ni class pres sa magalang niyang tono.

Pumasok siya sa loob nang dumaan ang tingin niya sa salamin na balot ng tela at sa mga papel na nakapatong sa lamesa. "Sorry Phoebe, pati sa'yo Janet. Kailangan naming sabihin kay father Louis ang mga nalalaman."

Ngumiti naman si father na may pagkaka-intindi. "This is a case that young ones like you shouldn't handle. Pwedeng maging delikado ito 'pag di niyo pinaalam sa amin. Let the adults handle this. At kung sakali man na may mangyari muling kakaiba, kahit matapos ang isasagawang dasal ngayon, don't hesitate to reach out to me, do you understand?

Napaka-gentle ng boses ni father Louis at halatang maunawain din siya, pero sa huli niyang tanong, naging seryoso ang kanyang tono.

"Opo, father," sagot namin nang makitang may halong pagkaseryoso ang mga mata niyang nakatingin sa amin.

He's trying to look after us kaya hindi ko masisi sila Rue kung sasabihin nila sa kanya ang patungkol sa nakita ko sa salamin at sa kakayahan ni Janet.  Kung si class president ang naghanap kung sino ang paghihingian ng tulong at si father Louis mismo, may tiwala kami ni Janet.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top