Chapter 7: Principal's Office

Saturday of September

Papunta kami ni Rue sa office ni sir Edgray, ang aming class adviser, para kunin ang monetary box, nang may narinig kaming malakasang kumalabog pagkadaan namin sa principal's office. Napatigil kami at napalingon sa nakasarang pintuan nito. May tao ba sa loob?

Napatalon ako sa gulat nang marinig kong may malakas na humampas na kung ano at galing mismo sa loob. Napaatras ang paa ko nang sinundan pa ito ng ingay na mistulang may nagkakagulo at nagwawala, pero walang marinig na sigaw o boses ng tao, mga naghahampasang kagamitan habang may mga nabasag. Saka parang may pumutok na ilaw at narinig na ang isang sigaw.

Agad na gumalaw ang katawan ko at pilit buksan ang pintuan, dahil boses iyon ni ma'am principal na nagpapatuloy sa pagsigaw habang sumasabay sa ingay ng kaguluhan mula sa loob. Kahit ilang ikot ko sa door knob, hindi ito mabuksan dahil naka-lock. Ang nasa kabila lamang ang makakabukas nito. Sa mga nangyayari, mistulang hindi ito magawa ni ma'am principal.

"Phoebe, tabi!" Narinig ko ang boses ni Rue at dahil siguro sa adrenaline na nararamdaman, agaran akong napagilid. Dumaan siya sa harapan ko at malakasang sinipa ang pinto. Isang sipa, dalawa... Umatras muli si Rue para kumuha ng tyempo, saka sinipa ulit ang pintuan sa pangatlong pagkakataon. Doon na nagbukas ang pintuan at kitang-kita ang pagkasira ng door knob.

Mga ilang segundo akong napatigil hanggang sa maalala ko si ma'am principal at nagmadaling pumasok sa loob kasama si Rue. Nahuli namin ang isa o dalawang segundong paggalaw ng mga gamit sa silid, na parang lumindol saglitan. Saka nagsitigil ang lahat, na mistulang naantala ang loob sa hindi inaasahan naming pagdating.

Magulo ang loob. Nagsikalat ang mga kagamitan at may mga nabasag rin, na parang nagkaroon lang ng raid sa lugar. Kahit kami ni Rue ay nasurpresa sa nakita. Ito na ba ang sinasabi nilang poltergeist?

Ito ay ang pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na mga ingay, biglaang paggalaw ng mga kagamitan, o kaya pagkabasag ng kung ano man. Sinasabing maaaring gawa ng isang kakaibang presensya na siguro, sa mga kakaibang nangyayari sa school, ay maaaring gawa ng mga kaluluwang hindi mapanatili?

Sa magulong silid, nahanap namin si ma'am principal na nagtatago sa ilalim ng kanyang lamesa at nanginginig sa takot. Tinulungan namin siya, pina-upo sa isang nakagilid na sofa at tinulungang mahimasmasan habang kwinento niya sa amin ang mga nangyari.

Ayon sa kanya, mag-isa niya lang sa silid nang biglang nagsigalaw ang halos lahat ng mga kagamitan. Ang akala niya ay earthquake at balak nang lumabas nang biglang nagsara ng pagkalakas ang pintuan. Nakaramdam siya ng panlalamig dahil kakaiba ang galaw ng mga kagamitan kung ikukumpara sa galaw ng mga ito kapag ka-earthquake.

"Nanginginig ang mga ito at parang hindi mapakali," sabi niya na may halatang panginginig din sa boses. Muntikan daw siyang matamaan, kaya sa takot ay nagtago siya sa ilalim ng lamesa, saka napasigaw nang marinig ang pagputok ng ilaw.

Lumabas si Rue para ipaalam sa isa sa mga guro ang nangyari. Mga ilang unting minuto ay bumalik siya kasama si ma'am Trisha, na halos malaki ang pagkakagulat nang makita ang magulong silid at ang pamumutla ng principal. Napagpasyahan naming lumabas, idagdag na mas nakabubuti kay ma'am principal na hindi muna niya makita ang silid.

Inalalayan siya ng kasamang guro habang nakasunod kami ni Rue sa kanilang likuran. Nang paalis sa silid, may nahuli akong paa ng isang batang tumakbo sa gilid ng mga mata ko. Nakasuot siya ng mga 19th century o kaya vintage leather shoes at may ternong medyas hanggang ankle. Hindi ba siya elementary? Napapikit ako at magaan na napasapo sa noo. Anong ginagawa ng bata dito sa high school ground?

Nilingon ko kung sino iyon pero wala akong nakita. Namalikmata lang siguro nanaman ako, saka nabigla ako sa pagkakahulog ng isang litratong nakasabit mula sa dingding. Ang mga nakasabit sa dingding ay mga litrato ng naunang directors habang sa kabilang banda naman ay mga naunang principals ng school. Nahulog ang lahat kanina maliban sa nag-iisang litratong kahuhulog lamang. Nahulog pa mismo malapit sa paa ko.

Pinulot ko ang litrato at nakita ang imahe ng isang nakaformal na matandang lalaki, black and white pa ang kulay. Sa bandang ibaba ay may eleganteng nakasulat na...

Nicholas Santiago De la Teguirre
Founder
1967

Matagal kong tinitigan ang pangalan hanggang sa narinig kong may tumawag sa akin. Agad napa-angat ang tingin ko kay Rue na nakatayo malapit sa pintuan, hawak ang gilid nito, at mistulang hinihintay ako. Mag-isa niya at nakaalis na sila ma'am principal.

"S-sorry," sambit ko habang binaba ang litrato at pinatong malapit sa pader. Nang palapit na ako sa kanya, naiwan ang tingin nito sa litrato, saka siya nagsalita.

"Nicholas Santiago De la Teguirre. Siya ang original na nagmamay-ari ng school. Naipatayo ito at nagbukas noong 1959, na siya mismo ang tumayong unang director. Matapos ang ilang taong paglilingkod bilang unang director, bigla siyang naglaho."

Pumunta ang tingin niya sa akin.

"Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Ni kahit ang katawan nito ay hindi natagpuan. Sa panahong bakante ang upuan ng director at walang iniwang habilin, pinagpatuloy ang pamumuno ng paaralan sa ilalim ng Catholic institution."

Hindi ko inaasahan ang mga impormasyong lumabas sa kanyang bibig. Saan niya nakuha ang ganitong impormasyon? Saglit lang. Naglaho?

Nagtataka akong napatingin sa kanya, halata sa mukha ko ang maraming tanong, pero binigyan niya lang ako ng isang simpleng ngiti bago siya lumabas ng silid. Dahil nakuha ang atensyon ko, agad ko siyang hinabol, pero nawalan ako ng pagkakataong matanong siya dahil bumalik siya sa pagiging abala.

Kasalukuyang kausap niya na sila ma'am principal at hindi iyon ang tamang oras para tanungin siya habang abala silang nag-uusap patungkol sa mga kakaibang nangyayari sa school. Mukhang magkakaroon ng seryosong dasal mamaya na pangungunahan ni father Louis Duchueven. Mula sa mga napag-alaman ko, half Asian and half Norwegian siya, galing Europe, at may kaalaman patungkol sa ganitong mga pangyayari.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top