Chapter 6: Seance
Saturday of September
Sa pagdating ng Saturday, dahil ito ang recollection day at ang pagdating ng kilalang si father Luis Ducheuven na galing lang sa Europe, may mga estudyante nang maaga para makapag-prepare. Recommended ang class officers na dumating ng mas maaga. Hindi man required pero napilitan akong gumising ng maaga at mag-prepare para deretso na sa school.
Wala pa ang araw pero kita ang pagliwanag ng madilim na umaga. Nakabukas na ang gate at kita ang unting bilang ng mga ka-batch sa school ground na abala sa kanilang gawain. Napansin ko din na merun ang ibang Student Council officers na nakikitulong.
Mukang importante ang recollection day ngayon, dahil na rin sa pagdating ni father Louis. Isama pang nag-request ang principal at director na dasalan ang school dahil sa mga kakaibang nangyayari, kahit na hindi sila buong kumbinsado na may kakaiba ngang nangyari kahapon sa session room, na pilit nilang paniniwala na earthquake daw iyon.
Habang naglalakad sa campus, napalingon ako sa bandang upper ground kung saan nakatayo ang building ng session room. Halata pa mula sa tingin ko ang mga nabasag na salamin, na sa ngayon ay iniwan pa muna. Nilinisan namin ang mga bubog na nagkalat kahapon habang takot naman ang karamihan kaya dumeretso sila sa court. Magulo din ang silid at wala kaming nagawa kundi ayusin na lang, kasama ang mga may lakas ng loob na muling pasukin ang room.
Hindi katulad sa room naming II-C na parang panaginip ang nangyari at bumalik sa dati ang lahat, ang nangyari naman sa session room kahapon ay nag-iwan ng mga bakas. Kaso, hindi pa din naniwala ang faculty at sinabi pa ring nag-earthquake lang. Napabuntong-hininga na lang ako habang tinuloy ang paglalakad.
Hindi pa ako nakakarating sa classroom nang mabilis akong sinalubong ni Janet at hinila nang makita ako. "Halika dito."
Hindi officer si Janet kaya nagtaka ako sa pagka-maaga niya at parang seryoso pa siyang lumapit sa akin. Normal na seryoso na talaga ang itsura niya, isama pang siya ang may pinaka-mature na itsura sa aming magkakasama. Kaya pag-seryoso siya sa seryoso niyang mukha, para siyang galit.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang tinungo niya ako sa hardin sa likod, saka papunta sa pinatigil na pinapagawang proposed building. Nagawa na ang foundation ng building, parang patapos na ang unang palapag, may second at third floor na rin pero semento pa lang, nagkukulang pa ng pader at hindi pa buo.
"May mga ginagawang kababalaghan mga kasama mo. Ikaw daw nagsabi sa kanila patungkol sa 'seance' at oujia board. Pero imbes na ouijia board..."
"Spirit of the glass... Spirit of the glass."
Narinig ko ang familiar na boses ni Anne at may kasama pang iba nang makalapit na kami sa building. Dahil dito, napasapo ako sa noo.
"Wala akong tinurong spirit of the glass, tsaka, sinabi ko lang naman ang tungkol seance at oujia board sa kanila," tutol ko kay Janet nang masilip ko sa kalahating nakabukas na pintuan sa unang palapag ang isang grupo ng mga babae na nasa loob ng walang-ilaw at medyo madilim na room.
Naka-form sila ng circle habang naka-upo, magkakahawak ang kamay, at binubuo ng mga ka-batch namin na galing sa magkaibang section. Sa gitna nila ay isang table, na sa bandang gilid nito ay may nakapatong na mga papel at ballpen. Sa gitna ng table, may isang nasulatang papel, babasaging basong naka-upside down at nakasinding isang kandila na nagbigay ng munting liwanag. Sa basong iyon, nakapatong ang bawat isang daliri nila. Halatang si Anne, ang mukang koreana na galing sa section A, ang pasimuno.
"Kayo, itigil niyo na kaya 'yan," deretsahang malakas na sabi ni Janet nang sumugod siya papasok sa loob ng gusali, habang ako ay sumunod na lang sa kanya. Napatigil naman sila sa ginagawa dahil sa pagdating namin. Nang lumingon sila at makitang kami lang ni Janet, pinagpatuloy nila ang ginagawa.
Naging conflicted ang reaction ko nang makarating sa tabi nila at makita ang mga gamit sa lamesa. "Mukang matagal itong spirit of the glass. Hawakan niyo na lang yung ballpen saka ipatong sa papel. Mas mabilis ang pagsusulat kaysa tag-iisang letter na hintayin pang ituro ng baso nitong spirit of the glass," pagbibigay ko ng punto.
"Isa ka din! Huwag mo silang supurtahan," sermon ni Janet habang pinalo ang braso ko. "Kaya nga kita tinawag dito. Baliw ka talaga."
"Ang aga-aga, yan ang ginagawa niyo," pag-iba ko ng tono para sumabay sa panenermon ni Janet. "Mas kailangan namin ng tulong sa court."
"Huwag kayong disturbo. Minamadali na nga lang namin," naiinis na lingon sa amin ni Anne. "Kung di kayo sasama, go out. Don't disturb."
"Itigil na lang kaya natin 'to, Anne. Parang nakakatakot," komento naman ni Wendy na isa sa mga kasama nila at classmate ni Anne sa section A.
"Wendy? Ba't andito ka?" hindi ko makapaniwalang tanong, dahil kilala ko siyang takot sa mga horror stuffs. Kung si Janet ang pinaka-mature sa amin, si Wendy naman ang pinaka-bata ang itsura na pagkakamalang elementary. Class officer si Wendy at Anne kaya nagtataka na ako kung bakit inuna nila ito kaysa sa mga gawain sa court.
"Nahila lang ako. Ito kasing si Anne," pagsimangot niya saka tumingin sa akin na naninisi. "Huwag ka nga, Phoebe. Ikaw kaya nagbigay sa kanila ng idea. Tingnan mo tuloy ginagawa namin ngayon."
Hindi ako makapag-react. Hindi ko naman sinabing gawin nila kaya napa-angal ako. "Sinabi ko lang naman ang tungkol sa 'seance' at oujia board. Na ang seance ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mga tao para subukang makipag-usap sa mga namayapa na. Hindi ko akalain na susubukan niyong gawin."
Ang seance ay galing sa french word na meaning ay 'session,' at sa old-french word na 'seoir,' na meaning ay 'to sit.' Kumalat ang tingin ko sa kanilang mga nakaupo at napansing ang magkakasama ay binubuo ng limang mga babae; si Anne na halatang pasimuno, si Wendy na siguradong nahila lang, si Flam na pansing gusto lang sumama, si Laura at Russel na mukang curious.
"Ang Ouija board naman ay material board na may mga marked letters, numbers, 'yes' and 'no,' 'hello' and 'goodbye.' Other name nito ay 'talking board' o kaya 'spirit board,' na ginagamit bilang communication device sa pagitan natin at sa mga nasa kabila. Mukang ginawa niyong substitute ng oujia board ang spirit of the glass. Sinulat niyo din sa papel ang 26 alphabet letters, numbers 0 to 9, 'yes' and 'no,' 'hello' and 'goodbye,' at ang glass ang ginamit niyo bilang pointer," sanaysay ko habang tiningnan ang papel at basong pinag-gitnahan nila.
"Sabi sa mga nabasa ko, laruan lang ang oujia board para sa mga bata, pero sa pagdaan ng panahon at dahil sa mga paniniwala noon, nakilala itong material medium. Sa atin, mas kilala ang spirit of the glass at hindi ko iyon tinuro sa inyo. At hindi ko rin binahagi ang topic na ito para gawin niyo in actual. Wala ring kasiguraduhan ang authenticity nito dahil sa mga possible na science explanations. At kung may katotohanan man, sa mga nalaman ko, hindi maganda ang dulot nito."
Napabuntong-hininga ang kasama nilang si Flam at bumitaw sa pagkakahawak. Mukang natawag din nila si Flam na galing sa section namin. Sumimangot naman ang katabi nitong si Anne.
"Tsaka hindi ata effective pag maaga niyo gagawin, mas lalo na ngayong may araw na. Hindi na rin effective ang seance kapag bumitaw na kayo sa isa't-isa," dagdag ko habang may halong pang-aasar.
"Kontrabida ka talaga, Phoebe," inis na komento ni Anne, saka nagsibitaw na sila nang alam nilang walang katuturan ang kanilang gawain.
Maya-maya pa, may narinig kaming mga yapak na nagmamadaling papunta sa kinaroroonan namin. Bago pa makapasok sa loob, mula sa kalahating nakabukas na pintuan, nakita na namin ang anyo ng isang guro kasama ang school security guard. Lagot.
Tinuro ng security guard ang building na parang may sinusumbong. Narinig at nasilip niya ata itong ginagawa nila Anne habang nag-morning round siya sa school kanina lang. Iyon lang, agad niyang sinumbong kay ma'am.
Agad na hinipan ng isa sa kanila ang apoy ng kandila at balak ayusin ang mga gamit sa lamesa, pero huli na dahil nakarating na sila ma'am sa loob at nakita kami.
"Ito pla ang ginagawa niyo dito. Magreport kayong lahat sa counseling office. Now!" Galit na tinaas ni ma'am Trisha ang kanyang boses nang makalapit sa amin at nang makita rin ang mga gamit sa lamesa.
Mabait naman si ma'am Trisha, isa rin siguro dahil siya ang counseling teacher ng school. Pero nakakatakot pala talagang makitang magalit ang mababait na tao.
Ngayon, napagsasabihan kaming pitong babae dahil sa nahuling ginagawa namin kanina lang.
Si Anne na pasimuno, si Wendy na nahila lang, si Flam na gusto lang maki-usyoso dahil mukang interesting na sabi niya, tsaka si Laura at Russel na mukang curious at nakapagtataka kung bakit sila nakisama. Pero ba't kasama kami ni Janet na napagsasabihan ngayon? Nadamay kami kahit hindi kami kasali.
Napalingon ako sa katabi kong si Russel at Laura, ang kilalang tsismosa duet sa class II-C. "Ba't kayo kasama?" pagtatanong ko ng mahina.
Si Russel ang naka-diskobre sa salamin at nakaranas ng kakaiba nung inuwi niya ito kaya binalik niya sa school at iniwan sa classroom namin. Si Laura naman, palagi niya lang talagang kasama. Sila ang bestfriend na parang kambal na hindi mapaghiwalay at maingay kapag nag-uusap.
"Hindi kayo natatakot?" pure na curious kong tanong.
Nagtinginan silang dalawa, saka sumagot ang katabi nitong si Laura sa mahinang tono. "Gusto lang namin malaman kung may mali talaga sa salamin o kaya may connection sa kakaibang nangyayari sa school. Baka may sumagot sa papel."
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanila. "Hindi ba kayo lalong kikilabutan 'pag may sumagot?"
Napakagat sa labi si Laura at hindi naman makasagot si Russel. Ang kakayahan nga naman ng 'curiosity,' at parang pandora's box ang madadala nito.
Nang muli kong binuka ang bibig para kausapin sila, natawag ang pangalan ko. Nag-alanganin kong pinunta ang tingin sa harap, kay ma'am Trisha at ready nang mapagalitan, nang makita ko si Rue malapit sa kanya.
"Phoebe, excuse ka muna. Pinapatawag ka ng class president niyo, pero hindi ibig sabihin na nakatakas ka na."
Magalang na nagpasalamat si Rue kay ma'am habang naglakad ako palapit sa kanila at nagtataka.
"Sorry sa pag-disturb Phoebe, pero needed ang class treasurer. Yung monetary box... Yung pera para sa budget na magagamit, kailangan na," saad ni Rue.
"Ahh," rather than na disturbo, nakaligtas ako. Nakatulong na din ang pagiging class treasurer, na kailangang makausap pagdating sa money budget ng class II-C. Nice timing!
"Nasa office table ni sir Ed. Pasama na lang ako para kunin doon dahil needed din ang signature ng class pres bilang proof sa mababawasan na pera," sanaysay ko sa kanya habang sabay kaming palabas sa room.
Nahuli ko naman ang mga titig nila Anne sa akin, pati si Janet na nadamay lang. Pero tinuluyan silang pagsabihan ni ma'am Trisha, na hinarap pa sa kanila ang papel na ginawa nilang susbstitute sa ouijia board, kaya wala silang nagawa kundi ibaba ang tingin sa floor.
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top