Chapter 5: Session Room

Tuesday of September

Sa sumunod na araw, naging malaking usapan ang class II-C sa buong school. Gumagawa daw kami ng kwento at nagpapapansin. Lalo tuloy napabigat ang pinangalan sa amin bilang worst section. Hindi naman sa masasama ang ugali, nagkataong nagsama-sama lang sa section namin ang mga maingay, magulo at mga pasaway.

Pero umupa din ang chismiss patungkol sa amin nang may nangyaring aksidente sa school. Anim na trabahador ang nahulog habang ongoing ang paggawa ng proposed building at nangyari during class hours. Naantala ang mga faculty staff, may dumating na ambulance, habang saglitang napatigil ang klase.

"Ano sa tingin niyo, may kinalaman ba ang salamin? Konektado din ba sa nangyari sa atin kahapon?"

Magkatabi kami ni Janet at nasa bandang likod ng silid, nang biglang sumingit si Steve sa gitna na dala ang kanyang upuan. "May nalalaman kayo, di ba?"

Nagtatakang napatingin si Janet sa kanya. "Kami?"

"Oo, nabanggit ni Phoebe. Nakakaramdam ka daw, Janet. Totoo ba?"

Naningkit naman ang seryosong mata ni Janet na tumingin sa akin at naninisi. Wala akong nagawa kundi mag-patay malisya.

"Pero kung merun man, hindi ito titigil sa nangyari sa classroom," napa-isip kong sambit at napatingin silang dalawa sa akin, kaya iniba ko ang usupan. "Kumusta yung mga trabahador, Steve?"

"Ah, nakita kong conscious naman silang lahat nung tumulong ako, at nakakatayo pa, medyo nahihilo lang yung iba, paika-ika at in shock. Hopefully mga galos lang. At para sigurado, deretso pa din sila sa hospital."

May mga gusto pang sabihin si Steve pero hindi na natuloy nang pumasok si sir Jeff, ang aming next subject teacher. "Balik na kayo sa mga upuan niyo," announce nito pagdating sa harap ng teacher's table.

Dahil tinitigan siya ni sir Jeff at ang iba pang kaklase na kung saan-saan na naki-pwesto, walang nagawa si Steve kundi bumalik din sa kanyang seating place dala ang kanyang upuan. Nagpatuloy ang normal na klase at mukang sa pagkabusy ni class vice pres, hindi na siya bumalik sa amin para maki-chika at alamin pa lalo ang kakayahan ni Janet.

Patungkol sa mga trabahador, mula sa narinig namin, may mga natamo silang muscle strains at minor fractures na madadanan naman daw sa pahinga at gamot. Kaya sa ngayon, kasalukuyang pinatigil muna ang pagpatuloy sa paggawa ng proposed building, ang bagong buidling sana sa bandang likod ng school na medyo malapit sa bundok.


Friday of September

Ngayong araw, napunta na ang focus namin sa mangyayaring recollection day ng aming 2nd year batch. Ang recollection day ay isang event na ginaganap dalawang beses sa isang taon per batch dito sa school, under Catholic institution. Isang araw ang nabibigay, minsan Saturday ginaganap para walang klase at maganap ang event without disturbance from others, saka walang klase ng Monday ang batch bilang kapalit. Isa itong event ng school para mapalapit kay Father God at makilala ang sarili namin in a spiritual and deeper meaning, with the Lord's presence.

Nagkataon naman na darating ang famous sa diocese na si father Louis Ducheuven galing Europe. Half Norwegian siya, kilala ng school at kahit sa ibang sister schools, habang hindi nito nakakalimutang bumisita dito sa amin ng isa o dalawang visit sa isang taon. Sabi nila, isa siya sa mga contributor dito sa school at malaki rin ang respeto sa kanya. Kaya sa batch namin, nagkaroon ngayon ng meeting. Maswerte daw kami dahil isa si father Louis sa magiging proctor sa Saturday for the recollection event ng 2nd year batch.

Magkakasama kaming tatlong section dito sa session room dahil kaya nitong i-accommodate ang buong batch. Minsan dito din nagaganap meeting ng bawat class officers with the SSC officers, or teachers meeting, etc. Dahil tatlong section lang kami at nasa iisang munisipyo, halos magkakakilala na kami, kaya naging maingay ang room nang magki-kita kaming lahat.

"Nabalitaan namin nangyari sa inyo II-C!" sigaw ng isang lalaki galing sa class II-B. "Anong nangyari? Gumagawa daw kayo ng kwento sabi ng faculty."

Dumeretso siyang pumunta sa grupo nila Craig na kilala bilang the noisy troupe. Binubuo ito ng pasaway na limang lalaki, si Craig ang leader, si Wain na susunod-sunod sa kanya, ang dalawang hindi mapaghiwalay na si Kevin at Harvey na pwede nang pagkamalang kambal, at ang huli na saling pusa ay si Ralph.

Umakbay siya kay Craig saka pinahinaan ang boses pero rinig namin, "Sabihin mo, totoong may nangyari talagang kakaiba sa section niyo, di ba?"

Sumimangot naman ang matangkad na si Craig habang napa-kunot-noo. "Malay ko, pero alangang panaginip kung nangyari sa aming lahat."

"Hmmm... Grabe daw galit sa inyo ng faculty. Pero totoo, parang may nangyayari talagang kakaiba dito sa school. May narining akong kwento mula sa security guard nung tumambay ako sa guard house."

Maya-maya pa, lahat na kami ay nakatuon ang atensyon sa kanila, hinihintay ang kwento habang pinaikutan sila. Kahit pinahinaan nito ang boses, rinig pa din namin dahil paunti-unti itong lumalakas.

"Isang gabi, si manong guard, habang iniikot daw ang school, may naranasan siyang hindi niya makalimutan. Nangyari lang ito sa kanya ngayong buwan."

Natuwa siya nang mapansing niyang lumapit kami sa pagka-curious, saka tinuloy sa seryosong tono ang pag-kwento. "May dumaan daw na bata sa harap niya bago niya daanan ang faculty rooms. Sa pag-iisip niyang may nakapasok na bata, hinabol niya ito hanggang sa makarating sila sa floor ng first years na parang nakikipaglaro ang bata. Halos hingalin si manong guard at napatigil para makapagpahinga, pero parang hindi naman napapagod ang bata. Doon na saktong lumiko ang bata na patungo sa dead end ng hallway. Papunta iyon sa storage room na palaging naka-lock. Alam niyo naman, di ba?" lingon niya sa amin at nag nod naman ang iba.

"Naglakad si kuya guard para huliin ang bata at pagalitan, pero nang siya na ang lumiko, napatigil siya dahil naka-lock na pintuan lamang ng storage room ang humarap sa kanya. Nilibot niya ng ilaw ang dead end ng hallway gamit ang flashlight pero puro pader ang nakapalibot at walang matatakbuhan ang bata. Agad siyang lumapit sa pintuan at hinawakan ang door knob pero hindi ito mabuksan at nakitang naka-double lock pa iyon. Doon na siya nagtaka dahil imposibleng may batang tumatakbo sa gitna ng gabi sa nakasarang school at naka-lock pa ang gate. Nangilabot daw siya at agad tumakbo papunta sa guard house."

Natakot ang iba sa amin habang ang iba ay tinawanan lang ang kwento.

"Ibig sabihin, may multo talaga dito sa school. May narinig din akong matandang may tungkod na palakad-lakad at maririnig daw siya kapag tahimik ang school, mas lalo na 'pag mag-isa ka lang," dagdag naman ni Craig habang napasang-ayon ang mga kasamahan nito.

"May kwento rin tungkol sa babaeng naka-puti at basang-basa. Baka nasa clasroom siya ng II-C at konektado sa salamin na napulot nila Russel." Nagulat kaming lahat nang makitang katabi na nila Craig si class vice pres Steve at nagsalita na parang nairita dahil nagkaroon ng circle of chismiss dito sa session room, habang wala pa silang mga class officers na magle-lead ng meeting.

"Balik na kayo sa mga upuan niyo, mag-start na ang meeting."

Padaan niyang sinabi ang unang sentence, pero iyon mismo ang sinabi namin ni Janet sa kanya nung isang araw dahil sa kakulitan niya na mag-share daw kami sa mga nalalaman namin.

Kahit disappointed, nagsibalik na kami sa kanya-kanya naming upuan. Tumabi ako kina Anne at Wendy na galing sa section A, dahil ngayon ko lang ulit sila makakasama sa table. Mukhang gusto rin nilang tanungin kung ano talaga ang nangyari sa class namin na naging malaking usapan sa buong school, pero hindi na nila natuloy nang magsimula ang meeting.

"Pag-uusapan natin ang mga designated rooms natin at..." nagpatuloy ang meeting hanggang sa isang oras na ang nagdaan. Habang inaantok, napansin ko ang pagka-di mapakali ng grupo ng noisy troupe. Nilingon ko sila at nagtataka. Galing lang sa labas si Kevin at Harvey, at pagkapasok, parang may tinatago sila at nagtatawanan pa ng tahimik. Ano nanaman kaya kalokohan nila?

Hindi ko na sana papansinin nang nahuli ng gilid ng mata ko ang frame na kulay ginto, sumisilip mula sa opened zipper na bag na dala ni Kevin. Yung salamin... Hindi ako makapaniwala nang masiguro kong iyon ay ang salamin sa class II-C. Hindi ba nila alam na baka delikado 'yun? Nakaramdam ako ng stress dahil naalala kong pasaway silang magkakabarkada.

Tumayo ako at yumuko unti habang papunta kina Craig para hindi maka-disturbo sa meeting. Nang kakausapin ko sila at napansin nila ako, agad hinablot ni Kevin ang bag niya. Dahil naka-open ang zipper at sa biglaang galaw niya, lumabas ang salamin at nahulog sa sahig.

"Thud!" tunog nito. Napalingon sa ingay ang karamihan habang napatigil naman ang pagsasalita sa harap, habang ako ay nanigas sa kinakatayuan. Sa pagtama ng salamin sa sahig, nagulat ako nang may naramdaman.

Agad hinanap ng mata ko si Janet at nakita siya sa isang banda, pero kakaiba ang kinikilos nito. Nakatingin siya sa harap malapit sa pintuan, gulat at kita sa mga mata nito ang mabigat na pangamba. Mabilis na naalala ko ang imahe ng babaeng basang-basa na nakita ko dati sa salamin. Andito ba ulit siya?

Biglang bumagsak ang temperatura ng silid. Nagtaka ang karamihan habang pinaalala naman nito ang nangyari sa amin sa class II-C. Nagsitayuan ang mga galing sa section namin habang mabilis naman na dumating si Steve papunta kina Craig at nakita ang salamin.

Balak niyang magalit sa grupo nang biglang may ingay na bumulabog sa silid. Hindi ito ang ingay na narinig namin dati. Iba ngayon. Ingay ito na parang paa ng mga batang nagsisitakbuhan sa itaas at sa mga pader. Hindi lang iyon, may mga kumakalampag sa sahig. Naantala ang lahat at kinilabutan. Kumalat ang tingin namin sa buong silid pero ingay lang talaga ang merun at wala kaming makita kung sino ang gumagawa nito, saka biglang nagsimatay ang lahat ng ilaw.

"Labas! Dali!" malakasang sigaw ni Steve at ginising ang mga nanigas naming mga katawan dahil sa pagdating ng biglaang hindi maipaliwanag na takot. Kahit gulantang, nagawa naming igalaw ang mga paa para dumeretso sa pintuan.

Nagmamadali naman nang lumabas ang classmates namin galing II-C dahil pare-parehas kami ng pinangangamba- ang biglaang pagkabasag ng mga bintana na maaring mangyari muli. Pwedeng hindi ito naiiba sa nangyari sa aming silid.

Habang papalabas at unti na lang ang naiwan sa loob, biglang nanginig ang teacher's table saka mabilis na tumilapon, ang direksyon ay kung nasaan ang salamin, at sa banda mismo nila Craig. Hindi agad nakagalaw si Craig at bago pa siya matamaan ng mabigat na lamesa, agad siyang nahila ni Rue. Hindi ko alam kung gaano kataas ang composure ng aming class pres, dahil siya lang ang mabilis na nakagalaw at tumakbo para maligtas kung sino man ang matamaan ng lamesa at masigawan kaming lahat para makalabas ngayong napako kami sa kinakatayuan.

Sabay silang napabagsak sa sahig- si Rue hinihingal habang gulat naman si Craig- at ang sa harap nila ay ang nawasak na lamesa. Nag-panic ang mga naiwang nakasaksi at mabilisan silang nagtakbuhan palabas sa takot na may mangyari pa.

Naiwan kami ni Janet dito sa silid, pati si Craig at ang kasama niyang si Wain, si Steve at si Rue, habang pasunod na kami sa paglabas. Habang tinutulungan ni Steve na tumayo ang nanigas na si Craig, nakarinig kami ng pag-crack ng glass. Doon na walang pakundangang nagsibasag ang mga bintana. Kasabay ng ingay ng pagkabasag, may mga narinig din akong sigaw sa labas.

Napatakip ako sa tainga at napa-pikit habang hindi ko na alam kung sino ang nanghila sa akin sa gitna para hindi matamaan ng mga bubog. Habang isa-isang nagsisibasag ang mga bintana, nakarinig ako ng nakaka-kilabot na hagikhik. Sa pagitan ng mga ingay, umalingaw-ngaw ang matinis at mataas na boses ng babae na parang natutuwa. Nanlamig ako sa narinig saka may biglang kumalabog at nagsitigil ang lahat.

Nanahimik at nawala ang ingay. Unti-unti kong binuksan ang mga mata habang bumaba ang kamay ko sa pagkakatakip sa tainga. Pag-angat ng tingin, hindi kalayuan sa amin, nakita ko si Janet malapit sa salamin. Hinihingal siya, maputla ang mukha habang nakatitig sa salamin na nasa sahig, naroon ang kanyang reflection kasama ang ceiling.

May pamilyar na bagay na nakapatong sa salamin. Saka ko lang nalaman na hinagis ni Janet ang palagi niyang suot na bracelet doon.

Binahagi sa amin dati ni Janet ang patungkol sa bracelet na palagi niyang suot. Pamana ito ng kanyang yumaong lola. Dahil sa kakayahan niyang makaramdam ng kakaiba sa paligid simula pagkabata, malaki daw ang naging papel ng bracelet sa kakayahan niya. At nasaksihan namin, masasabi kong maaaring tumulong ito para mapatigil ang kaguluhan.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top