Chapter 4: Shards

Monday of September

Kanina pa ako nagugulantang pero nagulantang ulit ako ngayon. Nakatayo kami ngayon ni Steve at Rue sa harap ng aming classroom na walang katao-tao kundi kami lang. Nakabukas ang pintuan kaya kita ang itsura ng loob.

Umapak ako paloob sa silid at hindi makapaniwala sa nasaksihan dahil hindi magulo ang room. Tahimik at normal ang ayos, na para bang walang nangyaring kaguluhan at panaginip ang lahat.

Hindi ako makapaniwala dahil nakita namin ang buong pangyayari kanina, kung paano nagsibasag ang mga bintana at nagkagulo ang mga lamesa, upuan at mga kagamitan sa loob. Kaya pala grabe ang galit ng faculty sa amin. Akala nila nagsisinungaling kami. Pero lahat kami sa klase, nasaksihan namin ang pangyayari. Hindi rin naman ito panaginip dahil kasama ko si Rue at Steve ngayon.

Bumalik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Katulad ni Steve, parehas kaming hindi makapaniwala na parang first time lang naming makapasok sa silid, habang walang imik namang pumasok si Rue at pinagmasdan ang buong paligid.

Ang pagkakaayos ng lahat ay parang ang itsura ng silid bago pa mangyari ang pang-gugulo ng kung ano mang hindi makita- normal na nakasindi ang ilaw sa loob at ganoon din ang ayos ng mga upuan, lamesa at ang mga gamit. Wala ni isang bubog sa sahig habang normal ang mga bintana na walang pagkakabasag.

Naalala ko tuloy ang napag-usapan namin during leadership training nung nag-horror story kami ng gabi, na pwede i-define as poltergeist ang kakaibang nangyari kanina sa classroom. Pero sa itsura ng silid ngayon, napapadalawang-isip ako.

"Kaya naman pala hindi sila naniniwala sa atin." May pait ang boses ni Steve nang sabihin niya iyon.

Napagpasyahan naming tatlo na balikan ang silid habang pinagpatuloy naman ng buong klase ang next lesson sa session room, o kaya pinagpatuloy doon ang panenermon ng faculty, dahil siguradong hindi pa sila handa para bumalik dito sa classroom. Kailangan muna nilang mahimasmasan, at mukang mahihirapan kami dahil sa dagdag na stress ng faculty.

Pumunta si Rue sa likod ng classroom hanggang sa napatigil siya at napatingin sa kung ano mang bagay sa sahig saka yumuko para pulutin kung ano man iyon. Lumapit kami ni Steve para makita kung ano ang naka-kuha sa kanyang atensyon.

"Hindi ba yan yung tumilapon sa blackboard bago magsibasag ang mga bintana?" tanong ni Steve nang makitang pinulot ni class pres ang salamin mula sa sahig na dapat naka-sabit sa dingding.

"Nakita mo din pala," sabi naman ni Rue habang pinagmasdan ang salamin.

"Hindi ba dapat watak-watak na yan?" hindi makapaniwalang tanong ng katabi nito.

"Parang sa silid din siguro, bumalik sa dati."

Napaisip ako. Hindi ba masyadong malayo ang likod ng classroom sa harap, kung nasaan ang blackboard? Gumalaw ang mata kong tiningnan ang likod ng room at ang harap ng room. Ang layo ng nilakbay ng salamin at sumabay pa ang mga bintana na nakisabay magsibasag.

Pagkalapit sa kanila at sinilip ang salamin, may nakita akong bahid ng pula sa gitna. "Wala yan kanina," pagturo ko habang nagtataka. "Ba't parang dugo? May natamaan ba nito sa atin kanina nang mabasag?" Teka lang. Pwede na itong bumalik na may kasamang dugo?

Matamang tumitig si vice pres kay Rue. "Hindi ka ba nasugatan kanina? Tumilapon ang salamin sa blackboard at bago pa kami matamaan ng bubog, nahila mo kami papunta sa gitna kaya pwedeng natamaan ka nang mangyari iyon."

Hindi umimik si Rue kaya tiningnan namin siya. Sa bandang kaliwang itaas na braso nito, nakita naming may punit sa itim nitong jacket. Kung saan banda ang punit, doon din ang sugat ni Rue na nadaanan ng matulis na bagay. Kung hindi pa siya pinilit ni Steve, hindi namin makikita ang sugat. Kanina niya pa ata ito tinitiis, sariwa at medyo dumudugo pa nang makita namin matapos niyang tanggalin ang itim niyang jacket.

Dahil dito, nagmadali akong umalis at tumakbo sa infirmary para kumuha ng first aid kit. Masyadong malalim ang sugat ni Rue at napatigil niya siguro ang pagdurugo nang pinisil niya ito kanina, pero pwede ulit magdugo. Habang nasesermonan, nakita kong may time na hinigpitan niya ang paghawak sa braso niyang iyon.

Yakap-yakap ang first aid kit mula sa infirmary, tumakbo ako pabalik sa classroom. Napaisip ako na baka bumalik na sila sa session room dahil hindi ako nagpaalam at agad na umalis nang makita ang sugat. Kaya malaki na lang ang pag-ngiti at pasasalamat ko nang makitang nasa classroom II-C pa sila. Mukang nagulat din sila nang makitang bumalik ako.

"Buti hindi kanan ang natamaan. Right-handed  ka pa man din," komento ni Steve habang abala ko nang nililinisan ang sugat ni class pres.

"Anong tulong nitong hydrogen peroxide?" tanong ni Steve sa boteng una kong nilabas habang kinalkal pa ang ibang gamit sa first aid kit.

"Panglinis ng sugat," sagot ko nang mapalingon sa kanya. Mukha siyang curious na bata.

Kinuha ko ang wound cream at malinis na pinahid sa sugat ni Rue matapos itong linisan, saka pinahiran ko naman ng cotton with betadine around sa wound niya.

"Wound cream para sa sugat at betadine para iwas sa infection," sambit ni vice pres habang pinapanood nila ako sa ginagawa.

"Tatakpan ko ng gauze sugat mo Rue at papaikutan ng bandage para hindi madumihan, at magbigay din ito ng pressure para di magbukas ang sugat. Kailangan 'tong mapalitan once a day," paliwanag ko kay class pres habang pinaikutan na ng bandage ang sugat niya.

"Nag-training ka ba ng first aid?" tanong ni Rue habang nakatingin sa akin.

"Nung last vacation, may first aid training ang munisipyo at nag-attend ako. Buti nakapasok ako sa age-limit," pag-angat ko ng tingin sa kanya saka napangiti. Ang gwapo ni Rue kahit sa malapitan. Agad kong nilayo ang tingin at binalik sa pagbandage.

"Sayang, hindi ko alam 'yan," sambit ni Steve, kaya binigyan ko siya ng tip na try niyang bumisita minsan sa barangay. Makikita sa bulletin board nila ang mga activities and announcement ng kung ano-anong program.

"Walang bahid ng pula 'yang salamin kanina at kung dugo talaga 'yan na pumailalim sa salamin... hindi ba masamang pangitain na nasa salamin ang dugo mo, Rue? Mas lalo na at may kakaiba talaga sa salamin, mula pa sa sabi ni Janet," pagbalik ko ng tingin sa ginagawa habang napatingin din sa salamin.

Nanahimik ng ilang segundo. Bago ko pa ma-realize kung ano lang ang lumabas sa bibig ko, nagsalita si Steve.

"Nakakatakot naman sinabi mo, Phoebe." May kaba sa boses ni niya at parang nagulat. "Tsaka, may kakayahan bang makaramdam si Janet?"

Nasabi ko lang ba 'yun? Lumingon ako sa kanilang dalawa at nakitang curious silang nakatingin sa akin. "Um..." Pinilit kong kumalma habang nairita sa sarili dahil nasabi ko ang nasa isip, mas lalo na ang patungkol kay Janet.

~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top