Chapter 3: Mirror

Monday of September

Nakatingin ako ngayon sa reflection sa isang vintage mirror na nakalagay sa likod ng classroom at nakasabit sa dingding. Kulang nanaman tulog ko dahil sa halatang eyebeg na kita sa mukha. Paano ba tanggalin ang eyebag?

Magaan kong pinisil-pisil ang eyebag gamit ang dulo ng mga daliri nang bigla akong napatigil. Mula sa salamin, kita ko ang mukha ko at ang likod na puro mga kaklaseng magugulo habang wala pa ang next teacher, nang may napansin akong kakaiba.

Sino yun? Unti-unti akong lumapit sa salamin at may nakita akong hawig ng babae sa dulo ng silid, sa harap malapit sa pintuan. Mahaba ang kanyang buhok at hindi kita ang kanyang mukha. Nakabistida siya ng mahabang puti pero madumi at basang-basa. Tumutulo ang tubig sa sahig mula sa kanyang mahabang itim na buhok at basang bistida.

Napatigil ako.

May kakaiba sa kanya... at halatang hindi namin siya kasama. Nakaramdam ako ng panlalamig habang sinubukan kong igalaw ang leeg para lumingon sa likod at siguraduhing nagkamali ako sa nakita.

Paglingon, nakahinga ako ng maluwag dahil walang nakatayo malapit sa pintuan. Wala ang babaeng nakita ko sa salamin. Namamalik-mata lang siguro ako.

Muli kong binalik ang tingin sa salamin. Napatigil ako at nanigas nang makitang naroon pa rin ang babaeng basang-basa. Iyon mismo ang nakapagtataka. Sa hindi magkasundong sitwasyon, nakaramdam ako ng kilabot at panlalamig.

"Ang lamig. Bakit biglang lumamig?" pagtataka ng klase saka napilitan akong lumingon sa kanila at dumaan muli ang tingin sa pintuan, pero wala ang babaeng iyon.

"Hahhh. Haahh. Tingnan niyo, kita yung usok mula sa bibig ko," natutuwang komento ni Craig, ang isang pasaway naming classmate, habang nilalamig. Sinundan din naman siya ng mga barkada niyang may pagka-manhid at hindi nila napansing may kakaiba nang nangyayari.

"Hahhh, ang lamig talaga," saad ni Janet habang papalapit sa akin at nakayakap sa sarili. Nang makalapit, napalitan ng pag-aalala ang itsura niya nang makitang nakatulala ako.

Pumunta ang tingin niya salamin saka ko rin sinundan, pero wala nang kakaiba sa reflection ng silid. Wala ang kakaibang babaeng nakita ko kanina. Nananaginip... ba ako sa nakita?

"May kakaiba nga talaga dito sa salamin," komento ni Janet habang dumaan ang kanyang kamay sa elegante at mukhang gawa sa ginto nitong frame.

"May idea ka?" pilit kong binuka ang bibig para tanungin siya.

Malawak ang pang-unawa ni Janet sa ganitong mga bagay dahil may kakayahan siyang makaramdam kung may mali sa paligid.
Mahina lang at magtataka pa siya bago niya pag-tuunan ng pansin. Minsan hindi niya pinapansin dahil maaring guni-guni niya lang, pero sabi niya nga, minsan tumutugma katulad sa nangyayari ngayon.

"Phoebe." Bigla siyang naging seryoso at agad umatras ang kamay niya na parang napaso sa salamin, saka mahigpit na napahawak sa kanyang braso habang direktang nakatingin pa rin sa salamin. "Parang may nandirito na hindi kabilang sa atin."

Tumingin ako sa kanya at naalala ko ang naramdamang kilabot sa babaeng nakita ko sa salamin. Mga ilang segundo ay nahuli kaming lahat sa gulat nang may malakas na ingay ang umalingaw-ngaw sa paligid. Isang malakas na ingay na parang bumagsak sa amin, sinira ang bubong at balak kaming tamaan. Agaran kaming napatakip sa tainga at napayuko, habang ang iba ay napasigaw sa pagkakagulat.

Matapos ang ingay, nanaig ang katahimikan.  Wala sa amin ang may kakayahang makapagsalita habang kinabahang tiningala ang ceiling. Pero, walang bakas ng kung ano mang nahulog. Napalinga kami at normal ang silid na parang walang nangyari, maliban lamang sa ilaw na nagpapatay-sindi.

Nabigla na lang kami nang malakasang nagsara ang pintuan at saka tuluyang namatay ang ilaw. Sumunod nito ay biglang nagsibasag ang mga bintana at wala kaming nagawa kundi agad magsama-sama sa gitna. Ang iba ay hinila para hindi matamaan ng mga bubog.

Sa gitna ng kaguluhan, narinig namin ang sigaw ni Steve, ang class vice president, na nagawa niyang pumunta sa pintuan at buksan iyon. Nang makitang unti-unting nagsisigalaw mag-isa ang mga lamesa at upuan, agad kaming tumakbo palabas ng pintuan at tinungo nila ang buong section sa session room.

Ang session room ay nasa bandang itaas ng school na madadaanan pa ang isang gilid ng campus bago makaakyat sa sementong hagdan patungo doon. Nakahiwalay ang building nito pero nasa loob ng campus, na minsan lang okyupado at karaniwang ginagamit for meeting purposes. Hindi na namin napansin ang paligid dahil deretso lang kaming nakasunod sa mga nauna at para makaalis agad sa classroom.

Mabilis ang pangyayari at naiwan kaming gulantang. Kahit ang mga boys na natutuwa kanina ay hindi makapagsalita. Normal ang temperatura dito sa session room pero nanlalamig kaming lahat habang dumaan pa ang ilang mga minuto para mahimasmasan. Ni isa sa amin ay hindi makapagsalita habang sinubukang isipin na hindi panaginip ang nangyari.

Matapos makaranas ng nakaka-kilabot na pangyayari at dumaan ang mahabang maraming minuto na hindi namin ramdam, hindi kami makapaniwala sa sumunod. Huling pumasok sa room si Russel at Laura na halatang pagod, parang nagmadali sila at problemado. Inikot nila ng tingin ang room hanggang sa makita ako at agad silang lumapit sa akin.

"Phoebe," paghablot nilang dalawa sa braso ko.

"B-bakit? Anong problema?"

"Si-si Rue at si si Steve," hinihingal na sambit ni Russel habang naguguluhan kung ano ang sasabihin.

Ngayong sinabi nila, wala si class pres at vice pres sa silid. Si Rue ang II-C class president at si Steve naman ang class vice president. Sila ang naglakas-loob na buksan ang nagsarang pintuan at agad kaming tinungo dito.

"Nasa principal's office sila at pinapatawag ka din," si Laura na kasama niya ang nagsabi, nang makitang naguguluhan pa ang kasama nitong si Russel sa kung ano mang sasabihin. Kahit nagtataka at naguguluhan, wala akong nagawa kundi magtungo sa principal's office, na kailangan muling bumaba sa sementong hagdan para marating ang ibabang parte ng school, dumaan sa inner campus hanggang sa marating ang main building.

Nang marating ang main building at pumasok sa hallway, bago ko pa mabuksan ang nakasarang pintuan ng principal's office, narinig ko ang galit na boses ng principal at ng dalawang guro. Ilang beses akong napa-ikot sa labas at napahawak sa door knob pero hindi ko magawang iikot. Nang marinig kong may pumalo sa lamesa, ang gulat ko na ang nagbigay lakas para mabuksan ang pintuan.

Napatigil sila sa kalagitnaan ng kanilang sermon. Nakaupo ang middle-aged principal kaharap ang kanyang desk, nakakunot-noo at halatang galit. Sa tabi niya ay dalawang gurong babae, ang isa ay maasim ang muka at halatang naninisi habang ang isa ay katulad ni ma'am principal na galit at nag-aalala.

Sa harap nila ay ang dalawa kong classmate na nakatayo at napagsasabihan. Nag-aalalang napunta ang tingin ko kay Rue at Steve. Ano bang nangyayari na?

"Ms. Phoebe, huwag mong sabihing kasama ka rin sa kalokohan ng mga kaklase mo?!" Galit na tumingin sa akin si ma'am Breta, ang pinakamatandang guro sa paaralan na wala pa naman sa 40 years old pero mukha nang more than 40.

Kaloko.. han?" naguguluhang tanong ko. "Ano pong...?"

Istrikto at inis ang itsura ng principal na nakatitig lang sa amin pero alam kong siya ang namalo ng libro sa lamesa dahil sa hawak niyang libro. Habang si ma'am Hwene na nasa tabi niya ay maasim rin ang pagmumukha at napangisi na parang nangmamaliit. Hindi na dapat ako nagtanong... kaya nilunok ko na lang ang mga susunod ko sanang sasabihin.

"Anong ginagawa mo dito, Phoebe?" pabulong na tanong sa akin ni Steve nang tumabi ako sa kanya.

"Sabi ni Russel pinapatawag ako-" Sinubukan kong pahinaan ng husto ang boses pero narinig ni ma'am Breta.

"Sinasabi ko na nga ba eh."

"Mga estudyante talaga. Dapat pinaparusahan sila para matuto agad, di ba ma'am principal?" mapanglait na suggestion ni ma'am Hwene. Pinakalma ko ang aking itsura kahit naguguluhan pa rin hanggang ngayon sa mga nangyayari.

"Kailangang umain ang sino mang puno't-dulo ng pangyayaring ito at humungi nang tawad dahil kung hindi, kami mismo ang maghahanap sa kanya at baka mas mabigat pa ang parusang matatanggap niya. Maaari siyang masuspense o mapatanggal sa paaralan kapag lumala pa ito," wika ng principal sa istrikto niyang mukha at tinuluyan din naman ng dalawang guro.

"Sabihin mo na lang ang totoong gumagawa nanaman ng kalokohan ang mga kaklase niyo at nagsisinungaling sila Russel at Laura. Rue, ikaw ang class president ng II-C at ang 2nd year representative. Impossibleng gawin mo ang mga bagay na ito."

"May dahilan siguro kung bakit mo sila pinagtatakpan pero sabihin mo na lang kaya ang totoo, Rue."

Nakalingon na kaming lahat kay Rue, hinihintay ang kanyang kasagutan, pero wala siyang imik. Dahil dito, mistulang bumigat ang tensyon sa loob ng silid. Dumaan pa ang ilang segundo bago siya sumagot sa natural niyang kalmadong boses.

"Hindi ko alam... kung pano ipapaliwanag ang mga nangyayari. Kahit kami, naguguluhan. Humihingi po kami ng pabor na huwag niyo munang palakihin ang issue na ito hangga't hindi kami nakakasiguro kung ano talaga ang nangyari. Ako na pong hihingi ng paumanhin sa mga naabala at napag-alala namin. Pasensya na po."

Magalang at mapagkumbabang humingi ng tawad si Rue, na niyuko niya pa ang kanyang ulo. Napahanga kami ni Steve sa kanya dahil hindi na nakaimik pa ang dalawang guro at ang principal. Sa mga sinabi at paraan ng kanyang pagsasallita ay napahinahon niya sila.

"Siguraduhin niyo lang," pahabol naman ng principal matapos hindi makaimik ng ilang segundo, saka tinakpan ito ng pag-ubo.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top