Chapter 20: Start of Intramurals

Monday of December

Nagkaroon ng parade this morning. Normally, dapat naka-team-shirt uniform kami pero pinili ang school uniform dahil sa sinabay na Foundation day. Matapos ang parade ay ang morning mass.

Sumunod ang break, kung saan nabigyan kami ng sapat na oras para magpalit at mag-ayos sa kung ano mang team uniform namin para sa opening ng Intrams. Mabilisan ang mga pangyayari. Sa oras ng break time, walang minuto ang naaksaya sa agaran naming pagpunta sa bawat team room para magpalit ng team uniform, pagdesign ng kasuotan, at ang pagpinta sa mukha at kamay.

May apat na team sa Intramurals. Nakabase sa Harry Potter book ang bawat pangalan ng team. Naroon ang Gryffindor (Red team), Slytherine (Green team), Hufflepuff (Yellow team) at ang team na napuntahan ko, Ravenclaw (Blue team).

Sa opening ceremony ng Intramurals, umikot sa buong campus ang female and male marathon champion, na naganap ang competition kaninang madaling araw. Hawak nila ang torch habang tinakbo sa buong campus. Tumigil silang dalawa nang marating ang bandang malapit sa stage, sa malawak na open court ng campus, saka sinindihan ang kumpol ng kahoy gamit ang torch.

Ito ang senyales ng pagsisimula ng school Intramural's Week sabay nagkaroon ng buong maingay na cheers mula sa aming mga estudyante. YAY!

Hindi ako mahilig magpresent sa harap ng maraming tao pero dahil madami kami, nakabawas ng tensyon. Ang importante ay hindi magkamali sa mga steps. Magkamali ka lang sa left at right, doon na magsisimula ang kahihiyan at minus points din sa team presentation.

Second kami sa presentation at malaki ang pasalamat na ka-team ko si Anne. Halos napunta sa ibang team ang mga kasama ko at si Anne lang ang ka-close ko dito sa Ravenclaw. Si Wendy, Anne at Remy ang naging friend ko noong first year at naging friend ko naman si Flam at Janet ngayong second year.

Si Wendy ang pinaka-outgoing sa amin at mapagkakamalang elementary dahil sa mas bata niyang itsura. Siya ang nagpakilala sa amin kay kuya Hue nung first year pa lang kami. Si Remy naman na may pagka-kulot ang buhok, siya ang pinaka-magaling sa amin sa culinary. Matagal niya na ring kilala si kuya Hue dahil naging ex-girlfriend nito ang ate niya. Kuya Hue talaga.

Si kuya Hue pala ang dating Mr. Intrams. Mukhang magiging abala siya sa oras ng event ng Mr. & Ms. Intrams, dahil isa rin siyang lalabas sa stage para ipasa ang korona, maliban sa pagiging SSC president.

Si Anne naman ang maganda at tsinitang matangkad. May pagka-petite siya at happy-going with the flow katulad ni Flam. Sayang, gusto ko sanang si Anne ang female candidate ng team kaso nanalo ang isa sa mga members ng grupong saucy girls.

Katulad din sila ng the noisy troupe kaso binubuo ng mga babae. Sila yung tipo ng mga babaeng palaging naka-make up, na-edit ang uniform para makita ang hubog ng kanilang katawan at kita din ang halos kutis nila. Magaganda silang lahat at mga sosyal din.

Si Maica ang female candidate ng team Ravenclaw, miyembro ng saucy girls at si Ralph naman ang male candidate matapos tanggihan ni Rue ang position.

Narinig ko ang malakas na palakpakan at nalamang kami na ang susunod sa presentation. Hindi ko maalala ang pinanood ko kanina lang- ang presentation ng naunang team.

Sa team Ravenclaw, kasama namin si Wain at Craig pero nasa dance group sila. Silang dance group muna ang magpepresenta bago kaming lahat para sa general team cheer habang stay put muna kami sa background.

Nakatayo si Wain at Craig sa pinakaharap habang nakaready. Nagsimula ang music. Ang tunog ay mistulang dalawang malaking baril na hinahanda para lumaban sa gera. Iyon mismo ang ginawa nilang dalawang nakatayo at parang may hawak nga talaga silang malaking baril kahit wala. Ito ay pantomime na may halong pagka-modern ang style.

Napatawa ako ng tahimik. Napaka-confident talaga ng itsura nila. Mula sa tulong ng kanilang magaling na action, acting at background song, makikitang handa na si Wain at Craig sa battlefield.

Dumagdag sa background song ang ingay ng parating at maiingay na zombies- ang pagdating ng iba pang dancers na umakta bilang zombies papunta kina Wain at Craig. Ah. Magka-rhyme din ang pangalan nila katulad ni Rue at kuya Hue.

Tumunog ang ingay ng pagbabaril at sumabay sa kilos si Craig at Wain na mistulang binabaril ang mga zombie-dancers. Ang galing nila. Sumasayaw na nababaril ang isa, sumunod ang pangalawa hanggang sa lahat sila ay magsitumba. Maririnig din ang pagpalit ng bala habang yung isa ay patuloy sa pagbaril. Salitan sila sa ganoong kilos hanggang sa dalawa na ulit sila sa pagsugpo.

Ang huli na lang ay ang pag-aayos sa baril. Doon umiba ang music at agad nagsibangon ang lahat ng mga nabaril. Bumirit-birit sila na parang pop-dancers hanggang sa pumasok na kaming buong team members. Wala akong kamali kahit conscious sa mga nanonood. May maliit na pagkakataong nahuli ako pero hindi ako nagkamali. Basta tapos na sa wakas.

Matapos ang presentation ng team ay lunch time. Lunch na saglitan dahil dalian kaming bumalik sa classroom matapos kumain. Temporary opening ng booth pagkatapos ng lunch kaya kailangang maayos dapat ang lahat. Horror house ang sa amin habang abala na ang iba sa pagsuot ng costume at pag-make-up.

Katulad ng ibang sections na may kanya-kanyang booth, abala ang lahat sa pag-aayos ng sariling silid. Mga less than an hour ay magsisimula ang opening ng booth kaya hectic sa gawain ang lahat.

"Bakit ba ngayon natin 'to hinahabol?" iritang sambit ni Janet.

"Masisi mo ba kami? Halos lahat tayo maraming ginagawa. Hindi pa pala natin natapos ito," inaantok na sagot ni Flam dahil sa halatang kulang siya sa tulog.

Malapit nang mag-gabi nang makauwi kami kahapon galing sa bahay nila Remy. Tumulong kami sa paggawa ng mga bake-delights para sa booth ngayong week. Nagpuyat pa si Flam para tapusin ang kanyang costume. Buti na lang maaga kong natapos ang costume ko. Ilang araw din akong puyat.

"Wala tayong magagawa kundi gawin na lang 'to at tapusin agad." Napahikab si Remy na isa ring puyat.

Kahit naiirita si Janet at wala sa mood ang dalawang kasama, pinagpatuloy pa rin namin ang pagsasaayos at pagdikit ng mga letters sa itaas ng mallit na stall, sa harap ng classroom namin. Dito ilalagay ang mga horror-bake-delights na home-made.

Napadaan sa tabi namin si class pres at vice pres. Mukhang nagmamadaling umalis si Rue habang nakasunod si Steve sa likod nito at may hawak na paint brush.

"Sa'n ka pupunta, class president?!" Malakas ang boses ni Steve na pinarating sa nagmamadaling paalis na kasamang class officer.

"Ayokong ginagawa mga bagay na 'to. Bwisit!" naiinis niyang komento nang makaalis si Rue at iniwan siya. Hindi sinadyang maihagis ni Steve ang paint mula sa paint brush na hawak dahil sa inis. Naghudyat na muntikan kaming matalsikan kaya agad napareklamo si Remy.

"Steve, yung paint!"

Napalingon siya sa amin. "Ah. Sorry. Nandiyan pala kayo."

Mukhang umiinit ang ulo ng mga tao sa paligid ko. Janet, relax lang. Gayahin mo si Flam na wala nang pake dahil inaantok.

"AhH! Ilagay kaya natin yung salamin. May totoong multo naman dun, pangdagdag ng takot."

Gulat kaming napatingin sa biglaang suggestion ni Steve. Mukhang tinamaan ang mentally niya dahil sa pagod.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Steve!" Pinagalit niya ang nananahimik lang na si Flam.

"Kaya nga! Hindi kaya nakakatuwa!" dagdag ni Remy. Nanlilisik na rin ang mga mata ni Janet dahil sa inis.

Kung tutuusin, madaming nangyari ngayon. Naka-ilang beses kaming palit. School uniform sa parade, team uniform sa team presentaion, booth costume pa. May mga ilan ding kailangang magpalit para sa Intramural games.

Paano pa si kuya Hue at ang partner niyang kanina pa palit ng palit dahil silang dalawa ang school speaker? Pagod na pagod din si Steve dahil isa siya sa mga naging runner boy ng abalang SSC president. Pansin din ang tahimik na pagkaka-bad mood ni Rue. Sa pagka-busy ni kuya Hue, nalaman naming naitambak ang mga gawain niya kay Rue.

Lumabas ako mula sa silid para makahinga ng preskong hangin habang nag-aayos pa rin ang iba. First day pa lang ng Intrams pero ramdam ko na ang pagod. Ibang-iba talaga ang hangin sa labas kaysa sa loob ng horror booth na madilim at natatakpan ng maraming kurtina.

Pumunta ako sa garden sa likod na nakahiwalay sa campus dahil tahimik doon, saka umupo sa isa sa mga bench para makapagpahinga, nang makita ko si Rue na napadaan sa di kalayuan.

Kakaiba ang kilos niya. May katawag siya sa phone habang nagmamadaling tumakbo papunta sa... proposed building? Napaisip ako dahil parang may pagkataranta sa pagtakbo niya. May problema kaya? Agad akong tumayo at dahil sa pag-aalala, sinundan ko kung saan siya papunta.

Huli kong nakita ang anyo niyang pumasok sa first floor ng proposed building, ang building na hindi na natuloy gawin at kalahati pa lang ang natapos. May kakaiba sa lugar na iyon ngayong naalala ko ang nangyari sa akin last week at kung bakit basang-basa ako. Doon din natagpuan ang nakapagtatakang nakasinding kandila at mga nagkalat na papel na may mga sulat. Creepy.

Hinihingal ako nang marating ang pintuan ng first floor ng building dahil sa paghabol kay Rue. Paglagpas sa kalahating nakabukas na pintuan, di kalayuan, sa loob ng first floor ng building, nakita ko si Rue na nakatayo sa gitna ng silid. Nakababa ang kanyang tingin sa floor at parang napatigil sa nakita.

Narinig niya ang pagpasok ko sa loob, napalingon sa akin bago binalik ang tahimik niyang tingin sa kung ano mang bagay na nakakuha ng atensyon niya sa sahig.

Wala na ang katawag niya nang makita kong nakababa ang isa niyang kamay, pero hawak pa rin ang phone na parang katatapos lang sa call.

"Rue..." sambit ko habang papalapit sa kanya at nasurpresa nang makita kung ano ang tumulo sa sahig na galing sa kaliwa niyang kamay. Dumaloy ang dugo mula sa kamay niyang iyon at tumulo sa sahig.

Bago ako makapagsalita, nauna ang kilabot ko
nang makita ang bagay kung saan naka-direkta ang atensyon ni Rue. Sa sahig, nang makalapit sa tabi niya, napatakip ako sa bibig dahil naroon ang salamin, na sa huli kong pagkakaalala ay kinuha ni father Louis at dinala niya sa Europe. "Pa-paanong andito ang salamin?"

"Iyon din ang tanong ko."

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top