Chapter 2: Poltergeist
Saturday of August
"Poltergeist. Mula sa sa German word na 'poltern' na meaning 'knocking,' at 'geist' meaning 'spirit.' Literally ang ibig sabihin ay 'knocking spirits.' Mga kakaibang ingay, paggalaw ng mga kagamitan na walang dahilan at sinasabing gawa ng isang hindi mapanatiling kaluluwa."
Sa gitna ng gabi sa school, matapos ang leadership training kanina, kaming mga siyam na babae sa second year batch ay kasalukuyang magkakaharap habang pinag-gitnahan ang isang nakasinding kandila sa madilim na silid.
Gusto ko nang matulog matapos ang event. Pinabalik kami sa aming designated rooms para matulog, pero hindi makatulog ang karamihan sa mga kasama ko at napag-isipang mag-horror night. Kahit inaantok, binangon ko ang sarili dahil mukang lahat sila gustong mag-kwentuhan.
Nagbibigay ng magaan na liwanag ang nag-iisang kandila sa gitna habang naka-kukot kami sa aming kumot at nagtabi-tabi dahil sa lamig. Tahimik rin kaming nag-uusap para hindi kami mahuli ng faculty.
"Iyon ang common na palaging nangyayari pag haunted ang place, besides sa pagpapakita ng mga ghost," paliwanag ni Anne, ang secretary ng class II-A. May pagka-mukang koreana si Anne at mas lalong naningkit pa ang singkit niyang mata sa harap ng munting liwanag ng kandila. "Haunted din ba ang school natin?"
"Hindi, wala pa naman akong naririnig," kontra naman ni Wendy, isa ring officer sa class II-A. Siya ang may pinakabatang mukha sa amin, na pwede na siyang pagkamalang grade 6, at sa mukha niyang iyon pansin na hindi niya hilig ang horror.
"Merun," sabat naman ng isang class officer ng II-B. Sinimulan niyang mag-kwento patungkol sa misteryosong batang nakikipaglaro ng taguan sa gabi. Isang security guard na daw ang naka-saksi nito, na akala naligaw na bata at sinundan niya pa pero pader na ang humarap sa kanya dahil doon lumusot ang bata.
Nagtuloy ang kwentuhang katatakutan. May white lady daw na nasaksihan sa banda ng first year classroom, lalaking matandang may tungkod sa faculty office at minsan may nakikitang anino doon.
May mga natatakot sa amin, tinakpan ang kanilang tainga habang ang iba naman ay tahimik o kaya natutuwang pakinggan ang kwento.
"Ah!" pagtaas ng boses ng isa sa amin na parang may naalala, saka lumingon sa akin. "Nabalitaan mo ba yung salamin na nahanapan nila Russel, nasa class II-C niyo, iniwan nila doon."
Sila Russel?
"Hindi ko nga lang alam kung totoo pero sabi niya, may kakaiba daw doon. Nahanapan nila yun nung napalinis sila sa pinapagawang proposed building."
"Ah, yung na-punished sila ni Laura dahil late sila sa klase," pagkakaalala ko. Si Russel at Laura ang palaging magkasama at kilala na bilang tsismosa duet sa class II-C.
"Anong merun sa salamin?" hindi makapaghintay na tanong ni Anne at gusto nang malaman ang sagot.
"Para daw siyang sinusundan ng salamin. Dahil nagandahan siya sa salamin, inuwi niya at nilagay niya muna sa kanyang cabinet. Pero pagka-gising niya, nagulantang siya nang makitang nasa tabi niya ito."
Nagsitinginan kaming lahat saka tinuloy niya muli ang pagkwento.
"Binalik niya ang salamin sa cabinet, ni-lock iyon, saka nilagay ang nag-iisang susi sa bulsa ng kanyang pantalon, iniisip na baka pinaki-alaman ng mga kapatid niya ang mga gamit nito. Pero, pagkagising niya sa sumunod na araw, katabi niya ulit ang salamin. Sa pagtataka, agad niyang binalikan ang cabinet at nakitang naka-lock pa rin iyon. Kinakkal niya ang bulsa ng pantalon at naramdaman niya ang susi. Sa takot, binalik niya dito sa school at iniwan sa classroom niyong II-C."
Kinabahan ang iba sa amin habang ang iba naman ay parang hindi naniniwala.
"Baka chismiss nanaman 'yan," komento ng isang class officer ng II-A.
"Try mo kaya silang tanungin sa Monday, Phoebe. Tutal classmate mo naman sila, dagdag mo na ring tanungin kung nasaan yung salamin," natutuwa ang mga singkit na mata ni Anne na tumingin sa akin. Hindi naman nakakatakot pero parang batang natuwa. Minsan kasi, kung si Russel mag-kwento, parang di totoo at maraming chismiss.
"Merun yung salamin. Iyon ata yung sinabit nila sa likod at naging salamin ng classroom." Gulat na napatingin silang lahat sa akin pagkasabi ko.
Maganda yung salamin, elegante, naka-gold frame at halatang antigo. Gumanda pa lalo nang malinisan iyon. May ganoon pa lang kwento si Russel, akala ko pinamigay niya lang sa classroom.
Bigla kaming napatigil nang may narinig kaming mga yapak ng paa. Napaangat ang tingin ni Anne sa labas at mabilis na gumalaw saka pinatay agad ang apoy ng kandila.
"Dali-dali! Balik na sa higaan natin."
Nakilala naming ang mga paang iyon ay ang faculty teachers kasama ang security guard na hawak ang flashlight, na ang ilaw ay dumaan pa sa silid. Agad kaming nagsibalik sa aming pwesto. Nadulas pa ako bago ko maabot ang higaan sa pagmamadali habang may napatawa ng mahina nang marinig iyon.
Pagka-kumot, agad naming pinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog bago pa magbukas ang pintuan. Nang mabuksan, narinig namin ang mahinang boses ni ma'am Trisha. "Tulog naman sila."
Dumaan ang ilaw sa amin habang walang nagtangkang gumising. "Kompleto sila na female 2nd year batch."
"Mukang mga pagod," panuto naman ng isang faculty sa mahinang boses, saka may halong panggigigil sa boses sa sumunod niyang sinabi. "Hindi katulad ng mga fourth year boys. Pasaway talaga kahit gabi na."
Nang sinara na ang pinto ay saka kami nakahinga ng maluwag. Nang marinig na makalayo na sila ma'am at ang security guard, napatawa kaming magkakasama sa mahinang boses at nagsabihan na ng 'good night.'
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top