Chapter 19: Morning Greeting

Monday of December

Matapos maligo, kumain, at magsipilyo ay nakahanda na akong humarap ngayong araw. Sa harap ng salamin, sinuot ko ang aming complete school uniform. Ang logo ng Saint Vincent High School, na silver at royal blue ang logo color ay nakatatak sa puting long-sleeve na uniform blouse, sa bandang kaliwang dibdib. Nakaterno ang pure navy blue na palda, tatantayang hanggang bandang tuhod or below ang haba at may nakakabit na strap.

Ang strap ay nakapatong sa upper na puting blouse. Sa harap ay V ang style habang X naman sa likod. Pinatong ko rin ang ternong cute na navy blue vest, kung saan nakalagay din ang logo ng school sa bandang kaliwang dibdib. White socks naman hanggang ankle ang suot ko kasama ang black leather shoes, na may unting habang takong, bilang part ng uniform.

Masusuot ko na ang bihira naming isuot na sombrero ng school. Nasa gitna nito ang cool na logo ng Saint Vincent High School. Dahil ngayon ang opening ng Intramurals at Foundation day, istrikto ang requirement sa pagsuot ng complete uniform.

May jogging pants with upper blue-collared white polo shirt kaming PE uniform, pero hindi namin gamit sa ganitong formal na okasyon. May short sleeves din kaming blouse uniform pero dahil taglamig na, pinasuot sa amin ang long-sleeves.

Pinatong ko ang sombrero sa ulo bilang part ng uniform habang nakatingin sa full body mirror. Yup. Ang cute ng uniform namin. Mukhang humaba na rin ang buhok ko. Dati, hanggang balikat pero bandang dibdib ko na ang haba.

Pagkasuot ng school bagpack, hindi ko kinalimutang kunin ang paper bag na naglalaman ng damit na hiniram ko mula kay Rue. Nakalagay din sa loob nito ang mga vanilla bake delights na ginawa namin kahapon sa bahay nila Remy.

Binati ako ng malamig na hangin ng umaga pagkalabas ng bahay. Excited ako dahil walang academic studies ngayon.

Sa kalsada, may mga nadaanan din akong naka-complete uniform tulad ko. Ang cool ng uniform ng mga boys. Kung navy blue na skirt sa aming mga girls, darker navy blue naman na slacks sa mga boys; may ternong long-sleeves na white blouse at nakapatong ang navy blue vest, tulad din sa aming mga girls.

May nakita akong unting numero ng mga estudyanteng maaga sa school katulad ko para makapag-prepare. Hindi talaga nakakatamad gumising kapag ganitong okasyon ang babati.

Papunta ako sa classroom para ilagay ang paper bag sa ilalim ng desk ni Rue nang makita ko ang front door ng classroom namin. Nakapaskil sa itaas nito ang malaking letters, black color bordered with white, at ang basa ay 'WELCOME TO HORROR HOUSE.'

Oo pala. Nagamit lahat ng desk habang ang iba ay pinagilid para sa booth. Ayos lang kayang iwan ko 'tong paper bag sa SSC office? Habang napapa-isip, naglakad na ang mga paa ko sa main hallway. Doon sa locker niya? Nakabukas kaya? Sino kayang tao doon ngayong ganito kaaga? Sana si kuya Hue lang o kaya si Rue para ibigay ko na ng diretso.

"Phoebe, magandang umaga~"

May narinig akong napaka-pamilyar na boses, tinawag ang pangalan ko at bumati sa napakatamis na tono, pero nilagpasan ko lang habang papunta sa SSC office.

Yup, wala akong narinig, pero nakasunod pa rin siya. Kahit bilisan ko ang paglalakad, nagawa pa rin niya akong mahabol.

"Phoebe~ Phoebe~ Ang magandang sophomore na si Phoebe. Bakit parang lalo kang gumaganda? May mga nanliligaw na ba sayo? Pwede mo bang isali si kuya mong ito sa listahan?"

Ang sinasabi niyang kuya ay siya, na tinuro pa ang sarili. Kahit siya ang isa sa inaasam kong madatnan sa SSC office, na ngayon ay nasa hallway at nakasunod sa akin, wala akong laban sa ganitong pagbati. Buti, wala masyadong tao sa paligid.

Agad ko siyang hinarap at saka rin siya tumigil. "Kuya Hue!" irita kong sigaw sa kanya.

"Ang cute mong mamula. Nakakatawa ka talagang asarin."

May lakas pang tumawa ang matangkad na playboy. Ginawa niya na itong biro kina Remy nung isang araw. Halos effective ang charm niya dahil sa kitang pamumula at hindi makapagsalitang reaksyon nila. Kahit si Janet na pinaka-matibay sa amin ay ganun din ang naging kahinatnan.

Ngayon, ako naman ang biktima niya. Kailan kaya kami masasanay? At tsaka may girlfriend siya. Break na ba sila o may bago ulit?

Ngingitihan ko siya na may halong pagka-demure. "Kuya Hue, pasensya pero puno na ang listahan ko."

Napatigil siya sa sinabi ko. Oh. Agad kong kinuha ang pagkakataong lagpasan siya dahil nasa likod niya na ang SSC office. Wala pang tao sa loob at nakabukas dahil kay kuya Hue. Dumeretso agad ako sa lockers at nakita ang passworded lock sa locker ni Rue.

Nakarinig ako ng malakasang halakhak mula sa likod. "Si Rue pala ang pinunta mo dito. Parang may iiwan ka sa locker niya. Yan bang paper bag na hawak mo?"

Humigpit ang pagka-hawak ko sa handle ng paper bag na pinupunto ni kuya Hue habang mabilis akong humarap sa kanya.

"Nahuli kita," natawang sambit nito habang lumapit sa akin. "Alam ko ang password niya at ako lang ang nakakaalam bukod sa kanya. Ano yan?" pasilip-silip siya sa paper bag pero agad kong tinago sa likod ko.

"I-Ito yung damit na pinahiram niya sa akin last week nung basang-basa ako."

May dumaang pagka-alala sa mukha ni kuya Hue, pero duda pa rin siyang tumingin sa akin. "Mhm... May nakalagay pa diyan bukod sa damit niya, ano? Kaya wagas ka kung makatago. Kitang-kita ko din ang pamumula mo," pagtawa niya habang nang-aasar.

"K-kapalit ito sa tulong nila sa pag-ako sa workload ng class design coordinator nung absent ako," habol kong pagdahilan.

Lumabas na ako ng SSC office at iniwan ang SSC president sa SSC office na walang paalam dahil sa inis. Masaya at arogante siyang nakaupo sa sofa habang kinakain ang bake delights na gawa namin ni Remy- bilang kapalit sa katahimikan niya at paglagay ng paper bag na dala ko sa locker ni Rue. Dinagdag ko na ring inutos kay kuya Hue na ibigay niya ang share ni Steve, ang mas maliit na paper bag na naglalaman ng pastries.

Habang naglalakad sa hallway, sumunod namang nakita ko ang artistahing anyo ng isang classmate namin. Sa magandang tanawing dala ng umaga ay pumasok sa gate ang isang binatang nakasakay sa isang skateboard.

Maganda ang kanyang anyo at bumabagay ang porma ng kanyang damit. Suot niya man ang complete uniform na talagang bumabagay sa lean niyang katawan, kitang-kita ang pag-edit nito.

Ang taong iyon ay si Wain. Buong hindi nakabutones ang kanyang vest, naka-roll up ang kanyang white long sleeve blouse hanggang siko habang nakawala ang dalawang unang butones nito kaya kita ang kanyang clavicle. May nakapatong namang matingkad na yellow head phone sa balikat niya at kalahating nakapaikot sa leeg.

May itim ding jacket na nakatali sa baywang nito at hindi nakasuot sa kanyang ulo ang sombrero, kundi masaya niya itong hawak habang nakasakay sa sakateboard. Kitang-kitang naka-gel ang kanyang buhok na maala-idol ang style. Para siyang isang member ng isang sikat na boy band group at nakasuot ng formal navy blue na uniform.

Yung uniform mismo at ang kanyang bagpack ang nagpabawas sa pagiging pop-style. Bumagay nga naman sa kanya dahil pina-kita nitong estudyante siyang maporma at mahilig sa musika- isang outgoing, good looking teenaged boy.

Isang childish na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Wain habang masayang nakasakay sa skateboard. Wala siyang idea kung ano ang itsura niya para makuha ang atensyon ng duma-daming tao sa campus.

Hindi inaasahan ng masayang binata ang batong nananahimik sa sarili nitong pwesto at magagambala ng kanyang rumaragasang skateboard. Sumakatwid, katulad ng nagambalang bato ay isa rin siyang nagambala sa kasalukuyang kasiyahan.

Tumama ang gulong ng kanyang sinasakyan sa nakaharang na bato, naghudyat na mawalan siya ng balanse. Daglian siyang napatalon habang naiwan ang skateboard na deresto naman ang pagtakbo at tumigil nang may umapak dito.

Sumunod naman ang rider nitong hinahanap ang balanse. Huminto si Wain bago pa niya mabangga ang taong nagpatigil mismo ng kanyang sinasakyan. At nang makita kung sino man iyon ay daglian niyang sinabay ang pagtayo ng maayos at nag-salute. "Y-Yo! MoRning class president!"

Binati lang si Wain ng tahimik na anyo ng kaharap bago nagsalita. "Anong klaseng exhibition ang ginagawa mo, Wain?" Hindi na napigilan ni Rue ang sarili, bahagyang napangisi, saka napatawa.

Narinig ko ang tawanan ng lahat ng mga nakasaksi at hindi mawawala ang pinaka-maingay na pagtawa. Galing mula sa kaibigan nito- si Craig. Lumabas siya mula sa mga taong nanunuod, pumunta sa campus at halos sumakit ang tiyan sa kakatawa.

Katulad ni Wain, may pa-edit din siya sa damit. Hindi nakasuot ang kanyang vest kundi nakapatong sa balikat niya at hawak niya mismo. Naka-roll up ang kanyang sleeve hanggang sa kanyang wrist. Hindi siya nakasuot ng bagpack, marahil ay iniwan niya sa classroom, habang nakawala rin ang dalawang unang butones ng kanyang blouse kaya kita ang clavicle nito.

Ano sila? Clavicle gang? Hindi ko alam kung paano nagawang isabay ni Craig ang pagsalita habang tinatawanan si Wain.

"Dumating ka pang asungot ka!" inis na sabat ni Wain at lalo pang nairita nang makita rin ang patuloy na pagtawa ni Rue.

Mukha silang mga artistang handa para mag-modelo sa isang shooting. Lumingon ako sa paligid at napahinga ng maluwag nang makitang hindi lang ako ang naakit sa senaryo sa campus.

Napasilip si Wain sa kanyang likuran at nakita ang karamihan ng mga nakasaksi, pinipigilan ang pagtawa habang ang iba ay tumatawa na talaga. Hanggang sa may nakita siyang kakilala sa hallway.

Punta na akong classroom. Agad kong nilayo ang tingin sa campus habang minadali ang paglalakad, saka ko narinig ang malakasang boses ni Wain.

"FLAM! FLAM! Oi, FLAM BERRIE PIE!"

Nahuli si Flam. Nakakahiya! Lahat ng ulo lumingon sa kung sino mang mala-energetic na kinakawayan ni Wain. Ipagsigawan ba naman sa buong campus. At nasaan na ang pagkakahiya mo, Wain?!

Mukhang sumisikat sa buong campus ang the noisy troupe, mula pa sa chika ni Anne sa amin. Kita sa mukha at katawan nila ang pagbibinata, at halos makuha na nila ang atensyon ng mga kababaihan. Maliban nga lang sa mentality, isip-bata pa rin sila. Kaso, ba't ang bilis nilang tumangkad na mga lalaki? Dati, halos pare-parehas lang kami ng tangkad. Paanong lumayo ang agwat? Madaya. Madaya. Madaya.

~~~~~

Author: I'm not good or best at drawing, but I did try my best in this. I hope you can see the picture I envisioned of their uniform, while I found a picture from pinterest that would give the near image of it:)


~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top