Chapter 17: Thoughts

Saturday of November

"Phoebe, nakikinig ka ba?"

Nakatingin ako sa plain caramel white na ceiling ng SSC office habang napaisip sa mga nagdaang pinag-usapan namin. Bumaba ang tingin ko nang marinig ang naiiritang boses ni Janet.

"Hm?" Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. Hindi ba ang tungkol sa mga papel na may sulat ang... pinag-uusapan? Nagtatanong ang mga mata kung lumipat-lipat ng tingin kay Flam at Janet.

"Pinag-uusapan namin ang dahilan kung bakit iba-iba ang languages na nakasulat kahit iisa lang ang kahulugan nito," pagligtas ni Steve nang ipaliwanag niya. "Ito ang mga papel na nadatnan nila father Louis bago nila bigyan ng dasal ang proposed building during nung recollection day. Iyon din ang araw na nagsagawa kayo ng seance pero nahuli kayo ni ma'am Trisha."

Aangal sana ako na hindi ako kasali sa seance at nadamay lang, pero minabuti kong manahimik nang pumunta ang tingin ko sa mga binuklat na papel na may mga magugulong scribbles. Mahirap maunawaan ang mga sulat pero kung papansining mabuti ang mga papel na pinatong nila sa lamesa, may mahihiwalay na salita.

Karamihan na mababasa ay ang mga nagkabangga-banggahang sulat na, 'tulong'.. 'help'.. 'tulong'.. 'tulong' .. 'help.' Paulit-ulit ang mga salitang iyon. May mga nakasingit din na Japanese characters '助けて' at Spanish words na 'ayudame.' Mula sa research ni Anne at Steve, iisa lang din ang ibig sabihin nito- 'tulong.'

"May Filipino, English, Japanese, at Spanish words," sambit ko. "Mula sa history ng bansa natin, napaloob tayo sa pamumuno ng Spain, America at Japan. Ibig sabihin, nagsimula ang kababalaghang pangyayari dito noon pa, at ang pinakadulo sa timeline ay ang Spanish word," saka ako napaisip. "Sa panahon ng Spain colonization?"

Tinuro ko ang nakitang 'De la Teguirre Family,' sa naka-bungad na papel na research nila- 'Information Collected about the De la Teguirre Family.'

"De la Teguirre," sambit ko. "Spanish style ang surname at ang spanish word na 'ayudame' ang pinakadulo sa timeline, kaya during Spain colonization? Sa panahon nila... ang keypoint." Umangat ang tingin ko sa kanila dahil sa napagtanto, pero gulat lang sila, maliban kay Rue na taimtim na nakatingin sa mga papel at malalim ang iniisip.

"Ibig sabihin, matagal nang nagsimula ang kababalaghang pangyayari?" pagputol ni Janet sa saglitang katahimikang namayani.

"Kailangan nating mahanap ang informations patungkol sa first director, dahil siya mismo ang pwedeng nakakaalam kung bakit may mga kakaibang pangyayari sa school," saad ni Flam sabay napatango kami sa conclusion niya.

"Nakukulangan pa rin ako," hindi kontentong sambit ni Steve saka binaling ang atensyon kay Rue. "Wala ba talagang idea si father Louis?"

"Hindi tayo ngayon nagre-research kung alam din lang ni father Louis," tugon ni Rue. "Malaki ang chance na agad babalik si father Louis dito sa school pag nagtuloy pa ang mga kakaibang pangyayari. Siya ang makapag-bibigay linaw sa iba pang katanungan."

"Sigurado na ba kayo na ang first director na si father Nicholas Santiago De la Teguirre ay ang apo ni Juan De la Teguirre?" pagdagdag ni Steve ng tanong habang naguguluhan. "Baka maiba ang direksyon ng kinakalkal natin kung magkamali man tayo."

"Kung pagkokonektahin mo ang timeline ng taon niya sa dalawang batang apo ni Juan Anton, hindi na nakapagtataka. Nasa pangalan niya din ito. At masyadong coincidental ang pagpunta niya dito," pagpuna ni Janet, na kung iisipin ay tama siya.

Sinuportahan naman ito ni Rue. "Nahanap ko ang personal details ng first director ng school sa storage files. Nakasulat doon, na ang mother niya ay si Rosa Cecilia at ang ama ay si Lorenzo. Mula dito, mapagkokonekta niyo na ang mga informations."

'Juan Anthon De la Teguirre. (1815-1902)
Spouse: Gabriella (1821-1889)
Child: Lorenzo
Grandchildren: Collin & Nicholas
Cause of Death: Died from a neck injury, a fall down the stairs in one of their main residences located in Luzon.'

Nganga kami habang napunta ang tingin namin sa copy of obituary info na summary ni Rue at nasa lamesa. Hindi namin naisip na pwedeng kalkalin ang background informations ng mga school directors or staffs sa school storage file. Pero hindi ba iyon confidential? At ang storage files ng school ay nakalagay mismo sa director's office. Saka ko naalala si father Louis na may karapatan pala para kalkalin ang files doon.

"Sa ngayon, pinahalungkat namin kina Craig at Wain ang pangalang Rosa Cecilia at Collin De la Teguirre sa mga old newspapers, kung sakali mang may makita sila sa mga taong 1900's pataas, mas lalo sa Obituaries section."

Information overload na ako sa mga sinasabi ni Rue. Kahit si Flam at Janet, ang nasa magkabilang-tabi ko, ay nasa sarili nilang malalim na pag-iisip, hanggang sa dumaan ang tingin ni Janet sa kanyang relo sabay nanlaki ang mga mata. "Mag-aala-sais... na."

"Ang bilis ng oras. Mga 4:00 lang nang makarating tayo dito kanina," hindi makapaniwalang sambit ni Flam habang nagsimula nang ayusin ang gamit.

Nagsimula na ring ayusin ni Steve ang mga papel na nakapatong sa lamesa. "Sa susunod na araw na lang natin ituloy ang usapan. Uwi na muna tayo habang medyo maliwanag pa. Mas mahaba pa man din ang gabi ngayong taglamig."

Sumunod kami ni Rue na tumulong sa pagligpit sa mga papel.

"Mauna na muna kaming umuwi," nagmadali ring nag-ayos si Janet saka kinuha ang kanyang bag. "Medyo malayo pa ang uwian namin ni Flam."

Mukang nagmamadali silang umalis. Saturday ngayon at dapat walang pasok pero dahil sa preparation day, may attendance. Hindi ito regular school day kaya usually dapat maaga dismissal kaso dahil sa special meeting na 'to, late na kaming makakauwi.

Sanay na akong late umuwi dahil sa mga gawain sa classroom at school, hindi nga lang sanay si Flam at Janet.

"Mauna ka na rin Steve. May mga aasikasuhin pa ako dito," sambit ni Rue.

Nagpasalamat at humingi ng paumanhin si class vice pres, dahil may hinahabol daw sa bahay nilang gawain, kaya sumabay na siya sa amin na lumabas.

Naghiwalay na kami; si Steve na mabilis umalis saka agad sumabit sa jeep na dumaan dahil siya ang pinakamalayo ang uwian sa amin, si Janet at Flam na paakyat sa kalsada at parehas ang daan na uuwian, ako na mag-isa naman pababa ng kalsada, habang si Rue ay nagpaiwan muna sa school.

Nakalagpas na ako ng ilang metro nang napatigil ako sa paglalakad. Naalala ko ang mukang pagod na itsura ni Rue kaninang umaga kahit na hindi halata ngayong meeting. Napaatras ako ng isang hakbang, hindi na nagdalawang isip kundi tumalikod para bumalik sa school.

"Paalala lang students, 7:00 pm ang curfew," saad ni kuya security guard nang madaanan ko ang guard house pagkapasok ng gate. Wala na masyadong estudyante, maliban sa napaka-unting bilang na naiwan para mag-ayos pa ng props nila.

"O-opo, may nakalimutan lang po," agad kong sagot dahil sa pagkakagulat na may tao pala sa guard house, saka nagmadali nang pumasok sa main hallway papunta sa SSC office.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng SSC office, pinag-iisipan kung ano ang sasabihin kay Rue, nang maalala kong tanungin siya patungkol sa batang napanaginipan at kung nakita niya kaninang umaga sa main hallway. Kung parehas kami ng description sa batang lalaki na parang sa akin lang nagpapakita, ibig sabihin nito, hindi siya kathang-isip.

"Rue?" Pagpasok sa loob, hindi ko inaasahan ang madadatnan. Naka-upo si Rue, nakasandal ang kanyang ulo sa head ng pahabang sofa at mahimbing na natutulog. Tumagilid pa sa isang side ang mukha niya at hindi ko mapigilang mabighani sa gentle niyang itsura habang natutulog.

"Rue?" Wala pa ring imik.

"Rueee~" Kinuway-kuway ko ang kamay sa harap niya pero wala pa rin siyang kibo.

Dahil napansin kong pagod siya at wala pang 7:00, hinayaan ko muna siyang matulog. Yup. Tatapusin ko na lang ayusin ang mga hindi pa natapos, kahit gusto ko pang panuorin ang natutulog na modelo. Matapos masigurong maayos ang mga papel sa file case, ang mga binuklat namin kanina lang, nilagay ko ito ng maayos sa locker ni Rue na naiwan niyang half-closed.

Naghanap-hanap ako ng magagawa sa silid, katulad sa simpleng pag-ayos ng mga utensils o kung ano mang gamit na mapagtripan, habang hinintay ang pagdaan ng oras. Dahil wala na akong magawa at halos maayos naman ang lahat, bumalik ako kay Rue. Pero, tulog pa rin ang sleeping handsome.

"Mm." Gumalaw ang kanyang ulo at agad akong nanigas, pero masarap pa rin ang tulog niya.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya, saka sinilip ang mukha nito pero... tulog pa din siya. Ang himbing ng tulog niya. Mukhang pagod nga talaga siya. Tiningala ko ang orasan sa SSC office na nakasabit sa taas ng dingding at nakitang 6:55 na.

"Umm... Rue." Wala pa ring sagot kaya lumapit ako sa kanya. "Rue!"

May isang strand ng malambot nitong buhok ang pumagilid sa kanyang noo at nang-galaiti ang kamay kong iayos ang strand ng buhok niyang iyon, pero di ko ginawa. Kung iisipin, mukhang mahirap siyang pag-sawahang panuorin. Kahit anong anggulo, ang gwapo niya, pero hindi na 'yun ang punto. Kailangan ko na talagang gisingin si Rue.

Pinatong ko ang isang kamay sa kanyang balikat at sinubukang itulak unti. "Rue, mag-7:00 na."

Unti-unting nagbukas ang kanyang mga mata at mistulang half-sleep na napatingin lang sa harapan, saka nilibot ng kanyang tingin ang silid. "Nasaan ang bata?"

"Bata?" pagtataka ko habang hindi ko mapigilang mabighani sa kagigising niyang diwa. Nananaginip ba siya? "Umm... Sinong bata?"

"...Si Collin."

Pumunta ang kanyang half-sleep na tingin sa akin at nang makita ako, may dumaang pagka-surpresa sa expression nito. Napahawak ang isa niyang kamay sa kanyang noo at kalahating natakpan ang kanyang mukha. Napayuko siya habang sumandal ang isa niyang siko sa kanyang tuhod, na mistulang may kung anong pinu-problema. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil sa kanyang kinilos.

Collin. Dumaan ang pangalan na kababanggit niya sa isipan ko. "Rue, sinabi mo ba ang pangalang 'Collin?'"

Naaalala ko ang pangalang iyon. 'Collin.' Siya ang isa sa dalawang batang apo ni Juan Anton De la Teguirre mula sa na-research namin at maaaring kapatid ng unang school director.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top