Chapter 15: Doubt
Saturday of November
May kumukuway na kamay sa harap ng mukha ko. Nalaman kong si Flam nang makuha ang atensyon ko. "Phoeeeeebbbeee, nasa dreamworld ka pa?"
Napakurap ako ng ilang beses habang sinubukang ibalik ang atensyon sa kasalukuyang usapan. "Hindi ah." Agad kong tutol. "May naalala lang ako." Saan na ang usapan?
"Dreamworld," napaisip na sambit ni Remy na nasa tabi ko, saka niya pinagpatuloy nang may sumagi sa kanyang ideya habang napatigil ang daliri niyang nilalaro ang isang hibla ng kulot niyang buhok. "Iyon na lang kaya ang itawag natin sa mga napapanaginipan mo Phoebe para hindi nakakalito. Gising man o natutulog, panaginip pa rin 'yun di ba? Pwede ring 'visions,' pero mas appropriate ang dreamworld."
"Okay, so sa dreamworld mo, Phoebe, may batang lalaking nagpapakita sayo," agad pagtanggap ni Janet sa opinyon ni Remy. "May mga nararamdaman akong mga entity sa school at minsan may nakikita, siguro sa tulong ng bracelet, pero di ko pa nakakasalubong ang sinasabi mong bata. Ikaw lang Phoebe ang talagang nakakaalam sa kanya."
Saka ko naalala ang nangyari kanina nang makita ko si Rue na napatigil sa pagtawa at parang nakita niya ang bata. Binahagi ko kay Janet, Remy at Flam ang pangyayaring nasaksihan, saka may sumagi sa isipan ko nang matapos i-kwento.
"Ba't parang... nakapaligid lang si Rue basta nagpapakita ang batang iyon?" Napatigil ako saglitan habang napaisip. "Nakaka-suspetsa."
"Hindi ba dapat ikaw ang nakaka-suspetsa at hindi si class pres dahil ikaw lang nakakakita sa batang iyon? Tsaka hindi tayo sigurado kung nakita nga ni Rue."
Hindi ako makasagot sa puna ni Flam, na pati siya ay nagtataka. Pero sa totoo lang, bakit sa akin lang nagpapakita ang batang iyon? At bakit nakapaligid si Rue? ...o kaya nagkataon lang talaga? Kung tutuusin, mas gusto kong yung bata ang makita kaysa dun sa nakakatakot na babaeng sinasabi ni Janet.
"Walang nakakakita sa bata kundi ako lang. Nagpapakita siya sa akin at sa pagkakataon pang wala kayo sa tabi ko. Hindi ko rin alam kung nananaginip lang ba ako ng gising o kathang-isip ko lang siya."
Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "May mga babala siyang sinasabi at kung may katotohan man, delikado ang sitwasyon natin, mas lalo at nadadawit tayo sa mga kakaibang nangyayari dito sa school. Kung may makakasiguro nga sa batang nagpapakita sa akin, si Rue ang makakapagsabi kung tama ang nakita ko kanina- kung parehas kami ng description. Magbibigay ito ng panatag na hindi ako nagiging delirious."
"Sa mga magkakasunod na pagkikita mo sa bata, napansin kong bakit sayo lang siya nagpapakita?" Tumalim ang tingin ni Janet sa akin. "Pwede naman siyang magparamdam sa atin o kaya magpakita sa akin."
"Hindi ko rin maintindihan. Pwedeng may sumasagabal sa kanya o kaya may kakayahang ako lang ang nakakakita sa kanya?" At may kanina pa gumagambala sa isipan kong hindi ko maipunto. "Parang may pamilyar rin sa batang iyon. Parang..."
Ang kanyang tahimik na likod, ang paglalakad, ang pagkamagaan ng pananalita, ang pagtingin nito minsan sa malayo, ang kalmado niyang presensya... "Ah!"
Napasinghap ako ng malalim nang matanto iyon. "Parang kapareho niya si Rue! Kaya pala iniisip kong may kinalaman siya sa batang 'yun. May pagka-pareho sila. Hindi kaya ka-relative niya ang bata? Pwede kayang ilagay sa choice ang reincarnation? Pero hindi pwedeng ang isang nilalang ay mag-exist sa dalawang magkaibang katauhan sa iisang kasalukuyang oras."
"Masyadong malalim na ata Phoebe. Hindi tayo gumagawa ng nobela," pagbara ni Janet habang napa-simangot na lang akong tumingin sa kanya.
"Theory ko lang naman," banat ko.
"Mukha ba akong nakaka-suspetsa?"
"Oo. Hindi ba iyon nakaka-sus... pet... sa...?" Nanigas ang leeg ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Rue mula sa likod, habang nanlaki ang mata kong napatitig kina Janet, na kahit sila ay gulat na napatingin sa likod ko.
"Phoebe."
Yahhhh! Ang lapit niya sa likod ko. Lalong nanigas ang leeg ko. Hindi ko maigalaw. Ayaw kong igalaw. Takot akong lumingon. Sa pagkahilig ko sa paranormal, kung ano-anong pumapasok sa isipan ko. Pasensya sa hindi mapagkatiwalaang utak ko. Hindi na dapat ako nagsalita.
"Ang batang binanggit mo... baka siya nga ang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung paano pero kakaiba ang presence nito. Kung parehas tayo ng description sa batang iyon, ibig sabihin, hindi siya kathang-isip. Kaya-"
"Rue! Nandito ka lang pala!" Narinig namin ang pagdating ni Steve, ang aming class vice president na hinihingal pa sa pagod. "Kailangan ka sa SSC office at hinahanap ka ng English club. Pinapatawag ka rin ni sir Ed. Nasa faculty office siya. May ipapasabi daw sa iyo. Pagkatapos, kailangan ko rin ng tulong mo."
Agad akong lumingon sa likuran pero nakita ko lang ang paalis na anyo ni Rue matapos niyang nagmadaling magpa-alam kay Steve.
"Sinabi ba sa inyo ni Rue na magkikita tayo sa SSC office matapos ang school hours?" bungad naman sa amin ni Steve na walang ideya sa nangyari.
"Tayo? Kami at kayo?" nagtatakang tanong ng mala-baby face na si Flam.
"Oo, tayo. Ang mga taong may nalalaman sa mga kakaibang nangyayari sa school. Huwag niyo nang idagdag ang maingay na si Anne. Kayong apat lang sana dahil may mga kailangang mapag-usapan."
Gusto kong magtago sa isang sulok dahil sa kahihiyan. Kasalanan ito ng the noisy troupe. Sa dami-dami ng araw at ngayon pa sila maaga, at napag-isipan akong pagtripan? Anong nakain nila? Napabuntong-hininga na lang ako. Yup. Huwag ko na lang isipin at huwag nang maghanap ng sisisihin.
"Sa'n mo 'yan dadalhin, Phoebe?"
Dumaan ang tingin ko sa hawak na karton saka sa kaklase kong si Russel na humarang sa daanan ko.
"Dito 'yan sa magiging log-in area," sabi niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin. "Ayos ka na ba talaga, Phoebe?"
"Balak kong dalhin dito. Nalagpasan ko na pala," pagdahilan ko habang binigyan ko siya ng simpleng ngiti.
Bilang isa sa mga class officers, ako ang na-assigned bilang coordinator sa pag-design sa horror house para sa class booth sa Foundation day. Halos abala ang lahat habang ang ibang officers ay assigned din sa kung ano-anong mga tasks, katulad na lang bilang isang sports coordinator, event coordinator, costume coordinator, booth coordinator, snack coordinator, cheering squad coordinator, and so on and so forth.
Ang class treasurer, ako, ang na-assign para sa internal design ng silid. Absent ako ng halos isa at kalahating araw kaya nag-alala ako sa mga maitatambak na trabaho pagbalik, pero mukhang kaya naman nila at patapos na rin ang pag-aayos ng silid.
"Phoebe, narinig ko ang nangyari."
Pilit kong inosenteng tumingin kay Russel. Natatawa siya sa kung ano mang balak kong hindi-intindihin habang nilagay ko ang karton sa lamesang nasa malapit sa amin at sa pintuan.
"Hinarana ka daw nila Wain kaninang umaga. Hindi ko alam na marunong din pala silang maging sweet! Maaga ka pa daw nilang hinintay. Ano'ng feeling mo, sa harana nila?" maingay at nakikilig niyang tanong.
"Anong harana ka diyan?" Hindi kumbinsadong imik ng kanyang bestfriend na si Laura pagdating sa kinaroroonan namin. "Hindi iyon harana! Kantahan ka ba naman ng Magellan song. Gagawa na nga sila ng pang-sorry kay Phoebe, hindi pa sila namili ng tama."
"Sorry? Para saan?" totoong nagtataka na ako.
Kung may the noisy troupe kami sa silid na nabubuo ng mga binata, kilala naman ang mag-bestfriend na si Russel at Laura bilang the tsismosa duet, kaya malamang alam nila ang nangyari kanina. Para na silang magkapatid, hindi lang dahil sa pareho silang morena at magkasama palagi, kundi may pagkapareho sila ng taste sa damit at may pagka-ingay. Pero ano yung sinasabi nilang sorry? Bakit may pa-sorry sila Wain?
"Kawawa sila Harvey at Kevin nang absent ka," malakas at natatawang komento ni Laura. "Matapos nilang ipagmayabang ang nakakatawa mo daw na itsura nang makita ka nilang basang-basa, na-karma sila."
"Kinalat nilang natapunan ka ng tubig, at ang malas-malas mo daw," tumatawa ring tuloy ni Russel. "Kaya nung absent ka, nagkaroon ng problem kung pa'no gagawin ang internal design dito sa classroom. Sayo kasi naka-toka at wala kaming ideya kung ano ang plano kahit may iniwan kang papel para sundin namin."
"Medyo nagkagulo mas lalo at mahirap talaga 'pag wala kang na-assign sa trabaho. Napunta tuloy ang inis ng buong klase sa the noisy troupe, dahil kung hindi ka lang sana nila tinawanan kundi tinulungan agad, baka hindi kami maghihirap sa mga gawain."
"Hindi ko nga inaasahang matatapos niyo ang halos lahat ng designs na naka-plano," magaan ang loob kong pagsabi. "Akala ko matatambakan ako ng gawain kaya nag-alanganin akong mag-absent ngayon."
Kaya naman pala. Kakaiba rin talaga mag-isip ang maiingay na magkabarkada. Napatawa ako nang maintindihan kung ano lang ang bumati sa akin kaninang umaga.
"Wala nga talaga kaming matatapos kung hindi dahil kay class vice and class pres!" Kitang-kita ang pagiging proud ni Russel sa pagsabi. "Si Rue at Steve ang nag-organize at nag-intindi sa balak mong itsura ng classroom. Nag-assist din sila. Bilib ako kung paano nila napagsasabay ang mga trabaho nila."
Napasang-ayon din naman ang kanyang bestfriend na si Laura. "Class president si Rue. Siya rin ang second year representative na kabilang sa Student Council. Abala siya sa mga gawain, idagdag pang kasali rin siya bilang player sa lawn tennis."
"Excited na akong makita siyang maglaro!"
"Ako din! Makikisabak din ang Student Council president! Si Hue! Magpwepwesto na ako ng upuan bago pa magsimula ang kanilang laro."
Napatili silang dalawa dahil sa excitement. Nakalimutan ata nila ang mga dinidikit na letters sa pintuan.
Ang famous talaga nilang dalawa, si Rue at si kuya Hue. Magka-rhyme din ang pangalan. Sa pagkakaalam ko, si Wain ang nag-nickname sa 'Rue' at mukhang lahat, 'yun na ang tawag sa kanya. Marami talaga ang gustong maging close kaya panay ang tawag sa kanyang naging official nickname. Parang nakalimutan na rin ang tunay niyang pangalan. Ah. Isa rin pala ako.
Naalala ko, part din pala silang dalawa ni kuya Hue sa English club at sa School Newspaper Committee. Teka, sobrang busy naman nila. Nagawa pang akuhin ni Rue ang ibang responsibilities ko sa pagka-absent.
Kaya ba mukha siyang pagod? Tapos nagdagdag pa ako ng stress dahil sa pag-doubt sa kanya. Uhh.. Mukhang hindi na maganda pakiramdam ko. Kailangan kong bumawi at mag-sorry kay Rue, at magpasamat rin kay Steve sa pag-assist nila sa workload ko.
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top