Chapter 14: Within the Crowds

Saturday of November

Saturday na at required kaming lahat na pumasok sa school. May checking of attendance at ang lahat ng mga pumasok ay may plus points sa bawat subject. Nakakasayang kaya pumasok ako, isama pang marami akong kailanganing habulin dahil absent ako ng isa at kalahating araw.

Maganda ang umaga at sikat ng araw. Kita ang mala-mayamang asul na kulay ng kalangitan kasama ang mga puting ulap na lumalangoy sa itaas, kaso hindi umaayon sa gloomy kong pakiramdam. Kagagaling ko lang sa lagnat, pero ayos naman na ako. Bumaba na ang lagnat pero mahina pa ang katawan kaya hinay-hinay muna sa mga mabibigat na trabaho.

Tuloy ang preparation day kaya busy pa rin ang lahat. Pagpasok sa school, kailangan ko daw munang dumaan sa Prefect of Discipline, o kaya POD in short, bago ma-confirm na excuse ang letter ko. Sa pintuan, nakapaskil ang sulat na "Prefect of Discipline Office" at sa ibaba nito ay nakasulat ang pangalang Hwene Tayaba.

Hwene Tayaba? Sa pagkakaalam ko, ito yung guro na ayaw-na-ayaw nila sa campus. Bakit kaya? Ah, oo. Siya pala 'yung isang guro na masungit at nakisawsaw na pagalitan kami nang hindi pa napatunayan na hindi kami nagsisinungaling nang may nangyaring kakaiba sa class II-C. Hindi naman na kami ginagambala ng mga faculty matapos ang nangyari kay ma'am principal at sa office niya.

Pumasok ako sa silid at nakita ang may-edad nang babae na naka-upo sa kanyang silya. May pagkama-asim ang itsura nito katulad ng dati, at nang makita ako, agad niya akong pina-upo sa silyang kaharap lang ng kanyang lamesa.

Magalang kong binigay ang aking excuse letter at nagulat sa mga sumunod na nangyari.

"Paano ka nabasa ng hapon na iyon?"

"Saan ka nabasa?"

"So, bigla ka lang nabasa habang naglalakad lang?"

Interrogation room ata 'tong napasukan ko.

"Umuwi ka, nagkalagnat ka at wala ka man lang ininom na gamot?"

Hindi ba mas delikado iyon dahil walang prescription sa doctor? Saka ako napaisip. Kung sana uminom na lang ako agad ng gamot, baka hindi ako absent kahapon at napagsasabihan ngayon.

Pero may nabasa ako na bumibilis daw ang kilos ng immune cells ng katawan kapag may lagnat para madepensahang mabuti ang katawan- a protective mechanism. Kapag pinabagsak ang temperature, mawawalan iyon ng saysay. Pero kapag nakakasira na ito sa katawan, doon na kailangan ang anti-pyretic medicine.

"Nakikinig ka ba sa akin, Ms. Phoebe?"

Napatingin ako agad sa gurong kaharap at halatang naiinis siya. "O-opo ma'am," daglian kong sagot sa pagkataranta.

Nang makitang nakatutok ang atensyon ko sa kanya ay pinagpatuloy niya muli ang sariling interrogation. "Bakit wala kang medical certificate? Madali lang naman ang magpacheck-up."

Balak ba ako nitong papuntahin sa hospital na nasa city pa?

"Nagkalagnat ka noong isang araw lamang at nagawa mong pumasok ngayon. Paano iyon nangyari?"

Malay ko?! Hindi naman ako doctor. At kailangan kong pumasok ngayon dahil maraming gagawin. Huwag mong maliitin ang mga kapalit kapag hindi ako pumasok ngayon.

"Kailangan ko ng proof na nagkasakit ka nga talaga. Anong gagawin natin?"

Hindi ko masabi sa kanya lahat ng nasa isipan. Imbes tulungan ako nito, naramdaman kong hinahanapan lang ako ng mali.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas sa POD office. Sa maikling salita, kailangan ko daw kompletuhin ang proof na nilagnat ako para ma-excused ang absent ko. Kung ganito rin lang ang mangyayari, pwedeng unexcused na lang ako?

Tiningnan ko ang paper slip na binigay niya sa akin at una kong nakita ang salitang 'interview," na nilagyan pa ng check ang box na nasa tabi nito. Interview?! Bakit walang interrogation sa list? Naloko ang buong school.

Napabuntong-hininga ako. Umagang-umaga pa lang at parang na-drain ang energy ko. Kung ano-ano rin naiisip ko. O baka may lagnat pa ako? Napahawak ako sa noo habang sinusubukang pakiramdaman ito. May lagnat pa rin ba talaga ako?

Habang naglalakad sa malawak na main hallway, sa mga grupo ng mga estudyanteng naroon, hindi ko inaasahang makakasalubong ang maingay na grupo nila Wain. Katulad ko, taga-section II-C din sila. Kung bakit nga ba natipon sa amin ang mga kilalang maiingay sa batch? Sila yung tipo ng mga taong hindi kayang mapanatili sa iisang lugar o kaya ang manahimik lamang ng ilang minuto.

Kilala ang grupo nila sa aming batch bilang 'The Noisy Troupe,' at buong tropa ang magkasama; si Wain, Craig, Harvey at Kevin. Naalala ko tuloy si Kevin at Harvey na masaya lang akong tinawanan nung Thursday dahil sa itsura kong basang-basa at mukhang basang-sisiw. Nilagnat ako kaya absent ako kahapon at ngayong Saturday lang nakapasok.

Yup, tatawanan na naman nila ako. Kagagaling ko lang sa sakit at sa hell's door ng POD office kaya wala akong lakas para harapin sila. Wala akong laban sa kompletong miyembro ng 'The Noisy Troupe.' Iniiisip ko pa lang na madadaanan sila, sumasakit na ang ulo ko.

Hindi ako pwedeng magpahalata. Delikadong makuha ang atensyon nila. Sa kaingayan nila, kapag napansin nila ako, siguradong ipagsisigawan nila sa buong school ang nangyari sa akin nung isang araw at masaya nila akong aasarin. Alam kong natanggap nila ang balitang natapunan ako ng naipong tubig mula sa bubong ng pinapagawang proposed building habang napadaan lang.

Ayokong mapagtawanan sa harap ng maraming tao. Kung paano nga bang mas maaga silang dumating? Anong naisipan nila at maaga silang pumasok ngayo- Ah. Nakita nila ako. Or masasabi kong, nakatingin silang apat sa... akin?

Nang makita ako, bigla silang nagsitayuan at lumapit. They were brightly smiling (at me?) habang nakahanda ang dalawang intrumentong hawak; isang maliit na gitara, na sa tingin ko ay 'ukulele' ang pangalan ng instrument, at isang acoustic guitar.

Napalinga ako sa paligid pero sa akin talaga sila nakatingin. Napaatras ako. Saglit lang. Anong merun?

Sinimulan ni Wain, na may masayang ngiti sa labi, ang pagtugtog sa 'ukulele' na kanyang hawak. Hindi ko inasahan ang magandang tugtuging inilabas ng munting gitara. It was such a nice music, na nakalimutan ko nang magtaka sa kilos nila. Tinuluyan naman ito ng isang acoustic guitar.

Ang galing. Ang galing nila! Lalo pa akong napahanga nang makitang tatlong tao ang nagpapatugtog sa iisang gitara. Pwede pala 'yun? Si Craig, ang pinaka-matangkad sa grupo, ang nakahawak at nagpapatugtog sa body part ng acoustic guitar habang sa neck part naman si Kevin. Si Harvey naman, he's doing beat box sa hard surface ng body part ng guitar.

Ang amazing ng combination! Yung rhythm at beat ng music were really exceptionally good at kitang-kita ko ang enjoyment sa kanilang mga mukha. May mga onlookers ding nagsidatingan at pinanuod ang hindi inaasahang showcase sa hallway.

Teka lang. Kinakantahan ba nila ako? Baka iba ang isipin nila at iba rin ang isipin ko. Hindi ako namumula. Hindi ako namumula. Bigla nilang sinimulan ang ganitong kanta...

"On March 16, 15 –hundreeed- 21, when Philippines were discobered by Magella~n." Sabay-sabay pa silang nagkantahan.

Ang saya nila. Napakaaasaya nila. At feel na feel nila ang pagkanta, habang nabawasan ang naramdaman kong pagkaengganyo.

"They were sailling day and night, across the big oceaaan.."

Ang ganda ng mga boses nila pero yung kanta... yung kanta...

"Magellan landed in Limasawasa at noon. The people met hem welcome on the shore..."

Akala ko isa itong romantic scene, na babatihin ka ng nakakatunaw-pusong kanta mula sa grupo ng mga may itsurang binata sa magandang umaga pero...

"They did not understand the speaking they hab' than, because Kastila..."

Kung sino mang gumawa ng kanta, pagpasensyahan niyo po ang The Noisy Singing Troupe. Palaro nila itong kinakanta, na parang isang nursery rhyme, pero kahit ganoon, hindi pa rin mapagkakailang nakakaengganyong pakinggan ang kanilang kanta. Synchronize ang kanilang instruments at boses na nakaka-aliw pakinggan. Gusto ko rin yung tunog ng ukulele na nagbibigay ng happy atmosphere.

"When Magellan went in Cebu city, Raha Humabon met him bery happie~"

Kilala sila bilang 'The Noisy Troupe' at ngayon, naging 'The Noisy Singing Troupe' na sila. Gumagawa na sila ng pangalan nila sa campus.

"When Magellan bisited in Mactan to Christianized eberyone but Lapu-lapu met hem on the shore~"

Huwag niyo kong lapitan! At Ralph! Isa sa classmate naming lalaking napadaan lamang at biglang bumalik. Huwag ka ring sumali sa kanila! May hawak na siyang two empty bottles of water at kanyang tinatama sa rails ng hallway habang gumanap bilang drummer ng hindi inaasahang banda. Mukhang nadagdagan ng isang myembro ang The Noisy Singing Troupe.

"..go back home. Then Magellan got so mad. Ordered his men to cam-mouplage, Mactan island we could not g~rab..."

Binaba ko ang ulo ko, nakahandang lumusong sa mga kumpol ng mga estudyanteng nanunuod, pero hinarangan ako ng grupo nila.

"Then the battle begun at dawn. Bolos and spears ber~sus guns and canons. When Magellan was hit..."

Shut up! Padaanin niyo 'ko. May naririnig na akong bulungan sa likod at hindi ko alam kung ano ang tinatawanan nila. Ayokong maging katawa-tawa sa buong campus. Baka iba pa isipin nila, tapos malalaman lang nilang napag-tripan ako.

"He stumbled down and cried and cried. Oh mother~ mother~ I am sick~!"

Ako ang may sakit. Tumingin ako sa paligid at napansin kong parang medyo lumuwag ang nagkumpol na mga tao. Nalaman ko kung sino ang dahilan nang makita ko si Rue sa bandang dulo at parating.

Nakakabilib talaga ang kakayahan ni 2nd year representative. Nagawa niyang kunin ang atensyon ng nasa paligid. Kahit ako hindi nakatakas, pero bilib ako sa The Noisy Singing Troupe na patuloy pa din sa pagkanta.

Nakasuot si Rue ng semi-formal na black long-sleeve-blouse. Kahit black ang suot niyang damit na nag-aabsorb ng init, parang naglalabas lang siya ng cool na atmosphere. Isamang basa pa ang kanyang buhok, pinapa-kitang kaliligo niya lang at nagpadagdag sa kaguwapuhan nito. Nakaka-relate ako sa mga babaeng nasa paligid habang parang naiinggit ang ibang guys na napapalingon sa kanya.

Napatigil si Rue sa kanyang paglalakad dahil sa kaingayan sa hallway. Dumaan muna ang nagtataka niyang tingin sa akin saka pumunta sa The Noisy Singing Troupe na pinagpatuloy ang masayang pagkanta. Ba't parang mukha siyang pagod?

"Doctor~! Doctor~! Shall I die? Tell my mama do not cry. Oh mother~ mother~ I am sick..."

Napabuntong-hininga lang si Rue at dinaanan kami. Saglit lang. Hindi niya ba patatahimikin sila Wain? May mga nag-iingay sa main hallway. It's your job na patigilin sila. Hindi mo man lang ba sila patatahimikin? Student Council officer! Second year representative! Class president!

Nang makaalis siya at malayo na ang kanyang likod, nakita ko siyang napatigil at nanginginig ang balikat. Saka ko na-realize na pinipigilan niyang tumawa, pero halatang patago na siyang tumatawa. Kainis, kahit siya natutuwa.

Sa puntong iyon, sa mga nakumpol-kumpol na mga estudyante, napatigil ako. Sa bandang harapan ni Rue, malapit sa kanyang tabi, ay may isang batang lalaking nakatayo at walang imik na nakababa ang tingin sa sahig. Katulad sa panaginip; naka-1800's formal attire siya, naka-suot ng bumabagay na 19th century leather boots, at may ternong medyas hanggang ankle.

Para talaga siyang magandang batang lalaking manika at ang kanyang kabuuan ay katulad sa panaginip ko- kalmado at walang imik.

Kung may isang napaka-gwapong batang lalaki sa aming highschool ground at naka-cosplay pa ng 19th century formal clothes, siguradong pagkakan-darapahan siya. Sa dami ng tao sa main hallway, nagtaka ako kung bakit walang nakakapansin. Dinadaanan lang siya at mistulang hindi nakikita.

Iba ang pakiramdam na nakapaligid sa bata. Napaka-saya ng paligid dahil kina Wain pero kasalungat naman ang nilalabas niyang pakiramdam. Pero ang talagang pinagtaka ko ay nang makita kong tumigil si Rue sa kanyang pagtawa, na parang may nakaagaw ng kanyang atensyon at dahan-dahang napatingin sa kanyang harapan. Ang kanyang tingin ay tumigil sa banda kung saan lamang nakatayo ang batang lalaki.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top