Chapter 12: Left Mark

Thursday of November

Napaharap ako sa whole-body mirror ng SSC office at nakita ang sariling suot ang gray sports sweater at pants na pinahiram ni Rue. Napaka-comfortable ng damit at gusto ko rin ang malambot nitong tela sa kutis ko. Buti medyo basa- unti lang namang basa- ang underwears ko. Buti nalang makapal itong damit ni Rue at natatakpan. Hindi naman masyadong halata. Hahha... Gusto ko nang umuwi.

Sa pagkakaalam ko, ito ang damit na sinusuot matapos ang ensayo o laro. Siguro for comfortable purposes at para hindi rin sila lamigin matapos pagpawisan. Medyo mahaba sa akin itong damit dahil mas matangkad nga naman ang nagmamay-ari nito. Basang-basa ang buhok ko pero salamat sa iniwang towel ni Rue, napunasan ko naman at wala nang tumutulo.

Kalalaba lang ata ng mga pinahiram niya sa akin. Nag-iwan din siya ng paper bag at plastic bag na pinaglagyan ko ng basa kong damit. Hmmm... He's thoughtful.

Ang bango ng damit niya. Ito ba ang amoy ni Rue? Lavender scent at napaka-comfortable. Baka sakalin nga ako ni Anne kapag nalaman niya ang tungkol dito. Natatakot din ako sa iba niyang mga fans. Wala dapat makaalam.

Kailangan ko ring umuwi agad at may problema pa ako. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita kong pasa sa paa. Pagka-upo sa sofa, tinaas ko ang sleeves ng pantalon at nakita ko ang medyo-purple discoloration sa balat ng paa ko.

Tinitigan kong mabuti. Bakit parang marka ng kamay? Marka ng kamay? Kamay? Saan ko nakuha? Ang humawak sa akin pababa para hindi ako makaahon sa tubig? Ang kamay ng babaeng nakita ko?!

Nagsisimula ko nang paniwalaan ang mga sinabi ni Rue na natapunan lang ako ng naipong tubig sa isang bubong ng pinapagawang building kaya basang-basa ako, at nanaginip lang siguro ako ng gising pero... pero... may naiwang marka talaga sa paa ko.

Tiningnan ko ang kamay baka sakaling may marka rin ang kamay na humila sa akin pataas pero wala akong nakita. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa pasang nasa paa ko, na para bang nag-iwan ang panaginip na iyon ng souvenier. Nakaramdam ako ng lamig dahil hindi iyon simpleng panaginip.

Nang pumasok na si Rue sa silid ay saka ko agad binaba ang sleeves ng pantalong suot ko. Umalis sila ni kuya Hue kanina at si Rue lang ang bumalik. "Nasaan si kuya Hue?"

"Pumunta sa faculty, kumuha lang ng gate pass," sagot ni Rue habang nakatingin sa akin at may pagtataka sa mga mata niya.

Hindi ko namalayang inatras ko lang ang kaliwa kong paa, kung saan naroon ang marka ng kamay. Ah. Napansin niya. Nilayo ko ang tingin mula sa kanya at inaliw ang sarili sa pagtingin sa kisame. Kanina pa ako nagtataka, hindi ba ako tatanungin ni Rue kung anong nangyari?

Hindi ko matagalan pang tumingin sa ceiling, na kanina ko pa sinusubukang i-distract ang sarili mula sa quiet assessing look ng lalaking nasa harapan ko. Nasurpresa ako nang lumapit siya, lumuhod sa isang tuhod at maayos na tinaas ang sleeve ng pantalon ng kaliwa kong paa. Nakita niya ang marka at matagal niya itong tiningnan.

Huwag mong titigan ang paa ko! Binaba niya ang pagkakahawak sa paa kong iyon at tiningala ako. Hindi ko mabasa ang titig niya habang hindi ko rin mapigilang mabighani sa itsura niya. Ang guwapo niya nga talaga kahit sa malapitan. Parang mas mahaba pa mga pilik mata niya kaysa sakin...

"Ano'ng nangyari?" I blinked many times. Ano lang 'yung sabi niya? "Bakit basang-basa ka rin nang madatnan kita?"

"Ahh..." Binaba ko ang tingin nang maalala ang kakaibang nangyari. Sinabi ko sa kanya ang nangyari at medyo nanginginig pa ang boses ko nang i-kwento ang patungkol sa babae sa lawa. Hindi ko alam kung maniniwala siya ng buo pero binahagi ko pa rin, isama pang isa siya sa mga saksi sa kakaibang nangyayari sa school at may contact kay father Louis.

Bumalik si kuya Hue at sinabing pwede na akong makauwi. Mula sa tulong ni Rue at kuya Hue, nakakuha agad ako ng school gate-pass. Ang powers ng Hue and Rue! Silang dalawa ang isa sa mga pinaka-influencial na estudyante dito sa school kaya hindi na nakapagtataka.

Click!

Ahh! Kinuhanan niya nanaman ako ng litrato. "Kuya Hue! Nakakailan ka na!"

"Ang ebidensyang suot mo ang damit ni Rue."

Ang saya ng ngiti niya. Natutuwa talaga siya. Madamay lang ako sa mga issue sa school, ikaw ang mananago- "Achoo! Achii!" Kailangan ko na nga talagang umuwi at maligo sa maligamgam na tubig.

Nagtaka ako nang nanamihik ang maingay na si kuya Hue, wala na ang ngiti sa labi niya at todo ang focus niyang nakatingin sa screen ng hawak niyang DSLR. "Kuya Hue?"

"Uhh." Umangat ang tingin niya sa amin at napahawak sa likod ng leeg niya. "Parang may bata sa litrato hmmm... Effect lang siguro ng lightings," ngiti niya pero hindi kumbinsado.

Bata? Hindi kaya... ang batang nagpapakita sa akin? Nakuha... sa litrato?

"Effect lang ng lightings," sang-ayon naman ni Rue nang lumapit at tiningnan ang picture sa camera, saka siya tumingin sa akin. "Phoebe, kunin mo na ang gate pass, pwede ka nang umuwi."

Balak akong ihatid ni kuya Hue at Rue pero tinanggihan ko. Walking distance lang ang aming bahay at kaya ko namang umuwi mag-isa sa mapayapang lugar namin. Ayoko silang makasama... Ni kahit isa sa kanila. Kailangan kong makapag-isip mag-isa.

"Hindi ko pwedeng iwan ang isang binibining umuwi sa ganitong sitwasyon," wika ni kuya Hue na umaaktang nag-aalala ng todo saka pinipigilang tumawa. Cringy. Saan naman niya napulot ang linyang 'yan?

Alam kong nag-aalala siya sa akin pero alam kong gusto niya ring makalabas sa school at maglakwatsa. Isang magandang pagkakataon para takasan ang nakakaabalang trabaho ng isang SSC president ngayong preparation day.

Sa tingin ko kailangan niya ng break pero ayoko siyang makasama mag-isa. May soft spot si kuya Hue sa mga babae at marunong umaktang sweet pero minsan exaggerated at nambobola. In other words, playboy.

"Tawagin ko muna si Anne o kaya si Flam para samahan ka," suggestion ni Rue.

Pinaskil ko ang magandang pormal na ngiti. "Hindi-" pwede! Huwag mo 'yang i-suggest Rue habang suot ko ang damit mo! "Umm... Hindi na. Mga 10-15 minutes lang naman ang lakad ko pauwi at ayokong makaabala pa lalo. Salamat na lang."

Para lang akong bumabati ng ingay at kapahamakan kapag nagpasama ako sa kanila, mas lalo na kay Anne na isa sa mga magiting mong fans. Mas magandang umuwi na ako mag-isa.

"Sorry, pakisabi na lang sa kanila na umuwi ako kapag naghanap sila," pag-ngiti ko.

Bago pa sila makatugon sa akin ay daglian akong dumeretso at lumabas sa pintuan sa gate, dala ang paper bag na naglalaman ng mga basa kong damit at pinasara agad ang pinto kay kuya guard. Phew.


~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top