Kabanata X
WAKAS NG ATING KWENTO
MULING nakaramdam ng takot si Marga ng matagpuang maraming sundalo ang nasawi at nasugatan. Kasabay niya ang mga rescue team ay pinaghahanap nila ang mga kasamahan na nadawit sa kaguluhan. Marami rin ang nasawi sa kalabang grupo at napatay na nito ang utak sa labanan na si Isnilon Kadete. Nabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ni Marga. Agad na pinuntahan ni Marga ang mga hanay ng mga sugatan sundalo at hinanap ang kanyang pinakamamahal na si Heneral Francisco Baltazar ngunit hindi niya ito matagpuan.
Sa pagpapatupad na maayos na ang lahat. Nakita niya ang mga kababayang bumaba mula sa bukirin na pinagtataguan ng grupo. Agad na tumakbo si Marga upang salubungin ng mainit na yakap ang mga kababayan niya. Nagpapasalamat pa rin ang taong ito dahil nakaligtas sila sa kabila ng lahat. Lubos na natutuwa si Marga at hindi mapigilang umiyak. Bumuhos ang mga luha nito kaharap ang mga kababayan niya. Nagpapasalamat na rin ang mga ito sa kanya dahil sa ginawang katapangan at pagsumbong sa mga sundalo upang makaligtas sila.
Nagtataka man ay hindi mawari ni Marga kung bakit ito nalaman ng mga tao. Agad na sinalubong at dinala ang mga kababayan ni Marga sa isang evacuation center sa kabilang bayan upang doon muna makitira sandali. Nanatiling nakatayo si Marga hanggang humarap sa kanya ang isang batang babae.
"Ate, maraming salamat!". Buong pasasalamat ng batang babae sa kanya. Agad niya itong niyakap ng mahigpit at pinayuhan niya ito.
"Para sa bayan at sa mga taong mahal ko, gagawin ko ang lahat!". Niyakap ng husto ni Marga ang batang babae at pagkatapos ay inihatid niya ito sa sasakyan kasama ang mga kababayan niya. Nalaman din niya na parehong nasawi ang magulang nito sa giyera noong patuloy sa pakikipagbakbakan ng mga sundalo at Maute. Naiwan kasi ang magulang nito habang siya ay naging bihag. Mas lalong naawa siya sa bata. Pinangakuan niyang babalikan ito at aalagaan.
Nang bumayahe na ang sasakyan ay bumalik si Marga sa paghahanap kay Francisco. Paulit-ulit niyang hinanap ito pero hindi pa rin natagpuan. Hanggang sa naisipan niyang magtungo sa simbahang sira-sira na. Ang simbahang naging saksi ng kanilang unang pagmamahalan. Bakas pa rin ang lungkot ni Marga.
"Sana makita pa kitang muli ". Saad nito habang niyakap ang sarili. Pinikit niya ang kanyang mga mata at inaalala ang sumpaang binitawan nila sa parehong kinatatayuan niya. Inalala niya ang panahon na kay saya at agad na napalitan ng lungkot at paghihirap.
Nalaman na lamang niya na may yumakap sa kanya. Alam niya ang yakap nito. Nagiging komportable ang pakiramdam niya sa ginawa. Kilala niya ang may gawa nito. Nanatiling nakapikit si Marga at ninamnam ang sandaling kayakap siya ng taong nasa likuran niya. Tumulo ang luha niya sa saya at galak sa pagkakataong ito. Muling nabuhay ang pag-ibig niyang minsan na niyang naramdaman. Ang pag-ibig na nangungulila sa piling na nagparamdaman nito sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Muli mo na akong makikita. At sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang magkakahiwalay pa tayo". Bumuhos na rin ang luha ni Francisco matapos bitawan ang sandaling iyon. Nagkaharap sila ni Marga at doon hinagkan niya ang babae. Hinalikan niya ito ng buong pagmamahal. Sa ilang taon na nangungulila siya rito ay nananatiling buhay ang pag-ibig niya.
Nagkatinginan sila at pagkatapos ay nagyakapan. Tinanaw nila ang buong kapaligiran na puro wasak at malayo sa nagisnan nila. Tanaw rin nila ang bandilang iwinawagayway malapit sa kampo ng mga sundalo bilang hudyat na natapos na ang labanan. Sa huli ay nanaig pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan. Nakamit rin ng mga taga-Marawi ang kalayaan sa ilalim ng pagiging alapin. Ang bayan nilang bumagsak ay nakalaya na sa kamay ng mga Maute Group.
Mahirap man ang bawat pinagdaanan ay naging lubos naman itong makabuluhan at nagbigay aral sa isa't isa. Ang pagsubok ang nagtulak na maging matatag sila sa bawat hamon. Muling pinagsaluhan nina Francisco at Marga ang mainit na yakap. Ang yakap na parehong sabik na sabik nilang maranasan. Sinimulan nilang maglakad at tumulong pa sa mga kababayan nito. Patuloy na sinusuri ni Francisco at mga kasamahan niya ang bawat sulok ng bayan kung may naiwan pa bang mga bomba. Samantalang, nagbulantaryo naman si Marga na tumulong sa paggamot ng mga nasugatan nilang kababayan sa sagupaan.
MATAPOS ang madilim na bangungot at pagkalipas ng ilang taon. Muling bumangon ang bayan ng Marawi. Sa tulong ng pamahalaan ay ipinatayong muli ang mga gusaling gumuho. Maging ang simbahan at ang mga paaralan. Muling bumalik ang pamilyang Baltazar sa Marawi upang doon muli manirahan. Doon din kasi nadistino si Francisco uoang magmatyag sa anumang dumating na panganib.
Masayang-masaya si Marga sa balitang sa Marawi na manirahan ang pamilya nila ni Francisco. Nalaman din ni Francisco na wala na ang mga magulang at kapatid ni Marga. Ipinagtirik na lang nila ito ng kandila sa kanilang lumang bahay. Pinakilala na rin ni Francisco si Marga sa ama't ina nito bilang kasintahan niya. Naging bukas at tanggap naman si Marga sa pamilya. Kasalukuyan nga itong doon nanirahan at plano ng magkasintahan na magpakasal sa susunod na taon.
Tunay na nakamit nila ang kalayaan dahil sa pag-ibig. Pag-ibig na nagturo sa kanila kung paano lumaban at ipagtanggol ang karapatan. Pag-ibig na sumubok sa kanila kanilang katatatagan kung saan hahantong ang mga ginagawa nila. Pag-ibig na naging daan upang masugpo ang katahimikan sa kabila ng kaguluhan. Ang pag-ibig na nagturo upang maging ganap silang responsableng mamamayan ng Marawi at ng bansa.
- - -
MULING tiningnan ng nakaligtas na Maute ang pagbangon ng Marawi. Nakatingin ang isang sugatan na Asylum sa malayong lugar. Bumuhay muli ang galit niya dahil sa pag-ubos ng kasamahan niya. Galit na hindi pagtupad ng pangakong iniwan niya kay Marga. Kitang-kita sa mata nito ang nais na paghihiganti hindi lamang kay Marga kundi pati sa taong dalawang beses siyang binaril ng sundalong nagngangalang Francisco.
"Magkikita pa tayong muli!". Sambit nito at sumilay ang nakakatakot at mala-demonyo nitong ngiti.
-ANG PAGTATAPOS-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top