Kabanata IX

LABAN PARA SA KALAYAAN


NAGBALIK sa maingay na putukan matapos ang ilang sandali. At sa pagkakataong iyon, mas doble ang ingay ang dulot nito. Hindi mabilang ang putok na pinabulaanan ng bawat panig. Ang bawat kampo parehong magagaling sa digmaan.

Nanatiling nakatago si Marga sa ilalim ng mesa at hinintay na matigil ang labanan. Ngunit sa palagay niya ay hindi ito basta-bastang matatapos. Kaya napag-isipan niyang lumabas sa pinagtataguan. Nang makalabas siya ay nakita niya na may isang kalaban agad na itinutok niya ang dalang baril at agad pinaputukan niya ito. Sapol sa likurang bahagi ng matamaan niya ito. Kinakabahan siya sa kanyang ginawa kaya minadali niyang tumakbo pabalik sa patungo sa kampo. Agad naman siyang nakita ng mga Maute Group at pinaulanan siya ng maraming putok. Mabuti na lang ay nakailag siya pero hindi pa rin siya nakaligtas ng matamaan ang kanang paa niya. Napasigaw siya sa sakit na iyon at sinubukan tumakbo ng mahina. Narinig naman siya ni Francisco at agad siyang tinulungan nito.

Inihatid siya patungo sa kampo at iniwan sa isang rescue team na nag-aabang doon. Minabuti ni Francisco na nasa maayos na si Marga at agad itong bumalik sa bakbakan. Nakaramdam naman ng saya si Marga sa ginawang iyon ni Francisco. Kitang-kita kasi nito ang pag-aalala sa mga mata nito ng matamaan siya. Bumalik ito na nag-iwan sa kanya na malaking epekto.

Ginamot naman ang sugat ni Marga at kiunha nito ang nakabaong bala sa paa niya. Napaimpit na lang siya sa sigaw ng kunin ito. Sobrang sakit ang naramdaman sa tamang iyon. Pagkatapos gamutin ay pinahinga muna siya. Pinagbawala na rin siya na huwag ng lulusob doon at baka hindi lang ito ang maabot niya. Pinakinggan naman ni Marga ang bilin nito.

Samantala sa labanan, mas uminit pa ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at Maute. May iilan na ring nasawi at natamaan sa mga sundalo ngunit mas marami ang natamaan at nasawi sa kalaban. Si Francisco ay todo putok ng kanyang armas at minabuting matamaan ang kalaban. May natamaan siya na sa tingin niya ay mas bata ng isang taon sa kanya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman natamaan na si Asylum.

Matapos magpahinga ni Asylum at nagpagamot ay sumabak muli ito sa labanan. Naging mabuti naman ang pakiramdam niya ng makuha ang bala sa katawan niya. Muli siyang bumalik upang maghiganti sa may gawa nito sa kanya. Nagpaulan sila ng maraming bomba at bala ng baril matapos mag-utos ang lider nilang si Isnilo Kadete. Sa ginawang iyon ay maraming sundalo ang natamaan. Nagbigay rin ang mga sundalo at nagbato rin sila ng maraming bomba. At kasabay niyon ay pagpapaulan ng maraming bala. Mas doble ang naging pinsala nito. Maraming nasawing kalaban sa ginawang pagpapasabog.

Nakita rin nila na unti-unti umatras ang mga Maute. Agad nila itong sinundan patungo sa kanilang kota. Sinugurado nilang matatamaan ang lider nila at hindi nga sila nagkamali, sa kagalingan ni Francisco ay natamaan niya ang lider sa batok. Isang tama na nag-uwi ng kasawian sa lider ng kalaban. Nakaramdam ng kaunting saya ang mga sundalo sa sandaling iyon. Nakaramdam din ng saya si Francisco sa kanyang ginawa. Ngunit, hindi pa rin sila naging kampante dahil marami-marami pa rin ang naiwang buhay.

Pagdating nila sa kota ng mga kalaban ay nakita nila ang maraming tao na bihag nila. Sumigaw pa ang palagay nilang kanang kamay ng lider na papatayin nila ang mga tao kapag nagpatuloy sila sa pagpapaputok. Nanatili ang mga sundalo sa kanilang pwesto hanggang sa disedo silang hindi makinig sa hinihingi nito. Nagpatuloy sila sa pakikipagbarilan. May mga ilang inosenteng tao ang nadamay ngunit ang karamihan ay nakatakas at nagsipagtakbuhan.

May isang taong lumapit kay Francisco at nagpasalamat nito. Ngunit tinugunan naman ito ni Francisco.

"Sa matapang na babae po kayo dapat magpasalamat, Inay. Sa babaeng nagtukoy sa amin dito. Kay Marga po". Pagkatapos niyon ay niyakap siya ng babae at pinalikas niya na ito. Napatay rin nila ang mga kalaban. Sinigurado nilang wala ni isang natirang buhay. May isang nagtangkang tumkbo at tumakas ngunit sapol ito ng matamaan ni Francisco ang paang bahagi.

Sinuri nila ng maigi ang buong kampo ng kalaban. Kinuha nila ang mga nakita at mga natitirang bomba at armas. Nalaman nila ang klase ng bomba na ginamit. Agad na naklaro nila na wala ng natirang anumang kagamitan na pwedeng gamitin ng mga kalaban kung sakaling sila'y mabuhay. Ngunit nanniniwala silang imposibleng may mabuhay sa laki ng tama ng natamo nito. Tinawagan din nila ang iba pang rescue team na ligpitin ang mga taong nadawit sa digmaan.  Sa wakas ay nakamit rin ang kalayaan na inaasam-asam ng mga tao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top