Kabanata IV

KAHIRAPAN SA DIGMAAN

NAGISING lamang si Marga sa isang masikip na ospital sa isang kabilang bayan. Malayo-layo ito sa Marawi kaya hindi ito nadamay sa kaguluhang naganap. Sinubukan ni Marga na bumangon sa higaan pero nakaramdam siya ng sakit sa kanyang likod. Nang tingnan niya ang kanyang katawan may mga sugat ito na likha sa pagsabog. Nang nilibot niya ang paningin sa buong kwarto, nagsisisiksikan ang mga pasyente doon. Mga kababayan niyang nag-iiyakan na lang sa sulok at pilit na niyayakap ang mga sarili nila.

Agad na nakaramdam ng lungkot si Marga sa nasapit ng kanilang bayan. Kinamumuhian niya ang mga taong gumawa nito kahit wala silang kasalanang nagawa. Nadamay pa ang mga taong inosente sa kasamaan nila. Bumangon ang galit sa puso ni Marga ng maisip niya ang mga masasamang tao may kagagawan ng lahat. Biglang naalala niya si Francisco. Dahan-dahan niyang tinanggal ang decxtrose na nakakabit sa kamay niya. Nakaramdam siya ng sakit ngunit pinigilan niya lamang iyon. Sinubukan niyang tumakas upang hanapin ang kanyang mahal.

Paglabas niya sa ospital ay may nakita siyang isang sasakyan ng ambulansiya na naghahanda patungo sa kanilang bayan. Nakabukas pa ang likuran ng sasakyan dahil kakalabas lang panibagong sugatan. Nang makapasok na ang nagdala doon, tumakbo siya ng dahan-dahan at sumakay doon. Nagtago siya sa ilalim ng maliit na upuan roon at nagtakip sa telang naiwan doon. Makalipas ang ilang sandali ay narinig na niya ang pagsira sa bandang likod at ang pagsimulang pag-andar ng sasakyan.

Nakatulog si Marga sa matagal na biyahe. Ngunit agad din naman siyang nagising ng biglang huminto. Nang maramdaman niyang bumaba ang nagmamaneho at kasama nito, doon na siya simulang kumilos at sinubukang buksan ang likod ng sasakyan. Matagumpay naman niya itong nabuksan at bumungad sa kanya ang pamilihang bumalik sa pagguho nito. Bumigat ang kanyang pakiramdam sa nakita niya. May mga taong inaalalayan ang mga kapwa nila. Mga taong nakahandusay. Nakatulog lang siya saglit ay ito na ang bumungad sa kanyang paggising. Nagsimula ng maglakad si Marga patungo sa simbahan ngunit nadismaya siya ng makitang walang tao naroon. Bakas na lang ng gumuhong simbahan ang naiwan. Nagpatuloy siya sa paglalakad at pinuntahan ang bahay nila. Doon na lang gumuho ang mundo niya ng makitang mabibilang na lang ang taong buhay. Ang mga kapitbahay at kababayan niya ay nasawi. Agad na tumakbo si Marga habang umiiyak patungo sa kanilang bahay upang tingnan kung naroon ba ang pamilya niya.

Bumuhay ang pag-asa sa puso niya ng makita ang isang paa. Ngunit ganun na lamang kalungkot ng makitang ang ama, ina at mga kapatid niya ay wala na itong buhay at naliligo sa kanilang sariling dugo. Bakas sa lagay nito na hindi ito nasabugan kundi ay pinatay ito. Napagdiskitahan ito ng Maute Group ng bumalik sila sa kanilang kota. Ganun na lamang ang hinagpis ni Marga. Umiiyak siya ng umiiyak sa harap ng patay na katawan ng pamilya niya. Umaalingaw ang sigaw at hagulhol niya sa lugar nila.

Bumangon muli ang galit sa puso niya sa mga taong gumawa nito sa pamilya niya at sa bayan nila. Isinusumpa niya pagbabayaran ito ng sinuman ang may sala sa pagkasawi sa lahat ng buhay ng mga tao sa Marawi. Doble pa ang magiging kabayaran ang inaasahan ni Marga para sa mga mahal niya at sa mga taong walang kalaban-laban. Tumayo siya na may galit at higanti. Handa siyang ibuwis ang kanyang buhay dahil alam niyang wala na itong saysay dahil wala na ang mga mahal niya. Wala na ang pamilya at ang pinakamamahal niyang si Francisco.

Unti-unti siyang naglakad na tila ba ay may hinahanap siya ngunit laking gulat na lamang ng biglang may tumakip sa kanyang bibig. Kasunod nito ang sunod-sunod na putok ng baril at maging patuloy na pagsabog sa ibang bahagi ng lugar. Mga pagsabog na nakakabasag tainga at yumanig sa kalupaan. Pagyanig na nagdala ni Marga na sakupin siya ng kadiliman.

Pagkagising na pagkagising ni Marga, narinig lamang niya ang mga iyakan ng mga tao. Nang tiningnan niya ang paligid. Nandoon sila sa isang bukid na malayo-layo sa sentro ng bayan. Marami ang nandoon at karamihan ay mga babae. Nang tingnan ni Marga ang mga kababayan niya, puno ito ng paghihirap.  Nakakulong ito sa isang malawak na bakuran na binabantayan ng mga lalaking malaki ang mga pangangatawan. Doon niya napagtanto na ito ang mga taong maysala sa likod ng pagsabog. Marami sila at may dalang mga malalaking armas.

"Gising na pala ang bagong bihag natin". Rinig ni Marga sa kanyang likuran ang isang lalaking matangkad, sakto lang ang pangangatawan at may mahabang bigote. Sa tantiya niya, ito ang kanilang pinuno.

"Isali na 'yan doon sa mga kasamahan niya". Agad na dinala si Marga ng isang lalaking may parehong taas niya. Lalaking may parehong gulang din niya. Kinutuban si Marga sa lalaking iyon. Hindi niya alam pero parang may lihim itong itinatago.

Kasama ang mga kababayan niya ay nandoon si Marga sa bakuran. Nalaman nilang binibihag sila nga mga grupong may gawa sa pagsabog. Pilit pinatatag ni Marga ang sarili niya maging ang mga kasamahan niya. Alam nilang may Panginoon kaya hindi sila nawawalan ng pag-asa.

Naging alipin sila sa ilalim ng ilang buwan sa pamamahala ni Isnilon. Hindi pa nakuha ang pangarap nito na gawin islamikong panlalawigan dahil malakas ang pwersa ng mga sundalo ng pamahalaan. Masakit ang pinagdaanan nila sa kamay ng Maute Group. Ginawang parausan ang karamihang kababaihan sa mga lalaking gahaman sa tawag  ng loob. Muntikan ng maging biktima si Marga ngunit hindi ito natuloy sa tulong ni Asylum. Ang lalaking nagdala sa kanya kasama ang nga kababayan niya at ang lalaking kinutuban niya. Nalaman din ito ni Marga kung bakit tinulungan siya rito at dahil sa napipilitan lamang ito makisali dahil sa pamangkin siya ng lider na si Isnilon. Pagbibigay galang at kabayaran na rin ang pagsali sa kapatid ng kanyang ama sa kabila ng lahat ng tulong at kabutihan na dala nito sa pamilya niya.

Minsan na ring nagtapat si Asylum na umiibig siya kay Marga ngunit hindi ito tinaggap ni Marga dahil sa kasalanang nagawa ng grupo nila sa pamilya niya at sa kasintahan niyang si Francisco. Sa buong pag-aakala kasi ni Marga ay patay na si Francisco. Tinanggap rin naman ito ni Asylum ngunit may plano pa rin ang lalaki na palayain si Marga sa kamay nila bilang kabayaran ng kasalanan niya at ng grupo nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top