Pagpasok ni Ara sa bathroom, naupo si Kanoa sa gilid ng kama at ipinatong ang dalawang siko sa tuhod para sandaling huminga. Nakayuko siya at nag-iisip ng gagawin.
Sa kasalukuyan, alam niyang hindi siya pakikinggan at kahit na anong explanation ang gawin niya, umpisa palang ay mali na.
Dahil sa pakiusap ni Ara, umalis si Kanoa kahit na labas iyon sa loob niya. Gusto niyang magpaliwanag, pero huli na. Mas nanaig ang takot na sabihin niya ang tungkol doon dahilan para sa iba pa mismo manggaling ang lahat.
Mabagal na naglakad si Kanoa papunta sa elevator.
Nakasukbit sa likod niya ang backpack na may lamang equipments at laptop. Hawak naman niya ang phone niyang biglang lumiwanag dahil sa notification galing sa group chat nilang magkakaibigan.
Imbes na magbasa, tinago niya ang phone sa bulsa.
Sa loob ng elevator, tahimik siyang nakatitig sa sarili mula sa salaming walang katapusan.
Sasakyan niya ang ginamit nila ni Ara papunta sa hotel kaya kaagad niyang inaalala kung paano ito uuwi. Alam niyang posibleng mag-taxi ito o carpool, pero hindi siya aalis hanggat hindi nakasisigurong makauuwi ito nang maayos.
Lumabas siya ng hotel at dumiretso sa parking area kung saan tanaw pa rin ang entrance ng hotel. Sumakay siya sa kotse at naghintay. Sunod-sunod ang pagtunog ng phone niya galing sa group chat.
Mag-a-alas singko na rin ng umaga at nag-iiba na ang kulay ng kalangitan.
Ipinatong ni Kanoa ang noo niya sa manebela ng sasakyan habang iniisip si Ara at paulit-ulit niyang naalala kung paano ito makipag-usap sa kaniya.
Sumandal siya sa backrest ng upuan at malakas na hinampas ang manebela. Gusto niyang bumalik sa hotel room nila ni Ara, pero hindi niya magawa.
Pumikit siya at isinandal ang ulo sa headrest.
Mahal niya si Ara at umpisa pa lang, alam na niyang naging talo siya.
Isang oras ang nakalipas nang makita niya si Ara sa entrance ng hotel. Nakangiti itong nakikipag-usap sa guwardya hawak ang phone at bag. Huminto naman ang isang silver na sedan at doon ito sumakay.
Kanoa maneuvered his car and followed Ara. Maliwanag na at kung sa ibang pagkakataon, kung magkasama pa sila, malamang na natutulog ito sa tabi niya.
Nang huminto sa red light, kinuha ni Kanoa ang phone niya at binuksan ang photo gallery.
Agad niyang nakita ang picture ni Ara na natutulog sa tabi niya. Sa condo niya iyon noong nakaraang araw.
Ginagawa nitong unan ang braso niya habang nakanganga pa nga. Sumunod rin ang picture nilang dalawa sa sasakyan noong magpunta sila sa Antipolo para kumain.
Humigpit ang hawak niya sa manebela habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Ara. Nilingon niya ang passenger's seat at sanay na siyang kasama ito sa kahit saan.
Sanay siyang naaamoy ang pabango. Sanay siyang kausap ito tungkol sa kung ano.
Kanoa couldn't help it. He dialed Ara's number and knew that she wouldn't pick up.
. . . but he was wrong. After three rings, Ara picked up.
"Love, usap tayo," pakiusap ni Kanoa. "Please?"
Walang sagot si Ara ngunit narinig niya ang paghinga nito.
"Ara, please?"
"Hi, Kanoa!" Ara's happy voice filled his ear. "I'll send na lang the draft for the directing research na hindi natin natapos kagabi. I'll finish it later na lang."
Hindi nakasagot si Kanoa.
"Anything else?" Ara asked. "If wala na, I'll drop the call na lang, ha? I'll see you na lang sa school by Tuesday for the class."
"Ara."
"Yes?" Ara responded.
"Sorry," mahinang sambit ni Kanoa.
Ara chuckled. "It's not okay, but I'll be fine. Can I drop the call na? I'm not comfy talking to you kasi."
"Sige."
"Alright. Bye, Kanoa!" Ara dropped the call.
Nagpatuloy si Kanoa sa pagsunod sa kotseng sinasakyan ni Ara hanggang sa makarating sila sa street nito. Hindi siya dumikit at mula sa malayo, nakatingin siya hanggang sa makababa ito at makapasok sa loob ng condo.
Kanoa shut his eyes for a second before trying to call Ara again.
. . . but the person he was calling was unreachable.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top