90

Ara caressed Kanoa's hair while he was on top of her, panting. His ears were on her chest as if listening to how fast her heart was beating and she was breathing hard, too.

"Hindi ba ikaw nahirapan sa astro?" tanong ni Ara at pumikit. "The city lights were a little distracting for the night sky."

"Sanay na ako," mahinang sabi ni Kanoa. "Kung tama naman 'yong setting, maganda pa rin ang kalalabasan."

Nilingon ni Ara ang digital clock ng hotel. It was almost four in the morning.

"Nagugutom ako," sabi ni Ara habang patuloy na sinusuklay ang buhok ni Kanoa. They were covered in sheets. The combined heat of their bodies were enough to make the cold morning comfortable.

Bahagyang bumangon si Kanoa at hinaplos ang buhok ni Ara. "Ano'ng gusto mong kainin? May nakita akong indian restaurant sa baba. Gusto mong i-try?"

"Okay." Ara caressed Kanoa's cheek. "Is it open kaya? It's four in the morning."

"Siguro." Bumango si Kanoa at inabot ang t-shirt nitong nasa gilid ng kama. "Hindi ko nakita kung 24 hours, eh. Check ko na lang. Kapag sarado, maghahanap na lang ako ng iba."

Ara nodded. Kanoa leaned to kiss her lips and covered her with a duvet.

Humikab si Ara pag-alis ni Kanoa. Inaantok na siya dahil wala pa silang matinong tulog. Uuwi na rin naman sila pagkatapos ng check out time. Weekend naman at malamang na sasaglit siya sa bahay ng parents niya.

Nasa kalagitnaan na rin sila ng semester. Magiging busy sila ni Kanoa sa mga susunod. Mas lalo na si Kanoa dahil sunod-sunod ang partnerships nito sa channel at iba pang social media platforms.

Sandaling ipinikit ni Ara ang mga mata niya nang marinig ang sunod-sunod na pag-ring ng phone ni Kanoa. Naiwan pala nito iyon sa bedside table.

Muli sana niyang ipipikit ang mga mata at hahayaan na lang nang mag-ring iyon. Hindi niya sinagot ngunit sunod-sunod ulit ang pagtunog. Paulit-ulit hanggang sa mapagdesisyonan niyang bumangon para sagutin.

Possible na emergency lalo na at galing sa isa sa mga kaibigan nitong Cocoy ang pangalan.

Hawak niya ang phone ni Kanoa at iniisip kung sasagutin ba niya. Isang ring pa ulit, sasagutin na niya iyon.

. . . at wala pang limang segundo, muli iyong nag-ring.

Bumangon si Ara at ipinantakip sa kahubaran niya ang kumot. Sinagot niya ang tawag at hindi pa man siya nagsasalita, sunod-sunod na ang pagtawag ng mga tao sa sa pangalan ni Kanoa. Pinapupunta ito sa isang party.

Maingay dahil sa sigawan, sa kanta, at malamang dahil sa kuwentuhan.

"Noa? Ano na? Nag-message na si MC, hindi ka raw nagre-reply! Awit ka naman. Sinabihan kong mag-hitch ka, ghosting ka!" sabi ng lalaki sa kabilang linya. Pasigaw ang pagkakasabi nito.

Magsasalita sana si Ara para sabihing wala si Kanoa nang marinig niya ang pangalan niya.

"Sabihin mo kahit hindi na siya manalo sa dare kay Ara, okay na 'yon!" sabi ng iba pang boses ng lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ara nang marinig ang sinabi nito. Nagpatuloy siya sa pakikinig. Nakatakip ng kamay niya ang bibig niya para hindi gumawa ng kahit na anong ingay.

"Oo nga. Hayaan mo na 'yong dare kay Ara. Mag-hitch ka na lang kay MC para hindi nakakahiya," natawa ang lalaki. "Olats ka pala, eh. Sisiw pala, ha? Hindi mo nakuha, 'no? Tangina ka, teka. Bukas na tayo mag-usap."

Nawala ang ingay sa kabilang linya ngunit nanatili ang phone sa tainga ni Ara. Takot siyang ibaba iyon lalo na at nangingig ang kamay niya.

Mali.

Nanginig ang buong buong katawan niya pati na rin ang baba niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya at ang bigat sa dibdib nap para siyang sinuntok nang paulit-ulit.

Ara's lips formed an 'O' while catching her breath. She was gasping for air trying to process what she heard from the other line.

She shut her eyes for a minute. Ibinalik niya ang atensyon sa phone ni Kanoa. Black and white picture niya ang wallpaper nito. Sinubukan niyang i-swipe kung mayroong passcode, pero wala.

Kita ni Ara ang panginginig ng kamay niya. May takot sa kung ano ang makikita niya, pero hindi na siya nagdalawang isip buksan nang tuluyan ang phone ni Kanoa.

Inuna niya ang gallery. Halos lahat ay pictures niya. Walang nakasasama, walang nakababastos.

Sumunod niyang binuksan ang e-mail. Nakita roon ang messages ng school, professors, partnership offers, at ni MC. . . . walang iba.

Sa iMessage sila nag-uusap ni Kanoa. Binuksan niya iyon at bukod sa kaniya, mayroong group chat kasama ang mga kaibigan nito. Binuksan niya iyon at muling nabasa ang eksaktong sinabi ng lalaking tumawag.

"hayaan mo na yung kay ara."
"tumuloy ka na kay mc."
"sayang naman yon."
"balita ba kay ara?"

Hindi alam ni Ara na kilala na siya ng mga kaibigan ni Kanoa. Siguro nabanggit nito ang relasyon nila ngunit habang nagbabasa ng iba pang messages, mukhang walang alam ang mga ito.

Maraming messages kaya naisipan niyang i-search na lang ang pangalan niya. Hindi Ara kung hindi Barbara.

Isa-isa niyang binasa ang mga message tungkol sa kaniya tulad ng pangit ang pangalan niya, nakakairita siya, at sisiw siya para kay Kanoa.

Nabasa rin niya ang mga plano kung paano siya mahuhulog tulad nang pagbigay ng bulaklak, pabili ng mga gusto niya, at pagpaparamdam na sa kaniya na ang atensyon nito.

. . . at ang kapalit, ang pagiging apprentice ni MC na natanggap ni Kanoa nito lang.

Halos hindi siya makapagbasa nang maayos dahil nanginginig pa rin ang kamay niya. Sunod-sunod ang paghinga niya dahil mabigat. Sa bibig na siya humihinga dahil nahihirapan siya.

Nilingon ni Ara ang pinto nang bumukas iyon at hinintay si Kanoa. Nagtama ang mga mata nila at bumaba ang tingin nito sa phone na hawak niya.

"Your friend called," Ara said in a low voice and smiled. "I'm sorry I answered. Sunod-sunod kasi and I thought it was an emergency." Her chin vibrated and she paused.

Kanoa remained standing holding a paper bag.

"He said na . . ." She inhaled. "Na you can work with MC na kahit na . . ." Again, she inhaled. "K-Kahit na talo ka sa dare."

"Ara."

Ibinaba ni Ara ang phone ni Kanoa sa kama at maingat siyang bumangon. Ipinalibot niya ang kumot sa sarili habang nakahawak siya sa dibdib kung nasaan ang puso niya.

"Congratulations," maligaya ang boses ni Ara ngunit tinraydor siya ng sarili niya nang manginig ang baba niya at naramdaman ang paninikip ng dibdi niya. "You'll do well."

Naglakad si Kanoa papunta sa kaniya ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit, bahagya niyang itinaas ang kamay niya, at umiling.

"I-If . . ." Her lips formed an 'O' while trying to breathe normally. ". . . if there's still a little respect, can you kindly leave me muna?"

"Ara, mag-e-ex-"

Ara gasped for air and smiled. "I read enough and . . . it hurts because I genuinely love you."

"Mah-"

"Stop." Ara once again inhaled enough air to make her feel better, but it didn't. "Don't say it again. It's . . . making me vomit."

Tahimik na nakatayo si Kanoa habang nakatingin sa kaniya.

"So . . ." she breathed. "If there's a tiny bit of pity, can you leave na? I'll just t-take a bath," she stuttered, "and I'll leave na rin. Please?"

No response from Kanoa.

"Sorry for reading the messages, I just thought I deserve to now," she smiled.

Humigpit ang hawak ni Ara sa kumot na nakapalibot sa katawan niya. Maingat siyang naglakad papunta sa bathroom at nilagpasan si Kanoa. Nararamdaman niya ang panginginig ng tuhod niya ngunit pinilit ang sariling maglakad.

Hindi niya lumingon. Hindi na niya tiningnan si Kanoa.

Pumasok siya sa bathroom at basta na lang binagsak ang kumot sa sahig. Nakita niya ang sarili sa salamin at nakita ang kiss mark sa dibdib niya pati na rin sa leeg.

Ara wanted to cry, but couldn't. She let her guard down and gave in.

Naligo siya nang normal, ni hindi umiyak, at paglabas niya, wala na si Kanoa tulad ng gusto niya. Naiwan ang paperbag na dala nito ngunit wala na ang ibang gamit.

Nagbihis si Ara bago nagpunta sa balcony. Dinama niya ang malamig na simoy ng umaga habang pinanonood ang pagkislap ng mga ilaw ng siyudad.

Dama niya ang bigat sa dibdib, ang kagustuhang huminga, at ang sakit, pero hindi siya umiyak.

Everyone was right . . . only an insane person would stay with Kanoa.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top