80
It had been more than a month and they decided to keep it low-key. They just wanted to keep it that way.
Nasa loob sila ng sasakyan ni Kanoa. Magkatabi lang naman ang kotse nila sa parking, pero mas madalas sila sa kotse nito. Kumakain sila ng lunch na nabili lang sa cafeteria dahil katatapos lang ng klase nila.
Pareho silang pang-umaga sa lahat ng subject, pero sa Directing subject lang sila magkaklase. Siniguro din ni Kanoa na sila ang partners sa ginawang grouping para hindi na sila mahirapan.
"Here." Inabot ni Kanoa ang hinalo nitong pasta para sa kaniya. "Mainit pa 'tong garlic bread kaya kainin mo na rin."
Ara gazed at Kanoa who also prepared their drinks. "How was the class, love? Hindi ka ba nahihirapan sa pang-umaga?"
"Still adjusting," mahinang natawa si Kanoa. "One week pa lang naman and medyo nasasanay na ako."
"I told you it's okay," Ara said. "You could've gotten the afternoon class instead."
Umiling si Kanoa at tumingin sa kaniya. "Ayos lang naman. Medyo naka-adjust na rin naman ako last semester 'pag nagkikita tayo."
Ara smiled at Kanoa and continued eating. Pinag-usapan na rin nila ang tungkol bago nilang gagawin para sa subject. Mas mahirap dahil mayroong directing.
Wala na silang klase. Wala lang talaga silang mapuntahan. Hindi naman overloaded ang MWF nila kumpara sa Tuesday at Thursday na mas maraming klase.
Nang matapos kumain, sumandal si Ara at tiningnan ang sarili sa salamin ng sunvisor. Suot niya ang bagong ribbon na binili ni Kanoa para sa kaniya.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Kanoa.
Patagilid na tiningnan ni Ara si Kanoa at umiling. "Not yet. Can we drive around lang? No destination, just drive around the area?"
Kanoa nodded and maneuvered the car. No questions asked, they left the university and drove to nowhere. Hindi na rin alam ni Ara kung saan sila pupunta. Ilang malls ang nadaanan nila, pero pareho silang walang balak na bumaba.
Nakatingin si Ara sa bintana nang hawakan ni Kanoa ang kamay niya. Pinagsaklop iyon bago nagpatuloy sa pagmamaneho.
Ara stared at their hands and subtly smiled, but immediately frowned. She made sure Kanoa wouldn't notice who was seriously staring at the road.
Naalala niya ang mga pinagsasasabi ng kakambal at bestfriend niya tungkol kay Kanoa. Nagi-guilty siya na hindi niya ito kayang ipagtanggol dahil nagtatago pa rin sila. Wala pa ring nakakaalam kahit na mahigit isang buwan na.
Siya lang ang nakakaalam na sila. Hindi niya alam sa part ni Kanoa kung mayroong ibang nakakaalam tungkol doon. Hindi niya rin magawang magtanong dahil unfair sa side niya na walang kahit na isang nakaaalam tungkol sa kanila.
"Ano'ng nangyayari?" Mababa ang boses ni Kanoa. Pinisil din nito ang kamay niya, pero hindi tumingin sa kaniya.
Umiling si Ara. "Nothing. What are your plans after graduation, love?" tanong niya at pinigil din ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
Naningkit ang mga mata ni Kanoa. "Plano kong maki-hitch sa mga photographers or directors muna rito sa Pilipinas. Hindi ko pa rin alam, pero baka mag-focus ako sa travel vlog ko lalo nag-boom iyong limang videos ko nitong nakaraan."
Nakinig lang si Ara sa mga sinabi ni Kanoa. Kung tutuusin, hindi na nito kailangang magtrabaho sa kung saan dahil malaki ang kinikita sa pagiging content creator.
Kanoa never showed his face in his videos. She knew because she watched every single video on his channel.
"Ikaw?" Tumingin si Kanoa sa kaniya.
Ara raised her shoulders. "I don't know. It's on my list to travel after college. Baka I'll go to New York or somewhere. Bahala na. I'm not sure."
Ngumiti si Kanoa at sinabing plano rin nitong magpunta sa ibang bansa pagkatapos ng college kasabay nang pagpapatuloy sa travel vlog. Ara agreed. It was perfect for Kanoa.
"Gusto ko ring mag-explore sa iba't-ibang pagkain. Bawat culture, gusto ko ng isama sa contents ko," dagdag ni Kanoa.
"Are you going to show your face na?" Ara smiled.
Umiling si Kanoa. "Hindi. Love, gusto mo minsang mag-voice over sa video ko? Naalala mo 'yung footage sa La Union, may mga extra videos akong hindi ko nilagay sa project. Gusto kong i-upload."
Napaisip si Ara dahil baka kapag ginawa niya iyon, makikilala siya nina Belle at Sayaka na nanonood ng videos ni Kanoa.
"What if ako na lang ang gagawa ng script?" Ara tried to make the situation light. "I'm not confident with my voice and I'm really conyo. Hindi bagay sa branding mo."
Kanoa warmly smiled and gave her a nod. Mukhang nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Aware naman din kasi si Kanoa na hindi ito gusto ng kakambal at bestfriend niya.
"Sige." Kanoa faced the road.
Muling bumaba ang tingin ni Ara sa kamay nila ni Kanoa. His thumb was caressing her hand as they drove to nowhere.
Kanoa's hands were big compared to hers. Very manly, too!
May mga pagkakataong natatakot siya dahil sa mga binibitiwang salita nila Belle at Sayaka lalo kapag nagkakasama sila at biglang mapag-uusapan si Kanoa. Lalo pa nang malaman ng mga ito na classmates at partners ulit sila sa isang subject.
Ara would hear bad things about her boyfriend, all came from her twin and bestfriend, the main reason why she didn't want them to know. Magkakaroon ng posibildad na paghiwalayin sila dahil sa pagkadisgusto ng mga ito kay Kanoa.
Nahihirapan siyang magsinungaling sa bestfriend at kakambal niya, pero hindi rin niya alam kung paano sasabihin na sila na ni Kanoa.
Dalawang oras na sila sa daan at nang huminto sa red light, ipinalibot ni Kanoa ang braso nito sa balikat niya kasabay nang paghalik sa gilid ng noo niya. Hinaplos rin ni Kanoa ang buhok niya habang nagkukuwento tungkol sa isang subject nito.
Ara then smiled and leaned to kiss the side of his lips. She felt him stilled while staring at her and smiled before kissing her cheek.
The traffic light timer was at thirty second before the green light.
Nakatingin lang si Ara kay Kanoa na naghihintay rin sa go signal. Nakahawak ang kamay nito sa manebela at ang isa ay humahaplos pa rin sa buhok niya.
At twenty seconds, Ara called Kanoa's name who immediately looked at her. She leaned forward and kissed his lips without a warning making him gasp. Ara closed her eyes when Kanoa gripped the back of her neck and pull her closer into him.
Their lips locked and Ara counted . . . until the timer had ten seconds remaining.
Ara pulled away, but Kanoa took his time. He kissed her forehead and whispered something she wasn't able to hear.
"What is it?" tanong ni Ara.
Kanoa smiled at her. "Next time," he said in a low voice and drove.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top