70
Bumangon si Ara mula sa pagkakahiga sa sofa at nagpunta sa banyo para mag-toothbrush nang ma-receive ang message ni Kanoa na nasa baba ito. Kagigising lang din niya at masakit na masakit pa rin ang ulo niya.
Hindi pa siya nakaliligo at aware siyang hindi maganda ang itsura niya sa kasalukuyan. Mapula ang ilong niya, namamaga ang mga mata niyang naniningkit pa nga dahil sa sakit ng ulo at allergies, magulo ang buhok niya, at malayo sa araw-araw na ayos niya.
Habang nakatitig sa salamin, naalala ni Ara ang pag-uusap nila ni Kanoa nang magpunta sila sa La Union.
Nakaupo sila sa may dalampasigan na pinanonood ang paglubog ng araw nang sabihin nitong may gusto ito sa kaniya na ikinagulat pa niya. Kahit na minsan, hindi niya iyon inasahan.
Pagkatapos mag-toothbrush, sinuklay ni Ara ang buhok niya. Inipitan niya iyon sa bun at medyo bumagsak pa nga ang ilang buhok sa mukha niya.
Muli siyang nakatanggap ng message mula kay Kanoa para itanong kung gusto ba niya ng kape para makabili sa coffee shop na nasa condo building din naman niya.
Imbes na mag-reply, tinawagan niya si Kanoa na magkita na lang sila sa mismong coffee shop.
Suot niya ang oversized hoodie ng university at satin pajama na pinangtulog pa niya. Kung sakali mang bawiin ni Kanoa ang sinabi nitong may gusto sa kaniya dahil sa itsura niya, maiintindihan niya.
Wallet at phone lang ang dala ni Ara at kaagad siyang dumiretso sa coffee shop. Walang masyadong tao kaya nakita niya kaagad si Kanoa sa pinakadulo. Nakapatong ang siko nito sa sariling tuhod at nakaharap sa phone.
Ara walked toward Kanoa who looked at her and immediately put his phone inside the pocket of his jacket.
Sa lamesa, nakita ni Ara ang paper bag.
"Hello." Ara waved and sat in front of Kanoa's seat. "Dapat hindi na ikaw nag-abala."
Kanoa stared at her. "Paos ka na rin. Uminom ka na ba ng gamot mo? Nag-lunch ka? Dinner na yata 'tong dala ko."
"I just woke up," Ara tried to smile and sniffed. "Galing ikaw sa school?"
Tumango si Kanoa at kumportableng sumandal. "Nakatulog ka ba nang maayos?"
"Slight." Ara shrugged. "How's school pala? What happened sa class? Did Ma'am Dela Merced said something?"
"Nag-quiz lang kanina and by partners. Sinabi kong may sakit ka kaya ako na tumapos," sabi ni Kanoa. "Sinong kasama mo sa taas? May kasama ka ba ngayong may sakit ka?"
Umiling si Ara at nag-cross arms. Medyo giniginaw rin kasi siya. "It's just me and I didn't tell anyone kasi they'll pick me up for sure," mahina siyang natawa. "I don't wanna go home, eh."
"Bakit hindi mo sabihin sa kanila? Mas okay na 'yon kesa mag-isa ka," seryosong sabi ni Kanoa. "Hindi na rin ako magtatagal para makapag-rest ka. Bumili lang ako ng noodle sa Japanese restaurant na nadaanan ko."
"I still have the soup." Ara cleared her throat and drank some water. "You should go na rin para hindi na ikaw ma-traffic 'cos rush hour sucks around this area."
Hindi sumagot si Kanoa at seryoso lang itong nakatingin sa kaniya dahilan para makaramdam siya ng pagkailang. Malayo ang itsura niya sa nakasanayan nitong maayos siyang humaharap sa ibang tao.
"Hindi ka mukhang okay," ani Kanoa.
Mahinang natawa si Ara. "Not really, but I will be. If I won't be okay 'til tomorrow," naubo siya at uminom ng tubig. "I'll bring myself to the doctor na."
"Bakit hindi na lang ngayon?" Mahinahon ang pagkakasabi ni Kanoa. "May malapit na hospital dito sa area mo, 'di ba? Nadaanan ko kanina. Punta na lang tayo sa emergency room para maresetahan ka ng gamot. Iba kasi 'yang boses mo."
Ara shook her head. "Okay lang ako, really."
But Ara also knew that she wasn't okay. Her throat was hurting, head was throbbing, and her allergy was worsening. Kung sa ibang pagkakataon, dinala na talaga siya ng mommy niya sa clinic.
"Tara?" Kanoa offered. "Sasamahan kita."
Sumandal si Ara sa sofang inuupuan niya at napaisip. Nahirapan siyang lumunok at pinakiramdaman na muna sandali ang sarili.
"Are you sure? It might take long and yo—" Ara stopped talking when Kanoa stood up. "I mean . . ."
Kinuha nito ang paper bag mula sa lamesa at lumapit sa kaniya. Inilahad nito ang kamay sa kaniya para alalayan siyang tumayo na tinanggap niya.
"Mainit ka." Humigpit ang hawak ni Kanoa sa kamay niya. "Baka may kailangan kang gamot, hindi 'tong nagse-self medicate ka. Sandali lang naman tayo at malapit lang naman."
Hindi na tumanggi si Ara. Tinanggal ni Kanoa ang suot nitong ball cap at isinuot sa kaniya paglabas nila ng cafè at naglakad papunta sa open parking malapit sa condo niya.
"I'm wearing my home slippers," natawa si Ara.
Tumigil si Kanoa sa paglalakad at tiningnan ang tsinelas na suot niya dahil mayroon pa iyong furr sa ibabaw.
Patagilid itong tumingin sa kaniya at ngumiti. Hindi rin binitiwan ni Kanoa ang kamay niya hanggang sa makasakay sila sa sasakyan. Inilagay nito ang paper bag sa back seat bago umikot papunta sa driver's seat.
Ara hugged herself when the car started. It was cold. She rested her head and breathed.
Both were quiet.
Ipinikit din ni Ara ang mga mata niya dahil nahihilo siya sa daan. Mas lalong sumakit ang ulo niya sa sinag ng araw dahilan para umikot ang sikmura niya. Pinilit niya ang sariling huwag masuka dahil nakahihiya kay Kanoa.
"Kung nasusuka ka, sige lang." Mababa ang boses ni Kanoa at mukhang may kinukuha sa paper bag mula sa backseat. Inabot nito sa kaniya ang plastic ng pharmacy. "Suka ka lang."
Nilingon ni Ara si Kanoa. "I-I'm shy. Babaho ang car mo."
Mahinang natawa si Kanoa. "Ano ka ba? Sanay ako sa amoy ng suka. Lasinggero ako."
"It's different." Ara gulped and her gag reflexes failed her. Nasusuka talaga siya.
"Isuka mo na 'yan. Malapit na rin naman na tayo sa hospital, itatapon ko na lang kaagad," pangungumbinsi ni Kanoa. "Saka mas mabaho ang suka kapag nakainom. Literal na mas nakakasuka."
Sinubukan pa ni Ara na pigilan ang sariling huwag masuka, pero hindi niya nagawa. Sunod-sunod ang pagsuka niya sa plastic na hawak at siya na mismo ang nandiri.
Nakahinto sila sa stop light nang iabot ni Kanoa ang isang bote ng tubig. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.
"Hindi na natin uulitin 'yong ganong byahe," Kanoa said in a low voice. "Sorry kasi nagtagal pa tayo roon."
"It's fine." Ara cleared her throat. "Sorry. This is messed up."
Kanoa shook his head and chuckled. "Ayos lang 'yan. Normal 'yan."
Five minutes and they were in front of the hospital's emergency room. Kinuha ni Kanoa mula sa kaniya ang plastic na may suka dahilan para ikahiya niya. Nauna itong lumabas at itinapon ang plastic sa basuhang malapit sa entrance bago kinausap ang isang nurse na lumapit sa kotse.
"I can walk po," ani Ara nang buksan ni Kanoa ang pinto sa side niya at lumapit ang nurse na mayroong wheel chair.
But it was protocol.
Nagpaalam si Kanoa na ipa-park lang sandali ang kotse bago susunod sa kaniya. Dinala naman siya ng nurse sa isang bakanteng kama.
It was a private hospital. Good thing Ara brought her wallet, phone, and keys.
Sunod-sunod ang tanong sa kaniya ng nurse. Kinuhanan siya ng blood sample at lumapit sa kaniya ang doctor. Tinanong nito ang nararamdaman niya at kung ano ang masakit sa kaniya.
Dumating si Kanoa at may hawak itong papel na pinasusulatan ng tungkol sa detalye niya. Sandaling kinuha ni Ara ang driver's license niya para iabot dito para mga impormasyong kailangan.
Sinabi ng doctor na normal naman ang test ng dugo niya ngunit medyo namamaga ang lalamunan niya kaya niresetahan siya ng gamot na iinumin.
Nakaupo si Ara sa hospital bed dahil si Kanoa ang nautusang bumili sa pharmacy at magbayad sa cashier.
[ iMessage ]
Ara
Kanoa 😖
Thank you.
Kanoa
ikaw pa ba
"Tara na?" Naupo si Kanoa sa gilid ng kama. "Gusto mong umuwi muna sa family mo para may kasama ka?"
Ara shook her head. "No na. May meds naman na and I can manage. Thank you sa pagsama mo here and I'm really sorry I vomited inside your car."
"Ayos lang yon," natawa si Kanoa. "Tara na para hindi na gabihin. Magpahinga ka na rin kaagad pag-uwi."
"Thank you," Ara uttered again.
"Ayos nga lang!" Kanoa gave her a nod. "Bakit hindi mo sinasabi sa family mo o kaya kahit sa kapatid mo?"
Yumuko si Ara. "K-Kasi they didn't know na umalis ako. They'll be mad if they knew na nag-out of town ako without them knowing . . . tapos ikaw 'yong kasama ko."
Nag-iwas tingin si Kanoa at yumuko. Nakatingin ito sa mga papel na hawak. Resibo, lab result, reseta, at instruction para sa gamot niya.
"Kilala ba nila ako?" Tumingin sa kaniya si Kanoa.
"Y-Yup," Ara slowly nodded. "My best friend knows you k-kasi . . ." she didn't know if she would say it, but Kanoa was waiting and staring at her. "Y-You had a one-night stand raw with her roommate. S-She saw you leaving the room and such and the rest is history."
Nanatiling tahimik si Kanoa.
"T-That's why they don't like you," Ara mumbled. She paused and looked down. "B-But I do."
Kanoa gazed at her sideways and frowned. Their eyes met.
"I wasn't able to respond in front of the beach, but I do like you, too," she breathed. "I-I really do."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top