60 ℕ
Ara decided to wear something comfortable for the concert. Sumama na rin siya dahil tapos naman na lahat ng assignments and commitments niya for the week. Sinundo na lang din siya ni Kanoa sa condo niya.
She chose comfortable skinny jeans paired with a white shirt without print and her Chucks. Mukhang matagal silang tatayo sa concert kaya iyon na lang ang isinuot niya.
"Gusto mo ba munang dumaan ng pagkain?" tanong ni Kanoa.
Nilingon ni Ara si Kanoa na seryosong nakatingin sa daan. Tulad nang nakasanayan, itim na shirt, simpleng maong na pantalon, at chucks tulad niya.
Tinawanan nila iyon noong nakaraang nagkita sila dahil pareho sila ng suot na sapatos. It was comfy.
"They have booths naman, right?" Ara shrugged. "Maybe I'll choose na lang later sa grounds. Madalas ka ba sa university na 'yon?"
Umiling si Kanoa. "Hindi naman. Doon kasi pumapasok 'yong bestfriend ko kaya nakakapunta ako. Open grounds din naman since public school and may events place talaga sila."
Tumango si Ara. First time niyang pupunta roon kaya wala siyang idea. Tumunog ang phone niya at nag-message ang group chat nila ni Sayaka at Belle. Walang idea ang mga ito na umalis siya at malamang na ang alam, nasa condo siya.
Hindi rin sanay ang pamilya niyang nasa labas pa siya sa hapon lalo na sa gabi. Her family knew that she would be home by five and six in the evening, max.
Lately, napapadalas ang uwi niya sa gabi. Safe naman siyang nakakauwi, pero hindi na siya nagsasabi sa family niya, lalo sa kakambal niya. It was for research and school so it was an exception.
The entire drive, Ara noticed that Kanoa was quieter than usual. Madalas itong gumagawa ng conversation, pero hindi sa pagkakataong iyon.
Palihim siyang sumusulyap dahil hindi siya sanay. Seryoso itong nakatingin sa daanan, hawak ang kanang kamay sa manebela, at nakapatong naman ang kaliwang siko sa may bintana. Mukhang malalim ang iniisip, pero hindi siya nagtanong.
Tumingin siya sa orasan. It was almost a quarter after five. Sinabi ni Kanoa na six ang simula ng concert. She hated the crowd, but she would try, especially since they planned to shoot some for the night.
"Are you into night photography?" Binasag na ni Ara ang nakabibinging katahimikan.
Kanoa nodded and gazed at her. "Mas gusto ko ang night photography. Hindi naman kasi ako morning person," he uttered.
Ara looked down. Bigla siyang na-guilty dahil maagang-maaga ang pagkikita nila sa tuwing inaayos nila ang tungkol sa research nila. Madalas niya itong nahuhuling naghihikab.
"Don't worry, we're almost done na rin sa research," Ara smiled at Kanoa. "By then, you won't have to get up early na. I'm done na rin sa documentation and we might focus on the footage na lang sa susunod."
They were at the red light and Kanoa looked at her. No words or even a response about what she said before looking away and starting to drive again.
Para hindi mailang, nilingon ni Ara ang bintana. Nilaro niya ang strap ng bag niya para kahit paano ay hindi mailang. Nakatingin lang siya sa dinadaanan nila. Medyo traffic din at medyo malamig pa ang kotse ni Kanoa hanggang sa makapasok na sila sa isang malaking gate.
Dumiretso sila sa open parking at inihinto ni Kanoa ang sasakyan sa tabi ng isa pang kulay dark green na kotse kung saan mayroong lalaking nakasandal.
Ngumiti si Kanoa at tinanggal ang sariling seatbelt. "Tara? Bili na rin muna tayo ng pagkain bago tayo magpunta sa concert grounds."
Tumango lang si Ara at ibinaba ang sunvisor na mayroong salamin para tingnan ang sarili niya. Inayos niya ang ribbon ng buhok at nang matapos, nakita niyang nakikipag-usap si Kanoa sa lalaking nakasandal. Seryoso ang mukhang dalawa.
Muling inayos ni Ara ang sarili bago lumabas ng kotse. Sabay na lumingon sa kaniya ang dalawang lalaki. Nanatiling seryoso ang mukha ni Kanoa, ngumiti naman ang kausap nito at naglakad papalapit sa kaniya.
"Hello!" Inilahad nito ang kamay. "Jairold. Bestfriend ni Kanoa."
"Hello!" Ara smiled widely and accepted the handshake. "I'm Ara. It's nice to meet you! You go here, right? What's your course?"
The man smiled and subtly gazed at Kanoa who was standing near them. "Business Ad ako. Mabuti pala nakapunta kayo. Akala ko nga hindi na pupunta 'tong si Noa, eh. Gusto n'yo ba munang kumain?"
Ara happily nodded and walked with Kanoa and his best friend Jairold. Tinuturo nito ang mga building sa kanila at napansin ni Ara na medyo malayo ang personality ng dalawa.
Kanoa was a little quiet and mysterious, unlike Jairold who was talkative and conversationist. Marunong itong gumawa ng conversation na ikinatuwa niya.
Pagdating sa concert grounds, maraming tao. Naghanap sila ng mga booth na puwedeng mabilhan ng pagkain at habang naglalakad kasabay ng dalawang binata, napansin ni Ara ang mga tingin kay Kanoa na nakikipagbiruan din sa kanila ni Jairold.
The man really was a head-turner. Nakatayo lang itong naghihintay ng binili nilang burger at popcorn, pero may mga nakatingin.
"Masanay ka na," sabi ni Jairold. Nilagyan nito ng sauce ang nabili nila ng siomai. "Kapag kasama namin 'yang si Kanoa, hindi puwedeng walang babaeng nakakakilala o kahit hihinto. Wala, eh. Pogi."
Ara didn't say anything. Hinarap niya si Kanoa na kinuha ang mga hawak niya dahil ito na raw ang magbibitbit. Bumili silang frappe at popcorn.
Si Kanoa at Jairold, bumili ng shawarma rice. Ara wasn't a fan so she got herself a bowl of Chao Fan.
"Gusto mo ng cotton candy?" tanong ni Kanoa habang naglalakad sila at tinuro ang isang booth na pastel color ang theme. "May cotton candy sila at saka gummy bears. Gusto mo?"
Ara nodded and took her wallet. "Ikaw, you want ba?"
"Sige," ani Kanoa.
Sabay silang naglakad papunta sa booth. Nakilala rin ni Ara si Gia, ang girlfriend ni Jairold na siyang sumama sa kaniya para kumuha ng gummy bears. Both were sunshines and Ara actually wondered how did Kanoa and Jairold became friends.
"Boyfriend mo na ba si Noa?" tanong ni Gia.
Umiling si Ara. "Nope, we're partners sa isang subject and he just invited me here so we can take some videos of the event. For the mood and aesthetic."
Tumango si Gia. Nilingon nito sina Kanoa at Jairold. "Kaibigan ko si Noa dahil kay Jai. Matagal na kaming nagkakasama at . . ." huminto ito sa pagsasalita. "Mukha kang mabait, Ara."
Ara frowned without saying a word.
"Pero mag-iingat ka sa kaniya, ha?" Gia warmly smiled. "Babaero kasi 'yang si Noa. Wala siyang pakialam kapag napagsawaan na niya. Manwhore yata ang tamang word?"
Tahimik lang si Ara na nakatingin kay Gia. Naglalagay pa rin ito ng gummy bears sa pouch na ikikilo pagkatapos.
"Hangga't maaga pa, hangga't hindi pa kayo," Gia looked at her and shook her head. "Ayokong magaya ka sa iba. Ayokong masaktan ka."
Ara nodded and smiled. Tinulungan na niya si Gia sa pagkuha ng mga candies na dadalhin nila papunta sa isang gazebo para kumain bago magsimula ang concert.
They were happily talking about the place. Gia and Jairold looked so happy while talking about the school.
Ara enjoyed the company and when the concert started, they were all in the middle of the crowd. Nahihirapan si Ara dahil halos dikit-dikit sila. Katabi niya si Kanoa na nakatingin sa stage habang kumukuha ng pictures. Nasa gilid naman nila sina Jairold at Gia.
"Ahh!" Ara complained when someone accidentally pulled her hair. Kinapa niya ang buhok niya at wala na ang puting ribbon na suot niya.
She was about to complain when Kanoa positioned himself behind her. No words, Kanoa started taking pictures.
The song was Buwan by Juan Karlos.
Muling nagsiksikan sa gitna dahilan para mapaatras si Ara. Naramdaman niya ang pagbagsak ng camera ni Kanoa at ang pagkahawak nito sa baywang niyang mas humigpit nang magkagitgitan.
Humarap siya kay Kanoa at tumingala sa langit. It was full moon. Binalikan niya ng tingin si Kanoa na nakatingin sa kaniya.
"Gusto mo nang umalis dito sa crowd?" tanong ni Kanoa.
Ara nodded without hesitation. "Y-Yes, please?"
Kanoa gave her a nod and tightened his grip on her waist while carefully pulling them out of the crowd. Ara looked up and stared at the moon when Kanoa let her go for a second before holding her hand.
"Okay ka lang?" Kanoa faced her and stared at her, frowning.
Ara nodded and looked at Kanoa. "Can I stay here na lang? You can go back, I'll stay here na lang." She took her scrunchie. "I don't wanna go back na."
Kanoa was staring at her. No words.
She frowned. "Why?"
Imbes na magsalita, inangat ni Kanoa ang hawak na camera, at iniharap iyon sa kaniya. Sumilip ito sa viewfinder at tumunog ang shutter. Hindi alam ni Ara kung alang beses, pero sunod-sunod iyon, bago niya tinakpan ang sarili.
"Wait." Kanoa held her hand and took another shot. "Ang ganda mo."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top