126
Nagmamadaling maglakad si Kanoa papunta sa cafè sa harapan ng school. Katatapos lang ng klase niya at hindi inaasahang maraming na-discuss dahilan para late na siya makalabas.
Dala niya ang camera niya at hindi na iyon naibaba sa sasakyan. Ayaw niyang ma-late. Mayroon pa namang limang minuto bago ang oras ng usapan nila ni Ara.
Dalawang linggo na niyang hindi nakakausap sa personal si Ara. Nakikita niya ito sa campus, pero hanggang doon lang. Hindi rin siya lumalapit.
Paglabas ng gate, agad niyang nakita si Ara mula sa malayo. Nakaharap ito sa glass wall, seryosong nakatingin sa laptop, at mayroong suot na AirPods.
Sa bar stool ito nakaupo at hindi sa regular na regular na lamesa.
Nag-stay si Kanoa sa labas ng gate. Inangat niya ang camera at kinuhanan ng pictures si Ara. Naka-zoom in at para niya itong pinanonood nang malapitan na hindi na niya magawa.
Kanoa took lots of photos and walked toward the cafè. He wouldn't want her to wait that long.
Pumasok siya sa cafè at nag-order na muna ng drink. Juice ang kay Ara, black coffee ang sa kaniya. Lumapit siya kay Ara at naupo sa katabi nitong bar stool. Mayroong safe space sa bawat isa.
"Hi," pagbati ni Kanoa kay Ara. "Kanina ka pa?"
Tumango si Ara. "Yup. Wala na kasi akong class so here na lang ako nagpunta. You?"
"Kararating ko lang. Late na kasi nagpalabas 'yong prof ko," sagot ni Kanoa.
Mula sa inuupuan, naamoy ni Kanoa ang pamilyar na pabango ni Ara. Naging paborito niya iyon simula nang makilala niya ito at madalas niyang hinahanap-hanap.
Noong naging sila, madalas siyang nakayakap dahil inaamoy lang niya si Ara. Ultimo sasakyan niya, naging kaamoy nito at hindi siya nagreklamo . . . at hinding-hindi rin magrereklamo.
Nakikinig lang siya kay Ara habang ini-explain nito ang research nila. Tinuturo nito sa kaniya ang mga inayos.
Tapos na sila.
. . . at isang buwan na lang, ga-graduate na sila.
"That's it! The directing was perfect," Ara looked at him. "And because it's finally complete . . ." She paused. "We won't have to meet again. We'll see each other pa rin naman here sa school, but today's the last day we'll talk normally. No more reason for messages and emails, too."
Kanoa lazily nodded.
"I saw pala sa posts about the video," pagpapatuloy ni Ara. "Good that you finally knew who took it. Choose your friends wisely, Kanoa."
Hindi sumagot si Kanoa. Saktong dumating ang order niya. Inabot niya ang isa kay Ara na ngumiti sa baristang nag-abot ng order bago ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Thanks." Tinukoy nito ang drink na binili niya. May munting ngiti sa labi ni Ara habang nakatingin sa kaniya. "So, this is . . . we part ways."
Kanoa looked down and didn't say a word.
"To make peace with myself, can I ask you a question?" Ara murmured. "You don't have to answer."
Kanoa looked at Ara. "Oo naman. Tanong ka lang."
"D-Did you ever love me . . . just a little? I just want to know because what happened . . . made me feel I'm just a game and that I am unloveable and the relationships will be the same," Ara said in a painful voice. "I just want to ask this one last question before finally closing the book about you."
"Minahal kita. Umpisa pa lang, natalo na 'ko sa laro," sagot ni Kanoa. "Mahal pa rin kita . . . at mamahalin pa rin hindi ko lang alam kung hanggang kailan."
Ara smiled at him. "I did love you, too. I do love you. I still love you . . . but I will unlove you soon."
Naramdaman ni Kanoa ang sikip sa dibdib niya dahil sa huling sinabi ni Ara. Hindi siya nagsalita.
"You made me use a black-and-white filter for the first time," Ara chuckled. "And you made me realize that some mistakes can also be my favorite."
Tumayo si Ara sa pagkakaupo at ngumiti.
"Despite all the pain, I'm still glad I met you. I regret being with you but that won't change the fact that I loved you." Inilahad ni Ara ang kamay sa kaniya. "Congratulations, Kanoa, for everything."
Kanoa accepted the handshake without saying anything.
Nagpaalam na rin si Ara sa kaniya. Inayos nito ang mga gamit na nasa lamesa at hindi niya ito inalisan ng tingin hanggang sa makalayo na sa kaniya.
Bago pa man tuluyang malabas ng cafè, tinawag niya ang pangalan nito na agad rin namang lumingon.
Hawak ni Ara ang handle ng pinto, yakap nito ang laptop, hawak ang juice na binili niya, at tumingin sa kaniya.
"I love you," Kanoa said.
Ara smiled at him. "I love you . . ."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top