109

"Kanoa, hindi ka talaga pupunta?" tanong ni Jairold. "Ang daming tao rito. Pinalabas na sa big screen 'yung mga footage mo. Tangina ang angas! Ang daming nagtatanong kung asan ka."

Ngumiti si Kanoa at sumimsim ng kape. "Hindi, eh. Nandito ako sa cafè sa tapat ng school. On the way na raw kasi si Ara. Ibibigay raw kasi niya 'yung documents galing sa professor namin. Hindi ako nakapasok noong nakaraan, eh. Importante for changes."

"Sige, pre," sagot ni Jairold. "Pero susunod ka ba rito o magkikita na lang tayo sa susunod?"

Nilingon ni Kanoa ang pedestrian lane nang makita si Ara na naglalakad papunta sa cafè. Nakasuot ito ng sumbrero at naka-dress na maikli tulad nang madalas nitong isinusuot.

"Pre, nandito na si Ara. Tawagan na lang kita mamaya," aniya at ibinaba ang tawag.

Sinundan niya ng tingin si Ara hanggang sa makapasok ito ng cafè at habang papalapit ito sa kaniya, alam niyang mayroong mali. May mali dahil iba ang pakiramdam niya.

It wasn't the same heartbeat he always felt whenever he was looking at Ara. Also, the fact that the "Ara" was smiling . . . he knew it.

"Hi, Kanoa!" The "Ara" greeted. Inabot nito sa kaniya ang folder. "Here's the document from Mr. Tan. There are notes na and I already edited some. I really have to go and if—"

"Asan si Ara?" pagputol ni Kanoa sa sasabihin ng babaeng kaharap. "Hindi ikaw si Ara."

The woman's eyes widened in shock. "A-Anong sinasabi mo?"

Kanoa smiled. "Hindi nakikipag-eye to eye contact si Ara sa 'kin. Magkamukha kayo, pero hindi ikaw si Ara."

"Weird." The woman squinted and smiled. "Aside from the hair cos I'm long hair and Ara's short hair na now, hindi mapapansing magkaiba. Anyway, she's currently in the hospital kasi nag-fever siya, but she couldn't cancel this kasi medyo urgent. But ayon."

Mataray magsalita ang babaeng nasa harapan niya, malayong-malayo kay Ara na malumanay, at medyo mahinhin.

Nakatingin lang siya sa mukha ng babae habang nag-e-explain at doon niya na-realize na kilalang-kilala niya si Ara. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa, magkapareho ng tindig, ng facial expressions, ng boses, ng gestures—dahil ultimo pagtaas ng dalawang balikat habang nagkukuwento ay pareho.

"So, ayon." Inilahad ng babae ang kamay. "I'm Belle. Barabella. I know, pangit ang pangalan ko unlike Barbara, but just Belle."

"Thank you." Inangat niya ang folder na hawak. "Puwede ko bang malaman kung saang hospital si Ara? Kung puwede lang."

Naningkit ang mga mata nito. "Why?" Tumaas pa ang kaliwang kilay.

"Partner ko siya sa research and acquantances naman kami. Don't worry, I won't do anything," paniniguro ni Kanoa.

"Fine." Belle raised her brow, again. "Kailangan ko na rin kasing umalis kaagad cos may class pa ako and I'll be late. She's in Metropolitan. Bounce na 'ko," umatras ito at kumaway.

Hindi na nakakuha si Kanoa ng pagkakataon para magpaalam at magpasalamat.

Bumili siya sa cafè ng paboritong pesto pasta ni Ara, cinammon rolls, at frappe na hindi na coffee-based. At habang nagmamaneho, nag-aalala siya sa kung ano ang nangyari bakit ito nagkasakit.

Nakikita niyang tumatawag pa rin sa kaniya ang mga organizer ng event na dapat sana ay pupuntahan niya, pero hindi siya nakarating para unahing makita si Ara. Sinagot niya ang mga tawag para sabihing may emergency at dadaan na lang sa mga susunod na araw.


Pagdating sa ospital, nasa tapat siya ng pinto ng kwarto ni Ara habang nag-iisip kung tutuloy ba siya o ipaaabot na lang sa nurse ang dala niya. Nabanggit din ng nurse na wala itong bisita at mukhang mag-isa lang.

Bumukas ang pinto at lumabas doon ang nurse. "Good morning po," bahagya itong yumukod.

"Gising ba siya?" tanong ni Kanoa.

"Opo. Kumakain din po siya ngayon." Tumango ang nurse na babae at nilagpasan siya.

Muling huminga nang malalim si Kanoa at pinag-isipang mabuti kung tutuloy ba siya. Oras na itaboy siya ni Ara, aalis siya. Iyon na lang ang pumasok sa isip niya.

Pinihit ni Kanoa ang pinto at maingat na pumasok sa loob ng kwarto. Kaagad na nagtama ang tingin ni Ara. Nakaupo ito at kumakain habang nanonood sa laptop.

Ara frowned. "W-What are—"

"Nagdala ako ng pesto," aniya at inangat ang paper bag na dala.

Bakas pa rin sa mukha ni Ara ang gulat habang nakatingin sa kaniya.

"Sana sinabi mong nandito ka para ako na lang ang nagpunta para sa document para hindi na rin na-late si Belle sa school," ngumiti siya.

"D-Did Belle tell you?" Ara stuttered.

Kanoa shook his head. "Hindi. Alam ko lang. Magkaiba kayo, eh."

"Weird." Ara chuckled and rested her back. "Our parents and our kuya have a hard time minsan."

Hindi sumagot si Kanoa. Nanatili siyang nakatingin kay Ara. Gusto niyang itanong kung anong nangyari, pero parang wala siyang karapatan.

"The files are almost done naman na but Mr. Tan wanted some changes sa file na 'yan. Can you finish it by Friday? I'd like to proof everything kasi we only have two weeks left to fini–"

"Ano'ng nangyari?" Kanoa cut Ara off. "Bakit ka nandito?"

Ara gazed at him but immediately focused on her food. "High fever and . . . exhaustion? I don't know. Wala akong enough sleep since . . ."

Kanoa breathed and looked down.

"I hate all the comments about that video. Every time I'll visit social media, posts are everywhere. The comments made me sick and vomit and it hur—" Ara paused and inhaled. "Why are you being praised while I'm being disgusted and sexualized? Yes, they didn't see my face . . . but the comments were painful. Dalawa tayo sa video, but why ako lang 'yong nakikita nila?"

"Ara . . ."

Ara forced herself to smile. "It's so unfair. Even my own twin, my best friend, found the girl stupid for associating with you . . . not knowing it's me. Not knowing that girl was me."

Nanatiling nakatingin si Kanoa sa mukha ni Ara.

"Anyway, I'll be okay. I'll move on," Ara said. "Thanks for whatever you brought. Let's finish the research na as soon as we can . . . so we won't have to see each other again."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top