Alicia
Alicia
I was driving on my way to Strumm's. One of my favorite bar here in Manila. I just want to have some fun tonight. Sawang-sawa na kasi ako sa buhay ko.
Tangina. I'm so excited!
"Woohoo..." Sigaw ko pa sabay taas ng isang kamay sa ere.
My car was convertible kaya naman hindi sumasabit ang kamay ko sa kung saan. Mabilis ang pagmamaneho ko at wala akong pakialam dahil kaya naman yung ayusin ng Dad ko sakali mang magkaproblema.
Halos hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan ng malingunan ko na ang bar. Mabilis parin ang pagpapatakbo ko kahit na dapat ay mabagal na lamang. Kaya naman laking gulat ko na may isang lalaki ang bigla nalang sumulpot kung saan kaya naman agad kong iniliko ang manibela at tinamaan nito ang isa pang kotse na nasa unahan ko.
Mabuti nalang naka seatbelt ako kaya hindi ako nauntog sa manibela ko. Napatawa pa ako sa bagong experience na naranasan ko. Near death situation huh?
Akala ko magpapasko ako sa hospital ngayon. Buti nalang naiiwas ko.
"Hey! Hindi ka ba pwedeng magdahan-dahan?" A tall man with dark feature appeared in front of me.
His muscles more defined when he angrily walk towards me. "Ano? Wala kang sasabihin?" Aroganteng tanong nito.
Napatikhim naman ako ng mapansing titig na titig na pala ako dito. "Sorry." I sarcastically said before turning off the engine.
Aatras na sana ako, kaso muli itong nagsalita. "Nabangga mo yung kotse ko, tapos aalis ka nalang bigla?"
Nag-uumpisa ng magkumpulan ang mga tao sa paligid. Mga halatang nakikichismis lang naman.
"I'll pay the damage okay? Just let me car my park." Inis kong sinabi bago muling naghanap ng mapaparadahan.
Thank God, meron pa. Agad akong bumaba sa kotse at natigilan ng makitang nakasunod pala sa akin ang lalaki. Hindi ko manlang napansin.
"Magkano ba ang gusto mo?" Iritado kong tanong, bago naghagilap ng cash sa aking pouch.
Napatigil ako sa ginagawa ng maramdamang humaplos ang kamay nito sa kamay ko na nasa pouch parin.
Marahan kong inangat ang aking paningin, he's looking at me with dagger. At nakakapanglambot ng tuhod ang maamoy ang mabangong hininga nito.
"Do you really think that I need your money? I don't need that damn money. I only want, that you! Apologize to me sincerely." Malalim ang paghinga nito, tanda na nagpipigil lamang sya ng galit.
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot. I was never been this scared before. Hindi ako natatakot sa mga lalaki, kasi alam ko sa sarili ko. Na isang sabi ko lang kay Dad na may nang-aapi sa akin. Sya na ang bahala sa mga iyon.
"Say your sorry sincerely, and I will forgive you." Seryoso at may pagbabantang sabi nito.
Napalunok naman ako at nagbaba ng tingin. "I'm sorry." Now, it's really sincere.
Binitawan na nito ang kamay ko at narinig ko pa ang pagsinghap nito. "What a brat." Napapailing na sabi nito, bago naglakad papalayo.
Tila doon lang ako nakahinga ng maluwag. Shit! Mukhang nasira na ang gabi ko ah.
Malakas akong napabuntong hininga at napailing-iling. Hindi ko hahayaan na masira na lang ang gabi ko dahil sa lalaking iyon.
Inayos ko na muna ang sarili ko. Sinugurado kong nasa dati na akong awra bago nagdesisyong maglakad na patungong bar.
Hindi na naman na akong nahirapan pang pumasok dahil kilala na ako dito. Halos malibot ko na ang buong bar dito sa lugar na ito, dahil ayokong nag-sstay sa isa.
The neon lights welcomed me. Marami na akong nakikitang mga nagsasayaw sa dancefloor at naglalampungan sa kani-kanilang mga table.
Sanay na akong mag-isa, I don't have friends. Fuck! I don't need. Lahat sila plastik, lumalapit lang sa akin dahil sa kapangyarihan ko. Parang maging famous din sila, mga manggagamit.
Agad akong napareserve ng VIP sa may taas. Tutal mag-isa lang naman ako, and it's the best plan that I always do tuwing pumupunta ako sa bar.
May waiter na lumapit sa akin ng makaupo na ako sa upuan. Pinasadahan ko na muna ng tingin ang paligid bago ngumiti dito at sinabi ang palagian ko nalang na inoorder.
Mabilis na umalis ang babae, at nagpatuloy lang ako sa paglingon sa paligid. Medyo tahimik dito sa taas, mukhang mga businessman lang nandito.
But the hell I care? Business lang ang importante sa kanilang mga negosyante. Negosyo lang. And it sucks.
Nang makarating na ang order ko ay ininom ko na kaagad ang isang bote ng alak. Dire-diretso at walang tigil. Huminto lang ako ng hindi na ako makahinga.
"Fuck!" Bulalas ko.
Mukhang ganun nalang talaga ang laki ng problema ko. Malaki ang galit ko sa mundo, lalong-lalo na sa aking ama.
Namatay sa konsimisyon ang aking ina dahil sa aking ama. Walang ibang ginawa ang aking ama kung hindi ang mambabae.
Ilang beses ng nahuli ni Mama si Papa sa pambababae nya. Pero wala syang ginawa, hindi sya nagbago. Kasi hindi naman talaga nya minahal si Mama eh. Pinagkasundo lang naman sila, kaya bakit diba?
Agad kong pinalis ang luhang tumulo sa aking kanang pisngi. Pagod na akong umiyak. Pero hindi napapagod ang luha ko.
Kapag nasa bahay ako, naalala ko lang ang lahat ng kataksilan ni Papa.
Kaya hindi ako nananatili doon, at lagi lamang akong nasa labas.
Tutungga pa sana ako ng isa pang beses ng may biglang nang-agaw ng hawak kong bote.
Inis kong nilingon kung sino ito. Kasalukuyan na nitong iniinom ang laman ng bote.
Aagawin ko na sana ang bote dito ng bigla na lamang nitong ibinaba iyon at tinitigan ako sa mga mata.
Ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makilala kung sino ito. Ito yung lalaki kanina ah?
"What the hell are you doing here?" Sigaw ko dito.
Halos mapatingin yung mga nasa katabi naming table. At wala lang iyon sa kanya. Lalo naman ako.
Nag-smirk ito at pabagsak na naupo sa katapat na silya. Nanatiling hawak nito ang bote.
"Nag-iinom ka mag-isa? Babae ka pa naman. Maraming mapagsamantala ngayon. Tsk. Tsk." Umiling-iling pa ito.
Umirap nalang ako dito. Mukhang wala pa itong balak na sagutin ang tanong ko.
"Pake mo ba?" Sabi ko habang ang mga tingin ay nasa pagkaing kaharap.
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa na ikinakunot naman ng noo ko. Wala akong balak na magpakainis ngayon, dahil ang gusto ko ay mawala ang stress ko.
At wala akong panahon para sa mga ganitong katarantaduhan.
"I'm just concern. Ano bang problema mo at kaylangan mong mag-inom mag-isa? Wala ka bang friends para samahan ka?" Nahihimigan ko ang pang-aasar sa tinig nito.
Kunot-noo ko syang tinitigan sa mata habang pinipilit ang sarili na ngumisi kagaya nya.
"I don't need your concern. And I didn't owe you an explanation, so stop asking me a question kasi wala akong balak na sagutin lahat yan."
Wala na, talo na ako. I already lost my cool.
Nakangisi pa rin itong nakatingin sa akin, na lalong ikinasama ng mukha ko.
Ngingisi nalang ba talaga to sa harapan ko?
"Okay. So don't ask for anyone's help if something bad happen to you." Sabi nito at tinunggang muli ang bote.
Nang ilapag nito iyon sa lamesa ay wala na itong laman. Really? Ganto ba talaga sya kalakas uminom?
Sabagay, ganyan rin naman ako.
"Goodbye." Itinukod nito ang kanang siko sa lamesa at hinaplos ang aking kanang pisngi. "Beautiful." Isang matunog na ngisi muli ang pinakawalan nito.
Halos maubusan ako ng hininga dahil sa ginawa nya. May kakaibang pakiramdam akong naramdaman nung hawakan nya ako.
Hindi ko na nagawa pang itulak ang kamay nya dahil sa pagkabigla sa mga nangyari.
At hindi ko maitatanggi na gwapo nga syang talaga, na tipong hindi mo malilimutan ang mukha nya sa isang araw lang.
Marahan itong tumayo at titig na titig sa mata ko bago tumalikod at naglakad papalayo.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng katawan ko dahil sa ginawa nya.
Oo gwapo sya. Pero parang sobra naman yata yung reaction ko?
Dahil sa nawalan na ako ng gana na uminom, ay nag-iwan nalang ako ng ten thousand sa lamesa para sa mga in-order ko. I'm sure sobra pa iyong ibinigay ko.
Marahan akong bumaba sa hagdan, at pilit na iniiwasan ang mga taong sumasayaw doon. Ano ba yan? Pati talaga sa hagdan? Hay! People.
Dire-diretso ang lakad ko palabas ng lugar na iyon, ng biglang may maramdaman akong humawak sa palapulsuhan ko. At hinila ako kung saan.
Naramdaman ko na lang ang malamig na pader sa aking likuran. At ng tingnan ko kung sino ito ay nanlaki ang mga mata ko.
Pakshet. Hindi ko kilala.
"Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nito.
Pero malakas sya kaya hindi agad ako nakawala.
Sisigaw na sana ako at hihingi ng tulong ng maalala ang sinabi sa akin ng lalaki kanina.
"Okay. So don't ask for anyone's help if something bad happen to you."
"Ano? Payag ka na rin?" Maangas na tanong ng lalaking nasa harapan ko.
At dahil sa may gusto rin akong mapatunayan, ay dinuraan ko ito sa mukha. Kinuha ko iyong oportunidad para sipain kung ano man ang nasa gitna ng kanyang mga hita.
Agad itong napabitaw sa pagkakahawak sa aking mga braso at ininda ang sakit, ng aking pagkakasipa. You deserve it. Asshole.
Mukhang nakita ng mga kaibigan nya ang mga nangyari, kaya agad itong nagtungo sa lalaki at dinaluhan. Ako naman ay mabilis na umalis para hindi na nila mapagsalitaan pa.
Tahip-tahip ang aking kaba habang mabilis na naglalakad papalabas sa loob ng bar na iyon. God, first time kong maka-encounter ng ganun.
Agad akong dumiretso sa parking upang makauwi na. I don't want to experience the same situation here in this place.
Pinatunog ko ang alarm ng aking sasakyan, at ng makita na ito ay agad ko itong nilapitan. Ngunit napatigil din ako kaagad ng makitang may isang lalaking nakatayo doon at tila hinihintay ang aking pagdating.
Nakatalikod ito sa akin at tila gusto pa akong sorpresahin. "Who the hell are you?" Sigaw ko dito.
Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin, at halos magkasalubong ang kilay ko ng makilala kung sino ito. Fuck Him. Ano bang meron ngayong araw na ito at bakit palagi ko syang nakikita?
Is he my stalker? Kasi kung ganoon nga nagtitindigan na ang mga balihibo ko dahil sa kanya.
Ngumisi ito sa akin na nagdala ng lamig sa aking katawan. Okay. Hindi ko maikakailang gwapong stalker sya.
"I think, you can handle yourself in your own." Humakbang ito palapit sa akin.
Umatras naman ako habang umiirap upang maitago ang kaba. "Are you my stalker?" Seryoso kong tanong.
Lalong kumunot ang noo ko ng tumawa ito. Anong nakakatawa dun? Kinikilabutan talaga ako sa kanya.
"Are you serious? Sa gwapo kong to. Magiging stalker mo lang ako?" Mabilis itong tumayo.
Hindi ko lang alam ha. Pero nainsulto ako sa sinabi nya. Hindi ba ako ka stalk-stalk? Maganda naman ako ah? Okay may mali na sa akin. Bakit ko kinukwestyon ngayon ang kagandahan ko?
"Because you look like one. Sasabihin ko ba kung hindi?" Naglakad ako papalapit dito. At kahit na nanginginig ang aking buong katawan dahil sa panghihina. Ay inipon ko na ang buong lakas ko upang maitulak ko sya, papaalis sa harapan ng pinto ng aking kotse.
"Bahala ka sa buhay mo. Yabangan mo ang sarile mo kung hanggang kaylan mo gusto. Wala akong pakialam sayo." Mabilis kong binuksan ang aking kotse at pumasok sa loob.
Akmang isasara ko na iyon ng pigilan nya ako. Nakahawak na ito sa taas ng pinto at matamang nakatingin sa akin.
"Ano ba?" Inis kong sigaw sa kanya.
"Gusto ko lang ipakilala ang sarile ko sayo." May pagmamakaawa sa tinig nito.
"I don't fucking care!" Muli kong sigaw.
"Raphael. Raphael ang pangalan ko." Pagwawalang kibo nito sa sinabi ko. "And I'm single."
So? Kung single ka? Hindi ko na isinatinig pa iyon sa takot na baka humaba pa ang usapan namin.
"Alisin mo na yang kamay mo at ng makaalis na ako." Sabi ko habang patuloy syang sinasapak.
Natatawa naman nitong binitawan ang pinto kaya bigla itong sumara dahilan upang tumalsik ako sa loob. Bumagsak pa ako sa sahig ng kotse dahil sa pagkabigla. The fuck?
"Ouch." Buti nalang tinted itong salamin kaya hindi nya nakita kung anuman ang kahihiyang nangyari sa akin dito sa loob.
Agad kong inayos ang aking sarile at ininda ang sakit ng aking braso. Nandoon pa rin sya sa dating pwesto at nakatingin lang sa aking kotse, na tila nakikita nya ako mula sa labas.
In-start ko na lang ito at marahang pinaalis sa harap nya. Tiningnan ko sya mula sa side Mirror at nakita ko na sinundan nya ng tingin ang pag-alis ko. Napailing-iling nalang ako habang gumuguhit ang maliit na ngiti sa aking labi.
Nakauwi ako bandang alas-onse ng gabi. Nasa tapat pa rin ako ng bahay at naghihintay na pagbuksan ng aming katulong pero walang dumating, upang magbukas.
Kumunot na ang noo ko at mas sinilip pa ang loob ng bahay. Bukas pa naman ang ilaw. Bakit kaya walang nagbubukas? Kanina pa ako bumubusina ah?
Muli akong bumusina at medyo pinahaba iyon para marinig na talaga nila. Pero wala pa rin. What's wrong with those people?
Dahil sa inis ay ako na mismo ang bumaba at nagbukas ng gate upang makapasok. Kapag talaga nakita ko silang lahat mamaya o bukas lagot talaga sila sa akin.
Halos ngumiwi pa ako sa pagtulak ng gate dahil may kalakihan ito. Hindi naman sya ganun kahirap buksan dahil hindi pa naman sya kinakalawang. Sadyang may kabigatan lang.
Nang mabuksan na'y agad ko ng ipinasok ang aking sasakyan. At muling isinara ang nakaawang na gate. Sa sobrang antok ko mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay. Bukas pa ang pinto, kaya nakapasok ako kaagad.
Magdidire-diretso na sana ako sa aking kwarto, ng bigla akong matigilan ng makita ko si Dad na nakatayo sa gitna ng salas. Habang magkakrus ang mga kamay. Mataman itong nakatitig sa akin habang mayroong hawak na isang sobre.
Mabuti naman at umuwi sya ngayon. Nagkaroon yata ng time. Sya siguro ang dahilan kung bakit walang nagbukas ng gate sa akin ni isa.
"Dad." Marahan akong lumapit dito. Nag-iingat.
Hindi kami ganoong ka close ni Dad. At kahit kaylan ay parang hindi naman kami naging close sa isat-isa. Ako kasi yung sinisisi nya sa pagkamatay ni Mama. Na kung hindi daw sana ako dumating ay hindi iyon mangyayari sa kanilang relasyon. The heck? Sya itong nambababae? Malakas talaga ang kutob ko na pinagbibigyan lang sya ni mama noon dahil wala pa silang anak. Pero nung dumating ako doon lang nagkalakas ng loob si mama na lumaban, para sa akin. Kaya simula pagkabata ko, parang wala rin akong magulang. Para lang akong may financial backer sa lagay kong to.
Akmang hahalik na ako sa pisngi nito ng bigla nalang nitong isampal sa akin ang sobre na kanyang hawak.
Agad akong napaatras at natigilan, at tiningnan ang nakasulat sa sobre na ngayon ay nasa sahig.
From: The Guidance of Xavier University
Oh. School ko to ah. Ano't may sobre na naman akong natanggap? Nilingon ko si Dad. Galit na galit ang mga titig nito sa akin, samantalang ako ay hindi man lang nakaramdam ng panginginig ng tuhod kahit na isang beses.
"Ano na namang ginawa mo?" Pilit na nagpapalumanay na sabi nito.
Agad ko namang inisip kung ano ba ang ginawa ko. Ah... naalala ko na. Kanina sa may canteen, may nakasalubong akong isang bitch na sinadyang bungguin ako. Eh may hawak akong frap kaya natapon yun sakin. Dahil sa inis ko, dumagdag pa ang nakangisi nyang mukha. Ay basta ko na lamang itong sinampal at sinuntok sa mukha. Dahilan ng pagkakatulog nito.
"Did you know that the girl that you punch, was unconscious for about five hours?" Nanggigigil na anito.
"Dad, she bumped me fir—"
"But that's not enough reason para suntukin mo sya!" Sigaw nito.
Okay, hindi na naman sya maniniwala sa explanation ko. Ano pang saysay ng pag-uusap na to diba?
"Ayan! Pinapatawag na naman ako sa school nyo. Alam mo? Kung hindi lang ako Mayor sa bayan na to malamang matagal ka ng napatalsik dyan sa school mo."
Tamad naman akong tumango-tango sa sinabi nito. Sobrang pagod na ako at gusto ko na talagang magpahinga.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo Alicia. Magtino ka naman kahit minsan."
"Okay Dad. I'll try. But let me sleep first please?" Akmang tatalikod na ako dito ng bigla itong magsalita.
"At aalis ka talaga habang kinakausap pa kita? Wala ka talagang modo."
Hindi ko alam kung gaanong kasuwail na anak ba ako. Ganon ba talaga kahirap na intindihin at mahalin ako?
"Sa susunod na umulit ka pa Alicia. Talagang papalayasin na kita sa pamamahay ko." Huli nitong sinabi.
Ako naman ay nag-dire-diretso na papaakyak sa aking kwarto. Ghad! Andaming nangyari ngayong araw na ito.
I just want to feel love. Bakit ba hirap na hirap silang iparamdam iyon sa akin. Hindi naman ako tatanggi kung sakaling ibigay man nila iyon.
Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama, at ilang sandali lang ay nakatulog na kaaagd ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top