006: Janine
Gising na ako madilim pa lang. Nakita ko pang malalim ang tulog ng dalawa. Hindi ko inakala na uuwi ako ng may kasama. Buong akala ko ay mag-isa ko lang sasalubungin ang pasko.
Hindi ako sanay na mag-isa pagkamayroong okasyon. Kaya laking pasasalamat ko sa dalawang ito. Although, medyo nagtataka ako kasi parang hindi nila alam na dalawa na pasko ngayon. Wala man lang silang sinabi, hindi manlang nila ako binati at para bang ayaw nilang pag-usapan ang tungkol doon.
Ayoko namang magtanong dahil nahihiya ako. Magaan na yung loob ko sa kanila simula palang ng una ko silang makita. Pero hindi ko talaga maiwasan sa sarile ko ang dumistansya. Dahil hindi ako sanay na may ibang taong nakikipag-usap sa akin.
Nakangiti akong tumayo upang maghanda na ng aming agahan. Ito ang problema ko ngayon. San ako kukuha ng perang pang matrikula? At araw-araw kong ipangkakain? Siguro dapat ko ng simulan maghanap ng trabaho.
Tama! Pagkatapos kong ipasa ang mga outputs ko mamaya sa school, maghahanap na kaagad ako ng trabaho. Buti nalang talaga may natira pa sa pera ni Mama. Malaki din ang nakuha namin sa burol ni Mama. Nakatipid kasi kaming magkakapatid dahil sa apartment lang inilagay ang mga labi ni Mama.
Hahatian ko pa sana ang dalawa kong kapatid dun sa pera, pero sabi ni tita na huwag na daw. Sya na daw ang bahala sa gastusin ng dalawa kong kapatid. Sakin nalang daw tong sampung libong sobra. Kaya ngayon ay may pera pa ako. At hanggat hindi pa ito nauubos ay kaylangan ko ng makahanap ng trabaho o kahit na anong raket.
Itinali ko ang aking buhok sa likod ng hindi na nagsusuklay. Pinaikot ko iyon dahil naiirita ako kapag tinatamaan nun ang batok ko. Panahon na siguro para gayahin ko ang hairstyle ni Alicia.
Binuksan ko ang pinto ng bahay ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Madilim pa ng makalabas ako. Pero ang mga kapitbahay na nagtitinda sa palengke ay mga gising na. Medyo maingay na rin sa labas pero hindi naman gaanong rinig sa loob.
Dumiretso ako sa may cr sa may tabi lang nitong bahay. Ihing-ihi na ako, bubuksan ko na sana ang pinto ng may marinig akong parang umuungol? Bakit umuungol? At dalawang boses pa ha? Out of curiosity ay mas inilapit ko pa ang aking tainga sa pinto.
At nanlaki ang aking mga mata ng marinig na lalake at babae ang naririnig kong mga ungol. Eh? Ano namang ginagawa nila. "Shit!" Napamura nalang ako ng maramdamang napaihi na ako ng kaonti sa aking panty.
Agad naman akong napatakip ng bibig ng wala na akong marinig na ungol sa loob. Eh? Natapos na kaagad? Agad akong napaatras ng marinig na nagbukas ang pinto. Sumilip doon ang ulo ng babae at masama akong tiningnan.
"Anong ginagawa mo dyan?" Iritadong tanong nito sa akin.
Napayuko naman ako kaagad pero hindi nakaligtas sa akin ang umaalog na katawan ng babae.
"Iihi sana ako." Hindi ko na alam kung anong reaksyon ko sa pagpipigil ng ihi. Kung mukha na ba akong natatae o naaasiman na ewan.
"Hmm..." Bigla nalang itong napaungol. Pagtingin ko dito ay nakapikit na ang kanyang mga mata habang kagat-kagat ang labi. "Jusme! Quicky lang to." Halos paungol na sabi nito at muling isinara ang pinto.
Pero hindi ko na talaga kaya. Lalo na nung may tumakas na ihi na naman. Kaya naman kahit na hindi dapat, ay agad ko ng binuksan ang pinto ng cr kung nasaan yung babae habang nakatakip ang mga mata. Bigla namang napasigaw ang babae habang ang lalake ay napamura.
"Puta! Anong ginagawa mo dito?"
"Tuloy nyo lang ginagawa nyo. Ihing-ihi na talaga ako." Sabi ko dito at dali-dali ng hinubad ang aking short at panting basa na dahil sa ihi.
Naaninag ko pa na para bang nahiya pa yung lalake at kusa ng tumalikod sa akin. "Babe, continue." Sabi nung babae at narinig ko na naman ang mga ungol nila.
Napaungol din ako sa sarap dahil sa wakas ay nailabas ko na ang ihing kanina pa nambabasa ng aking panty. Shit! Wala kong pamunas. Dibale na nga. Basa na rin naman ang panty ko.
Mabilis akong tumayo at ibinalik ang suot. "Salamat sa inyo." Tinakpan kong muli ang aking mga mata at dali-daling lumabas sa loob ng cr.
Hindi na sila nakasagot pa dahil na rin siguro sa sarap na nararamdaman. Gosh! Ano ba tong mga naiisip ko? Napailing nalang ako at pumasok muli sa loob ng bahay para magpalit ng panty at short. Bwisit kasing dalawa yun.
Hindi pa rin nagigising ang dalawa. Hindi man lamang nagbago ang kanilang posisyon nung umalis ako kanina. Ano kayang kinakain nila pag breakfast? Siguro'y bibili na lang ako ng pandesal at tsaka kape. Pero sa mga itsura nila, para silang mga yayamanin. Kumakain kaya sila ng ganun?
"Hala!" Napatakip na lamang ako ng aking bibig ng may maalala. Hindi pala ako nakapag-init ng tubig kagabi. Ano nalang gagamitin namin ngayon?
Tss. Nakakainis. Dahil sa wala naman akong magawa ay napagdesisyunan ko nalang na mag-init muna ng tubig bago ako umalis para bumili ng makakain namin sa agahan. Nagbihis na ako ng pang-ibaba bago dumiretso sa kusina.
Napatigil naman ako sa dapat kong gagawin ng may maalala. Bumuhos sakin ang bagama't mahirap naming buhay, ay masaya naman. Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi. Hindi ngayon ang panahon para magdrama, sapat na siguro ang dalawang linggo kong pag-iyak para sa paglaban ko sa ngayon.
Matunog akong huminga bago nagpatuloy sa ginagawa. Gasul ang gamit namin kaya naman siguro ay kumukulo na ito pagkabalik ko.
Nang maisaklang na ang mainit na tubig ay kumuha na ako ng sapat na pera para sa mga bibilhin ko. Hindi naman nila siguro nanakawin to no? Mas mukha naman silang mapera sa akin.
Nagdire-diretso na ako sa paglabas ng bahay. This time, medyo maliwanag na. Wala na ring ilaw ang ibang mga kabahayan, bagamat may kaingayan ay ramdam ko ang kapayapaan sa paligid. Ito ang buhay sa Manila. Magulo at mahirap mamuhay. Pero marami namang oportunidad ang maghihintay sa iyo.
Habang naglalakad ako patungong bakery sa kabilang kanto, ay may bigla nalang tumigil na kotse sa tabi ko. Hindi ko iyon pinansin dahil baka hanggang doon lang naman talaga sya. Pero kumunot nalang bigla ang noo ko ng maramdamang sinusundan pa rin ako nito.
Hindi naman sa paranoid ako ha? Pero... Kidnapper kaya ito? Shit! Ano naman ang gagawin ko kung sakaling kidnapper nga ito? Tatakbo? O magpapahuli para naman magkalove-life na ako? Ganun kasi yung sa mga nababasa ko. Naiinlove yung nangidnap sa kinidnap nya.
Tumigil ako sa paglalakad dahilan para tumigil din sa pag-andar ang kotse. Well, nakapili na ako. Magpapahuli nalang ako para magkalove-life. Hihihi.
Nawala ang ngisi sa aking mga labi ng makilala ko kung kaninong kotse itong nasa harapan ko ngayon. Don't tell me? Sya ito?
Nakumpirma ang aking mga tanong ng unti-unti nitong ibinaba ang windshield ng kanyang kotse. At dumungaw doon ang minsan ng nagpabasa ng aking pagkababae. Oo, nagpabasa. Napansin ko lang iyon noon ng iwanan na nya ako sa loob ng classroom, dahil naging uneasy ang aking pakiramdam.
At ngayon na nasa harapan ko na ulit sya. Shit lang! Ang puso ko naman ang hindi ko maintindihan ngayon.
Halos mapigil ko ang aking paghinga ng ngumiti ito sa akin. Ang ganda na ng gising ko kanina. Mas pinaganda pa ng makita ko sya. "Hi. Good morning." Inilagay nito ang siko sa bintana upang umayos ang kanyang posisyon.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Babati din ba ako? Good morning? Salamat at dumating ka. Mas lalo mong pinaganda ang umaga ko?
"San ka pupunta?" Hindi pa man ako nakakasagot ay nakapagsalita na naman ito.
Para naman akong tuod na itinuro ang daan patungong bakery.
"B-bibili." Halos matampal ko pa ang aking bibig dahil sa pagkakautal. Shit! Ayoko na nito. Nakakahiya.
Mahina syang natawa dahilan upang mag-init ang aking mukha. "Wanna ride?" Tanong nito bago umayos ng upo.
Mas lalong uminit ang aking pisngi sa sinabi nya. Alam kong pinapasakay nya ako sa kotse pero mas bet ko talaga yung naiisip ko? Ugh! I wanna ride right now. Shit! This is not me. God.
"H-hindi na. Hehe. Malapit lang naman." I swear. Mukha na akong tanga sa harapan nya.
Muli itong natawa ng mahina. Alam kong pinipigilan lang nya ang sarile na matawa para hindi ako mapahiya. Pero sa reaksyon nya ngayon, hindi sya magaling magpigil.
"It's okay. Para mas mapabilis ka?" Aniya.
Hindi ko alam ang isasagot. Alam ko na kapag tinaggap ko ang alok nya ay mas lalo lang akong magiging hindi komportable. Dahil dalawa lang kami sa loob at paniguradong lalamunin kaming dalawa ng katahimikan.
"Hindi na talaga." Iwinasiwas ko pa ang aking kamay sa ere bilang pagtanggi. "Salamat na lang." Dali-dali na akong tumalikod at naglakad papalayo.
Pigil ko ang sarileng tili habang naglalakad ng mabilis. "Hey." Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdamang may humawak ng siko ko.Agad ko pang hinawi ang braso ko dahil sa kuryenteng dumaloy mula roon.
Eh? Anong ginagawa nya dito at naglalakad sya? "Sorry." Tumikhim ito. "Pwede ba kitang samahang bumili?" Tanong nito bago nag-iwas ng tingin.
Dahil doon ay natitigan kong mabuti ang kanyang mukha. Maliit lang ang kanyang mukha, hindi gaanong mapanga. Matangos ang ilong pero hindi ganon ka pointed. Mapula at manipis ang mga labi. Manipis ang mga pilikmata at ang kanyang kilay. Singkit ang kanyang brown na mga mata na sobrang expressive. Siguro babaero to?
Bigla ko na lang iyon natanong sa aking sarile. Dahilan upang bumigat ang aking pakiramdam. Hindi lang ba ako ang babaeng binibigyan nya ng ganitong atensyon? I know it wasn't deep yet. Pero, gusto ko kasing magtuloy-tuloy kaya sana, ako lang. Ayoko munang malaman na may iba pala. Para kasing ang sakit, kahit alam kong napakababaw pa.
Imbes na ipakita dito ang panghihinayang ay ngumiti nalang ako. "S-sige. Walang problema." Nauna na akong maglakad sa kanya.
Nanatili naman syang nakasunod sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ako ba ang unang magsasalita? Ano namang itatanong ko? Hey! May iba ka bang pinopormahan bukod sa akin? Shit! It's creeping me out.
"So... bat hindi ka pumapasok sa school nitong mga nakaraang linggo?" Takhang tanong nito.
Tiningnan ko sya ng mabuti. Wala syang alam. Well, hindi na yun nakakapagtaka dahil hindi naman ako famous sa campus. Mag-isa lang ako palagi at walang kaibigan. Kaya kung may mangyari man sa akin o sa pamilya ko, walang kakalat na balita.
"My mom passed away two weeks ago."
Nakita kong nabigla ito sa sinabi ko. Napatigil pa ito sa paglalakad kaya naman ay hinarap ko pa ito.
"I-I didn't know." He looked shock.
Pero ayoko ng makaramdam ngayon ng kalungkutan, lalo na't nag-iisa nalang ako. Ngumiti ako sa kanya upang iparating na ayos lang.
"Ganun naman talaga ang buhay. Hindi naman tayo mag-sstay dito sa mundo ng matagal. Lahat tayo mawawala, napaaga nga lang yung kay Mama." Nagkibit balikat ako at pilit na ngumiti, kahit na nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha.
Bago pa man tumulo ang aking mga luha ay tumalikod na ako sa kanya. Pinunasan ko kaagad ang unang luhang pumatak at tumingala sa kulay asul na kalangitan.
"Alam mo anak, kapag nalulungkot ka. Tingnan mo lang ang payapang kalangitan at isipin mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Pagkatapos ng ilang minuto, gagaan na ang pakiramdam mo."
Naalala ko pa ang sinabing iyon ni Mama. Napangiti na lamang ako bago ko naramdamang may kamay na dumulas sa aking bewang. Agad akong nakaramdam ng kiliti kaya nilingon ko ang taong gumawa noon.
Nakatingin lang din sya sa kalangitan kagaya ko. Pero hindi ko maiwasang isipin na, magiging masaya pa ba ako? Sinong magiging dahilan ng kasiyahan ko? Si Raphael? Probably not. Mukha syang mayaman para sa isang katulad ko.
Natigilan na lang ako ng bigla itong humarap sa akin. Ngumiti ito ng tipid pero alam kong sincere. "May naalala ka ba sa tuwing tumitingin ka sa langit?" Tanong nito.
Muli naman akong tumingin sa langit na ngayon ay nahahaluan na ng kulay dilaw dahil sa papasikat na araw. "Mga memories. Sinabi kasi sa akin ni Mama, kapag nalulungkot ako, tingnan ko lang daw ang langit. At alalahanin lahat ng mga bagay na nagpapasaya sa akin. Pagkatapos nun,magiging ayos na ang pakiramdam ko." Nilingon ko sya. "At alam mo, totoo yung sinabi nya." Ngumiti ako pero may bahid ng lungkot.
Ngumisi ito bago inalis ang kamay na nakahawak sa aking bewang at tapikin ang aking ulo. "Napakabait mo sigurong anak."
Nagkibit balikat ako at nagpatuloy na sa paglalakad. "Ewan ko, si Mama lang makakasagot nyan."
Nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad. Mula sa kinatatayuan namin ay natatanaw ko na ang bakery. Marami ng taong bumibili doon. Mga nakapila pa ang iba.
"Ayan na yung bakery." Aniko habang itinuturo ang bakery.
"May mabibili ka pa kaya nyan?" Nilagay nito ang dalawang kamay nya sa likod at nagpatuloy sa paglalakad.
"Oo naman. Marami silang niluluto kasi patok talaga ang tindi nilang pandesal dito sa lugar namin. Malasa kasi tapos sulit na yung laki para sa piso ko." Pagmamalaki ko pa.
Napatango-tango naman ito. "Ano bang favorite flavor mo ng pandesal?"
Kumunot naman ang noo ko at napaisip. May iba pa bang flavor ang pandesal? Ang alam ko malungay lang. Ano pa bang ibang flavor ng pandesal?
"Sa totoo nyan, wala pa kong natitikmang ibang flavor ng pandesal, maliban nalang sa malungay flavor. So probably, malungay pandesal na ang favorite ko."
Narinig ko ang pagtawa nito kaya naman kinunutan ko sya ng noo. "Actually, nagbebake din ako ng mga pandesal. Ibat-ibang flavor. Ginagaya ko yung mga napapanood ko sa internet." Kwento nito.
Wow ha. Hindi lang pala sya gwapo, talented din. Kinilig naman ako sa sariling naisip.
"Ano pa bang mga flavor ng pandesal?" Tumigil na kami sa paglalakad at pumila sa likod na hanay.
"Well. Ang favorite kong i bake is red velvet pandesal. But aside from that. I bake also ube cheese pandesal, chocolate pandesal, and mango pandesal."
Halos manlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Walang duda, mayaman nga tong taong ito. Pero in fairness sa kanya ha, hindi sya maarte katulad ng iba.
"Bat red velvet ang paborito mo sa mga pandesal?" Usisa ko.
Tumawa ito at tila nahihiya sa isasagot. "Well, actually. Hindi ko naman talaga sya favorite. That is my mom's favorite. Tuwing umaga ay nagbebake ako ng red velvet pandesal for her. Kasi nagtatampo sya kapag hindi ako nakapag bake para sa kanya." Napangiti naman ako sa sinabi nya.
How I missed my Mom. Ano kayang feeling na naging mayaman kami bago sya nawala? Ano kayang mga ginagawa namin sa umaga? For sure hindi na kami magtitinda. Siguro ay parehas kaming nagluluto ng agahan since parang yun yung palagi naming bonding nung nabubuhay pa sya.
"Sorry. May naalala ka ba?" Nag-aalalang tanong nito. Marahil ay nakita nyang bigla akong nalungkot.
Ngumiti naman ako para masiguro sa kanya na ayos lang ako. "Ano ka ba. Ayos lang, hindi naman maiiwasan yun at kalilibing palang nya." Dapat nga nagluluksa pa rin ako ngayon. Pero dahil nga sa mahirap lang kami, wala akong oras para magluksa pa.
"Anong sayo?" Tanong sa akin nung tindera nung kami na ang nasa unahang pila.
"Pandesal ho, trenta." Agad naman itong pumanhik patungong kusina. Siguro ay para kumuha ng pandesal. Inabot nito sa akin ang pandesal ng makabalik na sya. "Tsaka twin pack na kape po dalawa." Akmang babayaran ko na ang aking pinamili ng pinigilan akong bigla ni Raphael at basta nalang nag-abot ng isang daang piso.
Mabilis ako nitong hinila paalis doon. Narinig ko pa ang pagtawag sa amin ng tindera dahil sa sukli.
"Keep the change." Sigaw ni Raphael ng hindi na lumingon pabalik. Well, mayaman naman sya kaya wala lang sa kanya yun.
"Sandale. Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ko dito ng ma realize na medyo rude yung ginawa namin kanina.
Masama ang mukha nito ng tumingin sa akin. "Tinitingnan nung lalaki sa likod yung hita mo kanina. And I don't like it." Seryoso nitong sinabi habang nakatitig sa mata ko.
Uminit naman ang mukha ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon nalang ang atensyon sa paglalakad.
"Bakit ba kasi ang igsi ng suot mo." Patuloy nitong sinabi.
Nakanguso na ito ng lingunin ko. "E-eh. Normal lang naman ito sa mga babae." Paliwanag ko pa.
Lalong sumama ang mukha nito. "I don't find it normal." Pinal nitong sinabi.
Hindi na rin ako nagsalita. Dapat ko na bang itapon lahat ng maiigsi kong shorts? At palitan lahat ng leggings? Bang init naman nun kung ganun.
Tumigil ako sa paglalakad ng mapansing nalagpasan na namin ang kotse nya. "Uy! Sandale. Lagpas na tayo sa kotse mo." Itinuro ko pa ang kotse nyang nakaparada sa tapat mg saradong barber shop.
"Eh ano naman?" Takhang tanong nito.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Niliitan ko ang mata ko.
Nagkibit balikat ito bago sumagot. "Uuwi. Not until naihatid na kita." Ngumiti ito na nagpatulala sa akin. "So, kung pwede. Gusto kitang ihatid sa inyo."
Bigla nalang akong napatango sa suhestiyon nya. Kahit siguro hindi nya sabihin, magpapatangay nalang ako sa kanya saan man nya ako hilain.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng tahimik. Para bang dinadama namin ang paingay na paingay na paligid. Nagiging abala na ang mga tao pero ang pakiramdam ko ay para akong nasa ulap.
Mabagal ang aming mga lakad na tila ba kusang nag slow mo ang paligid. Hanggang sa maramdaman ko nalang sa kamay ko ang unti-unti nyang paghawak doon. Pigil ko ang hininga ko sa ginagawa nya. Inaabangan kung itutuloy nya ba.
Halos mapatili ako ng mag intertwined na ang mga kamay namin. Is it even possible to fall in love in the short period of time? Kasi kung totoo, masasabi kong in love na ako.
Natigil lang ang paglalakbay ng aking isip ng biglang tumunog ang cellphone nya. Tumigil kami sa paglalakad ng ni check nya kung sino ang tumatawag sa kanya. Nanatiling magkahawak ang aming kamay kaya napako na doon ang aking paningin. How sweet.
"Good morning Mom." Bati nito sa kabilang linya.
Napalingon naman ako sa kanya. Mom nya yung tumatawag? Hindi kaya pinapauwi na sya?
"Okay sorry. I'll be home right now.— I love you." Nang mapatay na nito ang tawag ay bigo itong tumingin sa akin.
Ngumiti ako kaagad dahil mukhang alam ko na ang sasabihin nya. "It's my mom. Pinapauwi na nya ako."
Napatango-tango ako ng tunama ang hula ko. "Okay lang. Malapit na naman ako."
Binigyan ako nito ng apologetic look. "I'm so sorry talaga." Ngumiti nalang ako. Akmang ilalapit na nito ang kanyang labi sa aking pisngi ng bigla kong iatras ang aking mukha.
Nagulat at napahiya ito sa ginawa ko. Kaya agad nitong binitiwan ang kamay ko upang makamot nya ang kanyang batok. "Sorry." Muli nitong sinabi.
Awkward naman ako tumawa sa harap nya. "Ano ka ba ayos lang. Sige na umalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya.
Aba! Kahit na malandi ako sa utak ko, conservative pa rin ako no.
"See you around." Paalam pa nito bago tuluyang tumalikod at naglakad paalis.
Pinanood ko muna ng ilang segundo ang kanyang pag-alis bago ako nagdesisyong umuwi na rin. Habang tinatahak ang daan pauwi ay nakasalubong ko pa ang truck nila aling Pasing na patungo na panigurado sa palengke. Ngayon ang araw na hindi ko na magagawa ang trabahong iyon. Mahihirapan lang ako dahil nag-aaral pa ako. At isa pa, wala akong pambayad sa pwesto.
Kumunot ang noo ko ng matanaw ko sa labas ang dalawa. Hawak-hawak nila ang kanilang pagkababae na tila ba may pinipigilan. Palinga-linga sila sa paligid, pinagtitinginan na nga sila ng mga taong dumaraan.
Tila nakakita naman sila ng anghel ng matanaw akong naglalakad papalapit sa kanila. Mabilis silang tumakbo sa gawi ko at nag-uunahang magsalita.
"Shit ka naman Janine. San ka ba nagpunta?" Ani Lesley.
"Wag na muna yan ang tanungin mo, yung cr. Asan?" Frustrated na sinabi ni Alicia.
Nataranta pa ako dahil mukha ngang kanina pa sila frustrated dito. "Nasa likod ng bahay." Nagkatinginan pa muna silang dalawa bago nag-uunahan patungong likod.
Nagugulat naman akong sumunod sa kanila. "Ako muna Les, sasabog na ang pantog ko." Nakapasok na sa loob si Alicia pero hinihila sya palabas ulet ni Lesley.
"Sasabog palang yung sayo, sakin sabog na!" Sigaw naman ni Lesley.
Nagtulakan pa silang dalawa doon at ako naman ay hindi alam ang gagawin. Shit! Sa ginagawa nilang dalawa lalo silang hindi makakaihi.
Lumapit na ako sa kanila habang patuloy pa rin silang nagtatalo. "Doon nalang sa boy's cr yung isa. Wala namang tao." Suhestiyon ko pa. Nagkatinginan ulet sila.
"Ikaw doon, paniguradong mapanghi doon." Sabi ni Alicia at tuluyan ng naitulak palabas si Lesley. Wala ng nagawa pa si Lesley dahil mabilis na na-ilock ni Alicia ang pinto.
"Bwisit ka talaga." Sigaw pa ni Lesley bago tumakbo patungo sa kabilang cr.
"Shit ang baho!" Sigaw pa nito ng maisara na ang pinto.
Napatampal nalang ako sa aking noo at natawa. Maging ang tawa ni Alicia ay naririnig ko mula sa pwesto ko. Napailing nalang ako bago nagdesisyong pumasok nalang sa loob ng bahay.
Kumukulo na ang ininit kong tubig kaya naghanda na ako ng pagkakapehan namin. Saktong tapos na akong magtimpla ng pumasok sila.
"Grabe, sobrang baho dun." Tila nanghihinang sabi ni Lesley. Dumiretso silang dalawa sa gawi ko. "Di ko na yata kayang bumalik pa doon." Dugtong pa nya.
"Wala ba kayong sarileng cr Janine?" Tanong ng kakalapit lang na si Alicia. Parang maging ito ay hindi na kayang bumalik doon.
Inabot ko naman isa-isa sa kanila ang mga tinimpla kong kape. "Wala kaming sarile. Wag kayong mag-alala, hindi lang naman kami ang wala, pati yung mga kapitbahay wala din namang mga sarileng banyo." Natawa pa ako.
Kumunot naman ang noo nilang dalawa habang nakatitig sa akin. Kumunot din ang noo ko habang hawak ang sarileng kape.
"You mean? Halos lahat ng tao dito iisang banyo ang ginagamit?" Nanlalaki ang matang tanong ni Alicia.
Humigop naman ako ng kape at tumango-tango. "Hmm. Bakit anong problema?"
"It's unhygienic you know." Halos lumuwa na ang mata ni Alicia. "Gosh! I can't imagine myself peeing everyday in that comfort room." Napahawak pa ito sa noo.
"Ang arte naman nito." Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Kahit na hindi naman nya intensyong pasamain ang loob ko. Hindi ko maiwasan. Syempre, ilang taon nakong gumagamit ng banyo na yun no.
"Tama na. We all know that it's unhygienic. Pero wala na tayong magagawa doon, dito tayo nakatira kaya dapat masanay na tayo." Tiningnan ni Lesley si Alicia, hinihintay na sumang-ayon ito.
"Tss. Fine, hindi rin naman ako magtatagal dito." Masungit nitong sinabi bago naglakad pabalik sa sala. Umirap din ako sa kawalan.
Maya-maya lang ay bumalik si Alicia sa kusina. "Wala ba kayong sofa?" Maarte nitong tanong.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Obviously. May nakita ka ba?" Mas mataray kong sinabi.
"How can I sit then?" Hindi na maipaliwanag ang reaksyon nito.
"Edi sa sahig!" God! Nakakafrustrate tong mayamang ito.
"What? You mean pauupuin mo ako sa sahig?" Tumagilid ito habang sapo ang sarileng noo. "Pinatulog mo na nga ako sa sahig, pauupuin mo pa ako ulet dyan?" Itinuro pa nito ang sahig namin.
Lumapit ako sa kanya dahil nag-uumpisa ng uminit ang ulo ko. Nasa pamamahay ko sya kaya wala syang karapatang magreklamo.
Lumapit din sa amin si Lesley, parang handa ng umawat ano mang oras. "Eh anong magagawa ko kung wala? Makakatae ba ako ng sofa para sayo?" Tumaas na ang boses ko.
Nilingon ako nito ng nakataas ang kilay. "Kung pwede nga lang baka pinatae na talaga kita. Tss." Muli itong umirap at dumiretso sa kusina at kumuha ng pandesal.
Hinawakan naman ni Lesley ang braso ko para pakalmahin. Hindi naman ako mang-aaway no. Gayong may hawak kami pare-pareho ng kape. Baka magkapasuan pa.
"Intindihin mo nalang." Bulong nito.
Bumuntong hininga namam ako. "Spoiled brat siguro." Bulong ko din.
Parehas kaming napatayo ng tuwid ni Lesley mg bigla nalang magsalita si Alicia. "Naririnig ko kayo." Humarap ito sa gawi namin habang kagat-kagat na pandesal sa bibig.
Hindi ko mapigilang matawa gayundin si Lesley. Kumunot ang noo Alicia sa naging reaksyon namin. Pero kalaunan ay napangiti na rin sya. "Hm. Tinapay." Alok nito sa amin.
Napapailing naman na lumapit si Lesley at sumunod na din ako. Pero bago pa man ako makakuha ng pandesal ay mayroon ng kamay ang pumulupot sa braso ko.
"Sorry." Idinantay nito ang kanyang ulo sa aking balikat.
Napangiti ako. Hindi ako basta nagagalit na tao, pero hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kanina. Kabuwanan ko na ba?
"Mag-aaway-away tsaka magbabati? Ganun?" Sarkastikang sinabi ni Les.
Humiwalay naman sa akin si Alicia at hinarap si Les. "Syempre, ayokong mapalayas no." Tumawa ito.
Natawa rin ako habang napangiwi naman si Lesley. "Uy! Hindi ah. D ako nagpapalayas ng tao." Sabi ko pa sa kanila.
"Dapat lang, at wala talaga akong mapupuntahan ngayon." Bumuntong hininga si Alicia. "Lalo na't ngayon. Pwede ng putulin ni Dad lahat ng cards ko. Wala na akong magagamit na pera." Naging malungkot ang tinig nito.
"Edi withdraw mo na lahat ng pera na nasa card mo. In case man na putulin na nya, at least nakuha mo na lahat mg laman diba?" Suhestiyon ni Lesley.
Nanlaki naman ang mata ni Alicia sa magandang ideya. "Tama ka. Aalis ako ngayon at iwi-withdraw ko na lahat." Exited nitong sinabi at nagtatatalon pa.
"Apir! Ang galing ko diba?" Nag-apir pa silang dalawa at sabay na nagtatatalon. Wala na akong nagawa pa ng ayain din nila akong magtatatalon kasama nila.
Wala pang isang oras ng makalabas na ako sa loob ng school. Konting pag-uusap lang at pinapaalis na rin nila ako kaagad.
Mag-aapply na rin sana ako ng trabaho pero nakalimutan ko yung mga requirements na dapat kong dalhin. Kaya napag-desisyunan ko na lang na umuwi.
Mabilis akong sumakay ng jeep. Mainit na rin at magtatanghali na. Siguro'y ipagpapabukas ko nalang ang paghahanap ng trabaho.
Nagpababa ako sa tapat ng isang tindahan upang makabili ng yelo. Malapit na rin naman ito sa kanto na tinutuluyan ko.
Nang makabili na ng yelo ay pumihit na ako patungong bahay. Medyo bumagal ang lakad ko ng mamukhaan ko si Lesley na natayo sa may kanto habang tinitingnan ang isang lalaki.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng may maalala sa maipunong likod na iyon. Pero hindi naman siguro sya yun diba? Iba ang kotse na gamit nito, sa gamit na kotse ng taong napupusuan ko.
Tuluyan na akong lumapit kay Les ng makaalis na ang kotse. Tinapik ko ang balikat nito. Halata ang gulat sa mukha nito ng lingunin ako.
"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong.
Tumango ito at ngumiti. Parang baliw lang.
Nagsabay na kami sa paglalakad pauwi sa bahay. Mukhang umiibig ang isang to. Napailing-iling nalang ako sa naisip.
Nang makarating kami sa bahay ay nanlalaki ang mga mata ko ng makitang ang daming gamit ang nasa harapan ng bahay ko. San galing ang lahat ng to?
Bumaling sa amin yung mga lalaking sa tingin ko ay nagbuhat nun. Nakaupo pa sa sofa yung dalawa. Nakita kong nginitian ni Lesley ang mga ito at inabutan ng pera.
Sya bumili ng mga ito? Grabe ha! Yaman. Sabagay, hindi naman malabo dahil mukha naman talaga syang mayaman.
Tinanggap naman iyon ng maitim na lalaki na tadtad ng tagihawat sa mukha. Napangiwi si Lesley ng marahang haplusin ng lalaki ang kanyang kamay.
Hilaw syang napatawa at agad binawi ang kamay. "Salamat miss." Kumindat pa muna ito dahilan ng pagngiwi naming dalawa.
Tinawag na nito ang kanyang mga tropa at sabay-sabay na silang umalis sa harapan namin. Nanginig pa ang buong katawan ni Les ng mawala na sa paningin namin ang mga lalake.
"Lakas ng karisma mo." Pang-aasar ko pa dito.
"Syempre, ako pa ba?" Mayabang nitong sinabi bago hinawi ang gabalikat nyang buhok. "Pero kung sila lang din naman, wag na uy." Sabay kaming natawa sa huli nyang sinabi.
Pinagtulungan naming buhatin ang lahat ng pinamili nya papasok sa loob. "Nasan kaya si Alicia?" Takhang tanong nito ng maipasok na naming lahat ng gamit.
Nagkibit balikat lang ako at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Habang umiinom ay may narinig akong nagsisigawan. Natigilan ako upang makinig habang ang baso ay nanatili sa aking bibig.
Hindi ako pwedeng magkamali, isa sa mga boses doon ang boses ni Alicia. Napatingin naman ako kay Les, at katulad ko ay mukhang narinig din nya ang mga sigaw.
Hindi kami nagkakamali, si Alicia nga iyon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay sabay pa kaming tumakbo palabas ng bahay, upang saklolohan ang malditang si Alicia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top