001: Janine

Maaga akong nagising kinabukasan, hindi siguro ako sanay na dito natutulog. Kahit na palagi naman namin iyong ginagawa kapag may bagyo.

Wala na si Mama. Saan naman kaya nagpunta yun? Ang aga pa ah. Tulog pa ang dalawa kong kapatid. Napatitig ako sa mukha ng natutulog kong kapatid. Napakainosente, sana ganto nalang din ako palagi.

Pero hindi pwede, dahil naiihi na ako. Nasan na ba si Mama? Kaylangan ko ng umihi, walang magbabantay sa mga kapatid ko. Iiyak tong mga to pag nagising na wala kami.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin. Maaga pa naman. Madilim pa ang paligid. Hindi naman siguro magigising kaagad ang mga kapatid ko?

Dahil sa sobrang naiihi na talaga ako ay nagdesisyon na akong tumayo at tumakbo patungong cr. Pinakiusapan ko na muna yung katabi naming pamilya, na kung maaari ay bantayan na muna ang mga kapatid ko. Dahil kung hindi, baka sa mukha nila ako umihi.

Napatingala na lang ako sa sarap na aking naramdaman ng tuluyan na akong makaihi. Napaungol pa nga ako ng konti dahil doon.

Nang matapos na ako sa pag-ihi ay lumabas na kaagad ako ng banyo. Hindi ito katulad ng mga pangmayaman na cr. Wala itong sink na paghuhugasan ng kamay, o di kaya naman ay pwede kang makapag-retouch.

Nagdala lang ako ng pamunas para hindi mamaho ang pang-ibaba ko.

Habang tinatahak ko ang daan pabalik, ay napansin kong tila nagkakagulo ang mga tao. Ang mga nakahiga kanina lang ay unti-unting tumayo at nakiusyoso sa labas.

Sinilip ko naman ang labasan na para bang makikita ko kung ano yung pinagkakaguluhan nila doon.  Hay! Madilim pa kasi, ano naman kaya yun?

Nag makabalik na aming pwesto ay napansin kong gising na ang mga kapatid ko. Nakatingin na rin sila sa labas. "Oh. Gising na pala kayo." Bati ko sa mga ito.

Inosente lang nila akong tiningnan. "Nasan si Mama ate?" Tanong ni Lucy. Nagkakamot pa ito ng kanyang buhok. Habang si Angelo ay nagtatanggal lang ng muta sa kanyang mata.

Naupo ako sa tabi nila at kumuha ng suklay upang ako na ang magsuklay sa buhok ni Lucy. "Hindi ko din alam. Maagang umalis eh." Sagot ko.

Hindi naman sila nagtanong pa ulet. Nagpatuloy lang ako sa pagsusuklay sa buhok ni Lucy. Hanggang sa magpaalam sila sa akin na iihi sila. Sabay-sabay kaming tumayo at nagtungo patungong palikuran.

Hindi muna sila agad nakapasok dahil medyo humaba na ang pila.

"Ate. Naiihi na kami." Reklamo ni Angelo habang nakahawak pa sa kanyang ibaba.

Sakto namang kalalabas lang dalawang babae sa loob ng cr kaya naman pinapasok ko na sila. Habang naghihintay ay ipinalibot ko ang paningin ko sa paligid. Marami pa ring naglalabasang mga tao. Ano kayang meron?

Habang nililibot ang paningin ay nakita ko sa gitna ng mga tao si aling Pasing, ang tinderang katabi namin sa pwesto sa may palengke. Na hinahapong tumatakbo patungo sa akin.

"Janine!" Tawag nito sa akin.

Kumunot naman ang noo ko, dahil tila natataranta ang itsura nito.  "Aling Pasing? Ano pong problema?" Humakbang ako ng isang beses.

Nang makalalapit ito sa akin ay hinawakan nito ang dalawa kong kamay at pinagdikit. Naluluha pa ang mga mata nito. Hindi ko alam pero, nakaramdam ako ng kaba ng mga oras na iyon.

"Ang Nanay mo." Tanging sinabi nito.

Awtomatikong tumambol ng napakalakas ang puso ko sa narinig. Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako palabas ng evacuation center habang patuloy na bumabagsak ang aking mga luha.

Sa aking paglabas ay nakita ko ang nagkukumpulang mga tao. Nakaalalay lamang sa likod ko si aling Pasing. Tila natatakot ito na bigla na lamang akong bumigay sa aking masasaksihan.

Kabado man ay pinilit ko ang aking sarile na maglakad patungo doon. Napalingon sa akin ang mga tao. At unti-unti silang tumabi upang magbigay daan sa akin.

Wala pa namang kompirmasyon pero bakit ganun? Nanginginig na ang buo kong katawan sa takot. Sumisikip ang dibdib ko at parang may bumabara na sa aking lalamunan, dahilan upang mahirapan na ako sa paghinga.

Nang makarating na sa gitna ay nakita ko ang isang babae na nakahandusay sa kalsada, habang nahihiga sa sarile nitong dugo.

Nag-unahang bumagsak ang aking mga luha ng makumpirma ko kung sino ito.  Ang baby blue nitong apron na kupas na. Ang maong short at kulay brown na damit na kupas na rin. Lahat ng yun sa nanay ko.

Hindi. Hindi to totoo.

Akmang lalapitan ko na ito ng may biglang pumigil sa akin. Isang lalaki na kapit-bahay namin, pero hindi ko naman nakakausap.

"A-anong ginag-gawa mo?" Nanginginig kong tanong dito.

"Patay na sya." Simple nitong sagot, pero mababakas sa mukha nito ang awa.

Awa? Hindi ko kaylangan ng awa ngayon.

"Patay? Paano mo nasasabi yan? Doktor ka ba?" Nanghihina kong tanong. "Bitawan mo ko." Nag-uumpisa na akong magalit.

"Janine kumalma ka." Hinawakan pa ni Aling Pasing ang braso ko.

"Kalma." Tumango-tango ako. "Paano akong kakalma? Bitawan nyo ko." Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa kanila.

"Wala ka ng magagawa dahil patay na sya. Hinatayin na lang natin yung mga pulis." Sabi pa ng lalaki.

Sino ba tong lalaking to? Paano nyang nasasabi sa akin ang mga bagay na to?

"Kanina pa kayo nandito pero hindi manlang kayo tumawag ng ambulansya?" Tiningnan ko isa-isa yung mga taong nakapalibot sa amin. "Ano? Mas mahalaga pa rin ba ang chismis kaysa sa buhay ng nanay ko? Bakit wala kayong ginawa?" Dahil sa pighati na nararamdaman ay unti-unti ng nanghina ang tuhod ko.

Napaupo nalang ako habang tinitingnan ang aking ina na may saksak sa tyan, maging sa leeg. Hindi ko na kayang magsalita pa. Tanging paghikbi nalang ang nagagawa ko. Ma...

Naalala ko tuloy kagabi, kaya pala ganun sya ka sweet samin, kaya pala sobrang lambing nya. Kasi mang-iiwan na sya. Ang daya naman.

"Ang sabi ng saksi, narinig daw nyang nag-uusap ang suspek at ang nanay mo, sa may eskinita malapit sa evacuation center na tinutuluyan nyo." Paliwanag ng mamang pulis na kaharap ko ngayon. May kinuha itong papel at tiningnan bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ang sabi pa, tungkol daw sa utang ang pinag-uusapan ng dalawa. Sabihin mo sakin? Kanino nagkautang ang nanay mo?" Diretsahang tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"Wala naman pong inutangan—" napatigil ako sa pagsasalita ng may maalala.

"Ma. Meron nga po pala kaming field trip, sa susunod na linggo." Sabi ko kay nanay habang naghuhugas ng mga pinggan, habang sya ay nagbabalot ng mga gulay. "Sa susunod na araw na po kasi ang deadline ng bayaran. Kung wala naman po kayong pera ayos lang, di ko rin naman kaylangang sumali dyan."

Totoo yun, hindi ko pipilitin si Mama na maglabas ng pera, kung wala naman talaga. Alam ko naman kung gaano kahirap ang buhay namin. At ayoko ng maging sakit pa sa ulo.

"Naku! Hindi anak. Sumama ka na dyan, mababawasan pa ang grades mo kapag hindi ka nakasama dyan. Huwag kang mag-alala, gagawa ng paraan si nanay." Sandali akong natigilan sa ginagawa.

Nilingon ko si Mama. Busy pa rin ito sa pagbabalot ng mga gulay. Hindi ko alam pero naiyak nalang bigla ako. Ano bang ginawa ko noong nakaraan kong buhay, para magkaroon ako ng nanay na katulad nya.

Namalayan ko na lang ang sarile ko na niyayakap ko na pala sya. Nagulat pa sya sa ginawa ko, pero kalaunan ay gumanti na rin sya ng yakap.

"Mahal kita anak, at obligasyon kong ibigay lahat ng pangangailangan mo. Basta pagbubutihan mo lang ang pag-aaral mo." Tumango ako at paulit-ulit na nagpasalamat sa kanya.

Hindi kaya... nangutang si Mama para may pambayad ako sa field trip namin?

"Hindi kasi nakita ng witness yung mukha ng suspect dahil madilim daw dun sa pwesto nung dalawa. So baka alam mo kung kanino nagkautang ang Mama mo?" Ulet nito sa tanong.

Nakakainis. Napakahalaga nun, pero bakit hindi ko alam. Hustisya ang kaylangan ko, at ang magagawa ko na lang ay sabihin kung sino ba yung taong pinagkautangan ni Mama pero hindi ko pa rin masabi. Wala akong masabi.

Napaluha nalang ako dahil sa inis. Bakit wala akong magawa? "Hindi ko po alam." Napatakip nalang ako sa aking bibig upang hindi lumabas ang aking mga hikbi.

Tulala ako habang palabas ng presinto. Hindi ko na alam kung saan pa kami pupulutin ng mga kapatid ko pagtapos nito. Hindi ko to kaya ng mag-isa. Maliliit pa ang mga kapatid ko, at kung ako lang ang aasahan nila. Hindi ako makakatapos ng pag-aaral.

"Ate." Natauhan lang ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Ang dalawa ko palang kapatid. Hindi ko na tuloy matukoy kung sino ba sa kanilang dalawa yung nagsalita.

"Ate, hindi po namin makita si Mama." Umiiyak na sabi ni Lucy.

Nahabag naman ako sa kanila. Agad na namuo ang aking mga luha sa kalagayan naming tatlo. Nilingon ko si aling Pasing na kasama nilang pumunta rito. Hindi pa pala nya nasasabi. Maging ako ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanilang dalawa.

Lumapit sa amin si aling Pasing at hinawakan sa ulo ang mga bata. "Mas maiging ikaw na ang magsabi sa mga kapatid mo Janine." Tumango-tango ako.

Lumuhod ako sa harapan ng mga kapatid ko upang magpantay kami. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Inipit ko muna ang mga labi ko bago nagsalita.

"Si Mama..." Panimula ko. Tumigil na sa pag-iyak si Lucy. "Pupuntahan natin sya."

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko ng makita ko sa mga mata nila ang saya. Magiging masaya pa rin kaya sila, kapag makita nila si Mama na wala ng buhay? Na patay na?

"Ate tara po." Sabi ni Lucy habang hinihila ang kamay ko.

"Baka madapa naman si ate, Lucy. Magdahan-dahan ka nga." Suway ni Angelo dito.

Tumawa naman si Lucy at humingi ng sorry sa akin. Hindi nalang ako nagsalita dahil baka kumawala pa ang hikbi sa aking bibig. Buti naman hindi na nila pinansin yung pag-iyak ko.

Hindi na kami sinamahan ni aling Pasing patungong morge. Naiintindihan ko  naman iyon dahil busy rin naman syang tao. Naglakad lang kami patungo roon, dahil wala kaming perang pamasahe. Isa pa, medyo malapit lang din naman yun dito sa lugar namin.

Habang palapit kami ng palapit, ay napapansin kong nag-uumpisa ng magduda ang mga kapatid ko. Alam kong alam na nila ang lugar na ito. Nang mamatay si Papa sa isang aksidente, dito rin namin sya pinuntahan noon. At ngayon, para naman kay Mama kaya kami nandito.

Binuksan ko ang pinto at hinayaan silang dalawa na pumasok. Tiningnan na muna nila akong dalawa, na tila tinatanong kung seryoso ba ako na nandito talaga si Mama.

"A-ate. Wala naman si Mama." Naiiyak na sabi ni Angelo.

Ipinalibot nila ang paningin sa paligid, wala silang ibang makikita kundi ang isang taong nakahiga habang nakabalot ang katawan ng puting tela.

"Hindi naman siguro si Mama yan kuya." Umiiyak na sabi ni Lucy.

"Ate wala dito si Mama, bakit tayo nandito?" Tuluyan na akong naiyak ng makitang lumuluha na rin si Angelo.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at hinawakan sila sa kanilang mga pisngi. "Si Mama kasi, patay na sya." Hindi ko na napigilan ang paghikbi sa mga huling salita.

"Ate hindi." Nagsisigaw silang dalawa doon.

Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin sila at iparamdam na nandito lang ako, nandito pa rin ang ate nila para alagaan sila. Hindi ko sila papabayaan.

"Janine." Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng makilalang ang tita ko pala iyon. Ang kapatid ni Mama

Kasalukuyang nakaburol ngayon si Mama dito rin sa evacuation center. Konti nalang ang tao, dahil yung iba bumalik na sa kanilang mga bahay, dahil wala ng baha doon.

"Tita." Hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha.

Lumapit naman kaagad sa akin si tita at niyakap ako. Hinagod nito ang likod ko bago tinapik-tapik. "Nahuli na ba kung sinong pumatay?" Tanong nito dahilan upang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Hindi pa ho tita." Sagot ko.

Humakbang ito at nilapitan ang kabaong ni Mama. Hinaplos nito ang salamin ng kabaong at tahimik na lumuha.

Pinanood ko lang sya, habang naghihintay ng mga susunod nyang sasabihin. Nang kumalma na sya muli nya akong hinarap.

"Napagdesisyunan ko na, kunin kayong tatlo at iuwi sa probinsya. Mahihirapan kayong tatlo dito kung mananatili kayo rito." Suhestiyon nito.

Malaking tulong iyon sa amin kung tutuusin. Pero ang pinoproblema ko ay ang aking pag-aaral. Hindi ako pwedeng mahinto, lalo na't graduating ako. Konting tiis nalang, makakaahon na kami sa hirap.

"Tita, hindi po pwede." Natigilan ito sa sinabi ko at tila nagtaka.

"Bakit naman ija?" Hindi ko kabisado ang ugali ng tiyahin kong ito, pero base sa emosyong ipinapakita nito sa akin, ay isa syang mabuting tao.

"Graduating na po ako, sayang naman kung ititigil ko." Nagbaba ako ng tingin.

"Kaya mo bang alagaan ang mga kapatid mo?" Tanong nito.

Nag-angat ako ng tingin. Isa rin iyon sa pinoproblema ko. Paano kong mapagsasabay ang pagtatrabaho, pag-aaral at pag-aalaga ng mga kapatid ko?

"Kung iyong pahihintulutan, dadalhin ko na lang sa probinsya ang mga kapatid mo. Ako ng bahalang magpa-aral. Kapag nagkaroon ka na ng trabaho ay tsaka mo na lang sila kunin ulet sa akin."

Muling namuo ang mga luha sa aking mata. Hulog ng langit ang tita kong ito. Sa mga oras na hindi  ko na alam ang gagawin, ay bigla syang dumating upang saluhin ang iba kong mga problema.

Hindi naman sa problema ang mga kapatid ko. Pero pare-parehas kaming mahihirapan kung mananatili lang kaming magkakasama.

Siguro naman maiintindihan ng mga kapatid ko, sakali mang malaman nila na hindi ako makakasama sa probinsya para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral.

Dahil sa tuwa ay nayakap kong muli si tita. "Pero hindi ko matutustusan ang pag-aaral mo. Alam mo namang hirap din ako."

"Kaya ko na po ang sarile ko tita." Lumuluha akong nakangiti habang tumatango-tango sa kanya.

Ngumiti ito sa akin. Tila ba proud sya sa mga naging desisyon ko. Hinaplos nya ang aking buhok habang nakatingin kami sa isat-isa. Hindi ko mapigilang isipin na sya si Mama. Lalo nat magkamukha talaga silang dalawa.

Tulad nga ng napag-usapan, ay isinama ni tita ang dalawa kong kapatid sa probinsya matapos ang libing ni Mama. "Magkikita pa naman tayo ate diba?" Umiiyak na tanong ni Lucy.

Tumango-tango ako sa kanya habang hinahaplos ang kaniyang pisngi. Nakaluhod ako sa harapan nilang dalawa at kapwa kami umiiyak.

"Oo naman. Tatapusin lang ni ate ang pag-aaral nya, at kapag nakapagtrabaho na ako, kukunin ko na kayo doon ha?" Hinalikan ko sila sa pisngi.

"Mamimiss namin ikaw." Bigla nalang napayakap sa akin ng mahigpit si Angelo, dahilan upang lalong maiyak si Lucy.

Mahigpit ko silang niyakap sa huling pagkakataon. Hindi pa naman ito ang huli naming pagkikita, makakabangon kami. At mahuhuli ko rin kung sino man ang pumatay kay Mama. Magbabayad sya.

Nilingon ko si tita na ngayon ay tila naaawa sa sitwasyon naming magkakapatid. "Kayo na hong bahala sa kanila tita." Tumango ito.

"Wag kang mag-alala. Aalagaan ko sila ng mabuti."

Hindi ko mapigilang mapahagulhol habang pinapanood ang mga kapatid kong umakyat ng barko. Bumawas pa ako ng pera sa aking ipon, para lang maihatid ko silang dalawa dito sa Pier.

Nang makaakyat na sila ay hindi ko na hinintay pang makaalis ang barko. Ako na ang kusang umalis. Hindi ko na yata kaya pang magpaalam sa kanila ng isa pang pagkakataon.

Gabi na ng makauwi ako sa aming bayan. Dalawang barangay pa para makauwi ako, pero bumaba na ako ng jeep dahil hanggang doon lang ang kaya ng pamasahe ko. Hindi naman ako makapag-123 dahil katabi ko lang yung konduktor. Kaya ang ending, eto naglalakad ako papauwi.

Nasa tabi ako ng parke naglalakad. May iilang mga tao pang nakatambay doon, mga nagpapalipas ng gabi.

Para na akong lumulutang ng mga oras na yun, wala pa pala akong hapunan. Gutom na gutom na ako, at pagod na rin.

Dahil sa halo-halong nararamdaman ay hindi ko na namalayan na mayroon na palang isang kotse ang babangga sa akin.

Wala itong bubong at hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Basta ang huli ko na lang nakita ay ang babaeng driver na may maigsing buhok hanggang leeg, ang muntikan ng makasaga sa akin.

***

Every Saturday or Sunday po ang update🖤

Salamat po sa suporta.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top