CHAPTER 9

Chapter 9: Talking to his dad

"I WANT his name... Gusto kong malaman ang pangalan ng lalaking iyon."

"Why?" I asked him and I stared his deep eyes. I want to know the truth if why he seems interested...

Pangalan lang niya iyon and I know magugulat pa siya kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. O baka isipin niya na nababaliw na ako o nakikipaglokohan na naman ako sa kanya. I want him to ask him too kung bakit hindi niya ako kilala? O kung bakit parang hindi na niya ako natatandaan pa?

The main question, naalala pa ba niya ako?

Nagkaroon kaya siya ng car accident and got amnesia too? Kaya wala rin talaga siyang idea kung sino ako? Kung ano ang naging role ko sa buhay niya noon? Kung sino rin siya sa buhay ko noon?

Kasi... hindi niya tatanungin ang sarili niyang pangalan kung may naaalala talaga siya. Ewan ko lang din kung paano niya nasasabi na baka kilala niya ang dati kong asawa.

Mapait akong ngumiti sa naisip. Ang dali niya akong kalimutan. Eh, ako? Sobra iyong paghihirap ko ng pinili niya ang lumayo at ibalik ako sa poder parents ko. Dahil hindi niya raw kaya.

Sanay siya sa hirap pero hindi kasama ako...

"Ang curiosity ay nakamamatay. Sometimes, you will choose not to know everything nor a single information, na hindi alam ang mga bagay na puwede palang ikasasakit ng damdamin mo," seryosong sabi ko. "
"I don't understand you, Mr. Barjo. Bakit interesado kang malaman ang pangalan ng dati kong...asawa? Hindi mo naman ako kilala. So, why?" tanong ko sa kanya.

"Because... I might know him." Natawa ako sa sinabi niya. Of course, he knows himself. But he doesn't have any idea kung sino ba talaga siya.

"Don't ask me that, Mr. Barjo, dahil hinding-hindi mo magugustuhan kapag sinabi ko sa 'yo ang tungkol sa kanya... Nevermind." Iniwan ko siyang naguguluhan doon at para hindi na rin bumalik ang diwa ko sa nakaraan ay kinabukasan din, inutusan ko si Sabel para bumili ng plane ticket at umuwi na lang sa Manila.

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Arzeil kaya nagulat siya nang mabalitaan niyang bumalik na ako sa Manila. It's not safe kung mananatili pa ako sa lugar na... nandoon ang isang taong nagpapaalala lamang sa akin sa nakaraan.

Walang tao sa condo namin ni Khai. Dahil siguro ay wala rin siyang alam na ngayon ang uwi ko. Unexpectedly naman kasi ang pagbalik ko. Nagkanya-kanya na rin sa pagpasok ng condo nila ang bodyguards ko at si Sabel pagkatapos nila akong ihatid sa unit namin at masiguradong safe na kami.

I sat down on my bed at napangiti ako ng makita ko ang picture frame sa bedside table ko. Kinuha ko iyon at hinaplos ko ang mukha ng anak ko rito. Five years old pa siya sa picture na ito pero ngayon ay malaki na talaga siya.

"I missed the little you, Khai..."

Dahil sa pagod ko sa biyahe ay sandali lamang akong nagpahinga. 'Saktong paglabas ko naman sa room ko ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng condo namin. Nasa first floor iyong kuwarto ko at pinili naman ng anak ko iyong second floor.

"Welcome home, Mom!" sigaw niya at patakbong lumapit sa akin. Suot-suot pa niya ang uniporme nila pero maaga pa para sa uwian nila.

Ibinuka ko ang braso ko para bigyan siya ng laya na yakapin ako. Hindi naman umabot ng isang linggo ang paghihiwalay naming mag-ina pero parang isang tao din akong umalis at ganito ko siya agad ka-miss.

"I missed you, baby," I said and kissed his head. Hinigpitan pa ang yakap niya sa akin.

"I missed you, too Mom. I thought magtatagal ka pa ng one week doon? Bakit napaaga po ang uwi niyo?" nakangiti tanong niya sa akin. Kumalas siya sa yakapan namin at hinila ko naman siya sa living room.

Magkatabi kaming umupo sa sofa.
It was 1:15 in the afternoon, sa 4 sharp pa ang uwian nila sa school.

"Hindi ba may klase pa kayo ngayon, baby?" malambing na tanong ko sa kanya at napatitig ako sa bagong gupit niyang buhok. Mas lalong gumwapo siya at wala na talagang maitatago na mukha ng daddy niya. He got all of him...

I caressed his soft hair. "Na-move po iyong swimming competition namin, Mom. At binigyan kami ng break time to practice. Saka dumaan ako kay Ninang kanina to cut my hair. Okay na po ba?" nakangiting tanong niya sa akin habang hinawi-hawi ang kanyang buhok.

"Ang guwapo-guwapo mo sa new haircut mo ngayon. Sinadya mo ba'ng umuwi ngayon?" tanong ko.

"Ninang Zinky said na umuwi ka na raw po. Nagulat ako kasi inaasahan ko po na magtatagal ka ng one week there. Kaya sinabi ko kay Ninang na madaliin niya ang paggupit niya ng buhok ko." Natawa siya sa kanyang sinabi at nahawa naman ako.

Paano naman kaya nalaman ang isang iyon na nakabalik na ako sa Manila?

"Para pa rin po akong bata sa tuwing nalalaman ko na uuwi ka na at palagi akong excited na salubungin ka," sabi pa niya na may malapad na ngiti.

"Wala nga lang pasalubong si Mommy, baby," I said.

"That's okay, Mom. The important is you're safe, now. By the way. Are you free tomorrow? Bukas na po ang swimming competition namin and from Cebu pa ang nakuha nilang judge. Minadali nito dahil maaga ring babalik doon, ikakasal na po kasi ang judge, and ayos lang po kung hindi ka makakarating, Mommy." I shook my head.

"I'm always free, just for you, son. Oo ba," saad ko. "Do you want to eat our miryenda sa labas. Somewhere in the café, Khai? Do you like that?" I asked him. Parang gusto ko yatang kumain, pero hindi ang luto ko o ang mag-order din sa labas.

"Sure, Mom."

I wore my simple dark brown dress and I peared a brown ankle strap heel sandal. My hair was tied, and I put a light make up on my face with my Gucci handbag.

Hindi naman nagpalit ng uniform ang anak ko dahil babalik pa raw siya sa school nila. Kahit practice na lamang ang gagawin nila. He was excused to their classes after all.

I choose the That Girl's Café, ngayon ko lang ito nakita at nadaanan namin kanina. Ang ganda kasi ng ambiance nito mula sa labas. Pero baka nagandahan lang din ako sa color theme ng café. Malaki siya compared sa mga café sa Manila. Second floor lang ito pero sobrang laki niya.

Salamin ang dingding nito kaya kitang-kita rin ang maraming customer mula sa loob.

At curious din ako kung bakit That Girl's Café ang ipinangalan ng may-ari sa café niya. Kakaiba naman. Siguro dedicated sa babaeng minamahal nito?

Yakap-yakap ko ang braso ng anak ko nang pumasok kami sa café at ngumiti pa sa amin ang security na tinanguan ko lang din.

Halos puno ang table sa loob dahil sa mga customer. Maski ang pag-organize ng table, chair, and counter ay ang cute din. Para lang kaming nasa beach dahil bukod sa blue and white ang color ng structure nila ay may naka-display rin na painting. The beach and even the different fishesh.

"I love the ambiance," I uttered.

May lumapit sa amin na isang waiter at iginiya kami sa vacant table.

"Finally," I murmured.

"Here's the menu, Ma'am, Sir." Sabay bigay sa amin ng menu at napatingin ako sa foods na sini-serve nila. Alam ko iyong iba dahil parang normal na snacks naman siya at puwede rin siyang pang-breakfast.

"What's the sweet puto?" I asked her dahil ngayon ko lang nalaman na puwede palang i-serve nila ang puto, na bihira naman sa ibang café.

"Specialist po namin ang sweet puto, meron pong sweet puto with chocolate flavor, banana and even strawberry." Namangha ako sa sinabi niya.

"Sweet puto with banana flavor na lang, samahan mo na lang ng pizza and pineapple juice would do," sabi ko at isinara ko na ang menu saka ko ibalik sa waitress. Ibinalik ko ang tingin ko sa aking anak. "How about you, baby?" I asked him. Nang sulyapan ko ang magandang waitress ay nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang namula.

"I'm fine with pizza, Mom. But I want ice-cream too," he answered. Umalis na rin ang babae after makuha niya ang order namin pero narinig ko pa ang mahinang pagsinghap niya.

Duda ako kung ano ba ang tumatakbo sa utak niya sa narinig na tinawag akong Mom ng anak ko?

"By the way, Mom. Ayos lang po ba if I ask you about the guy..." nag-aalangan na sambit ni Khai. Siguro mula pa ito kahapon, na hindi nawala sa isip niya ang narinig niya from the other line.

"I won't mind, baby..." I said at binigyan ko siya ng isang ngiti na huwag mangamba sa itatanong niya sa akin. May idea naman siya kung sino ang kausap ko nang araw na iyon.

"How did it happened that you meet him, again Mom?" he asked me.

"I don't even know, baby. Bigla ko lang talaga siyang nakita sa hotel, because he's the owner, and kilala rin siya ng Kuya Arzeil mo. Arzeil invited him with his fiancée sa dinner date namin," I replied.

"His fiancée? H-He's getting married, Mom?" he asked me in disbelief. I nodded my head.

"I'm sorry, baby... Because I can't give you a happy and a complete family. Hindi ko rin alam kung bakit... hindi niya ako kilala..."

"I don't care about that, Mom. Enough ka na po para sa akin. I don't need a complete family, I just need you, as my mother, there's Daddy and Mommy. Hayaan na po natin siya kung saan...mas masaya siya na wala tayo sa buhay niya... Don't worry, I'm not mad at him..." he muttered. Hindi siya iyong katulad ng mga bata na gustong makilala ang daddy nila.

Siya? Nagiging kontento na lamang sa buhay na naibigay ko sa kanya kahit hindi kompleto pero alam kong masaya naman siya kahit kaming dalawa lamang. Hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal sa kanya. Nandiyan din naman ang lolo't lola niya, kaya nagiging enough na nga iyon sa kanya.

Napakasuwerte ko pa rin sa kanya dahil siya iyong tipong bata, anak na hindi na naghahangad ng kompletong pamilya. Na kahit alam niyang may Daddy pa siya ay hindi na niya hinahanap pa. Nakokontento rin siya sa kuwento ko tungkol kay Rykiel. Siguro kung hindi pa siya nagbibinata ay alam kong maghahanap pa rin siya ng daddy niya. Ganoon naman kasi sila, eh.

"Pero bakit po hindi kayo nakilala? That's impossible dahil ilang years din..."

"Parang may amnesia lang ang Daddy mo, baby," sabi ko na sinabayan pa nang pagtawa. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at dumako ang paningin niya sa entrance nang marinig namin pareho ang tunog na senyales na may bagong customer.

"Okay lang po ba talaga na hindi natin kasama ang bodyguards natin, Mom?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Wala sa sariling napatingin naman ako sa entrance.

My heart skip a beat when I saw him... unexpectedly. He's not alone, may mga kasama siyang naka-black in men's. Umawang ang labi ko sa kaba.

Bago pa man ako makaiwas ng tingin ay nagtama na ang mga mata namin. Hindi ko siya nakikitaan ng kahit ano'ng emosyon pero ibinaling niya ang tingin niya sa katabi ko, particular kay Khai.

Nagsalubong ang makapal na kilay niya. Nanginig ang mga kamay kong nakapatong sa table nang makita ang paghakbang niya palapit sa aming direksyon at hindi pinuputol ang titigan naming dalawa. Bakit ganyan na naman siya kung makatingin sa akin? Seriously? Para akong...

"Are you okay, Mom?" my son asked me and he held my hand. 'Sakto na dumaan sa likuran ni Khai si Rykiel.

Parang doon lang ako nakahinga ng dumaan lang talaga siya. Akala ko ay kami ang lalapitan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top