CHAPTER 7

Chapter 7: For the very first time

"HAPPY birthday..." I felt like I'm crying, because for the very first time... Rykiel Eryx greeted me on my 35th birthday... Na-miss ko iyon, sobra...

"T-Thank you..." sabi ko sa nanginginig na boses. Hindi nila pinansin ang pagiging emotional ko.

Hindi ko naman kasi inaasahan na maririnig ko iyon ulit mula sa kanya. Because it's been a long time he greeted me on my birthday. Sobrang tagal na... Those time when we were still together. That everything was still going well.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" marahan na tanong sa akin ni Arzeil na ikinagulat ko pa. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin.

"What?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Iyong bulaklak kanina. Allergy? Jess... nagiging ulyanin ka na ba?" pabirong tanong niya. Napahampas ako sa balikat niya at tinawanan ko lang din sa huli.

Nawala iyon sa isip ko dahil effective ang ininom kong kape kanina. Kaya kahit papaano ay naging maayos naman ang pakiramdam ko.

"Yeah, I'm fine," sagot ko at sinulyapan ko si Rykiel, na sa akin pala siya nakatingin. Hindi ba siya nahihiya na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin? At tigilan na niya rin ang ganyang titig niya dahil kasama namin ang finacee niya.

"Allergy? Why, what happened, Ms. Jessel?" naguguluhang tanong sa akin ni Chrysler.

"May allergy siya sa mga bulaklak." Si Arzeil ang sumagot para sa akin.

"Ah... May allergy ka pala sa mga bulaklak. Magkaiba pala tayo. I love flowers, and kapag binibisita talaga ako ni Eryx ay una kong sinasalubong ang dala niyang bouquet of roses!" masayang sabi niya. Maaliwalas ang bakas ng mukha niya, talagang masaya siya kapag binibigyan siya ng mga bulaklak ni Rykiel.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako pagka-bitter sa narinig at nalaman. Pati ang pagkain na in-order nila ay nawala ang lasa.

I really shouldn't feel this anymore. It should be gone for me to see Rykiel na may iba ng minamahal and I also have to accept the fact that he's really gone.

Hindi naman na ako umasa pa. Dapat na rin akong maging masaya para sa kanya. Dahil noon, naging hadlang ako sa mga bagay na gusto niyang marating. Sa mga pangarap niya. Naging pabigat ako noon sa kanya.

Kontento na rin naman ako... Dahil may Zairyx Alkhairo na ako. May anak na kami ni Rykiel...kahit na hindi ko man lang mabibigyan ng masaya at kompleto ang anak ko.

Khai is growing up, he doesn't need it anymore. A complete family? He will understand if I can't give him that.
If the day ever comes that I have to tell Rykiel about our son, and I will not deny him the right to know everything. Puwede niyang...makilala ang anak niya.

But for now? Hindi muna puwedeng sabihin sa kanya. I had to wait for him and Chrysler to get married before he found out about Khai.

Baka kasi...baka magkaroon ng hindi maganda. Hindi timing ang sabihin sa kanya lalo na ikakasal na siya.

Ikakasal na siya sa iba...

"Are you okay, Jessel?" nag-aalalang tanong na naman siya sa akin. Nagawa pa niyang haplusin ang pisngi ko. Napangiti ako dahil gumaan ang bigat sa dibdib ko.

"I told you, I'm fine," natatawang sabi ko. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkain ko at ramdam ko ang dalawang pares ng mga matang nakapako pa rin sa akin.

"Paano...paano iyong mga manliligaw mo dati, Ms. Jessel? Kung hindi ka pala puwedeng bigyan ng bulaklak?" curious na tanong sa akin ni Chrysler. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

"Iyong manliligaw ko dati? Patuloy pa rin sila sa pagbibigay ng mga iyon. Hindi ko naman magawang tanggihan dahil sayang iyong pera nilang pambili ng bouquet of flowers. Sinabi ko na sa kanila noon na huwag na nila akong bigyan pa. Ang akala nila ay wala talaga akong allergy dahil panay rin naman ang pagtanggap ko no'n pero hayon, my father... Sinabi na niya ang totoo... I don't hate flowers that because I have an allergy. I appreciated it naman, is that just... Ayaw lang ng katawan ko ang bulaklak. My parents worried too much about me. So, I don't have any choice but to tell them the truth," mahabang sabi ko at natatawa na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang mga iyon.

"Pero wala ka bang manliligaw na sinagot mo noon?" tanong pa niya.

Ayos lang sa akin ang magtanong siya tungkol buhay ko at mangyayari din ngayon.

Wala... That's my answer. Wala akong sinagot sa mga manliligaw ko dahil ang dali para sa Daddy ni Khai na nakuha ang buong ako. Na noon, kailangan pang pumila para lang makita ako. Pero nasa iisang lalaki rin ang atensyon ko.

"Hon..." mariin pero may lambing ang boses na suway ni Rykiel sa fiancée niya at nakita ko pa ang paghawak niya sa kamay ni Chrysler na nakapatong sa table namin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa nararamdaman kong kirot sa aking dibdib. Hindi ko kayang panoorin iyon.

"You already crossed the line, when you ask her personal life, Chrysler..." he added.

Mabilis na napatingin tuloy sa akin si Chrysler. Nasa mukha niya ang tila pagkahiya pero magaan na ngumiti ako para hindi siya magmukhang guilty.

I used to it, I used topeople being ask me about my life and everything.

"I have my own privacy...but you can ask me anything. Just free to ask, Ms. Chrysler. I don't mind," sabi ko at bumigat ang kaliwang balikat ko dahil sa pag-akbay sa akin ni Arzeil.

"She's like this, Chrysler. She's too kind, so take an advantage now. Pinagbibigyan ka niya dahil birthday niya ngayon," ani Arzeil at humigpit ang pag-akbay niya sa akin. Hindi ko na siya sinita pa dahil sa kanya ay sandali kong nakalilimutan ang presensiya ni Rykiel, sa sobrang bigat kasi nito ay hindi na ako napapakali
Mabuti na lamang ay sanay na ako sa ganito.

"Really?" may himig na nanunuyang tanong ni Rykiel kay Arzeil...pero sa akin naman siya nakatingin kaya hindi ako sigurado kung sino ba ang kinakausap niya. Si Arzeil ba o ako? "Kung ganoon... Sino ang asawa mong tinutukoy mo sa interview mo kanina?" tanong niya na ikinagulat ko.

Walang ekspresyon ang mukha niya at diretso talaga siyang nakatingin sa akin. Nangungusap din ang kanyang mga mata na para bang ako lang ang nakababasa ng nilalaman nito.

Hindi ko maiwasan ang kabahan ng sobra-sobra at halos manginig ang tuhod ko. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng sobra pa sa sobra.

"Hon, Eryx..." suway sa kanya ni Chrysler.

Dahil sa seryosong usapan na ito ay hindi na ako nakahanap pa ng salita pang isasagot sa kanya. Tumingin ako kay Arzeil. Manghihingi sana ng tulong na ibaling sa ibang bagay ang topic namin ngayon dahil wala akong maisip na puwedeng isagot sa kanya.

Pero mukhang pati siya ay curious din at gusto niya ring malaman kung sino ang tinutukoy kong asawa kanina sa interview ko. Bayolente akong napalunok.

Wala rin naman kasing alam si Arzeil tungkol sa buhay ko sa nakaraan at hindi naman talaga siya nagtanong pa. Nirerespeto niya rin kasi ang privacy ko.

Pero kailangan pa bang malaman nila iyon? Saka... hindi magandang idea na sasambitin ko ang pangalan ni Rykiel Eryx sa harapan ng fiancée niya.

Oh, goodness...

"I'm interested to know that, too, babe..." ang malambing na sambit ni Arzeil. Kumunot lang ang noo ni Rykiel.

"Uhm..." sambit ko at may butil ng pawis na yata ako sa noo dahil sa tensyon na naghahari sa pagitan namin.

"You said, it's free to ask and we can ask anything... You don't mind," may diin na sabi ni Rykiel sa akin.

"Do... Do I need to mention his name kahit na masaya na siya sa buhay na mayroon siya ngayon? Kailangan ko pa bang guluhin ang mapayapa niyang buhay?" tanong ko.

"What do you mean by that?" curious na tanong na naman ng fiancée niya.

Bakit ba lahat sila ay interesado malaman iyon? Magugulat lang sila o baka isipin nila na nahihibang na ako.

"I've move on. Kontento na ako ngayon kay Khai. Wala na akong hihilingin pa. I have him. Wala na akong oras para isipin ang isang tao na...wala na rin namang pakialam sa akin," nakangiting sabi ko at pareho silang natahimik. Ngumiti ako kahit nagmumukhang kawawa ako. Ngumiti ako kasi tanggap ko ang lahat.

Natanggap ko na ang nagyari sa amin ni Rykiel at kailangan ng ibaon sa limot. Dahil nakaraan na iyon. Hindi na rin dapat binabalikan pa. Ang lahat ng iyon ay tapos na.

After that, naging awkward lang din ang atmosphere sa paligid kaya mas pinili na namin ang kumain at hindi na nila ako pinilit pang sagutin ang tanong nila na alam kong hindi sila satisfied.

At kahit pilitin pa nila ako ay hindi ko naman sasabihin. Dahil bakit? Bakit ko sasabihin iyon? Hindi naman kasi iyon importante pa at sana lang... Wala ng magtatanong pa sa akin tungkol sa bagay na iyon.

Isang tao lang naman ang binigyan ko ng karapatan na malaman kung sino ang dati kong asawa...

And yes, it's my son. Kilala niya ang Daddy niya kahit hindi pa niya ito nakita. Sinabi ko lang sa kanya na kamukha niya ito, na malaki ang pagkakahawig nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top