CHAPTER 6
Chapter 6: Heartbeat
"COME here... Pasok kayo, anak. Sweetheart," baling sa akin ni Grandma. Kung hindi lang siya nagsalita ay baka hindi mapuputol ang eye contact namin ng teenager na iyon. Bakit ba kasi ganoon siya kung makatitig? Para akong hinihigop niya at hindi ko rin magawang mag-iwas ng tingin sa kanya.
There's something with his eyes that I can't look away... Goodness, what was that?
Napangiti ako nang pareho kami ni Daddy na iginiya sa loob ng hacienda. Namangha lang ako sa kagamitan sa loob at mas maganda talaga rito. Buhay na buhay ang atmosphere ng hacienda.
"Sune, dalhan mo kami ng miryenda!" masiglang utos pa ng grandma ko sa kasambahay niya na hindi kalayuan ang puwesto nito sa amin. Parang naghihintay rin naman siya na utusan ng kanyang amo.
"Opo, Donya Jessebelle," magalang na sagot din nito at nagulat pa ako nang marinig ko ang pangalan na sinambit nito.
Jessebelle pala ang pangalan ni Grandma. Parang sa kanya ko yata nakuha ang pangalan kong Jessel, na napakasimple lang pero nagawang kalimutan ng aking abuela. Napapailing na lamang ako.
Unang inalalayan ni Dad ang Mama niya at ako naman ang sinunod niyang inalalayan na makaupo sa malambot na sofa. May center table at sa tapat namin siya ni Grandma pumuwesto.
"Bakit hindi mo isinama si Lilian, son?" malambing na tanong ni Grandpa sa aking ama.
Lilian is my mother. Oh, na-miss niya rin kaya ang Mommy ko?
"She's busy with her works too, Mama." Sa sinagot ni Dad ay nakita ko ang pasimpleng pag-irap ni Grandma at 'saktong napatingin siya sa akin. Umamo ang mukha niya at matamis na ngumiti pa sa akin. Hindi lang ako sure kung fake lang ang pagngiti niya but I smiled her back naman sa kanya.
"May magandang talon dito, sweetheart. Puwede mong puntahan at maligo ka ro'n... Pero hindi ka magtatagal. Alam kong mag-e-enjoy ka," sabi niya sa malambing na boses. Na-excite naman ako sa sinabi niyang talon.
How I love to swimm. Mas gusto kong maligo sa fresh na tubig. Iyong tipong hindi ako magsasawa at binabalik-balikan ko lang ang pagpunta.
"Really, Grandma? Can I go there now?" excited na tanong ko at nawala ang ngiti niya sa labi.
"Dear, kararating niyo lang from Manila and I know, you're tired para gumala ngayon. Just take a rest first, you can come naman tomorrow," may pagkaarteng sambit pa niya. Magtataka sana ako dahil sa naging reaksyon niya pero dinugtungan pa rin niya ang sinabi niya. "Masisira ang beauty mo niyan."
Umawang ang bibig ko sa gulat at matiim na tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Ngayon ko lang na-realize. Kahit may edad na si Grandma at halata na ang wrinkles niya sa mukha pero maganda pa rin naman talaga siya. Pagdating sa pagpapaganda at pananamit ay parang teenager din ang ayos niya.
"Your Grandma is right, anak. Magpahinga ka muna at bukas ka na lang mag-swimming, okay?" malambing na sabi sa akin ni Dad. I just smiled at him.
"Ipapasama kita sa isang hardinero namin, sweetheart. Para bantayan ka na rin doon. I want your safety," sabi pa ni Grandma. Dumapo naman sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina. Hindi ko alam kung bakit siya ang naisipan ko na isang hardinero na sasama sa akin para bukas.
Ay, dear... Hindi ako child abuse, ah. Ayoko sa bata, mas gusto ko pa rin ang ka-age ko lang or iyong mas matanda kaysa sa akin ng ilang years.
I just shrugged my shoulder at nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagmamasid ng mga kagamitan ni Grandma. Antique collector pala siya. Nakatutuwa naman.
Dumating ang isang kasambahay na inutusan ng lola ko para maghanda ng miryenda namin. Dalawa na sila ang may hawak na tray at naglalaman iyon ng kakanin and puto. Ang favorite miryenda ni Dad at nire-request pa talaga niya kay Mommy. Dahil sa kanya ay pinag-aralan ng Mommy ko na magluto ng ganitong klaseng kakanin at puto na naging favorite ko na rin sa huli.
Isang pitcher ng pineapple juice at may dalawang cup of coffee rin ang inilapag nila sa center table. Napanguso ako dahil gusto ko ring uminom ng kape pero dalawa lang ang hinanda nila.
Magsasalin na sana sila ng juice sa baso for me nang mabilis na pinigilan ko siya.
"Ako na po," magiliw na sabi ko na ikinabigla pa niya. Magpoprotesta sana siya pero hinawakan ko na ang pitcher at ako na ang gumawa no'n.
Nahihiyang yumuko pa siya saka sila pumwesto sa gilid.
"Sweetheart, you don't need to do that." Napatingin ako kay Grandma nang magsalita siya. Tahimik man si Dad ay alam kong nakangiti siya.
"Why, Grandma?"
"Let them serve you, Jessel. Iyong ginawa mo kanina ay trabaho nila iyon. Umupo ka na lang diyan at mag-relax," strict na sabi niya. Ang akala ko ay mababa ang tingin ni Grandma sa mga kasambahay na tulad nila pero sa sunod na sinabi ng aking lola ay nagpalambot iyon ng puso ko.
"It's your break time, dear. Magpahinga muna kayo," nakangiting sabi pa niya at sincere ang pagkakasabi niya. Wala sa sariling napatingin ako kay Dad na naabutan kong nakangiti rin siyang nakatitig sa Mama niya.
She's like that. Siguro strict lang siya pagdating sa trabaho ng mga kasambahay niya. She's kind naman medyo may katarayan lang talaga siya.
I sipped my drinks at nagsimula na rin kaming kumain ng miryenda. Palakuwento si Grandma na halos siya lang talaga ang nagsasalita sa aming tatlo, paminsan-minsan ay tinatanong naman niya ako na nagagawa ko namang sagutin. Si Dad naman ay ang pagtawa niya lang ang maririnig mo. Sana nga ay kasama namin ngayon si Mommy.
Nang matapos kami ay pinahatid kami ni Grandma sa mga kuwarto namin ni Dad. Hindi guestroom ang tutuluyan ko ngayon dahil may sarili pala akong kuwarto sa hacienda na mas ikinatuwa ko lalo.
"Malayo po ba ang talon dito na tinutukoy ni Grandma?" tanong ko sa maid na naghatid sa akin sa kuwarto ko.
"Kaya pong lakarin. Medyo masukal nga lang po ang short cut nito. Pero may isa pa pong madadaanan na hindi pahirapan ang pagdating doon. Puwede po kayong gumamit ng kabayo niyo," sagot niya sa akin.
Umupo ako sa dulo ng kama at tiningnan na naman ang apat na sulok ng silid na ito. Light blue and white lang ang makikita ko at iilan na painting na puro nature naman. Maganda naman siya.
May nakita pa akong picture ko noong 18th birthday ko. Sobrang laki no'n kahit half body ko lang naman ang makikita. Ang ganda-ganda ng ngiti ko at halatang masaya ako. Royal blue rin ang suot kong gown at tube ang style niya at isang maliit na crown sa ulo ko. Nagmukha akong prinsesa sa debut ko.
Malaki ang kuwarto ko rito at kompleto ang kagamitan. Queen size ang bed na blue rin ang kulay ng bed sheet and comforter. Iyong pillow lang ang white.
May vanity mirror din at tumayo ako para makita ang laman ng drawer niya. Namangha lang ako dahil may mga perfumes, make-up at iba pa ang nasa loob nito. Maganda rin ang pagkakalagay nila. Hindi ko maiwasan na mapaisip na baka hinanda rin ito ni Grandma para sa akin.
Kasi evidence na ang nakita kong malaking picture frame ko kahit na nag-iisa pa siya. Nasa left side ko lang ang vanity mirror at may isa pang pintuan sa tabi nito.
"Hinanda po iyan ng Grandma niyo, Senyorita," magalang na sabi sa akin ng kasambahay.
Tama nga ako. Para sa akin talaga nakalaan ang kuwartong ito.
"Dito naman po ang walk-in-closet niyo. Kompleto po ang mga damit niyo riyan, Senyorita," sabi niya at binuksan ang pintuan. Pinauna niya akong pumasok sa loob at nagniningning lang ang mga mata ko nang makita ang iba't ibang desinyo ng dress.
May mga racks din kung saan nakalagay naman ang mga shoes and sandals. Kahit pala hindi na ako nagdala pa ng mga damit ko dahil meron na ako nito sa hacienda.
"Personal po na binili 'yan ng inyong Grandma at siya rin po ang nag-organize ng mga gamit sa loob." Napatango-tango na lamang ako. "Konektado po rito ang banyo." Sumunod naman ako sa kanya nang binuksan niya ang pintuan sa loob ng closet.
Banyo nga iyon at halos kasing laki na ng kuwarto ko sa Manila dahil sa kabilang side nito ay ang paliguan naman. May bathtub at maraming shower gel and different shampoo. Maayos na maayos ang setting ng mga iyon. Paglabas namin mula sa bathroom ay bumalik kami sa bedroom.
"Wow... Magpapasalamat ako later kay Grandma. This is too much. I didn't expected na ganitong klaseng kuwarto ang pinahanda sa akin ni Grandma. I just thought na baka isa sa guestroom lang ako ng hacienda matutulog," namamanghang sabi ko na sinabayan ko pa nang tawa.
"Nag-iisa lamang po kayong apo niya, Senyorita." Pumihit ako para harapin siya.
"Maraming salamat po," sabi ko at sinabi ko na sa kanya na puwede na siyang bumalik sa trabaho niya.
Naiwan ako na mag-isa sa kuwarto ko at malapad ang ngiti ko na humiga sa malambot kong kama.
"Heaven..." I uttered. Pumikit ako at naalala ko naman si Mommy. Bumangon ako para kunin ang phone ko sa bag ko.
Nakita ko ang iilan na missed call ng Mommy ko at napuno ng message niya ang inbox ko.
Nakita ko rin kanina na may terrace ang hacienda kaya baka meron din sa akin at hindi ako nagkamali. Lumabas ako at tinungo ang terrace.
"Whoa..." sambit ko dahil agad na humalik sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.
I tried to call my Mom at ilang rings pa ay may sumagot na sa other line. Pero hindi ko marinig ng maayos ang boses niya.
"Mom? I can't hear anything..." Paulit-ulit akong nagsalita hanggang sa naputol ang linya at kasabay no'n ang new message ni Mommy.
"Mahina ang signal diyan sa San Francisco, anak. Text message lang ang puwede."
"Ahh..." sambit ko na lamang at doon ko lang natingnan ang phone ko. Nawawala kung minsan ang signal.
Ibinulsa ko na lang din iyon sa pants ko after kong sinabi kay Mommy na nakarating na kami, hanggang sa napako ang tingin ko sa teenager na nakita ko kanina. Ngayon naman ay pinapaliguan na niya ang kabayong pinapakain niya kanina. May pagka-light brown ang kulay ng kabayo kaya maganda siya sa paningin.
Nasa second floor lang ang kuwarto ko kaya nakikita ko pa rin siya mula rito kahit ang side view niya lang.
Ang guwapo talaga niya... Sa malayo ko lang siyang nakita. Paano na kaya kung sa malapitan na? Mas guwapo kaya siya?
Napailing na lamang ako sa sarili ko at mukhang naramdaman niya na tila may nagmamasid sa kanya mula sa malayo. Kaya dahan-dahan na nag-angat siya ng tingin. Diretso sa aking puwesto at hayon na naman ang heartbeat ko. Nagwawala rin sa loob ng dibdib ko.
Ito na yata ang unang pagkakataon na nararamdaman ko ang nagwawala kong tibok ng puso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top