CHAPTER 59
Chapter 59: The lost brother
JESSEL’s POV
“WHAT’s your name po?” the little boy asked me politely. Siya ‘yong kapatid ng babaeng tumulong sa amin at ang nagbigay sa akin ng kuwintas. Nakababatang kapatid ni Zizalaine. Parang alam din nila ang mangyayare sa amin kaya pala niya ibinigay iyon sa akin.
May chair sa gilid ng hospital bed ko at doon siya nakaupo. Habang si Khai naman ay nasa couch lang din. Tahimik na pinagmamasdan niya rin ang batang lalaki na ngayon ay kinakausap na ako.
Totoo kaya ang sinasabi ni Mr. Barjo na may nawawala pang kapatid sina Rykiel? At itong kausap ko kaya ngayon ang matagal na nilang hinahanap? Because walang doubt iyon, mukha ng mga Barjo, eh.
“I’m Jessel, Jessel Diamente. How about you? What’s your name, kiddo?” I asked him. I can’t help but to smile. Because he’s so cute. I wanna pinched his cheek. I miss my little boy Khai. He’s like this when he was young too.
“I’m Thyzer Elton Alcantara po, younger brother of Ate Zizalaine. What do I call you po?” he asked me back.
“Uhm, kung saan ka komportable na tawagin ako, Thyzer,” sagot ko lang dahil hindi ko naman alam kung ano ang gusto kong itawag niya rin sa akin.
“Ate Zizalaine also told me that you’re the wife of Kuya Eyrx po. So, I call you Ate Jessel, then?” I just nodded to his answer. Ang talkative pala niya at natural na yata sa kanya ang pagnguso habang nagsasalita siya. “How about that one po?” dagdag niya and he’s referring to my son.
“He is my son, Zairyx Alkhairo. You can call him kuya,” nakangiting sabi ko. Namimilog ang mata niya at nakaawang pa ang mga labi niya na tinitigan si Khai. Mahinang humalakhak lang ang anak ko sa naging reaction ng bata sa kanya.
“He’s my nephew, then?!” gulat na bulalas niya, kasabay nang pagbukas ng pinto at pumasok doon sina Ryle na tulak-tulak naman niya ang wheelchair ni Rykiel. Dumapo agad ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako at ibinalik ko ang tingin kay Thyzer.
“What do you mean about nephew, Thyzer?” I asked him.
Hindi sumagot sa akin ang bata at tinitigan na naman niya ang bagong dating. Bumaba siya para lamang gumilid at matingnan nang maayos ang mga ito. Sunod na pumasok si Zizalaine, kasama na nito si Ishie.
Nagpaalam naman sa akin kanina si Arzeil na uuwi muna raw siya sa condo niya kaya bakit nandito pa si Ishie sa hospital?
“Ibabalik pa ba kita sa hospital bed, Eryx?” tanong ni Ryle sa kapatid.
“Hindi na, Kuya,” sagot nito sa kanya at inilapit na lamang siya sa akin. Hinawakan niya agad ang kamay ko.
Ngumiti lang ako sa kanya na mabilis naman niyang ginantihan. “Siya raw si Thyzer, malaki ang similarity niya sa kapatid mong si Zules,” sabi ko at ngumuso ako sa direksyon ng batang lalaki.
“Thyzer?” Siguro hindi pa niya nakikita si Thyzer kaya wala siyang reaction sa sinabi ko.
“Hayon,” saad ko at kunot-noong tiningnan na nga siya si Thyzer.
“How are you feeling?” Zizalaine asked me, as soon as she approached me.
“I’m feeling better now. Hindi pa pala ako nakakapagsalamat sa ‘yo, Ms. Zizalaine. Thank you again for saving us. Kung hindi ka siguro dumating ay baka...hindi na kita kausap ngayon,” sabi ko.
“Don’t say that,” mahinang sita sa akin ni Rykiel at marahan niyang pinisil ang kamay ko.
“Sana kung nalaman ko lang din nang mas maaga ay wala sanang nadamay. Casper planted the bomb inside the car and I was too late to find out. That guy, he has nothing as bad in this world, and he also putting people in trouble. Kaya pasensiya na talaga, Ms. Jessel. Alam kong wala sa vocabulary ng lalaking iyon ang humingi ng kapatawaran mula sa inyo pero on behalf of him ay ako na ang humihingi ng patawad sa inyo ng pamilya mo,” she said sincerely at yumuko pa siya sa akin.
“Kung ako...siguro kayang magpatawad but not my father,” I said.
“Me either,” sabat ni Rykiel sa usapan namin ni Zizalaine.
“That’s good. Huwag niyong patatawarin agad iyon,” tumatangong saad niya.
“Bakit hindi ako puwedeng pumasok?” Sabay-sabay naman kaming napatingin sa pinto nang marinig namin pareho ang boses ni Mr. Barjo.
“Mahigpit po ang bilin sa amin ni Sir Janus, na huwag kayong papasukin sa loob, Sir,” sagot ng isa sa tauhan ni Dad.
“Nasa loob ang anak ko.”
“Puwede mong lapitan ang anak mo, pero hindi sa loob ng private room.” Boses iyon ni Dad. Nagkatinginan kami ni Rykiel, he just shrugged his shoulder.
“Anyway, may ipakikilala ako sa inyo.” I looked at Zizalaine again. Hawak na niya sa kamay si Thyzer at napako na rin doon ang tingin ng dalawang kapatid.
“That young boy...” Ryle uttered.
“Introduce yourself, Thy,” utos niya sa kapatid.
“Hi po, I’m Thyzer Elton Alcantara. Nine years old, my hobby is playing basketball and I also loves to swim. I’m the top student of Grade III, Arnival Elementary School for the rich people only. I don’t like eating peanut, because of my allergies. I have one big sister, and three older brother. Their name has a letter Z, too,” his introduction at na-cu-cute-an talaga ako kapag nagsasalita na siya.
“Thyzer Elton Alcantara?” sambit ni Rykiel sa pangalan ni Thyzer.
“And at the age of nine, I already have a 12-years-old nephew and... Ate Zizalaine told me that. Right, Ate?” tanong nito sa nakatatandang kapatid na tinanguan lamang ng huli.
“Kilala na siya ng Daddy niyo. I’m sorry kung ngayon ko lang din ito sasabihin sa inyo at ang ipakilala siya. Ayoko rin naman na ilagay sa kapahamakan ang kapatid ko. Your father tried to kidnap my brother too, yes he has rights but I disagree. I refused to hear that word. Masyadong magulo and complicated talaga ang buhay niyo na mayroon ang family niyo. I don’t like your father’s attitude, kaya itinago ko na lamang ang kapatid ko. Mr. Barjo impregnated my Mom. So, Thyzer came into our lives too. You have some physical appearance of him, especially that he resembles your younger brother Zules,” mahabang sambit ni Zizalaine.
Hindi agad nakasagot ang dalawa. Maski si Khai ay nagulat din sa nalaman niya. Napatayo pa siya para lamang pagmasdan si Thyzer. Na hindi man lang naglaho ang malapad na ngiti nitong nakapaskil sa mga labi nito.
“Thyzer...”
“Kung nagdududa pa kayo ay puwede kong ibigay sa inyo ang DNA test result na sinadya kong pinakuha para lamang masigurado na kung isa rin ba siya sa Barjo family and the doctor says true...”
“There’s no doubt. Kamukha po niya talaga si Zules,” sambit ni Khai, na ikinangiti ni Zizalaine.
“Yeah. Thy, they are your family, probably your older brothers,” sabi niya at nagtatalon na naman sa tuwa ang bata. Nilapitan niya si Ryle. Gulat pa rin ang ekspresyon niya at nang itinaas nito ang magkabilang braso ay no choice siya kundi ang buhatin ito.
Tinitigan pa niya ang mukha ni Thyzer, na nakangiting tiningnan naman siya nito pabalik. “Totoong k-kapatid namin siya?” nauutal na tanong pa ni Ryle. Tumango si Thyzer.
“Thyzer Elton Alcantara Barjo, that’s my full name po,” he said.
“Kamukha mo nga si Zules at namana mo sa kanya ang pagiging madaldal niya,” namamanghang sabi pa niya rito.
Nagpababa rin ito sa Kuya Ryle niya at lumipat kay Rykiel. Napangiti pa ako nang sinubukan nitong umupo sa lap niya.
“Thy...” tawag ni Zizalaine sa kanyang kapatid.
“I wanna see Kuya Zules too, Kuya Eryx, and there’s Kuya Zue too, right?” seryosong tanong nito.
Hindi rin naman tumagal ang paglalambing nito at huling nilapitan si Khai para daldalin na naman ito.
“By the way, aalis muna ako. May aasikasuhin lamang ako at iiwan ko na muna rito si Thy. Alam ko naman na hindi niyo siya pababayaan,” paalam ni Zizalaine.
“Sige, Ms. Zizalaine. Thank you, again,” sabi ko.
“No worries. So, Thy. Babalik ako later, maiwan muna kita rito,” paalam naman siya sa bata. Nilapitan siya nito at lumuhod siya para mahalikan siya sa pisngi.
“TC po, Ate Zizalaine,” malambing na sabi pa nito at kumaway pa bago tuluyang umalis ang nakatatandang kapatid nito.
“Aalis na rin ako, Ms. Jessel,” Ishie bid goodbye too.
“Hindi ka pa pala kumakain, Eryx. Bibili lang ako sa labas ng lunch mo.”
“Ako rin po, Kuya Ryle. Kaunti lang po ang kinain ko kanina,” nakangusong sabi ni Thyzer. Hindi na nga mahihirapan ang mga kapatid niya na kausapin siya dahil kusa siyang nagsasalita.
“Okay, sige. Sasama ka ba, Ryx? May pag-uusapan din yata ang parents mo.” Tumingin sa direksyon namin si Khai. Palipat-lipat ang tingin sa amin.
“Sige po, Tito,” aniya at nagawa pa niyang magpaalam sa amin.
Kaya sa huli ay naiwan naman kaming mag-isa ni Rykiel. Tahimik na tinititigan lamang ako at hindi talaga siya nagsasalita.
“Kaya mo bang lumipat dito?” tanong ko sa kanya. Ang tinutukoy ko ay kung kaya niyang lumapit sa bed ko para tabihan ako.
Dahan-dahan naman siyang tumayo at sumampa na sa hospital bed. Nang makaupo na siya nang tuluyan ay mabilis kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Inayos niya ang pagkakasandal ko at inakbayan pa ako. Naramdaman ko pa ang pag-amoy niya sa aking buhok at paghalik sa sentido ko.
Hindi ko na naman mapigilan ang mapangiti dahil sa pamilyar na nararamdaman ko ngayon. Wala na talagang pagbabago ang kiliti sa puso ko at ang ilang mga paruparong lumilipad sa loob ng aking tiyan. Idinikit niya rin ang pisngi siya sa gilid ng ulo ko.
“P-Pinapahirapan ba kita? Masyado na ba akong nagiging pabigat sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Dahil nababahala ako sa biglaan niyang pananahimik at ang pagbuntonghininga na lamang niya ang tanging naririnig ko mula sa kanya. Parang ang laki ng problem niya.
“Hindi. Paano mo naman nasabing pinapahiran mo ako at nagiging pabigat ka na sa akin?” tanong niya sa marahan na boses.
“Simula pa sa umpisa ay iyon na ang ginawa ko, ‘di ba? Ang maging pabigat sa ‘yo,” ani ko.
“Don’t say that. Kailanman ay hindi ka naging pabigat sa akin. Ako itong nagdala sa ‘yo ng kapahamakan,” wika niya.
“Patas na yata tayo. Ganoon din naman ako sa ‘yo dati,” saad ko. Ikinulong na lamang niya ako sa magkabilang bisig niya. Nararamdaman ko na naman ang seguridad sa paraan nang pagyakap niya sa akin.
“Baby--”
“Matanda na ako para tawagin mo ng ganyan,” natatawang sabi ko. Gusto ko naman ang bagong endearment niya sa akin. Nakararamdam pa rin ako ng kilig pero iba na ‘to. 35 years old na ako at parang hindi na bagay sa akin na tawagin akong ganoon. “At saka hindi ganyan ang tawag mo sa akin noon. El lang kaya,” I added.
He rested his chin on the top of my head. “You gave me that idea to call you baby, El. Ikaw ang unang tumawag no’n sa akin. So, kung ayaw mo... Ako na lamang ang tawagin mo ng ganoon.” At nagbigay pa siya ng suggestion.
“Si Khai lang ang tinatawag kong ganoon. Si Khai lang ang baby natin,” sabi ko.
Mahinang tumawa siya kaya dalawang klaseng tunog ang nararamdaman ko ngayon. Una ay ang mabilis na pintig ng puso niya, na masarap pakinggan. Pangalawa ay ang boses niya habang tumatawa siya.
“Puwede namang sundan si Khai, ‘di ba?” pilyong tanong pa niya at pinisil ang balikat ko. Nagprotesta ako.
“Sariwa pa ang sugat ko. Huwag mo akong akitin,” sabi ko na mas ikinatawa niya nang malakas. “Alam ko ang isa sa dahilan kung bakit naging tahimik ka kanina at punong-puno na naman ng takot at pangamba ang mata mo,” saad ko at nag-angat ako ng mukha para tingnan siya.
Dumikit lang ang tungki ng ilong ko sa pisngi niya. Napakagat labi pa siya at siya naman ang humalik sa pisngi ko.
“Ang Daddy mo, naiintindihan ko siya kung bakit ayaw niyang makipag-ayos kay Casper at ganoon din ang isang iyon. Mabigat sa loob ang patawarin niya si Casper. Pero ng dahil sa ‘yo at sa anak natin ay sinubukan niya ang makipag-ayos din pero hindi ibig sabihin ay patatawarin na niya ito ng ganoon kadali. Silang tatlo nina Dad at Casper ang mag-uusap. Sinabi sa akin ni Ms. Zizalaine... Na kung gusto ko bang linisin ulit ang pangalan mo ay kailangan natin magpa-interview. Sinabi mo sa akin noon na kung sasabihin natin ang totoo sa kanila ay magiging komplikado lang ang lahat... Malalaman nila ang hindi na dapat ungkatin pa,” mahabang pahayag niya na ikinatango ko.
“Gusto mo ba?” I asked him.
“Hmm?”
“Gusto mo bang sabihin na sa kanila ang totoo? Saka...what’s the point, Rykiel? Matagal na tayong hiwalay, ‘di ba? You’re my ex-husband now pero bakit ang hilig mong dumikit ngayon sa akin?” Half joke lang ang sinabi ko pero mukhang iba rin ang pagkakaintindi niya dahil mas humigpit ang yakap niya sa akin.
“El...”
“That priest just gave us a chance to get married even if you were just a minor. Hindi ko nakalimutan ang registration ng kasal natin, hindi sila katulad ng taong hinayaan tayo na magpakasal. Dahil lalabas na child abuse ako at alam natin pareho kung ano ang mangyayari sa akin kapag nalaman ng lahat na kung ilang taon na ba ang asawa ko,” paliwanag ko pa sa kanya na ikinatigil niya.
“You have a point there, El...”
“So, let’s show ourselves to them? Hayaan natin silang magtanong ng kahit ano...” ani ko at matiim ko siyang tinitigan.
“Are you sure?” panigurado niya sa akin.
“Yes. Hangga’t kasama ko kayo ni Khai ay hindi ako matatakot sa mga tanong na ibabato sa akin ng mga media, and I don’t think so kung kaya pa ba nila tayong paghiwalayin. Nakadikit ka na nga sa akin na parang linta,” sabi ko na may pagbibiro sa boses. Napatawa siya.
“Okay,” sagot niya at itinulak ko na ang mukha niya dahil bumaba na naman iyon sa leeg ko.
“Kailan mo gusto?” I asked him.
“Soon, huwag ngayon na sariwa pa nga ang sugat mo.”
“Oh, okay...” sabi ko na lamang at ipinikit ko ang mata ko. “Tatawagan ko na lamang si Z para tulungan ako sa paghahanda,” I said.
“That’s good.”
“Si Thyzer... Totoo palang may kapatid pa kayo,” pagkukuwento ko pa sa kanya.
“Yeah,” tipid na sagot niya lang sa akin at mukhang inaantok na naman siya. Humihina ang boses niya.
“Don’t sleep, Rykiel. Hindi ka pa kumakain,” sabi ko pero sumiksik lang siya leeg ko at hindi na sumagot pa.
Hindi naman siya natulog dahil nang bumalik sina Khai at Ryle, kasama si Thyzer ay saka lang siya kumalas sa akin. Pinapanood ko lang siya habang kumakain.
***
“Sigurado ka ba na sasabihin mo na sa kanila ang totoo, anak?” nag-aalalang tanong sa akin ni Mommy. Isang linggo at tatlong araw pa lamang ang nakakaraan pagkatapos ang nangyaring trahedya.
Ngayong araw na ito ang napili namin ni Rykiel para sa interview. Ayon din naman sa gusto niya. Para na rin makapaglakad siya nang maayos. Daplis lang ang ginawa sa kanya pero nag-alala pa rin ako sa kanya nang makita ko na binaril siya ng kapatid ni Chrysler. Wala akong nagawa that day.
Kung bakit ba kasi kailangan pa niyang gumanti at iyon pa ang gagawin niya, ang manakit ng kapwa.
“Yes po, Mommy. Kung hindi po namin iyon gagawin ay baka mahihirapan na naman si Rykiel sa akin. Hindi pa po siya gumagaling sa trauma niya, may naaalala pa rin po siya at minsan ko na rin siyang ginigising nang marinig ko ang mahihina niyang daing,” saad ko.
“Kung handa na talaga kayong sabihin iyon ay sige. Ang importante sa amin ng daddy mo ay mabubuhay kayo ng hindi na kayo matatakot pa sa mangyayari,” nakangiting saad niya. “Saka kailangan na rin naman ni Alkhairo ang Daddy niya. Huwag nating ipagkait sa apo ko na makasama siya, Jessel.” I nodded.
“Iyon na rin po ang gagawin ko, Mommy... Saka...sapat na po ang paghihirap ni Rykiel,” ani ko.
Tinulungan naman ako ng Mommy ko sa pagsusuot ko ng maroon kaleigh dress, na ang strap niya ay paikot sa dibdib ko, as in letter X siya. Manipis lang ang tela niya at medyo maluwag din sa katawan ko para hindi masikip, baka kasi matamaan ng tela ang sugat ko.
“Maputla ka pa rin, anak ko,” malungkot na sabi ni Mommy.
“Maayos naman na po ang pakiramdam ko. Kumikirot lang po ang sugat ko kapag nawawalan na ng bisa ang pain reliever ko,” sabi ko. Niyakap pa niya ako sandali at lumapit na sa amin si Z.
Naalala ko noong dinalaw niya ako sa hospital. Umiyak pa siya dahil akala niya raw talaga ay wala na ako. Natakot lang siya. Isinama pa niya si Francine na nakahanap na naman ng bagong crush niya. Kasing daldal niya rin si Thyzer.
“Lalagyan po natin ng magic ang face niya, Tita,” nakangiting sabi ni Z.
“Thank you, hija. I heard that you’re pregnant.” My eyes widened in shock.
“Buntis ka?” gulat na tanong ko.
“Oo. Six weeks pa siya,” sagot niya ng nakangiti.
“Kaya pala parang may nagbago sa ‘yo, eh,” sabi ko.
White smock blouse ang suot niya at maluwag na pants din. Flat na shoes. Naalala ko na kapag ganyan ang outfit niya ay pinili iyon ng asawa niya, kapag buntis siya. Kaya naman pala parang kakaiba siya ngayon. Iba ang aura niya.
“Congrats, Z. Nasundan niyo na agad si Francine,” I told her.
“And get well soon para masundan niyo na rin si Alkhairo,” sabi niya dahilan na tumaas ang balahibo ko sa batok. Inirapan ko siya at si Mommy ay tumawa lang. “Ang hair mo, J. Hayaan na lang natin na ganito siya. Lagyan na lamang natin ng hairpin sa gilid ng ulo mo. Ang haba na ng hair mo, J wala kang balak na pagupitan ito?” tanong niya. Lagpas baywang ko na iyon o baka higit pa.
“Wala,” umiiling na sabi ko.
“Let’s curl this dulo,” conyo na sabi pa niya.
“Ikaw ang bahala.”
Light lang naman ang make up ko na ipinagpasalamat ko. Dahil baka mahihirapan akong magtanggal no’n sa mukha ko.
“You’re still beautiful. Ito lang ang hindi bagay sa dress mo,” nakangusong saad ni Z at hinawakan niya ang kamay kong naka-cast. “Ano na pala ang nangyari sa gumawa nito sa ‘yo?” Nilingon ko si Mommy dahil alam kong siya lang din ang nakakaalam nito. Sila ang nag-uusap nina Rykiel at Dad.
“May binayaran din siyang penalty at nagkaroon din ng community service. Isang taon din iyon,” sagot ni Mommy.
“She deserve it po, Tita, and nasampal ko na po iyon sa magkabilang pisngi niya,” matapang na sabi pa ni Zinky. Pinanliitan ko siya ng mata. “I’m telling the truth, J!” defensive na sabi pa niya.
“I didn’t say anything kaya,” natatawang sabi ko. She just rolled her eyes.
Natapos lang ang pag-uusap namin nang dumating na si Rykiel. Nakasuot siya ng black suit na walang necktie. Oxford shoes din ang suot niya.
“Good evening po, Ma’am. Zinky,” he greeted them.
“You know what, hijo. You can call me Mama. Just like before. Alam ko na wala rin naman kayong maayos na paghihiwalay noon. Hindi man nakarehistro ang kasal niyo ay sa mga mata Niya ay mag-asawa pa rin kayo,” tuwang-tuwa sabi pa ni Mommy. Uminit na naman ang magkabilang pisngi ko.
“We’re going to be late, Mom,” I said.
“Gustong umiwas, eh,” Z teased me. “Here’s your two inches heels.” They help me to wear my shoes.
“Ingatan mo ang anak ko, Eryx,” paalala pa ni Mommy.
“Mom, parang ikakasal kami, ah,” natatawang sabi ko na ginantihan niya rin nang mahihinang tawa.
“I will po, Mama,” Rykiel uttered. Hindi na nga siya nahiya na tawagin na Mama ang Mommy ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top