CHAPTER 58
Chapter 58: Safety (Flashback)
“OH, she can even volunteer... She can sacrifice her own life for the both of you... How sweet. So...”
“I don’t want to do this too, Mr. Hermosa. But you left me with no choice. So...” Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at isang babae na malapit din sa side ni Chrysler. Kung kanina ay mas marami ang mga tauhan ni Casper ay doble naman ang nasa likod ng babae.
Dalawang lalaki rin ang nakatutok ng baril sa dalawa na may hawak kay Chrysler. Nasa likuran din ang lahat.
“Alkhairro!” Sir Janus also came. Natataranta siya na lumapit sa kanyang apo but he choose to be distance.
Hindi ko alam kung bakit natigilan si Casper at hindi na niya binigyan pa nang pansin ang stretcher ni El na malaya nang nailayo ito ng kasama ng daddy nito.
Nakita ko rin ang pasimpleng pag-alis nina Zyn at ang kasamahan niya ring doctor. My son approached me. Hinawakan niya ang braso ko para patayuin ako.
“Dad...”
“Get out of here, son. I will handle this mess,” I told him but for the second time around. He shook his head. Ayaw niya akong iwan dito.
Lumapit din sa amin si Arzeil at nagtawag ng doctor. Tiningnan ko si Casper na nanatili na lamang nakatayo at wala ng baril ang nakatutok sa akin. Bakit bigla siyang natigilan nang dumating ang babae? Kakilala ba niya ito?
“How dare you make a mess here in my hospital just for revenge?” malamig na tanong pa ng babae sa kanya.
Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa nang dinala ni Arzeil ang braso ko sa balikat niya at inalalayan niya akong makatayo, with the help of my son.
“Mukhang magkakilala sila ng babae. Siya ang tumulong kay J para makaligtas,” Arzeil told me.
Hindi lang sina Sir Janus at ang isa pang babae ang dumating dito. Dahil nandito na rin agad si Daddy at si Kuya Ryle.
“Fvck! Who did this to you?!” nagagalit na tanong agad ni Kuya. Hindi ko magawang sumagot sa kanya dahil sa iniinda ko pa rin ang sakit ng binti ko.
“Ryle, long time no see.” Sinunod ko nang tingin si Kuya Ryle dahil malalaki ang hakbang niya na nilapitan si Casper. Hindi naman umalis sa kinakatayuan niya ito at matapang na sinalubong lamang ang malakas na pagsuntok nito sa kanya.
Kitang-kita ko pa ang pagkuwelyo ni Kuya sa kanya pero nang lumapit na rin ang babae ay roon lang ako nag-iwas nang tingin.
“Son...”
“H-Huwag mo akong lalapitan, Dad,” banta ko sa kanya at bumuntonghininga siya.
“I told you that I’m not the culprit. I’m innocent,” he said.
“And I still hate you. Remember that. Pinahamak mo rin naman ang asawa ko, Dad. Dinamay mo rin naman ang anak ko,” I fired back.
“Eryx...” Dismayado pa rin ako kay Daddy kaya hindi niya ako malalapitan ngayon.
Ipinasok na lamang din nila ako sa ER at alam kong nasa maayos na ang kalagayan ni El. Hindi naman siya pababayaan pa ni Zyn. He’s a doctor and he will do anything for his patient.
Daplis lang ang natamo kong sugat, sinadya iyon ni Casper para hindi ako mapuruhan ng husto at para takutin niya rin ako. As if I’m fvcking scared at him?
I lay down on the hospital bed at hindi ako iniwan ng anak ko. He choose to stay with me while holding my hand. I smiled at him.
“You are brave earlier, Khai. Daddy is proud of you, my son,” I said and he nodded. Namumula pa rin ang mga mata niya.
“Thank you. Take a rest first, Dad. Ylu need that,” he said. I closed my eyes at muli na naman akong dinala ng alaala ko sa nakaraan.
***
(FLASHBACK)
“SIGURADO ka bang sasama ka sa akin, El? Hindi ka ba--” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa paghigpit nang kamay niya sa akin.
“Sinabi ko na sa ‘yo, ‘di ba? Mahal kita at kahit ano man ang mangyari ay sasama pa rin ako sa ‘yo at mananatili sa tabi mo,” nakangiting sabi niya, dahilan na bumilis ang tibok ng puso ko.
Hinalikan ko ang likod ng kamay niya at mahigpit ko siyang niyakap. “Maraming salamat, El... At mahal din kita...”
Pero hindi ganoon kadali ang nangyari. Akala ko kung lalayo na kaming dalawa ay magiging ayos na ang lahat at hindi na kami gagambalain pa ni Doña Jessebelle pero mas higit pa ang ginawa niya sa amin.
Kahit saan man kami magpunta ay palagi pa rin niya kaming hinahanap hanggang sa dumating ang isang araw na nakita niya ako at bumaba pa siya mula sa sasakyan niya para lamang kausapin ako at harapin.
Isang buwan pa lang ang nakakaraan nang magtanan kami ni El at palipat-lipat na kami ng tahanan.
Umabot naman ng dalawang buwan bago niya kami nahanap at doon din nagsimula ang pananakot niya sa akin. Pinagbantaan pa niya ako.
Ikinasal kami sa isang maliit na simbahan. Simple lang iyon at iilan lamang ang mga taong dumalo na kaibigan pa ng pari. Para sa akin ay iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, ang maikasal ako sa babaeng mahal ko pero katulad nang sinabi ng Lola niya ay lahat ng bagay sa mundo ay walang permanente. Lahat ay kusa ring mawawala at mabubura.
Umabot ako sa puntong ibinalik ko si El sa pamilya niya. Iniwan ko siya at hindi ko na siya binalikan pa.
Ang huling pagkikita namin ay sinaktan ko pa siya. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya ang ginagawa sa akin ni Doña Jessebelle. Dahil alam kong mag-aalala pa siya. Baka magalit pa siya sa Grandma niya. Kaya mas ayos na ang magalit siya sa akin. Huwag lang sa Lola niya.
(END OF FLASHBACK)
I woke up from my reverie when I felt the soft thing on my face. Hinawakan ko iyon at isang kamay lang ang naramdaman ko. Napadilat ako at bumungad sa akin ang magandang mukha ng asawa ko.
“El...” Napabalikwas ako nang bangon para lamang ngumiwi dahil marahas kong naigalaw ang binti ko.
“Dahan-dahan,” mahinang saad niya.
Magkatabi lang pala ang kinahihigaan naming dalawa at siya lang din ang may dextrose sa kamay.
“Ayos ka na? Wala na bang masakit sa ‘yo?” tanong ko sa kanya at sinilip ko pa ang tagiliran niya kung wala na ba akong nakikita pa ro’n na dugo. Umiling siya sa akin.
“I’m fine... Ikaw yata ang nakatulog buong araw... Kanina pa ako gising at ikaw... Lagpas na ng lunch time,” sabi niya at mukhang wala na nga siyang iniinda pang sakit.
Iginala ko na ang pamgingin ko sa apat na sulok ng kuwartong ito at kinabahan ako nang hindi ko makita ang anak namin.
“Si Khai...” sambit ko at akmang bababa pa ako nang mabilis niyang pinigilan ang kamay ko.
“Kasama niyang lumabas si Ryle at Arzeil. Para kumain ng lunch nila,” sabi niya at tiningnan ko ulit siya.
“Ikaw? Tapos ka nang kumain?”
“Ang sabi ni Dr. Zyn, bumuka raw ang tahi ko--”
“Hindi maayos ang pagkakatahi sa ‘yo ng kapatid ni Arzeil?” nag-aalalang tanong ko.
“Hindi sa ganoon. Maayos naman daw but I still need a surgery at ang dahilan din ng pagdurugo ay bumuka ang tahi ko ay dahil sa kumain daw ako. Marami akong nakain na lugaw, ‘di ba? Kahit lugaw lang iyon ay bawal pa ring kumain dahil sa tahi ko,” nakangiting paliwanag niya at bumaba ang mata ko sa mga labi niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang kulay no’n.
“I’m glad to hear that,” I said and she just smiled at me. Inabot ko ang pisngi niya para haplusin iyon.
“Ikaw? Kumusta ang sugat mo?” tanong niya sa akin.
“Ayos lang din,” I answered as I stared at her, intently. Naputol lamang iyon nang pumasok sa loob ng hospital room si Kuya Ryle.
“Let’s talk about the issue between you and that Hermosa family,” agad na sabi niya. May tulak-tulak na siya agad na wheelchair.
“Si El...” sabi ko. Ayokong iwan dito ng mag-isa ang asawa ko.
“Sina Arzeil at ang anak niyo ang magbabantay sa kanya. Kailangan mo na talagang ayusin ang gusot na ito para wala ng madadamay pa na ibang tao. Masyado nang maraming involved dahil lang dito, Eryx. May asawa at anak na rin ang nawalan. Huwag nang humantong pa sa madugong labanan,” seryosong sabi niya. Kahit iyon naman talaga ang nangyari.
I looked at Jessel. Mukhang naiintindihan naman niya iyon dahil nakinig lang siya sa sinabi ni Kuya Ryle.
“Jessel. Puwede ko naman sigurong hiramin sa ‘yo ang asawa mo, ‘no?” paalam pa niya at tiningnan ko ang reaction niya.
“H-Ha? B-Bakit ka pa nagpapaalam sa akin?” tanong niya na halatang nagulat pa.
“Nevermind.”
“Kaya ko namang maglakad, Kuya,” sabi ko sa kanya pero isang pitik lang sa noo ko ang natanggap ko nang makaupo na rin ako sa wheelchair. I just hissed him. “Babalik ako pagkatapos naming mag-usap. El...”
“Sige. Maghihintay ako,” she said. Hinawakan ko pa ang kamay niya at hinalikan ang likod no’n. Naalala ko na madalas kong gawin ito sa kanya noon. I just love to kiss her hand. Damn.
Saka lang kami lumabas ng silid nang makita na namin sina Arzeil at Khai. Ang anak ko ay lumapit pa sa akin para lamang tanungin ako kung maayos na rin ba ang pakiramdam ko. Nag-aalala raw siya sa akin dahil ngayon lang ako nagising.
Sa rooftop ng hospital kami nagtungo at nagulat pa ako nang makita ang mga lalaking nakahilera sa likuran ni Casper at nasa kabila rin ang babae na dumating kagabi. Sa pagdating pa lamang niya ay natigilan pa si Casper.
Nandoon din si Dad at may mga tauhan din siya ang naroon. Si Sir Janus na walang mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha niya.
“Here’s come the cheater,” Casper blurted out when he saw us. I clinched my jaw when I heard that word from him. Cheater, ha!
“Shut up, Mr. Hermosa,” sita sa kanya ng babae at tumahimik naman ito pero pinukulan niya ito ng masamang tingin.
“You know what... Ayokong makipag-ayos sa inyo,” sabi niya.
“Hindi rin ito maaayos hangga’t hindi kita nakikita na nakakulong ngayon,” I fired back and he just grinned.
“Dahil sa ginawa mo sa kapatid ko ay akala mo rin ba mapapatawad na kita ng ganoon lang kadali?” nanunuyang tanong niya. Expected ko na iyon talaga ang sasabihin niya sa akin.
“Hindi ko hiniling iyan sa ‘yo pero sobra ang ginawa mo sa kanya. You reached the point that you killed their bodyguards,” I stated the fact.
“Me as well. Ayokong makipag-ayos sa ‘yo. You almost killed my daughter, and my grandson who watched his Mom’s suffering from that shot. Sa tingin mo ay sino rin ang gugustuhin na makipag-ayos sa ‘yo?” ang malamig na tanong ng Daddy ni El. Halata sa mukha niya ang galit pero naging kalmado pa rin ang pakikipag-usap niya kay Casper.
Naiintindihan ko si Sir Janus. Walang ama ang hindi magagalit sa taong naging dahilan kung bakit napahamak ang anak niya. Na kung bakit muntik na itong mawala sa kanya.
Sa ginawa nga lang ito sa anak ko ay parang gusto ko na rin siyang patayin. Ni hindi ko nakita sa panaginip ko na may baril ang nakatutok sa ulo ni Khai. Parang gusto ko ring makipagpatayan kay Casper. Tang-ina niya. Wala namang ginagawa sa kanya ang bata pero nagawa pa rin niyang takutin ito.
Nagkibit-balikat lamang ito ay balewala sa kanya ang malamig na tingin naming lahat sa kanya.
“Kapatid ko ang dehado. Siya ang naloko ng lalaking ito,” sabi niya at nagawa pa niya akong ituro. Ako lang ang may atraso pero nangdadamay pa siya ng iba.
“Pero hindi mo kailangang damayin ang anak at apo ko!” sigaw ni Sir Janus.
“Apo? Involved din naman ang kapatid ko rito, Mr. Diamente. Siya ang dahilan ng third party, kaya normal lang na magalit ako sa kanya. Ikakasal na sila pero bakit kailangan niyang makisawsaw sa relasyon ng ibang tao?”
“Hindi mo alam ang buong kuwento. Wala kang karapatan para sabihin iyan ngayon sa akin, dahil lang sa third party,” usal pa ng daddy ni El. “Bakit napapalibutan ako ng masasamang tao rito? Na palaging sumisira sa pangalan at imahe ng anak ko,” dugtong niya. Tiningnan pa niya si Casper at ang huli ay si Dad. Umigting lang ang panga ni Daddy. Hindi nagustuhan ang itinawag sa kanya ni Sir Janus. Na kung tutuusin ay totoo naman iyon.
“Bakit, hindi ba ang sarili mo ring ina ang nanira noon sa buhay ng anak ko? Masamang tao ba kamo ang pag-uusapan natin ngayon? Dahil hindi ako magdadalawang isip na sabihin din sa harapan ng anak ko ang ginawa ni Doña Jessebelle,” laban ni Dad. Ayaw niya talagang magpatalo.
“Dad, please. Stop it. Sa halip na ayusin ang gusot sa pagitan niyo ni Sir Janus at sa pamilya ni Chrysler ay mas lalo lang lalala ang isyung ito,” paninita ni Kuya Ryle. Nanahimik naman agad si Dad.
“Puwede po ba nating ayusin na lamang ito? Mr. Barjo, and Mr. Hermosa. Masyado nang nasira ang imahe ni Ms. Jessel. Alam naman po natin na wala namang katotohanan ang mga binibintang ng mga tao laban sa kanya, at alam ko Sir Janus, hangad mo rin ang matiwasay na buhay ng anak niyo. Kaya alang-alang po sa kanya ay makipag-ayos ka na rin po sa kanila,” mahabang saad ng babae.
Nakita ko ang pag-iling ni Sir Janus. “Ang laki ng pinsalang ginawa niya, hija. Sa tingin mo ba ay makukuha lang din sa pakikiusap iyon? May mga tauhan akong namatay at naiwan ang kanilang pamilya dahil sa kanya,” seryosong saad nito at itinuro pa si Casper.
“Wala akong pakialam, gusto ko lang paghigantihan ang kapatid ko at wala ka ring magagawa kapag inulit ko ang ginawa ko,” ani Casper. Walang magpapababa sa sarili nilang pride kaya alam ko kung hindi rin sila magkakaayos ay mas lalo lang magiging komplikado ang lahat.
Mahirap din naman na tanggapin iyon at hindi makukuha sa isang sorry lang lalo pa na maraming nadamay sa gulong ito.
“Magbabayad po ng penalty si Mr. Hermosa at sagot niya rin po ang funeral ng mga tauhan niyong namatay,” suhestiyon ng babae.
“What? Bakit ko gagawin iyon?” iritadong tanong ni Casper sa babae. “Hindi ko tauhan ang mga namatay na iyon. Kaya bakit? Bakit ako bibigyan ng penalty?”
Napangisi ito. “Binayaran mo rin naman ang iilan na bodyguard nila para makuha ang loyalty nila at nagwagi ka sa puntong iyon. Kaya sa tingin mo, sino ang mas nakagawa ng malaking kasalanan sa inyo? Hindi ba ikaw iyon?”
“Seriously?”
“Sir, alam ko po mahirap sa inyo na tanggapin iyon. Pero alang-alang na po sa apo niyo. Nakita niyo naman po na maging siya ay nahihirapan din. Tanggapin niyo na lamang po ang magiging parusa na ipapataw kay Casper Hermosa.”
Bayolenteng bumuntonghininga si Sir Janus at parang nahihirapan talaga siya sa magiging desisyon niya.
“Paano naman ako makakasigurado na hindi na nila gagalawin pa ang anak ko? Na hindi na ito mapapahamak pa?” tanong niya.
“Ako po ang magbabantay sa bawat kilos ng kabilang party at kabilang po roon si Mr. Barjo,” agad na sagot nito.
“At bakit mo naman gagawin iyon? Hindi mo kailangang bantayan ang mga kilos ko o ang manmanan ako. Ibigay mo na lamang ang atensyon mo sa fiancé mo, Ms. Zizalaine Elton.” Fiancé? Kung ganoon hindi lang kakilala ni Casper ang babae? Fiancé niya ito?
Paanong nangyari? Eh, kung titingnan ay parang magkalaban din silang dalawa. Dahil tinulungan niya si El.
“Wala akong tiwala sa ‘yo, Mr. Barjo. Kaya ayaw ko ring ibigay sa ‘yo ang kapatid ko dahil hindi ka rin naman tumutupad sa usapan natin.”
“Kapatid?” bigla ay sambit ko. Ano’ng kapatid ang tinutukoy niya? At ayaw niyang ibigay.
“What was that, Dad?” my brother asked our father.
“Your long lost brother ay kapatid niya rin.” Magtatanong pa sana kami nang bigla na lamang umalis si Sir Janus pero bago roon ay huminto muna siya.
“Mabigat pa rin sa loob ko ang makipag-ayos sa kabilang party. Pero mag-uusap pa rin tayong tatlo. Tayo lang tatlo para mas malinawan na tayo sa deal natin at sa mabigat na parusa niyo. Hindi puwedeng hindi kayo mabibigyan ng parusang deserve niyong matanggap. Hindi niyo na puwedeng pakialamanan pa ang buhay ng anak at apo ko... At...” Tumingin pa siya sa direksyon ko. “Hayaan niyo ang ama ng aking apo na makasama ang mag-ina niya na hindi na mangangamba sa kaligtasan nilang tatlo,” habilin pa niya na muntik kong ikaiyak dahil senyales na gusto pa rin niya ako para sa anak niya.
Na hindi rin siya magiging katulad ni Dad na magiging hadlang din sa amin ni El.
“At para sa ‘yo, Mr. Eryx.” Napatingin ako sa babae.
“What is it?”
“Kailangan niyo nang magpa-set ng schedule para sa interview niyo or press conference. Kung gusto mo pa ring linisin ang reputasyon ng asawa mo.” Sa sinabi niya ay alam kong may nalalaman na rin siya tungkol sa nakaraan ko, namin ni El.
Pero paano ko gagawin iyon? Kung hindi naman namin napag-uusapan iyon ni El. Dahil baka may mauungkat na naman sa nakaraan namin. Kukuwestiyunin na naman kami na kung paano kami nagkakilala?
Na saan kami unang nagkita at ang tungkol kay Alkhairro? Paanong nagkaroon kami ng anak na 12 years old na? Malalaman din nila kung ilang taon ako sa mga oras na nabuo namin ni El ang anak namin.
O kung malalaman din nila na minor de edad pa ako nang ikasal kami ni El at higit sa lahat. Alam kong itatanong din nila na kung bakit kami naghiwalay. Ano ang dahilan ng lahat ng iyon?
Magugulat lang sila dahil sa tagal na ng panahon ang nakalipas ay ngayon lang namin naisipan ang maging buo? Na kung kailan ay may alam na sila sa relasyon namin ni Chrysler.
Shit... Ang komplikado...
“I’ll think about it,” I said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top