CHAPTER 54
Chapter 54: Memories & weakness
KINUHA ko ang phone ko para i-text sana si Khai. I know na nasa school siya at this moment but I want to check him up. Isang kamay ko na lamang ang magagamit ko at sana ay mabilis pa rin ang recovery ng hand injury ko.
Mahihirapan akong gumalaw at magtrabaho kung baldado na ang isang kamay ko. Kapag nakita pa ito ni Khai ay baka hindi na ako hahayaan no’n na maggagalaw pa sa condo namin.
Baka siya na ang gagawa pa ng lahat na gawain sa unit namin. Hindi ko magagampanan ang responsibility ko as his mother.
Nang mapindot ko na ang call button ay ‘saktong nakarinig kami nang malakas na pagsabog sa likod ng sasakyan namin. Napatili pa ako dahil sa gulat at mabilis na napayuko.
“Ano iyon?”
“Sir Liz, ang kotseng nasa likuran po natin ang sumabog,” narinig kong saad ng isang bodyguard ko, na ngayon ay nagmamaneho na. Si Liz ang head team na tauhan ni Dad.
“W-What happened, Liz?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. Bakit sumabog ang car sa likod namin?
“Yumuko lamang po kayo, Ms. Jessel. Don’t ever stop the car at diretso lang--” naputol ang sasabihin ni Liz nang tila may dumaan malapit sa mukha niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na nabasag ang windshield ng sasakyan.
Pumintig nang mabilis ang puso ko dahil sa posibleng naisip ko na bala iyon at nang sunod-sunod na ang pagpapaputok nila ay umalis na ako sa kinauupuan ko, nahirapan pa ako dahil sa suot kong seatbelt at halos sa sahig na ako umupo. Todo yuko pa ako dahil sa takot na matamaan ako ng ligaw na bala.
Nanginig ang mga tuhod at kamay ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Nakita ko pa sa sahig ang phone ko at nasagot na pala ng anak ko ang tawag ko. Hindi ako nagsalita at basta ko na lamang pinatay iyon. I know my son is worried now. Dahil narinig na niya ang lahat ng nangyayari ngayon sa amin.
I’m so sorry, Khai. Tatawag na lamang ako sa ‘yo later, kung nasa safe na lugar na ba kami. But I don’t think so... But for my son, and Rykiel... I’ll be safe...
Kahit na masyadong magulo at delikado. Kahit walang sinasabi si Liz sa akin ay alam kong hindi na maganda ang sitwasyon namin ngayon.
Bumilis ang pagmaniobra ng sasakyan at napasilip pa ako kay Liz nang may hawak na siyang malaking baril. Tumatalsik na ang iilan na salamin ng bintana, I tried to protect myself at hanggang sa huminto na ang kotse. Nauntog ang ulo ko pero hindi ko na ininda pa ang sakit na iyon. Napaiyak na ako sa takot at doble-dobleng kaba.
“Civex, ano man ang mangyari ay protektahan mo si Ms. Jessel. May nagtraydor sa atin, tauhan iyon ni Mr. Eryx,” malamig na saad ni Liz.
“Sir...”
“I’ll cover you, ilabas mo lang sa loob ng sasakyang ito si Ms. Jessel.” Pagkasabi ni Liz sa mga katagang iyon ay saka siya bumaba at tinawag ko pa siya pero hindi na niya ako sinagot pa.
I’m so worried about them. He’s one of the bodyguard na pinagkakatiwalaan ni Dad.
“Liz... B-Be careful...” I whispered.
Ang paulit-ulit na malakas na ingay lang ang maririnig ko. Dahil nga sa takot ko at halos hindi ko na namalayan pa ang lahat, nakababa na kami mula sa sasakyan. Nakaharang sa katawan ko ang isang bodyguard ko at patuloy lang kami sa pagtakbo papalayo. Ang akala ko ay hindi na babalik pa si Liz. Pero pagkatapos na marinig din namin ang malakas na pagsabog ulit ay nakasunod na pala siya sa amin.
Pero parang namanhid ako nang maramdaman ko ang mariin na pagkirot sa kaliwang tagiliran ko. Napahawak ako roon para lamang mahilo nang makita ko ang dugo sa kamay ko. Nanikip ang dibdib ko.
“M-May tama po si Ms. Jessel, Sir Liz!”
Dinukot naman nito ang puting panyo niya at ibinigay sa akin. “Idiin niyo lamang po iyan sa sugat niyo para kahit papaano po ay mapigilan ang pagtulo ng dugo,” sabi niya sa akin at naiiyak na napatango ako.
Wala pa ring tigil si Liz sa pagpapaputok sa likuran namin at takbo nang takbo lang kami para makalayo na sa kapahamakan na ito, hanggang sa may asul na sasakyan ang huminto sa harapan namin.
Mabilis na tinutukan nila ang driver no’n at bumaba ang salamin ng bintana.
“Need help?” tanong ng babae sa amin. Maikli ang buhok niya at may shades pa siya sa ulo. Walang nababakasan na kahit ano’ng emosyon ang mukha niya.
Umatras patalikod sina Liz kaya nadala rin nila ako. Until we saw the young boy sa backseat.
“Bad guys are chasing you, guys. Hurry up and hop in! We’re not enemy!” sigaw nito at kumaway pa. Tiningnan ko naman ang mga kasama ko at nang makita nila ang reaction ko ay wala na rin silang choice kundi ang sumama na lamang kami.
“If you want, you can drive my car,” sabi pa ng babae at lumipat na sa backseat. Nang maayos na ang pagkakaupo ko ay saka lang din sila nag-settle sa unahan.
“Ate Zizalaine, she have wounds po,” the little boy told the girl.
“We’ll go to the hospital.”
“No, she’s not safe there,” mabilis na agap ni Liz at nagkibit balikat na lamang ang babae.
Napatitig naman ako sa batang lalaki na mas bata ng isa o dalawang taon kina Khai. Ang hitsura niya... He exactly looks like Zules...
“W-Who are you?” mahinang tanong ko at bayolente na ang paghinga ko.
“I think you could lose your blood too much, Miss. Ate Zizalaine, she’s maputla na po,” sabi na naman nito.
“Ms. Jessel, puwede po bang si Sir Arzeil na lamang ang tawagin niyo? Hindi ka po namin puwedeng dalhin sa hospital,” suggestion nila.
“Si R-Rykiel?” nag-aalalang tanong ko. Nakalayo na kaya siya? Hindi naman siguro siya napahamak, ‘di ba?
Dahil kung ang daddy na naman niya ang may pakana nito ay alam kong hindi naman sasaktan no’n ang sarili niyang anak. He don’t do that. Mas pipiliin pa niyang mapahamak ang ibang tao kaysa kay Rykiel.
Hindi ko na narinig pa ang pagsagot sa akin ni Liz dahil parang nawala na ang pandinig ko. Kahit nakikita ko pa rin ang paggalaw ng mga labi nila ay wala na akong naririnig pa na kahit ano’ng tinig.
Masakit ang tagiliran ko na may kung ano rin ang bumaon do’n sa balat ko at tila sinusunog din siya. Lumalabo na rin ang paningin ko at pakiramdam ko ay kakapusin na ako nang hininga in no time. Nagtaas baba na nga ang paghinga ko at naninikip na ng husto ang dibdib ko.
“Miss...” Huminga ako nang malalim at kasabay no’n ay nawalan na ako nang malay.
I just woke up that I couldn’t feel anything, at maingat na hinawakan ko pa ang tama ng baril sa tagiliran ko kanina. Ano kaya ang nangyari at wala na akong nararamdaman pa na kahit ano sa katawan ko? Kahit ang sugat ko ay parang ang manhid na rin. Hindi ko na maramdaman pa ang pananakit niya.
“J...” Boses iyon ni Arzeil. Baka ang mga bodyguard ko na ang tumawag sa kanya.
Hindi ako nakapagsalita agad dahil tila may tumatakip sa bibig ko at nang hawakan ko iyon ay oxygen mask pala. Kaya pala maayos ang paghinga ko at hindi ako nahihirapan.
Tiningnan ko si Arzeil na nakatayo lamang sa gilid nang kinahihigaan ko. I removed the oxygen. “N-Nasaan ako, Azz?” tanong ko sa mahinang boses as I stared at my right hand. May cast pa rin iyon.
“Nasa condo kita. Ayos na ba ang pakiramdam mo, J?” he asked me.
“M-May sugat ako, ‘di ba? B-Bakit wala ako man lang akong m-maramdaman?” naguguluhan na tanong ko sa kanya. Inaasahan ko na paggising ko ay ang sakit na iyon ang unang mararamdaman ko.
“Dahil ‘yan sa pain reliever and anesthesia na itinurok sa ‘yo ni Ishie kanina. Malalim ang sugat mo at kinailangan ka pa naming salinan ng dugo. Ang daming nawala,” his explanation at ipinakita naman niya sa akin ang kaliwang braso niya. Ngayon ko lang nalaman na same blood type pala kami. Halata naman na siya ang blood donor ko. Dahil sa band-aid niya.
“T-Thank you, Azz... Ilang oras ba akong nakatulog?” I asked him.
“Isang oras ka lang walang malay but actually it’s almost two hours. The news that you died as they thought ay trending ngayon sa social media, that fast na kumalat ang balitang iyon. You know the media, lalo pa na mainit pa ang issue niyo ni Eryx, because of the third party. By the way, J hindi ko pa natatawagan ang parents mo dahil hinintay kitang magising. Your phone, kanina pa tumatawag si Alkhairo pero hindi ko sinasagot. Hinintay kitang magising,” he stated.
He handed me my phone at para lamang makita ang maraming missed calls ni Khai. “Khai...”
“He must be worried, try to contact him at sa ngayon din ay wala munang makakaalam na buhay ka at nandito ka sa condo ko. Hangga’t hindi pa namin nakakausap ang Dad mo. Importante ang safety mo,” he said and I nodded.
“Thanks again, Azz,” nakangiting pagpapasalamat ko ulit sa kanya.
“You’re welcome,” he said with a smile. Bago pa man siya umalis ay agad na akong nagsalita.
“W-Wala naman sigurong masama kung... tatawagan ko si Rykiel, ‘di ba? Baka k-kasi... nag-aalala na iyon sa akin. Siya ang nakiusap sa akin na lumipat ng ibang sasakyan, dahil sa daddy niya,” mahinang saad ko.
“I know Eryx. Alam ko na hindi niya magagawa ang ipahamak ka. Lalo na nalaman niya na anak niya si Alkhairo. Hindi siya gagawa ng isang bagay na ikasasakit mismo ng sarili niyang anak at alam ko... may ibang tao ang nasa likuran ng insidenteng iyon,” sabi niya at tipid na napangiti na lamang ako. “Maiiwan na muna kita rito.” Muli akong tumango.
Huminga muna ako nang malalim saka ko tinawagan ang phone ni Rykiel. May tiwala ako sa kanya. Tama si Arzeil, hindi niya iyon magagawa saka nakita ko na ang mga effort niya. Ayokong umabot sa puntong pagdududahan siya. Kitang-kita ko ang sincere na pag-aalala niya sa akin.
Akala ko ay hindi na niya sasagutin pa ang tawag ko kasi ring nang ring lang ng phone niya ang maririnig ko from the other line but I heard his voice already.
“H-Hello?” Base on his voice ay parang umiyak siya? Garalgal kasi ang boses niya at naririnig ko pa sa background ang ilang beses niyang pagsinghot.
“Rykiel...” I uttered his name.
“E-El?” I’m not sure if I heard it right that he mentioned my nickname but... Hindi iyon ang mahalaga sa ngayon. Gusto ko silang makita ni Khai at para malaman nila na ligtas ako.
“P-Puntahan mo ako... Isama mo si Khai...” sambit ko.
“I-Ikaw ba ‘yan, El?” sa halip ay tanong niya ulit sa akin. Hindi na nga ako nagkamali na El ang tawag niya sa akin ngayon.
“Dad...” Napangiti ako nang marinig ko rin ang boses ni Khai. Magkasama sila at this moment and no doubt na alam na nga rin nila ang nangyari sa akin kanina. Kaya siguro...hindi makasagot sa akin nang maayos ang daddy niya. Dahil siguro sa gulat niya.
Nabigla yata siya na marinig ang boses ko? Ano kaya ang naisip niya? Na totoong wala na talaga ako? Mabilis ngang kumalat ang balita and I know ganoon na nga ang nangyari.
“Is that...our son? Can I talk to him?” I asked him, he remained silent but later on I heard my son’s voice.
“Hello?” Khai answered.
“My baby Khai...” I uttered.
“Mom? I-Ikaw po ba ‘yan, M-Mommy?” he asked me. Halos mabasag ang boses niya and he seems gulat din.
“Pinag-alala ko ba kayo, son?” tanong ko.
“I-Ikaw nga po ‘yan, Mommy...”
I heard him crying. May kung ano sa puso ko ang kumikirot but I endure that. Ayaw ko rin talaga siyang nakikitang umiiyak.
“D-Don’t cry, baby... Mommy is okay, I’m sorry kung ngayon lang ako nakatawag... Pinag-alala ko nga kayo ng daddy mo,” wika ko.
“I thought, M-Mom...” umiiyak na sabi niya sa kabilang linya. Na hindi naman niya masabi-sabi sa akin nang diretso.
“I’ll text the address kung nasaan ako ngayon para makapunta kayo ng daddy mo, son. Maghihintay si Mommy,” ani ko saka ko ibinaba ang tawag. Alam ko naman kung saang condominium ito kaya hindi na ako nag-abala pa to ask Azz about his condo’s address.
Inilapag ko rin sa tabi ko ang phone ko dahil parang bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Inaantok ako at ibinalik ko ang oxygen mask ko dahil parang nahihirapan ulit akong huminga. Hindi ko na nga rin namalayan pa at nakatulog na ako.
Naalimpungatan lang ako nang marinig ko ang mahihinang bulong, na tila tinatawag ako. Hindi ko nga lang masyadong maintindihan.
“M-Mommy...”
“E-El...”
Mabigat din ang kanang kamay ko na parang may humahawak no’n. Hindi naman siya masakit.
“Wake up, Mom... I-I want to hear your voice again... Please, wake up...”
Dahan-dahan na akong napamulat ng tuluyan ko nang narinig ang boses ng anak ko. I feel safe again when I saw them both. Kahit na halatang umiiyak silang dalawa, but oh, they are crying alright. Pulang-pula ang mga mata nila at ilong.
“Baby,” Rykiel uttered.
“H-Hi...” I greeted them. Hawak nila pareho ang kamay kong may injury.
“You’re safe, M-Mom... You’re here...” Khai said at dumausdos pababa sa magkabila niyang pisngi ang kanyang mga luha. Gusto kong punasan iyon.
“It was almost two hours when I disappeared suddenly,” I blurted out. “You miss me that much, baby?” I asked my son. He cried at my tummy and all I can do is to hug him back as I caressed his hair.
Nag-usap pa sina Rykiel at Arzeil at sinabi nito ang kalagayan ko, and about the incident too. Hindi na naman maipinta ang mukha niya at mukhang galit na galit na naman siya sa daddy niya. He clinched his teeth.
“Khai, tawagan mo sina Mom and Dad. H-Hindi pa nila alam ang tungkol sa akin,” pag-uutos ko kay Khai at tumango lang siya bilang tugon. Tinawagan nga niya ang grandparents niya pero hindi umalis sa tabi ko. Nanatiling nakaupo siya sa gilid ng kama ko at si Rykiel naman ang tinitigan ko.
“You don’t deserve this pain...” umiiling na sabi niya.
“I think so,” sabi ko lang.
“Hindi ko na talaga mapapatawad pa si Dad. Nagawa ka niyang ipahamak,” mariin na saad niya na may lamig din sa kanyang boses.
“D-Do you think, Rykiel... makakaya niya talaga akong patayin?” seryosong tanong ko. Alam namin pareho na marumi kung kumilos ang daddy niya pero kung totoong papatayin niya talaga ako ay sana pati ang isang sasakyan ng bodyguards ko ay isinama niyang lagyan ng bomba, dahil posible na magkakaroon lang kami ng option kung saan ako sasakay talaga at nangyari na nga iyon.
Pero ang isa pa rin ang nilagyan nila at ang sabi rin nina Liz kanina ay nagtraydor ang mga tauhan ni Rykiel.
“Sa dami nang nagawa niya ay hindi na ako maniniwala pa. Pinapaikot lang niya ako simula pa sa umpisa,” malamig na sabi niya.
“But your bodyguards that you hired for me...”
“Mga tauhan din iyon ni Dad. No wonder na mas malakas pa rin si daddy sa kanila kaya nagawa nila akong traydurin,” aniya. “Hindi pa ako nakalalayo nang makarinig ko ang pagsabog, that fvcking shet nang makita ko ang tatlong sasakyan. But I’m not even sure kung may naririnig pa ba akong maraming putok ng baril dahil napako lang ang tingin ko sa nasabog na sasakyan. T-Takot na takot ako nang makita ko iyon... Sinisisi ko ang sarili ko,” mahabang saad niya at kumislap ang mata niya dahil sa nagbabadya niyang mga luha.
He kissed the back of my hand, iyong naka-cast pa. Hindi niya lang iyon hinigpitan dahil baka nag-aalala siya na masaktan ako.
“What matter is... I’m fine now... Hindi ko naman gaano nararamdaman ang sugat ko,” sabi ko para hindi na niya sisisihin pa ang sarili niya. Hindi naman niya kasalanan iyon.
“El...” My heart skips a bit when he called my name again, na siya lang talaga ang tumatawag no’n sa akin. Malinaw ko na ngang narinig ang pangalan ko.
“Hmm? You called my nickname that only my husband...” I couldn’t finish my words when a lone tear escape his eyes. “R-Rykiel...” nag-aalalang sambit ko sa pangalan niya dahil nanginginig ang mga labi niya.
“N-Naalala mo ba ang s-sinabi sa akin ng kaibigan mo at ang asawa niya? Para bumalik daw ang alaala ko?” tanong niya sa akin na ikinatango ko. “To fight my weakness at ang akala ko rin ay ang trauma ko na talaga sa nakaraan ang kinakatakutan ko o ang kahinaan ko. Kailangan kong labanan iyon, naisip ko rin naman na iyon din ang ways para makaalala ako. Because every time my traumatic will be triggered... I can remember my memories but... hindi rin iyon magtatagal kapag nawawalan na ako ng malay... Makakalimutan ko pa rin if I woke up... Sa nangyari kanina ay hindi nga iyon ang kahinaan ko... Ikaw iyon, El... Just thinking about losing you... Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa, and Khai... He made cry too,” sabi niya at sinulyapan pa ang anak namin.
Lumapad ang ngiti ko nang dinala niya sa dibdib niya ang ulo nito at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Khai. Hindi siya nailang na gawin iyon. Dude, we have a big baby already.
“Then? Why did you call me that?” I asked him.
“I remember you... My past, the memories kung saan kasama rin kita,” sabi niya at ako naman ang natigilan. “You’re not just the mother of my son, you’re my wife... We’re married... Miss...”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top