CHAPTER 51
Chapter 51: Flashback (Against/death)
NAGBALIK sa realidad ang pag-iisip ni Rykiel nang makarinig na siya ng siren ng ambulansya at police car. Nagkakagulo na sa paligid niya at halos mabingi na siya sa ingay ngunit nanatili siyang nakaluhod sa gitna ng kalsada.
Malakas pa rin ang kabog sa dibdib niya at nananakit nang husto ang kanyang ulo. Parang paulit-ulit itong pinukpok ng martilyo na kulang na lamang talaga ang pumutok ito.
Napatingin siya sa kamay niya, particular na sa daliri niya na suot-suot niya ang singsing...
Ang wedding ring nila ni Jessel... Ngayon... Ngayon niya lamang naalala iyon. Ngayon lang bumalik sa kanya ang mga alaalang iyon na matagal na niyang gustong balikan.
Sa nanghihina niyang mga tuhod at panginginig ay dahan-dahan na siyang tumayo at naglakad nang diretso. Hanggang sa maalala niya rin ang sitwasyon ng dalaga...
Ang asawa niya...
“El! El!” malakas na sambit niya sa pangalan nito at sinubukan na niya ang tumakbo pero may mga pulis ang humarang sa kanya.
“Sir, bawal po kayong lumapit dito...”
“Let me go!” sigaw niya pero hindi naman siya pinakinggan. “I said let me go! N-Nandiyan ang asawa ko! Ang asawa ko ay nasa kotseng ‘yan! Padaanin niyo ako!” sigaw niya at nagpupumiglas na siya para lamang makawala sa mga ito.
“We’ll check it first, Sir. Hindi ka puwedeng lumapit pa sa mga sasakyan na sumabog,” giit nito sa kanya.
“K-Kanina ko lang siya iniwan dito! She was with her bodyguards! She’s still fine when I left her!” he shouted from the top of his lungs. “Dàmn it. Jessel... El... N-Nandito na ako... I’m sorry... I’m very sorry, baby...” umiiyak na sambit niya at nagmistulang ulan ang mga luha niya.
FLASHBACK
“I’m sorry.” Napatitig siya sa senyorita nang bigla itong nag-sorry sa kanya. Kinabukasan lang ay bumalik na siya sa trabaho niya sa hacienda.
Hindi na siya napilit pa ng lolo niya dahil maayos naman na ang kalagayan niya. Magaling na siya pero si Doña Jessebelle lang din ang pumigil sa kanya sa pagtatrabaho niya. Ang ginawa niya ay sinamahan ulit si Señorita Jessel sa talon at hindi na katulad nang dati na basta-basta na lamang itong maghuhubad sa harapan niya.
“Para saan iyon?” seryosong tanong niya.
Bumaba ang tingin niya sa dalawang daliri nito na pinagdikit ang dulo. Senyales ba ‘yon o ano? Hindi niya maintindihan.
“A-Akala ko kasi noong una ay...same age lang tayo, kaya okay lang kung maghu-- you know...” sambit nito sa kanya.
“Humihingi ka ng sorry ngayon sa akin dahil sa nalaman mo na menor de edad pa ako at ilang beses ka na ring naghubad sa harapan ko mismo?” malamig na tanong niya at napatikhim pa siya. Mabilis itong Nag-iwas nang tingin sa kanya at napahawak pa sa magkabilang pisngi na nahuli niya ang pamumula rin nito.
“S-Sanay na kasi ako...sa Manila... Kaya--”
“Kahit na kasing edad mo pa ang isang lalaki ay hindi ka rin puwedeng basta na lamang maghuhubad sa harapan nila. Hindi iyon nababagay para sa isang babae na katulad mo,” pangangaral pa niya. Napanguso ito kaya mas lumalaki ang gatla sa kanyang noo. Mahilig talaga itong gawin iyon.
“Malaki pala ang age gap natin. Pero parang mukha ka pang mas matanda kaysa sa akin. Ang aura mo, the way you talk... Your attitude at lahat-lahat na ay parang hindi bagay sa edad mo. Like, gosh... You’re just thirteen years old and too young!” nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
Siya naman ang nanliit sa sarili niya dahil aminado naman siyang bata pa siya pero hindi yata maganda ang ideyang itatrato siya nito na parang bata rin at iyon na nga ang ginawa ng senyorita.
Madalas nitong banggitin ang pangalan niya, Rykiel the young boy at naiinis na siya. Kulang na lamang ay busalan niya ng panyo ang bibig nito para lang huwag na niyang marinig iyon pero hindi naman niya magawa dahil mas gusto niyang pakinggan ang pangdadaldal nito sa kanya. Hindi buo ang araw niya kung hindi niya marinig ang boses nito
END OF FLASHBACK
Sa San Francisco, doon nga niya unang nakilala si Jessel Diamente at tama ang hinala niya na nagkakilala na sila sa hacienda pero mariin na tiantanggi pa rin nito ang bagay na iyon.
He doesn’t sure kung bakit tila may inililihim ito mula sa kanya pero... Sunod-sunod pa rin na nagpapakita kay Rykiel ang mga alaala niya.
“Halos hindi na makilala ang taong nasa loob ng kotse. Kung nandiyan ang asawa niyo ay hintayin niyo na lamang po kami na matapos sa imbestigasyon,” ang sabi sa kanya ng isa sa opisyal ng pulisya pero marahas siyang umiling.
“I want to see my wife now!” sigaw niya at kasabay nang pagtulak niya sa dalawang pulis na nakahawak ngayon sa kanya. Nilapitan na niya ang kotseng sumabog at ayaw sana niyang kumpirmahin na nandoon nga si Jessel, na iyon din naman ang huling nakita niya na sumakay ito pero hindi kaya ng puso niya na malaman ang katotohanan. Na posibleng...
Malakas na sumigaw na lamang siya at nagpatianod na lamang sa mga taong humihila na sa kanya ngayon.
“Kasalanan ito ni Dad! K-Kasalanan niya ang nangyari!” Hindi na siya hinabol pa ng mga ito nang makita ang pagmamadali niyang pagsakay sa kanyang kotse at nang pinaharurot na niya ito ay saka lang nagsidatingan ang mga media dahil sa insidenteng nangyari.
Nag-uulap ang kanyang paningin dahil sa mga bumubuhos niyang luha at hindi na siya nag-abala pa na punasan iyon. Nasasaktan siya... Nasasaktan siya dahil sa isang idlap lang ay nawala sa kanya ang babaeng mahal niya. Hindi niya matatanggap iyon, hinding-hindi.
Halos magdugo na ang palad niya sa kapupukpok niya sa manibela dahil sa sobrang galit at hinanagpis na naghahalo-halo rin ito sa huli.
Hindi na niya namalayan pa ang oras at nakarating siya sa hotel na deretso sa hotel room ng daddy niya. Parang sa mga oras na iyon ay gusto niyang saktan ang daddy niya at alam niyang mawawala na naman siya sa sarili niya.
Sa hotel din sana magaganap ang kanilang kasal pero seryoso siya na hindi talaga siya sisipot. Ilang beses na rin niyang pinigilan ang daddy niya pero hindi naman ito nakikinig sa kanya.
Mabuti na lamang ay agad siyang nakapasok kahit sobrang dami pa ng mga tao.
“Eryx?” Sinalubong siya ng Kuya Ryle niya at nakasunod naman ang asawa nitong si Zinia.
“Where is Dad?” malamig na tanong niya.
“Bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba?” nag-aalalang tanong nito sa kanya at naalala niya ang asawa niya kaya muntik na siyang mawalan nang balanse. Mabuti na lamang ay mabilis siyang naalalayan ng nakatatanda niyang kapatid.
“Are you okay, Eryx? You look so pale,” his sister-in-law said at maging ito ay humawak na rin sa braso niya.
“Si Dad... N-Nasaan siya? Gusto ko siyang makita ngayon!”
“Eryx, maraming media sa loob ng hotel. Relax,” pagpigil sa kanya nito. Tinanggal niya ang kamay ng kapatid niya.
“Wala akong pakialam, Kuya. Gusto ko lang kausapin si Dad kung may ginawa ba siya sa mga sasakyan ng bodyguards ni El!” nanggagalaiting sigaw niya at mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamao.
Naguguluhan na napatitig naman sa kanya si Ryle sa pangalan na binanggit niya.
“Hayan ka na naman sa El-El mo, Eryx. What just happened?”
Dumistansya naman ang asawa ng kapatid niya dahil sa paglapit niya kay Ryle. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at marahan na niyugyog.
“A-Alam ko, Kuya... Alam ko na ang lahat na pilit namang itinatago sa akin ni Dad... Naaalala ko na ang nangyari sa akin 12 years ago!” saad niya na may kalakasan pa ang boses.
“W-What? What and how? Eryx, you force yourself to remember your past again?” malamig na tanong sa kanya nito.
“I want to talk to Dad! Hindi niya talaga kami tinitigilan ni El!”
“What are you talking about, Eryx? Hindi ba sinabi mo sa amin na hindi ka susulpot sa kasal niyo ni Chrysler, so what are you doing here?”
“Kuya... B-Bakit sa p-pangalawang pagkakataon na m-mahulog ulit ang loob ko sa asawa ko ay ngayon naman si Dad ang magiging hadlang? Siya na naman ang makikialam sa amin?” may hinanakit na tanong niya. “Bakit ayaw nila kaming tantanan!” sigaw pa niya.
“Eryx, ano ba talaga ang nangyari? Sabihin mo sa akin para maintindihan kita! Hindi ‘yong sumisigaw ka na lang o susulpot dito kung gugustuhin mo! Nasa public place pa rin tayo hanggang ngayon!” sigaw rin ng kanyang kapatid at nilapitan ito ng asawa nito.
“'Dy, kung sisigawan mo rin ang kapatid mo ay mas hindi kayo niyan magkakaintindihan pa. Kausapin mo siya nang masinsinan. Don’t be like that and Eryx, calm down. Take a breath, it seems any moment ay isusugod ka na sa hospital. Calm down, okay? Hindi man namin alam ang nangyari but everything is gonna be alright,” marahan ang boses na pagpapakalma nito sa kanilang dalawa. He shook his head. Zinia tapped his shoulder. “Take it easy...”
“S-Sabihin niyo nga sa akin... Paano ako kakalma? Paano ako magiging kalmado kung makikita ko ang sasakyan na sumabog kung saan ko huling nakitang sumakay si El, Kuya? Paano?! Sabihin mong paano pa ako kakalma?!” umiiyak na sigaw niya.
“Who’s El? Is she the girl you were talking about, the same woman you saw in your dream, Eryx?” she asked and he nodded. “What happened to her?”
“Dad called me, binabantaan niya ako sa gagawin niya kay Chrysler kapag hindi ako nagpakita sa kanya at napilitan akong ilipat sa k-kabilang kotse si El... H-Hindi pa ako nakalalayo nang makarinig na ako n-nang m-malakas na pagsabog... At n-nakita ko... Shet... This fvcking shet happened!” Napahilamos siya sa mukha niya as the another batch of his tears burst out.
“El?”
“It’s my...Jessel, Kuya... She’s my wife and I forgot everything about her! Kasalanan ito ni Dad! K-Kasalanan niya ang lahat ng ito!” he shouted and blaming his father.
Sa puntong iyon ay si Ryle naman ang nakaramdam ng galit sa kanilang ama kaya mabibilis ang bawat paghakbang niya na nagtungo sa isang pintuan kung saan na nandoon pa sa mga oras na iyon ang kanyang ama, sa hotel suite nito mismo.
“'Dy, where are you going?!” tanong ng asawa niya pero hindi na niya pinansin pa ito ngunit sumunod naman sa kanya.
Malakas na sinipa niya ang pinto at bumukas ito agad. Nadatnan niyang nakatayo malapit sa bintana ang daddy niya at kunot-noong tinititigan siya nito. Kung may nangyari man sa ina ng pamangkin niya ay alam niya ang kanilang ama ang may kasalanan. Ito lang ang may masamang motibo kay Jessel.
“What’s with the looks, son?” He didn’t answer his dad. He approached him and grabbed the collar of his coat, as he choked him.
“I told you already, Dad. Leave Eryx alone! Kung dati ay hinahayaan ko lang kayo because you’re just concerned with my brother’s sake! But not now na umabot pa sa puntong may papatayin kayo! Dad, what did you do to Jessel?! Eryx had just told me the incident! Bakit sumabog ang sinasakyan niya kanina?! Did you just put the bomb on their car?! Why can’t you respect your grandson’s mother?! Just like Eryx, Dad. Leave her fvcking alone! Isipin niyo na lang po ang mararamdaman ng bata sa ginawa niyo sa parents niya! Gusto niyo bang dagdagan pa ang galit sa inyo ni Eryx?! At magalit na rin sa inyo ng tuluyan si Ryx?! Dad...saan niyo po kinukuha ang galit niyo?! Bakit galit na galit ka sa pamilyang iyon?!” sunod-sunod na tanong niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ng damit nito.
Ngunit nanatiling walang emosyon ang kanyang ama at dahil sa nakuha niyang reaksyon nito ay mas lalo siyang nagalit.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na bigyan ito nang malakas na suntok sa may panga at kasabay na narinig niya rin ang pagtili ng asawa niya sa kanyang likuran.
“Ryle Filex! Ano ba ang ginagawa mo?!” hinawakan ng asawa niya ang braso niya para hindi na niya malapitan pa ang daddy niya na diretsong bumagsak sa gilid ng kama. Sapo-sapo nito ang leeg na tumama sa may gilid ng kama.
“I hate you, so much, Dad. Lahat na lang ng bagay ay ginagawa niyong komplikado at hindi na ako magtataka pa na kung si Zules naman ang magmamahal sa isang babae ay hahadlangan mo na naman sila! Ganyan na ganyan din ang ginawa mo sa amin, Dad... I almost lost my wife and my son just because of you! And now! Ang babaeng mahal na naman ng sarili mong anak, Dad? You know what, Dad? Ikaw na yata ang pinakamasamang ama na nakilala ko sa buong buhay ko,” malamig at walang emosyon na saad niya.
Ngayon niya lang ulit sinagot-sagot ng ganoon ang kanyang ama. Hindi naman iyon ang unang beses na nagalit siya rito.
Sa ganoon ding posisyon naman sila naabutan ng kapatid niya at sumugod din sa daddy nila. Hindi niya pinigilan si Rykiel sa ano man ang gagawin nito.
“You’re unbelievable, Dad. Bakit ba ayaw mo sa babaeng mahal ko?!”
“Yes! I don’t like her! Hinding-hindi ko magugustuhan para sa ‘yo ang babaeng iyon dahil apo siya ng taong nanakit sa ‘yo noon, Eryx! Kaya ginawa ko ang lahat para hindi mo na siya maalala pa! Pero matigas ang ulo mo at palagi mo akong sinusuway!” sigaw ng daddy nila at marahas na nagpumiglas ito.
Napahinto naman si Rykiel dahil sa sinabi nito at sa mariin na pagpikit niya ay muli siyang nabalot ng alaala ng nakaraan.
FLASHBACK
“Are you out your mind, Jessel?! Ano’ng magpapakasal?! You’re too young and he as well!” sigaw ni Doña Jessebelle sa kanila nang sabihin nila ang planong naisip nila.
Sa loob ng tatlong taon ay parehong may namumuong feelings sina Señorita Jessel at Rykiel Eryx, hindi nila napigilan ang damdamin na iyon at hindi rin mahalaga sa kanila ang mga negatibong komento na matatanggap nila mula sa mga tao.
Matagal na nilang pinaghahandaan ang lahat ng ito at ngayon lang sila nagkaroon nang lakas ng loob na aminin ang nais ng kanilang mga puso pero humadlang pa rin ang Grandma ni Señorita Jessel. Halatang ayaw nga sa kanya ng donya.
“G-Grandma...”
“Uuwi ka na sa Manila! Dapat noon pa man ay pinahatid na kita sa inyo bago pa man mahulog ang loob mo sa isang...” Tiningnan ng donya mula ulo hanggang paa ang binata at umiling na tila mananakit ang ulo nito. “It can’t be, Jessel. Iuuwi kita!”
“No, Grandma! Alam na po ‘to ni Dad! And he’s not against naman po sa relationship namin ni Rykiel! As long as we love each other, Grandma!” pagdadahilan ng dalaga sa kanyang lola pero tanging pag-iling lamang nito ang ginagawa at mababasa mukha nito ang sobrang pagkadismaya sa kanya.
“Don’t talk to me like that, Jessel! I’m still older than you and I am your grandmother!” sigaw nito at malakas na sinampal ang sariling apo. “Hindi mo alam ang totoong pagmamahal na sinasabi mo! Love is the most dangerous thing in the world, don’t you know that?!”
Rykiel pulled his girlfriend’s arm para makalayo na ito sa donya at hindi na masasaktan pa sa mga kamay nito pero maging siya ay hindi nakatakas sa pagiging marahas nito. Dumapo rin sa kaliwang pisngi niya ang palad nito. Namanhid ang kanyang pisngi.
“Grandma!”
“Just because of this dirty young man ay magkakaganyan na ngayon?! Nagsisisi ako na kung bakit kita ipinagkatiwala sa kanya! Kung alam ko lang na ito ang mangyayari ay hindi na rin kita hinayaan na manatili pa rito nang matagal sa hacienda!”
Alam ni Rykiel na mangyayari ang bagay na ito. Nagmula sa mayaman na pamilya ang dalaga at inaasahan na niya na hindi siya matatanggap nito agad. Hindi katulad ng nobya niya na hindi siya tinanggihan at gagawa pa rin siya ng paraan upang matanggap ng pamilya nito.
Pero hindi ganoon kadaling gawin ang lahat. Umabot na lamang sila sa puntong...magtatanan at lalayo sa lugar na iyon.
END OF FLASHBACK
“Because of their family, your grandfather died, Eryx...”
Lolo Relko...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top