CHAPTER 50

Chapter 50: Flashback (Age)

BAKASYON, iyon lang naman ang dahilan ni Jessel kung bakit gusto niyang sumama sa daddy niya, nang magpaalam ito sa mommy niya na bibisita sa kanyang Grandma.

Nakilala niya ang isang hardinero sa hacienda Diamente. Si Rykiel Eryx Barjo. Tahimik ito at hindi palasalita. Natutuwa siya habang kasama niya ito kahit hindi naman siya kinakausap.

Palagi niyang kasa-kasama sa pagpunta sa may talon. Kaya parang ayaw na rin niyang umuwi sa Manila at nauna na ngang umalis ang kanyang ama. Tuwang-tuwa naman ang Grandma niya dahil magtatagal pa siya na kasama nito.

“Nakita niyo po ba si Rykiel?” ang tanong niya sa mga kasambahay.

Yumuko muna ang mga ito bago sumagot, “Sino po si Rykiel, Señorita?” naguguluhan na tanong nito.

“Si Rykiel po, ang isa sa mga tauhan ni Grandma. Nasaan po ba siya ngayon?”

“Rykiel? Wala po kaming kilala na Rykiel ang pangalan, Señorita,” sabi nito at umiling kaya nagtaka naman siya.

“Si Rykiel po iyong palaging kasama ko sa pamamasyal sa talon,” paliwanag niya para malinawan ang mga ito sa taong hinahanap niya.

“Si Eryx po ba ang tinutukoy niyo, Señorita?” tanong nito at napatango siya. Doon niya lamang na-gets ang nangyayari, sa pangalang Eryx lang ng mga ito na kilala si Rykiel.

“Opo. Siya nga po iyon,” sabi niya. “Nasaan pala siya? Kanina ko pa kasi siya hinahanap, eh,” saad pa niya.

“Tuwing Linggo po ay wala siya sa hacienda, Señorita. Iyon po ang araw na pahinga niya. Sa Lunes lang din po ang kanyang balik,” paliwanag nito na ikinatango niya.

“Salamat,” sabi niya na medyo na-disappoint pa siya dahil hindi niya makikita ngayon ang binata.

She doesn’t know na kung bakit excited siyang makita ito. Ewan ba niya kung bakit din na tila palagi siyang inspired na magising nang maaga. Alam niya kasi na makikita niya ito mula sa veranda ng kanyang silid.

“At saka po Señorita, dumaan din po pala ang kanyang lolo na baka hindi muna makakabalik sa kanyang trabaho si Eryx,” sabi ng isa at natutok ang atensyon niya rito.

“Bakit daw?”

***

Napatingin si Jessel sa maliit na bahay na gawa sa kahoy. Maganda ang pagkakadesinyo nito kahit simple rin kung titingnan ito at napakaganda ng ambiance kahit nasa loob ka pa lamang.

Pinapaligiran ng limang punong mangga ang bahay kaya kahit tirik na tirik pa ang araw ay alam niyang puwedeng pagtambayan ang ilalim nito at hindi gaano mainit. ‘Sakto pa na may bunga rin iyon.

“Sino raw ang dumating?” tanong ng isang ginang at napatingin siya sa gawing iyon.

May isang babae na sa tansya niya ay nasa mid-50s na ito at isa pang matandang lalaki na mas matanda kaysa sa ginang. Nakatayo lamang ang mga ito sa pintuan na, halatang kalalabas din nito mula sa loob.

“Magandang araw po,” nakangiti at magalang ma pagbati niya.

“M-May hawig siya sa Señor Janus natin. Kung ganoon...” namamanghang saad nito.

Naalala naman ni Jessel kung bakit siya naparito sa tahanan ni Rykiel.

“Bakit daw?” tanong niya.

“May sakit daw po si Eryx ngayon, Señorita. Kaya ipinagpaalam po ng kanyang lolo na tatlong araw muna siyang hindi makakabalik sa trabaho niya.”

At naisipan na nga niyang dalawin ito rito. Mabuti na lamang ay wala sa hacienda nila ang kanyang lola. Dahil baka hindi siya nito papayagan magpunta rito.

Mainit na tinanggap naman siya at pinatuloy sa bahay ng Lolo ni Rykiel kahit na nag-aalangan pa sila dahil baka raw hindi siya maging komportable. Hindi naman siya maarte at mas natutuwa pa siya sa mga nakikita na mga simpleng gamit dito mismo sa munting bahay nila.

Sanay kasi siya sa mga mamahaling gamit at gusto niya ng new environment sa paligid niya.

***

Masama ang pakiramdam ni Rykiel, kaya kahit tanghaling tapat niya ay nakaratay pa rin siya sa maliit na kama niya at nakabungkos sa kanyang kumot. Nilalamig siya at nananakit talaga ang kanyang ulo.

Sinubukan niyang bumangon kanina pero nahilo lang siya at naabutan pa siya ng kanyang lolo kaya napagalitan siya. Kung bakit ba kasi ay naggagagalaw siya kahit na may sakit siya.

Tapos na rin naman siyang sinuri ng kaibigan ng lolo niya at nagkasakit lang siya dahil sa pagod niya mula sa dobleng-dobleng pagtatrabaho. Hindi sa hacienda mismo.

“Apo...” dinig niyang sambit ng lolo niya. Dumaing lang siya bilang tugon.

Bakit kaya nandito na naman sa loob ng kuwarto niya ang lolo niya? Eh, tapos na siyang kumain ng lugaw kanina at uminom ng gamot.

“A-Apo, alam kong masama talaga ang pakiramdam mo pero... May panauhin tayo sa sala,” saad nito at parang natataranta pa.

Tinanggal niya ang pagkakabungkos niya at tiningnan ito. “S-Sino pong panauhin, ‘Lo?” naguguluhan na tanong niya.

“Ang apo ni Doña Jessebelle, si Señorita Jessel ay dinadalaw ka na may dala pang prutas,” diretsong sagot nito at napabalikwas siya nang bangon. Parang nawala bigla ang kanyang hilo.

Mabilis na nga siyang kumilos at akmang lalabas na siya nang sitahin siya ng Lolo Relko niya. Itim na pajama lang naman ang suot niya at puting manipis na t-shirt na may kalumaan na rin. Wala na siyang pakialam kung ganoon ang hitsura niya. Ano naman?

“Teka lang naman, apo...”

Nadatnan niya ang senyorita na walang arteng nakaupo sa matigas na sofa nila at sa halip na lagyan ng maliit na unan ang kinauupuan ay niyakap lang nito iyon.

“Si Rykiel po ba ang gumawa nito?” tanong nito sa kaibigan ng lolo niya, na sumuri sa kanya kanina.

Ang tinutukoy na gawa niya ay ang maliit na kubo na naka-display sa maliit na mesa sa gitna.

“Opo, Señorita.”

Wala silang kuryente, dahil dagdag gastos lamang iyon kaya alam niyang hindi na ito komportable. Na isa pa ay mainit sa loob.

“Hala, ang galing naman niya,” nakangiting sabi nito at mabilis siyang napatutop sa dibdib. Pamilyar na sa kanya ang tibok ng puso sa tuwing nakikita niya ito. Natutuwa siya kapag nakikitang nakangiti rin ito at parang ang kasiyahan niya ay kaligayahan na rin niya.

Ngunit ano ba ang dahilan at kung bakit nandito ito ngayon sa bahay nila?

Kahit nanghihina ay nagawa niyang lapitan ito at nagulat pa nang hawakan niya ang siko ng dalaga. Hindi na siya nagtaka pa kung bakit nakararamdam na naman siya ng kuryente nang dumampi ang kamay niya sa balat nito.

“Umuwi ka na. Ihahatid kita,” malamig na sabi niya at kasabay na hinila niya ito.

“Apo, ano ba ang ginagawa mo? Kadarating lamang ng senyorita ay bakit pauuwiin mo na siya agad?” naguguluhan na tanong ng Lolo Relko niya, bagamat nasa mukha rin nito ang pagkadismaya dahil sa inasal niyang magpapaalis sa kanilang bisita.

“'Lo, hindi po siya puwedeng lumabas ng mag-isa at kailangan na niyang bumalik sa hacienda,” mahinang saad niya.

Nagpumiglas ang dalaga mula sa pagkakahawak niya at muling umupo ito. Natuwa dahil sa pagpigil ng lolo niya.

“Wala naman sa hacienda si Grandma, Rykiel at sumama lang ako kina Sune. May bibilhin sila sa bayan, tapos ang sabi ko ay daanan na lamang nila ako rito kung uuwi na kami. Marami pa akong oras at saka gusto ko rito,” pagdahilan pa ni Señorita Jessel. Walang bahid na pagsisinungaling at talagang totoong natutuwa ito sa bagay nila, lalo na kapag nakikita ang mga laruan na ginagawa niya gamit ang mga kahoy.

“Ano ba ang gusto mong maiinom, Señorita?" tanong ni Aling Marhay, ang kaibigan ng Lolo Relko ni Rykiel.

“Huwag na po kayong mag-abala pa ay saka po, Jessel na lamang po ang itawag niyo sa akin,” magalang na sabi nito.

Sa ilang mga araw na nananatili ito rito sa kanila ay isa sa nalaman niyang pag-uugali nito ay ang feeling close nito sa ibang tao. Wala namang masama roon dahil kahit sinong tao ang nakakasalamuha niya ay madali nitong kausapin at hindi man lang nag-inarte na kahit mababa pa sa lipunan ang mga nakakausap nito.

Hindi siya mapiling tao at palaging nakangiti. Kung dati na naisip niyang maldita ito at masama ang ugali ay ngayon binabawi na niya ang mga sinabi niya noon.

Katulad din nito si Señor Janus, nakausap na rin niya minsan ang ama ng dalaga at hindi na siya magdududa pa na nagmana nga ang senyorita sa daddy nito.

“Ngunit hindi po puwede iyon, Señorita. Apo ka po ni Señora Jessebelle at anak ni Señor Janus, kaya pati ikaw po ay gagalangin namin at tatawagin namin sa pangalan na ayon din sa dapat na itawag namin sa ‘yo,” ani Aling Marhay.

“Kung saan po kayo mas komportable na tawagin ako, pero huwag niyo na ho akong i-po,” natatawang sabi pa nito bago siya binalingan nang tingin. “Hinawakan mo ako sa siko,” sabi nito sa kanya at nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagtulis ng labi nito.

“Eryx, apo. Hindi mo puwedeng hawakan nang basta-basta ang senyorita, humingi ka ng tawad sa kanya,” aniya ng kanyang lolo.

“Po?” nagtatakang tugon niya.

“Hindi po ganoon ang ibig kong sabihin, Lolo,” saad nito at nakiki-Lolo pa. “Hinawakan po niya ako at naramdaman ko na inaapoy pa ho siya ng lagnat,” dugtong nito na ikinatayo ni Aling Marhay.

“Ang sabi ko naman sa ‘yo, hijo ay magpahinga ka muna. Ano'ng ginagawa mo?” pangangaral sa kanya nito at hinawakan siya sa braso upang ibalik sa kanyang silid.

“A-Ayos naman na po ako... Dito na lamang ako,” pagtanggi niya at marahan na tinanggal ang kamay ng matanda saka siya umupo sa katapat ni Señorita Jessel. Matiim ang titig nito sa kanya.

“You don’t look okay, Rykiel. Namumula ang magkabilang tainga mo, ang pisngi mo at saka pababa sa ‘yong leeg. Walang kulay ang mga labi mo at putlang-putla ka pa,” anito sa kanya at talagang may pagkadaldal ito.

Hindi napapagod sa kasasalita buong araw pero hindi naman siya naiirita sa boses nito at kahit hindi siya nagsasalita o ang sagutin lamang nito. Parang gusto niya na makinig na lamang.

“Tama ang senyorita, hijo. Magpahinga ka na muna sa kuwarto mo,” agap sa kanya ni Aling Marhay pero umiling siya.

“Dito po muna ako,” mariin na sabi niya.

“Itong batang ‘to talaga, oh. Kasing tigas ng bato ang ulo. Ano naman ang gagawin mo rito?” ang tanong ng kanyang lolo at tiningnan niya si Señorita Jessel.

“Hindi po ba ay abala kayo ngayon sa labas? At si Aling Marhay po ay uuwi na rin sa kanila. Ayaw niyo naman pong pauwiin ang senyorita kaya sino ang kasama niya rito?” walang emosyon na tanong niya at nag-iwas nang tingin sa dalaga dahil sa pagtaas nito sa kanya ng isang kilay. “Alangan naman po na iwan niyo siya rito?” dugtong na tanong pa niya at tumikhim.

Mabuti na lamang ay hindi na siya ganoon nahihilo at kaunting sakit na lamang ang nararamdaman niya sa ulo niya. Prenteng sumandal na lamang siya sa upuan nila at muling tinitigan ito. Na matapang pa rin ang tingin sa kanya.

“Aba’y hindi na muna ako magtatrabaho ngayon. Isang karangalan sa akin ang bisitahin ang nag-iisang senyorita ng hacienda Diamente,” papuri pa ng kanyang lolo kaya nakita niya rin ang pamumula ng pisngi nito.

“Sigurado po ba kayo na dumalaw po siya rito dahil sa inyo, 'Lo?” tanong niya at napaubo nang malakas si Lolo Relko.

“Ano bang klaseng taong ‘yan, apo? Malamang ay nasa tahanan siya natin,” ang tugon naman nito sa kanya.

Binalingan niya ulit si Señorita Jessel. “Ano’ng ginagawa mo rito, Señorita? Alam mong hindi ka bagay sa lugar na ito. Masyadong maliit ito, mainit at masikip para sa ‘yo,” saad niya at naitikom niya nang mariin ang kanyang bibig. Ang totoo niyan ay nahihiya siya kasi baka hindi nito magustuhan ang makikita sa maliit nilang bahay.

“Hindi naman. First time ko kayang makapasok sa ganitong bahay at komportable ako, ah!” sabi pa nito at itinuro niya ang pawis na namumuo sa gilid ng sentido nito pababa sa kanyang mukha.

“Tingnan mo. Pinagpapawisan ka na,” malamig na sabi pa niya.

Mabilis na pinunasan naman nito ang pawis. “Hindi naman. Nakabukas kaya ang bintana niyo,” she reasoned out at wala siyang nagawa kundi ang ilingan na lamang nito.

Sa huli ay sinamahan na lamang niya ang dalaga at hindi na niya pinahalata pa na nanghihina siya dahil sa lagnat niya. Pero nang hindi na niya nakayanan pa ay nawalan na siya nang malay.

Nagising siya na nasa loob na siya ng silid niya at nadatnan niya rin ito na nakaupo sa gilid lang ng kama niya. Babangon na sana siya nang mabilis siyang pinigilan nito.

“Tama nga ang lolo mo. Mas matigas pa yata ang ulo mo kaysa sa bato,” anito at pinanlakihan siya ng mata.

“B-Bakit nandito ka pa?” tanong niya at tinanggal ang bagay sa noo niya.

“Mamaya pa kami uuwi, ‘no,” laban nito sa kanya at pagkatapos ay tumingin sa kabilang direksyon.

“Ang cute mo pala noong bata ka pa,” nakangiting sabi nito at may kung ano naman ang lumilipad sa loob ng tiyan niya.

Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman. Dahil hindi naman siya pamilyar sa ganoon. Naramdaman pa niya ang pang-iinit ng tainga niya.

Itinaob niya ang mga litrato sa maliit na bessie niya at malamig na tinitigan ito. “Hindi ka puwedeng manatili pa rito. Ihahatid na talaga kita,” seryosong sabi niya at hahawakan na sana niya ang kamay nito nang mabilis umiwas sa kanya.

“We‘re friends na kaya, Rykiel. Bakit ba ang suplado mo sa akin? Mabait naman ang Lolo Relko mo, ah. Saka... Hinahanap ko pala ang picture mo noong nag-graduate ka sa high school.”

“Hindi ako nag-aaral,” mariin na sabi niya na ‘saktong pumasok ang kanyang lolo.

“Matigas kasi ang ulo mong bata ka. Ayaw mong mag-aral dahil ang sabi mo ay wala tayong pera,” kastigo sa kanya nito. Kulang na lamang ay iripan niya ang lolo niya.

“Anong taon po ba siyang huminto, Lolo Relko?” magalang na tanong ng senyorita at kumunot ang noo niya.

“Lolo mo?” inis niyang tanong at napadaing lang siya nang maramdaman niya ang mabigat na kamay ng Lolo Relko niya sa ibabaw ng kanyang ulo.

“Bakit ganyan ka makipag-usap, Eryx?”

“Hayaan niyo na po, Lolo Relko. Ano'ng grade po siya huminto?” tanong ulit nito at nasa boses niya ang interest na malaman ang tungkol sa pag-aaral niya.

“Magdadalawang taon na ngayon. Hindi siya nakapag-high school,” sagot ni Lolo Relko at si Señorita Jessel naman ang natigilan sa sinabi niya.

“Po? Magdadalawang taon na? Hindi nakapag... Wait po, ilang taon na po ba siya ngayon?”

“Trese.”

“T-Trese?” naguguluhan na tanong nito at pinanood ni Rykiel ang magiging reaksyon nito kapag nalaman ang totoong edad niya.

“Labintatlo, Señorita,” pag-uulit ni Lolo Relko.

“L-Labintatlo... Thirteen? T-Thirteen po?!” gulat na tanong nito at namimilog pa ang mga mata. Lihim siyang napangisi at umawang pa ang labi nito. “Thirteen ka pa lang talaga?!”

“Ano sa tingin mo?”

“Uhm... Lolo, uuwi na po pala ako!” biglang sabi nito at nagmamadali nang lumabas mula sa kanyang silid. Sumunod naman ang kanyang lolo at dahan-dahan tumaas ang sulok ng mga labi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top