CHAPTER 5
Chapter 5: 35th birthday
DEAR, he's still 18 when I married him. Yeah, Rykiel Eryx is my ex-husband...
Masyado pa siyang bata para magpakasal at the age of 18, right? Kung para sa mga teenager ay puppy love lamang iyon at madaling kalimutan ang feelings na iyon when you slowly grow up. But not me.
At naiintindihan ko siya kung bakit... binitawan niya ako noon. Kung bakit napakadali para sa kanya ang mawala ako. Kung bakit hindi niya kayang ipaglaban ang pag-iibigan namin. Kahit na sobrang higpit pa ng pagkakapit ko sa kanyang mga kamay pero nagawa pa rin niya akong...bitawan.
Because he's too young...
Pagkakuha ko ng kape sa kamay niya ay naramdaman ko pa ang pagdampi ng daliri niya sa balat ko.
Tinitigan ko muna ang umuusok ng coffee at kakaiba nga ang amoy nito. Parang effective nga at mawawala na rin ang pananakit ng ilong ko at lalamunan. Hindi ko naiwasan ang dalhin ito sa ilong ko at inamoy ang mabangong aroma ng kape. Napangiti ako.
This is my favorite, actually...
"Mom?"
"Sorry, baby. Mukhang masarap ang kape and it's effective," sabi ko at nawala sa isip ko na may tao pa pala ang nasa harapan ko ngayon.
Matamis na ngumiti ako kay Rykiel. Kunot na kunot ang kanyang noo at parang naguguluhan na ano...
Na hindi niya rin mawari.
"Thank you for the coffee, Sir?" I said. Pretending, hindi ko alam na magagawa ko rin ang bagay na ito. Ang ituring siya na parang hindi ko siya kilala at ibang tao lang din.
Matagal bago siya sumagot, "Rykiel, I'm Rykiel Eryx Barjo..." mahinang saad niya na alam kong hindi nakatakas sa pandinig ni Khai ang boses niya.
"Rykiel Eryx?" narinig kong sambit ng anak ko sa kabilang linya.
"Have we..." Napatitig ako sa kanya nang bigla siyang nagsalita. Hinihintay ko ang sasabihin pa niya.
"Yes?" tanong ko sa kanya.
"Met before?" he asked. I felt the pang in my heart. Why, Rykiel? Bakit mo ako kinalimutan? Pagkatapos mo akong pakawalan noon tapos ngayon, nagkita uli tayo pero hindi mo naman ako matandaan? O sadyang hindi mo na talaga ako nakikilala pa dahil tuluyan mo na akong kinalimutan?
"Have we met before?" pag-uulit niya sa tanong niya. Mapait akong ngumiti.
Ang akala ko ay hindi na ako naaapektuhan pa. Na hindi na ako makararamdam pa ng ganito. Pero nagkamali ako.
"This is the first time we met," I said, "So, no..." I added and I even shook my head.
Namanhid ang dibdib ko nang makita ang paghakbang niya patungo sa dulo ng terrace niya. Kahit may pagitan pa sa amin ay kitang-kita ko ang matiim niyang titig sa akin. Salubong ang kilay niya at ang mukha ko talaga pinagtuunan niya ng pansin. Lahat ng sulok ng mukha ko ay pinasadahan niya ng kanyang malamig na mga mata.
Gumalaw ang bibig niya na tila may sasabihin pa siya pero naputol iyon nang may yumakap mula sa likuran niya.
"Hon!" Nakita ko rin ang pagkabigla niya at nawala na ang tingin niya sa akin. Maging ako ay nagulat din.
Sinundan ko rin nang tingin ang kamay niyang bumaba sa kanyang baywang at doon hinawakan niya ang dalawang kamay na nakayakap sa kanya. May pag-iingat sa paraan nang paghawak niya rito.
"Chrysler..." sambit niya at tipid na ngumiti lang ako saka ako dahan-dahan na umatras.
Humigpit ang hawak ko sa baso na may laman pa ng kape dahil hindi ko pa natitikman. Huminga ako ng malalim saka ako tumalikod.
Ibinaba ko sa bedside table ang cup of coffee at napatitig na lang sa cellphone ko na naka-connect pa rin sa phone ni Khai.
"Baby..."
"What happened, Mom? Are you okay?" tanong niya sa akin. Napatingala ako para mapigilan ko ang pagkuha ko.
Okay na ako...sana, noong hindi ko pa siya nakikita but how I can make him miss me when he forgot about me? When he didn't remember me that I'm his...ex-wife...
"I'm fine, baby. Sorry about that," I said. Wala na akong naririnig pa sa kabilang linya but seconds later ay narinig ko ang boses niya. Dahilan na nawala ang bigat sa aking dibdib.
Ang namumuong mga luha ko kanina na sana para kay Rykiel ay nag-iba na...
"Happy birthday, Mom. You are the best mother I've ever met in the whole world and I am lucky to have you as my Mom. I love you, more than anything and more than in this world..."
The words that come out of his mouth make my heart melt. It feels so good to hear that from him. Oh, my son. Ang sweet-sweet niya talaga sa akin.
"And I'm the luckiest Mom to have you too, my son. Mommy loves you more," I said at natatawang pinunasan ko ang luha ko sa aking pisngi. Sobrang saya ko.
"Let's celebrity here, Mom when you came back. I'm sorry kung hindi kita nakasama sa 35th birthday mo," sabi niya.
"Alright, then."
***
"HOW old are you again, Jessel?" Arzeil asked me. Sinimangutan ko siya dahil hindi tunog na natutuwa siya sa tanong niya.
Palibhasa ay mas matanda ako kaysa sa kanya. Tss...
"What do you think?" nakataas na kilay na tanong ko pero may multong ngiti sa mga labi ko.
Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Isang dark green na sleeveless dress ang suot ko and above the knee. Hindi na rin ako naglagay pa ng kolorete sa mukha kahit inaya pa niya akong kumain sa resto kasi birthday ko raw. Isinama ko ang mga bodyguards ko at si Sabel. Sa ibang table nga lang ang iba, ayon din sa gusto nila.
"35 years old but damn it. Mas mukha pa akong matanda kaysa sa 'yo. You looks like you're in a late twenties... 21?" I laughed so hard when he mentioned the number 21.
I missed my Grandma, na nagulat din noon sa age ko. Hindi makapaniwala.
"Do I? Do I really looks a 21 years old?" namamanghang tanong ko sa kanya.
"Siguro...isa kang bampira, 'no?" tanong niya at pinitik ko ang noo niya dahil sa mga kalokohan na pinagsasabi niya.
"You're unbelievable," I said.
"How come na hindi ka man lang tumatanda? Ano'ng sekreto 'yan? Seriously?" natatawang tanong niya at mariin na pinisil ang pisngi ko. Sa ganoong posisyon kami naabutan ni... Rykiel, kasama ang magandang babae na yumakap sa kanya kanina sa terrace niya.
Hindi ko nakita ang mukha niya pero ngayon, malinaw na nakikita ko na at isa lang ang masasabi ko. Magandang-maganda siya at mukhang same age din sila ni Rykiel at Arzeil.
"Eryx! Kasama mo pala ang fiancé mong si Chrysler," masayang ani naman ni Arzeil.
Simpleng pink dress lang ang suot ng babae at mahaba ang buhok niya. Ang ganda rin ng ngiti niya. Siya na kaya?
Siya na kaya ang bagong nagmamay-ari ng puso ni Rykiel? Na kung dati-rati ay sa akin lang at wala akong kaaway sa puso niya.
Nawala ang ngiti ko nang mapatingin ako sa blangkong mukha niya at napakaseryoso niya ring tingnan. Nagtama ang mga mata namin na akala ko ay kay Arzeil lang siya nakatingin pero hindi pala...
Bumilis ang tibok ng puso ko, sa paraan na hindi normal. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko nga ito ulit o sadyang ganito pa talaga siya kung tumibok sa tuwing nasa malapit lang siya o nakikita ko.
Ako ang unang nag-iwas nang tingin saka niya sinagot si Arzeil. Hindi ko na natatagalan pa. Ang bigat-bigat ng presensiya niya.
"Yeah, I'm with my fiancé," sabi niya sa malamig na boses.
Fiancé... Fiancé pa lang niya. Hindi pa sila mag-asawa. Pero nasa iisang hotel room na sila tumutuloy. Pinilig ko ang ulo ko dahil nahuhulog na naman ako sa malalim na pag-iisip.
Tapos na kami. Tapos na kami ni Rykiel kaya wala na sa akin kung makikita siya na may iba ng babae. Na may mahal na siyang iba at ikakasal na.
Matagal na kaming tapos...
"It's good to see you here, Arzeil," malambing na sabi ng babae. Pati ang boses niya ay napaka-soft talaga. Kaya naman pala siya nagustuhan, 'no?
"Yeah, same here, Chrysler, and by the way, this is Jessel Diamente." Nabigla ako nang ipakilala ako ni Arzeil sa kanila.
"I know her, Arzeil when I'm still at my high school. She's my favorite model, actually and a director," agad na sabi ni Chrysler. Parang...tunog gurang na talaga, eh ano?
"Really?"
"Yeah, and it's her 35th birthday today, right?" Napatitig ako sa kanya. Marami yata siyang alam tungkol sa akin. She's a fan...maybe.
"Thirty five?" tanong bigla ni Rykiel at wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Sa akin na naman siya nakatitig. Salubong din ang kilay niya.
"Hindi halata, 'no? Mas mukha siyang 21," singit ni Arzeil na ikinatawa ko na naman. Inabot ko ang pisngi niya at mariin na pinisil iyon.
"Maybe, ka-batch ko ang mga tita niyo, eh," I joked pero kaming tatlo lang yata ang natuwa sa biro ko dahil napakaseryoso ng Lolo Rykiel niyo.
"HAPPY birthday, Ms. Jessel. It's my pleasure to meet you here... Oh, my God..." Napatigil na naman ako. Bakit ganyan siya magsalita? Sobrang lambing talaga at para lang siyang isang prinsesa. Ang suwerte niya, napakasuwerte rin ng mapapangasawa siya.
Hindi rin mapagkakaila na bagay na bagay silang dalawa.
"Thank you, dear," nakangiting pagpapasalamat ko.
Arzeil invited them to have a dinner with us. Wala namang kaso iyon sa akin. Katabi kong nakaupo si Sabel habang nasa left side ko naman si Arzeil. Nasa tapat naman namin sina Rykiel at Chrysler. 'Sakto na sa tapat ko rin siya. Bakit ba kasi riyan siya umupo? Ni hindi niya tinatanggal ang pagtitig niya sa akin kaya naiilang ako.
Nalaman ko rin na 24 pa si Chrysler Hermosa at nag-iisang tagapagmana ng Hermosa family. Napakayaman din ng pamilya niya at business tycoon ang father niya.
Iyong dalawang lalaki ang nag-order ng foods namin at napangiti pa ako nang makita ko na may cake rin siya.
"I'm too old for this, you know," I said. Arzeil caressed my cheek.
"That's okay, you don't look one, an oldy."
"Bola," I uttered. Hindi pa sana tapos sa pakikipagbiruan sa akin si Arzeil kung hindi lang nagsalita si Rykiel.
"Can we start now? I'm hungry you know," malamig na saad niya.
"Go on, Eryx," Arzeil told him.
Hindi na siya umimik pa at nagsimula na ring kumain pero bago ro'n. Nilagyan pa niya ng kanin at ulam ang plato ni Chrysler. Na kung dati-rati rin ay sa akin niya 'yan ginagawa. Pero ngayon ay hindi na.
May ibang babae na siyang pagsisilbihan at hindi na ako. Napayuko at pasimpleng bumuntonghininga.
"By the way." Nag-angat ako nang tingin nang magsalita siya. Diretso na naman ang tingin niya sa akin.
"Happy birthday..." he said and my heart beat suddenly stop...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top