CHAPTER 48

Chapter 48: Explode and death

BAGO pa man kami makalabas ni Rykiel sa clinic ni Dr. Zynler ay bumukas na ang pintuan at siya na ang bumungad sa amin. May hawak pa siyang brown na envelope.

"Aalis na kami, Zyn," paalam ni Rykiel sa kanya.

"Twice in a month ang monthly check up niya, kaya kailangan mo siyang dalhin dito sa clinic ko kung gumagaling mismo ang maliliit na ribs niya at kung may makita man ako na walang improvement at hindi tumatalab sa kanya ang mga gamot ay kailangan niyang mag-undergo surgery and after that, she can still take a hand-therapy. Hindi lang puwedeng galawin ang kamay niya dahil sensitive pa ito kaya imposible sa kanya ang therapy," sabi nito at ibinigay kay Rykiel ang hawak niyang envelope. "Here's her CT scan copy and her medical certificate na kanina mo pang hinihingi sa akin. Nandiyan ang pangalan at signature ko kaya hindi nila iisipin na fake lang 'yan. Kung ayaw nilang kasuhan ko sila sa hindi nila pagtitiwala sa pangalan kong nandiyan."

"Sige, salamat." Rykiel tapped his shoulder.

"Wait a minute, Eryx. Ano ba ang relasyon niyo? Totoo ba ang scandal? Na may third party talaga?" curious na tanong ng doctor.

"If I were you ay hindi ko iyan itatanong sa harapan ng pasyente ko mismo," malamig na sabi niya at napakamot sa ulo niya ang doctor.

"Curious din kasi ako. Pero ang totoo niyan ay hindi rin ako naniniwala na si Ms. Jessel nga ang unang nang-akit sa 'yo. Kilala siya ng lahat at ngayon lang ba talaga niya sisirain ang sarili niyang reputasyon? Pero ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa? May something ba?" tanong pa nito at palipat-lipat ang tingin niya sa amin.

"Ang dami mo talagang sinasabi. Walang third party, ako ang nagloko sa relasyon namin ni Chrysler at hindi ako inakit ni Jessel at saka... Malaki ang role niya sa buhay ko."

"Ano?"

"Ina siya ng anak ko," sagot ni Rykiel at marahan na hinila na niya ako.

"What are you talking about?" naguguluhan na tanong nito.

"You know Zairyx Alkhairo Diamente? Ang inakala ng lahat na bunsong kapatid ni Jessel. Anak namin iyon. Tanungin mo si Lover kung hindi ka maniniwala sa akin. We have to go."

"Thanks, Dr. Zynler. Mauuna na po kami," pahabol na paalam ko pa sa kanya. Parang wala pa sa sariling kumaway na lang din sa amin. Hindi nawala ang malalim na gatla sa noo niya.

IN THE end ay sa condo lang ulit nina Zules at Zue ang uwi namin ni Rykiel at diretsong ihahatid niya talaga ako pagkatapos ay saka raw siya aalis agad. May pupuntahan siya na hindi ko na rin tinanong pa.

"Bakit pala humingi ka ng medical certificate at signature ni Dr. Zynler?" tanong ko sa kanya. Busy siya sa pagmamaneho pero nagawa niyang abutin ang tab niya sa dashboard ng kotse niya at ibinigay niya iyon sa akin.

"I will sue her," matigas na saad niya.

"The who?" I asked him.

"Si Audrey. She's the one who pushed you kaya nawalan ka nang balanse and she intentionally stepped your left hand at sa mga nakuha ko na mukha ng reporter ay pinapahanap ko na para kasuhan din sila isa-isa." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tungkol sa pagtulak sa akin ni Audrey, hindi ko alam iyon pero kailangan pa ba niyang kasuhan ang mga iyon? Seryoso ba siya?

"But why? Maliit na bagay lang ito--"

"No, Miss. Nang dahil sa kanila kaya mo nararanasan ito and because of Audrey ay nasaktan niya ang kamay mo. Hindi puwedeng hindi ako gaganti sa kanila. Ano ang karapatan nila para saktan ka?" Napahilot na lamang ako sa sentido ko at tiningnan ang video na kuha sa CCTV footage sa Japanese restaurant.

Sinadya ngang itulak ako ni Audrey. Nang makalabas kami ni Sabel mula sa resto na iyon ay mabilis siyang sumunod at kitang-kita naman ang nagmamadali ring pagsunod ni Chrysler. Hinawakan pa niya ang kamay nito at mula sa itaas ng CCTV ay makikita ang pagtulak sa akin ni Audrey kaya nawalan na nga ako nang balanse. Doon na niya inapakan ang kamay ko at tama nga si Dr. Zynler. Siya lang ang nakikitang iba ang kasuotan kaya malamang nakasuot siya ng stick heels.

"Hindi nga nagkamali sa hula si Zyn. May bakas din sa kamay mo, ang mga sapatos nila at isa lang ang naiiba. Iyong suot ni Audrey. Makikita naman diyan na puro naka-rubber shoes silang lahat," saad pa niya. I took a deep breath at ibinalik ko na lang ang tab niya sa kinalalagyan nito.

"Do whatever you want," usal ko. Hindi ko naman siya mapipigilan pa sa gusto niyang mangyari.

In the middle of our ride ay tumunog naman ang phone niya at ang akala ko ay hindi niya iyon sasagutin. Tumingin pa siya sa akin at sinambit ang pangalan ni Chrysler.

"Sasagutin ko ba?" Napataas ang kilay ko. Humihingi ba siya ng permission from me?

"Why did you asked me that? Phone mo iyan kaya bakit magpapaalam ka pa sa akin?"

"Baka kasi ayaw mo," nakangusong sabi pa niya.

"Seriously, Rykiel?"

"Sasagutin ko na. Hello? Who is it? Nasaan si Chrysler?" nakakunot ang noo na tanong niya. "D-Dad? What?! What are you doing?!" pasigaw na tanong niya at bigla niyang inapakan ng break kaya huminto ang kotse niya. Kung hindi ko lang suot ang seatbelt ay baka sumubsob ako sa unahan but before that ay naramdaman ko pa ang kamay niya sa noo ko na tila ba hindi niya gustong mauntog ako o gumalaw ito. "I'm sorry. You okay?" he asked me and I just nod my head.

Nagulat ang mga kasama namin na nakasunod sa likod kaya huminto rin ang mga kotse nila at nagsibabaan sila. Kumatok pa sila sa salamin ng bintana sa side ni Rykiel. Ibinaba naman niya iyon.

"Is everything okay, Sir?" tanong ng head ng team ng bodyguard ko.

"Yes. Puwede niyo bang ilipat na muna siya sa kotse niyo? Ihatid niyo siya sa condo na tinutuluyan niya ngayon," sabi niya at napakunot naman ang noo ko.

"What's the matter, Rykiel?" I asked him.

"Kailangan kong puntahan si Chrysler sa hotel. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ni Dad kapag hindi raw ako pupunta ngayon. Kanina pang 1PM ang wedding ceremony sana at kahit sinabi ko na hindi ako pupunta ay itinuloy pa rin niya. Jessel, puwede bang lumipat ka muna sa kotse ng mga bodyguard mo? Sila na ang maghahatid sa 'yo. Puwede ba?" tanong niya sa akin. Sunod-sunod naman ang pagtango ko.

"Sige. Kailangan mo na ngang pumunta roon," sabi ko at tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang tinulungan na niya ako.

Bago pa ako makalabas nang mabilis niyang kinulong ang magkabilang pisngi ko. Saglit na tinitigan pa niya ang mukha ko na tila may hinahanap lang siya na ano.

"Take care okay? Uuwi rin ako," sabi niya.

"Sige," tumatangong tugon ko sa kanya. He caressed my cheek and he sealed my lips with his passionate kiss. I kissed him back pero mabilis din niyang pinutol iyon. Pinagdikit pa niya ang noo namin saka niya ako pinakawalan.

"I love you..." biglang sabi niya dahilan na bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-Ano?" gulat kong tanong sa kanya.

"I love you, Miss. I love you and wait for me," sabi niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko pataas sa aking noo.

Binuksan ko na ang pinto para makalipat na rin. Bago ko iyon isinara ay tiningnan ko pa siya.

"Maghihintay ako kaya mag-ingat ka rin," nakangiting sabi ko. Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan. Parang ayokong umalis at ayokong humiwalay pa kay Rykiel.

Tumatayo ang balahibo ko sa isipin na iiwan niya ako at may pupuntahan siya. O tamang sabihin na pupuntahan niya si Chrysler. Gusto kong sumama na lang sa kanya pero naisip ko na baka makakaabala lang ako. Kaya hindi na ako nakiusap pa sa kanya.

Hinatid ako ng mga bodyguard ko sa kabilang sasakyan pero bago pa man kami makalapit doon ay may malakas na humila sa kaliwang braso ko at napaharap ako sa likuran ko. Naramdaman ko ang paghawak sa batok ko at ang isang kamay nito na mula sa braso ko ay nailipat sa baywang ko at hinapit niya ako palapit sa katawan niya. Sabay na sinalubong niya ako ng mariin na halik sa labi.

Sa sulok ng mga mata ko ay nagkanya-kanyang tumalikod ang kasama namin na parang binibigyan nila kami ng privacy at sa kalagitnaan nang daan ay may magaganap pa talagang kissing scene?

Hindi agad natapos ang halik na iyon at parang wala ni isa sa amin ang gustong pumutol. Kung hindi lang kami parehong naghahabol nang paghinga.

"I love you..." pag-ulit niya sa sinabi niya kanina saka siya walang lingon likod na naglakad. Napangiti na lamang ako at sumenyas na ako sa mga kasama ko.

THIRD PERSON'S POV

Bago umalis si Rykiel sa lugar na 'yon ay tiningnan pa niya si Jessel at nakita niyang pinagbuksan na ito ng pinto ng ika-tatlong sasakyan kaya nakahinga siya nang maluwag.

Parang doon lang ay kontento na siyang ipagkatiwala ang babaeng mahal niya sa mga bodyguard nito Yeah, inaamin niyang mahal na nga niya ito kaya noong sinabi sa kanya mismo ni Jessel na nawala raw ang pagmamahal niya kung kaya sila ay nagkahiwalay noon ay iyon din ang dahilan pero hindi siya naniniwala.

Dahil nang makita niya ulit ito ay ibang pakiramdam na ang pinamalas nito sa kanya. Kakaiba na ang tibok ng puso niya.

He took a deep breath at nagsimula na siyang nagmaneho patungo sa hotel nila.

"Dad, hindi kita mapapatawad kung may ginawa kang hindi maganda kay Chrysler," seryosong saad ni Rykiel.

Aminado siyang nasaktan nga niya ang damdamin ng dalaga, ang kanyang fiancé pero nakapag-usap naman silang dalawa na hindi na matutuloy ang kasal pero hindi ito nakikinig sa kanya.

Umaasa pa rin ito na pakakasalan pa rin niya si Chrysler dahil alam daw nito na mahal na mahal pa niya.

Mali lang siya sa parte na binigyan niya ito ng pansin at niligawan sa pag-aakalang mahahanap niya ang presensiya ng isang babae na matagal nang gumugulo sa isip at utak niya. Kung dati ay may nakikita pa siyang pagkakakatulad nito at nakuha ang iilan na pag-uugali ng babaeng nagngangalang El ay ayos pa sana.

Baka nga ay matutuloy pa ang kasal nila at iisipin na lamang niya na minahal niya ang dalaga. Hindi dahil sa ibang babae na pinaniwala siya na gawa-gawa lamang iyon ng imahinasyon niya. Pero nang makita at nakilala niya si Jessel del Leon Diamente ay parang nagbago ang lahat.

Nakikita na niya sa isang sikat na modelo at director ng ZA's Entertainment. Kung unang kita niya ay inakala niya na magkasing edad lang sila nito pero hindi. Walong taon. Walong taon ang agwat nilang dalawa.

Sinubukan naman niyang inignora ang nararamdaman niya rito dahil baka simpleng paghanga lang din iyon. Besides narinig na niya ang pangalan nito na madalas na binibigkas ng mga staff niya sa hotel o sa mga VIP guest nila.

Kilala niya lang sa pangalan at hindi sa mukha. Tandang-tanda niya rin ang araw na aksidente lamang niyang napanood ang interview nito sa isang TV Network. Doon pa lang ay malakas na ang kalabog sa dibdib niya at hindi niya alam kung bakit parang siya ang kinakausap nito dahil tagos hanggang sa puso at buto niya ang mga salitang namutawi mula sa bibig nito.

But he didn't expected na makikita pala niya ito sa sarili niyang hotel at isa pa sa guest nila.

Naihinto niya ang sasakyan niya nang makarinig siya nang malakas na pagsabog sa hindi kalayuan na direksyon. Dahan-dahan siyang tumingin sa rear view mirror at pumintig nang malakas ang puso niya.

Hindi pa siya nakalalayo sa direksyon na kung saan na iniwan niya roon si Jessel at ang mga bodyguards nito. Unti-unti niyang naramdaman ang kaba at takot sa dibdib nang makita ang mataas na itim na usok na tila may sumabog talaga sa bandang iyon.

Hindi na naisip pa ni Rykiel si Chrysler at sa gagawin man Daddy niya sa dalaga. Pinihit niya pabalik ang kotse niya at mabilis na pinaharurot iyon.

Nang makita niya ang pinanggalingan ng pagsabog ay labis na siyang natakot at hindi na agad mapakali.

"No!" malakas niyang sigaw dahil ang kotseng iyon kung saan niyang nahuling nakita si Jessel na sumakay roon pero ngayon ay nakataob na at tinutupok na ng sunog. Ang kotseng nasa gitna naman ay ganoon din ang nangyari, maliban sa isa na malayo itong naka-park pero hindi rin maayos ang posisyon nito sa gilid

Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata niya at dahan-dahan nang dumausdos pababa ang kanyang mga luha. Parang dinaganan siya ng malaking bato sa dibdib kaya nanikip ito at nahihirapan na siyang huminga. Ang paraan nang heartbeat niya ay parang may dalang kirot.

Nanginginig ang mga kamay niya na tinanggal ang kanyang seatbelt at halos manghina na rin ang mga tuhod niya at nanlalambot din ito.

"No, Jessel!" sigaw niya sa pangalan nito at kahit ang lumapit ay hindi niya man lang magawa. Masyado ng malaki ang sunog at alam niya na walang makakaligtas doon.

Sa gitna ng kalsada ay bumigay na ang mga tuhod niya at napaluhod siya. Malakas na umiyak siya at sinisigaw ang pangalan ng babaeng mahal niya.

"I love you, Miss. I love you and wait for me."

"Maghihintay ako kaya mag-ingat ka rin."

"Maghihintay ako kaya mag-ingat ka rin."

"Maghihintay ako kaya mag-ingat ka rin."

Paulit-ulit na naririnig niya ang boses nito. Nakikita niya ang magandang imahe nito at ang matamis na ngiti ng dalaga na parang iyon na rin ang huling beses niyang makikita ito.

Nagsisisi siya. Nagsisisi siya kung bakit pinalipat niya sa ibang kotse ang babaeng pinakamamahal niya. Nagsisisi siya kung bakit hindi na lamang niya ito isinama na kung bakit pinili niya ang ipagkatiwala na ito sa mga tauhan niya.

Kung hindi niya sana pinalipat ito ng sasakyan ay hindi nito mararanasan ang ganito...

"AHH! Jessel! Ang sabi mo sa akin ay maghihintay ka! Na hihintayin mo pa ako pagbalik ko! J-Jessel! Oh, God...baby..." malakas na sigaw niya.

"Maghihintay ako kaya mag-ingat ka rin."

Mahigpit na kumuyom ang kamao niya at halos mapigtas ang mga ugat niya roon. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya at wala na siyang pakialam pa kung makikita siyang nasa ganoon na kalagayan.

Nakita niya ang singsing na suot niya at biglang nagbago ang tingin niya rito. Sa singsing at sa magandang mukha ng kanyang Jessel.

Parang nadala siya sa ibang lugar o tamang sabihin na isa-isa niyang naalala ang nakaraan na matagal na niyang gustong balikan ngunit hindi niya lang magawa dahil nahihirapan siyang alalahanin iyon. Dahil pinagkakait din ng sarili niya ang alaalang iyon.

"I'm Jessel. Just call me by my name instead of Señorita--"

"Señorita..."

Isa lang ang nabuong tanong sa isip niya. Bakit kung kailan ay maaalala niya 'yon ay kung huli na pala ang lahat? Ano ang silbi ng nawala niyang alaala kung wala na ang babaeng mahal niya?

Ang asawa niya?

"El..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top