CHAPTER 47
Chapter 47: Hand injury
“THAT’S okay, Dad. I understand naman po,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Puwede na pala kayong bumalik sa condo niyo ni Alkhairo. Wala ng media ang pupunta pa roon. Sinabihan ko na rin ang may-ari ng condominium,” ani pa ni Dad at napatango ako.
“Sige po, Dad,” I replied.
“Today is your wedding day with Chrysler, right hijo?” my Mom asked him. I looked at Rykiel.
“I will not come po,” umiiling na sabi niya.
“Hindi na kami magtatanong pa,” ani Mom.
“Tungkol po pala sa deal niyo, Sir. Sigurado po ba kayo na wala nang gagawin si Dad laban sa inyo? Nakausap ko na rin po siya na may nalalaman na ako tungkol kay Alkhairo. Hindi po maganda ang huling pag-uusap naming dalawa. He still tried to fool me but I already know the truth,” he stated.
“I’m so sorry about that. Simula kasi nang maghiwalay kayo ng anak namin ay hindi ka na namin nakita pa. Ikaw ang unang umalis sa San Francisco. Sinubukan ka rin na hanapin ng anak ko. She loves you so much kaya kahit noong iniwan mo na siya ay gusto ka pa rin niyang makita noon. Ilang beses siyang pabalik-balik sa probinsyang iyon,” pagkukuwento ni Mommy kaya mabilis na napatingin na sa akin si Rykiel.
Kitang-kita ko ang paglunok niya at namumungay pa ang mga mata niya. “Mom, wala pa pong naaalala si Rykiel,” mahinang saad ko. “Sige po, Dad, Mom. Aalis na po kami,” paalam ko at hinalikan ko pa ang pisngi nilang dalawa.
“Mag-iingat kayo,” Dad uttered.
Hinila ko na ang kamay ni Rykiel at parang ayaw pa niyang tumayo. Baka nagulat lang siya sa inamin ni Mommy sa kanya. “Kayo rin po,” sabi ko.
“Mauuna na po kami,” Rykiel said.
Totoong hindi ako sumuko noon sa kanya kahit ilang beses niya akong pinagtabuyan. Sinabi niya sa akin nang paulit-ulit na hindi na niya ako mahal. Na nagsasawa na siya sa akin noon at mas nahihirapan siya na kapag kasama niya ako.
At kahit ang singsing na tinapon niya noon ay hindi pa rin naging dahilan para sa akin na sukuan siya.
Bumalik pa ako sa San Francisco kahit na alam kong masasaktan din ako kapag muli niya akong pagtatabuyan. Pero hindi ko na siya nakita pa noon at mas nagalit pa sa akin si Grandma.
***
“I wonder kung ano ba talaga ang ginawa ko noon sa ‘yo. Parang sobrang nasaktan talaga kita...” mahinang saad niya, nang nasa kotse na ulit kami at ihahatid na niya ulit ako sa company ko.
“Huwag mo nang alalahanin pa iyon,” suway ko sa kanya.
“Kailangan. Parang iyon na lang talaga ang kulang sa akin,” pamimilit niya sa kanyang sarili. Ayoko na rin talagang balikan pa iyon. Matagal din akong naka-move on, kung alam niya lang.
“Ikaw ang bahala,” saad ko.
Parang doon lang din siya naging tahimik at hinayaan ko na lamang siya.
***
“Aalis ka na?” I asked him when we arrived. Hindi siya agad nakasagot sa akin dahil abala siya sa phone niya. Walang emosyon na tinititigan niya iyon at umiigting na naman ang panga niya. “Busy ka ba?” tanong ko pa sa kanya at may himig na iritasyon na ang boses ko.
Nag-angat siya nang tingin sa akin at tipid na ngumiti lang. “I’m sorry,” hinging paumanhin niya sa akin.
“Sige na, umalis ka na kung may pupuntahan ka pa. Mukhang busy ka, eh. Kung importante iyan ay puntahan mo na,” malamig na pagtataboy ko sa kanya at sumulyap sa hawak niyang cellphone.
“Si Dad ang tumatawag sa akin kanina pa. Pati si Chrysler.”
“Eh, bakit hindi mo sinasagot? Bakit nakatitig ka lang sa screen ng phone mo? Nag-aalala ka ba sa kanya? Bakit hindi mo siya puntahan?” tanong ko and he stepped towards me.
Tiningala ko pa siya nang huminto na siya sa harapan ko. Nasa labas pa kami ng entertainment at nasa likod niya lang naka-park ang sasakyan niya. Mabuti na lamang ay exclusive lang para sa company ko ang highway nito kaya hindi masyadong nilalakaran ng mga tao ang place ko.
“Kapag pinuntahan ko siya ay iisipin niya na itutuloy ko pa rin ang kasal namin,” seryosong sabi niya at tinanggal ang suot kong shades. I was wearing my cap too.
He cupped my face and smiled at me. Bumaba pa ang tingin niya sa mga labi ko.
“May binabalak ka na naman, ah,” usal ko. He shook his head. Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. He just brushed his lips on mine then he snaked his arm around my waist.
“Ihahatid kita hanggang sa opisina mo saka ako aalis,” sabi niya and we started to walk.
Nang maihatid na nga niya ako sa office ko ay umupo pa siya sa visitor’s chair ko at pinagmamasdan na naman niya ang apat na sulok ng office ko.
“Nandito po ang lahat ng papers and contract na kailangan mong i-review, Ms. Jessel.” Sabel handed me a three folder at inilapag ko lang iyon sa office table ko.
“Thank you for taking care of the company while I was gone, Sabel,” I told her as I hold her hand.
“Don’t mention it, Ms. Jessel. Ginawa ko lang po ang trabaho ko,” nakangiting sabi niya.
“Sige,” sabi ko at nagpaalam na siyang lalabas na.
“Mauuna na rin ako.” Tinanguan ko lang siya. “Susunduin pa rin kita after your work,” sabi niya.
“Sabi ko sa ‘yo na hindi na kailangan. Didiretso na ako sa condo namin. Si Khai na lang ang sunduin mo sa school nila at ihahatid din sa unit namin. Maraming salamat sa pag-aasikaso mo sa amin ng anak ko,” nakangiting sabi ko.
“Anak natin. Responsibilidad ko ang alagaan at asikasuhin ko ang mag-ina ko,” wika niya at nakataas ang sulok ng mga labi niya.
“Si Khai lang ang responsibilidad mo. Hindi ako,” nakangising sabi ko na ikinatango niya.
“Ina ka rin naman ng anak ko, kaya isa ka rin sa responsibilidad ko. Dahil totoo nga ang sinabi ng dad mo na kapag may nangyaring masama sa ‘yo ay siya rin naman ang maaapektuhan. Masyado kang mahal ng anak natin,” aniya.
“Hindi niya ba sinabi sa ‘yo na mahal ka rin niya?” tanong ko.
“Hmm... Sinabi, nararamdaman ko lang na mas mahal ka niya,” nakangiting sabi niya.
“Kawawa ka naman pala, eh,” biro ko pa and he just chuckled.
Sinuksok niya ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pants niya saka niya ako tinitigan. Napatingin naman ako sa coffee maker ko at napanguso pa ako nang may naisip na naman ako.
“Don’t pout your lips, Miss,” mahinang suway niya sa akin at ibinalik ko ang tingin sa kanya.
“Do you want to have a coffee with me?” I asked him at tumaas ang sulok ng mga labi niya. Ngayon lang din kasi ako na mag-aaya sa kanya nito. You know, umaakto ako na wala ngang pakialam sa kanya at snob lang ako.
“Okay, Miss. I like that,” he said at lumipat siya sa sofa. “Unang beses na nag-aya ka sa akin, eh,” sabi pa niya.
Nagtungo naman ako sa may counter. Yeah, may ganitong type ng office ako. May water despenser, coffee maker, fridge and heater, kapag gusto ko namang kumain ng noodles ay madali ko lang gawin iyon. Hindi na ako bababa pa sa canteen para lamang kumuha ng noodles na kakainin ko.
“Gusto mo bang lagyan ng milk?” I asked him.
He glanced at me. “Don’t,” he simple said.
Kumuha ako ng dalawang cup at isang tray. Iginalaw ko pa ang kanang kamay ko dahil parang nababawasan na ang sakit niya though limitado pa rin ang paggalaw ko. May mga pagkakataon din na sumasakit siya.
When I brewed the two cups of coffee ay inilagay ko na iyon sa tray. I glanced at Rykiel. Nakatutok na naman siya sa phone niya. Hindi pa niya aminin sa akin na nag-aalala siya para kay Chrysler. Kahit papaano naman ay may pinagsamahan pa rin sila.
Kahit ang sabi niya tila ginawa niya lamang itong rebound dahil hinahanap niya ang presensiya ng isang babae sa katauhan nito pero nabigo rin naman siya.
Pinilig ko na lamang ang ulo ko at kinuha na ang tray ngunit tatlong hakbang lang ang nagagawa ko nang hindi ko sinasadyang mabitawan ang hawak ko. Pati ang balanse ko ay bumigay rin. Malakas ang nagawa kong pagtili kaya mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko si Rykiel na nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ko.
Hinawakan ko ang kanang kamay ko dahil sumisigid na naman ang kakaibang kirot no’n sa loob ng balat ko. Malakas ang pagkabog sa dibdib ko dahil hindi ko na halos igalaw pa ang aking kamay kundi ang maramdaman lang ang sakit nito.
“Okay ka lang, Miss?!” natatarantang tanong sa akin ni Rykiel at mabilis niya akong inilayo sa nabasag na baso. May tumalsik pa sa braso ko na hindi ko na namalayan kanina. “Natapunan ka ba ng kape? Napaso ka?” sunod-sunod niyang tanong sa akin at umiling lang ako.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko at parang may nagkarerahan na sa loob ng dibdib ko.
“A-Ang...” Pumiyok pa ang boses ko.
Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. “Gamutin natin kung napaso ka,” sabi niya pero umiling ako. Hindi iyon ang inalala ko. Kundi ang biglaan na pagsakit ng aking kamay.
Akala ko kasi ay okay na siya. Na wala na akong mararamdaman pa na kahit na ano. Na gumaling na talaga siya kahit hindi ko ito nabigyan ng medication.
“Ang k-kamay ko... Rykiel... Ang s-sakit niya... h-hindi ko na siya kayang igalaw pa...” tila nagsusumbong na sabi ko pa sa kanya at sa mabilis niyang paghawak doon ay napaigik ako sa sakit. “H-Huwag mong h-hawakan... Masakit...” umiiyak na sabi ko pa. I tried na bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Nanginginig pa ang kamay niya na binitawan niya iyon at tinitigan ako nang diretso sa mga mata ko. May pagtatanong sa ekspresyon niya.
“W-What happened to your hand, Miss? Kung hindi ka napaso?” he asked me. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko.
“N-Noong n-nawalan ako nang balanse nang araw na ‘yon... Naitukod ko ang p-palad ko pero nadulas lang sa sahig... At... maraming sapatos ang nakita ko na u-umapak sa kamay ko...” paliwanag ko sa kanya at narinig ko ang pagtagis ng bagang niya.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Why did you hide it from me?!” sigaw niya pero tanging pag-iling lang ang itinugon ko sa kanya.
Ang akala ko naman kasi ay wala lang iyon. Na mawawala rin ang sakit. Kaya kampante ako na hindi na rin siya sasakit pa. Kaya hindi ko na rin sinabi pa sa kanya ang tungkol doon. Masyado na nga siyang nag-aalala sa akin ay dadagdagan ko pa ba?
“Akala ko ay mawawala rin ang sakit na ito...” sagot ko. Malambing na hinalikan pa niya ang noo ko.
“Ipapatingin natin iyan sa doctor,” sabi niya at tumango lang ako.
***
Kahit nasa hospital na kami ay hindi man lang nawala ang sakit sa kamay ko. Kaya panay ang pagpunas ni Rykiel sa luha ko dahil wala rin namang tigil ang pagluha ko.
May kakilala yata siyang doctor kaya sa loob ng clinic nito kami dinala. Sinabi rin kasi ni Rykiel na hindi kami puwede sa public place. Aware din naman pala ito sa situation namin. May assistant nurse pa siya sa tabi niya. Nakahiga naman ako sa hospital bed at nakaupo sa tool chair si Rykiel. Hawak-hawak niya ang kaliwang kamay ko at nasa left side ko naman si Dr. Zynler Dawson.
“Kailan pa nagsimula na nanakit ito? Nilagyan ko lang ito ng ointment dahil ang akala ko ay simpleng pasa lang ang nakita ko,” tanong niya sa akin.
Nahalata naman ni Rykiel ang naguguluhan na mukha ko. “Siya ang doctor na pumunta sa condo para tingnan ka.”
“Okay... Kailan ba natamo ang hand injury mo?” the doctor asked me, again.
“Three days ago, Zyn,” si Rykiel ang sumagot para sa akin at nanatiling nakatingin siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. “Can you give her a pain killer? Kanina pa niya iniinda ang sakit sa kamay niya at wala siyang tigil sa pag-iyak. Baka ma-dehydrate siya,” dugtong niya at nagawa pa niyang haplusin ang buhok ko.
“Before that, kailangan ko munang suriin ang kamay niya,” sabi ng doctor at kahit maingat na hinawakan niya ang kamay ko ay napaigik din ako sa sakit.
“Be careful, Zyn,” mariin na utos ni Rykiel.
“Kahit na marahan na galaw lang ay nararamdaman pa rin niya ang kirot sa kamay niya. You know our hand is so sensitive. Look at this part, namamaga siya at may bakas na tila... Naaalala mo ba kung ano’ng klase ng sapatos ang unang nakaapak sa kamay mo?” tanong sa akin ni Dr. Zynler at tumango ako.
“B-Babae, sigurado ako... Dahil may takong ang sapatos niya...” sagot ko at naalala ko ang pagbagsak ko sa sahig at that time. Kitang-kita ko rin na maraming sapatos ang umapak din sa aking kamay, pero ang una talaga ay parang heels nga siya.
He gentle trace my skin, the back of my hand. “This is the answer. Maliit lang ang takong ng heels niya but it’s like a stick heels? Try to look at this, Rykiel.” Tumayo naman si Rykiel at tiningnan ang parteng iyon. “Kung nangyari ito sa mismong araw na lumabas ang scandal niyong dalawa, maliban ba sa mga media ay may babae kang napansin na kakaiba ang suot niya? What I mean is, she dressed so elegant na kailangan pa niyang magsuot ng stick heels? Sinasabi ko ito hindi dahil sa akusasyon ko, ha. Nakakapagtaka lang kasi na may mga media na nagsusuot ng ganitong klaseng shoes? Dahil sa sariling obserbasyon ko ay mostly girl na reporter ay hindi sila nagsusuot ng matataas na heels lalo na kung nasa oras sila ng trabaho nila, na maghahabol din sa new subject nila na ilalabas sa TV Network nila. Para sa kanila ay hindi iyon komportable at mas mahihirapan lamang sila. Alam niyo naman ang mga reporter na palaging handa at maghahabol talaga sila sa ‘yo,” mahabang paliwanag niya.
At ako bilang modelo and director of my own Z.A Entertainment ay alam ko na ang bagay na iyon. Pero wala rin naman akong napansin noon dahil masyado akong naiingayan at sobrang gulo nila kaya nahihilo rin ako.
“H-Hindi ko alam,” umiiling na sabi ko.
“Kung hindi naman ito isang reporter ay imposible naman na isa lang din na customer na gusto pang makiusyo sa problema mo o sa buhay mo. But anyway, hindi iyon ang mahalaga rito. I need to check you up, through CT scan para sigurado tayo na walang nag-cause na malaking sugat sa loob ng kamay mo. Nurse Vesper, bigyan mo na siya ng pain reliever and help her to change her clothes.”
Inalalayan ako nina Rykiel at pati na ang nurse niya para makapagpalit ako ng damit.
“You’ll be fine and I need to check the CCTV footage. Kung may nakita man ako na hindi ko magugustuhan ay gagawin ko ang gusto ko,” malamig at seryosong sabi niya. Hindi ako nakasagot dahil sa kakaibang emosyon na ipinakita niya ngayon sa akin.
Aksidente lang naman ang nangyari pero sa tingin ko nga ay may gagawin siya na hindi maganda. Kung may nakita man siya na kakaiba.
Nang makapagpalit na ako ng hospital gown nila ay pinahiga pa nila ako sa stretcher para ilipat sa ibang kuwarto. Ang kamay ko lang naman ang susuriin. Nakainom na rin ako ng gamot kaya hindi ko na masyadong nararamdaman pa ang kirot nito.
Kinakabahan ako sa makikita nilang resulta. Dahil baka malala ang hand injury ko. Dahil baka masaktan din ako, hindi ko binigyan pansin iyon at inilihim ko pa mula kay Rykiel.
Hindi umalis sa tabi ko si Rykiel at halos hindi na siya kumukurap, na tila ba na takot siyang mawala ako kaya palagi siyang nakabantay sa akin.
Naramdaman ko ang init na dumaloy sa balat ko at bumagal ang pagkurap ng mga mata ko. Parang inaantok ako bigla kaya bumigat ang mga talukap no’n.
“Is she okay?” Rykiel asked the doctor, worriedly.
“Pain reliver,” Dr. Zynler replied.
During the CT scan ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Siguro dahil iyon sa pain reliever na ininom ko o baka dahil sa magaan na pakiramdam habang nakahiga ako kaya nakatulog ako?
Si Rykiel pa rin ang nabungaran ko nang magising ako. Nagtama agad ang mga mata namin at matamis na ngumiti siya sa akin.
“How are you? May gusto ka bang kainin? Nalipasan ka na ng gutom. Ang himbing nang tulog mo, eh,” nakangiting sabi niya.
“Ayos na... Hindi na masyadong...” Napatingin ako sa kamay ko na may cast na. Ramdam ko ang malamig na tela roon. “Ayos lang din ba ang kamay ko. Ano ang sinabi ng doctor?” I asked him.
“Mabuti na lang ay tatlong araw lang ang nakalipas, kung umabot daw ito ng ilang linggo pa ay kailangan ipasok sa operasyon ang kamay mo. Dahil sa pag-apak sa ‘yo ng stick heels ay nabali ang maliliit na ribs mo sa kamay pero maaayos din daw ito kapag naresetahan ka na ng gamot. Hindi naman siya malala at babalik din siya sa dati pero sa ngayon... Bawal mo raw galawin ito nang madalas, kailangan mong ipahinga. May ugat din daw na namamaga,” paliwanag niya sa akin at hinalikan niya ang kamay kong naka-cast na.
Gamit ang isang kamay ko ay inabot ko ang mukha niya. Mabilis na hinuli iyon ng isa pa niyang kamay at hinalikan niya rin iyon.
“Thank you,” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Nasabi ko na ito sa parents mo. Gusto nilang pumunta rito pero hindi rin puwede. Dahil baka malaman ng media na nandito ka. Baka kasi isipin nila na stress ka o...” sabi niya at itinaas pa niya ang kamay ko. “Baka isipin nila na nag-commit súícídé ka kaya dinala ka sa hospital. Na guilty ka sa nangyari.”
“Hindi nila iisipin iyon. Hindi ako left-handed. Si Khai pala?” tanong ko.
“Nasa condo na. Si Kuya Ryle ang sumundo sa kanilang tatlo. Hindi ko pa nasabi baka mag-alala rin ‘yon sa ‘yo.”
“Saang condo pala?”
“Hindi sa condo niyo,” sagot niya. “Hindi ka naman ma-co-confine kaya uuwi rin tayo. Nagpasuyo na ako sa secretary mo kanina na magpabili ng gamot at nandito na lahat.”
“Nagpunta rito si Sabel? Tinawagan mo?” tanong ko.
“Nakalimutan mo yata ang kaninang nangyari sa ‘yo. Sumunod siya para alamin ang nangyayari sa ‘yo. Naging alerto naman agad ang mga bodyguard mo kasi bakit daw kita dadalhin sa hospital? May nangyari ba raw sa maganda nilang amo?” aniya. I shook my head. Nagbibiro na naman siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top