CHAPTER 45
Chapter 45: Royal Tower
BILANG isang producer, isang director ng sariling company niya mismo, isang kilalang sikat na modelo sa bansa ay alam kong pinakaimportante sa amin ang magandang reputasyon o imahe sa mga mata ng lahat at madla, ika nila.
Dahil oras na masira iyon ay alam kong bibigyan ng atensyon iyon ng mga media, lalo na kung may basher ka rin. Sa loob ng 35 years na nabubuhay ako sa mundong ito ay ngayon lang dumating sa akin ang ganitong klaseng problema.
Pero walang-wala na ito sa mga naranasan ko noon. Pangalan ko man ang nasira o dignidad, basta ang alam ko lang ay wala akong ginagawang masama. Wala akong inaagaw na ano, hindi ko inakit si Rykiel at kung isa man ako sa sinasabi nilang ‘third party’ ay wala na akong magagawa pa roon.
Sila mismo ang nag-isip na ganoon nga ang nangyari. Sila mismo ang gumawa ng titulong iyon sa relasyon nina Rykiel at Chrysler.
Hindi ko ginustong makisawsaw sa buhay nila. Dahil sa una pa lang din ay ito na ang iniiwasan kong mangyari. Kaya mas pinili ko ang manahimik at hindi ko sinabi sa kanya ang totoo dahil dito... Dahil sa nangyayari ngayon...
Pero kahit anong iwas pala ang gawin ko ay mangyayari at mangyayari pa rin ito. Tila nakatakda na nga ang lahat at wala akong choice kundi ang tanggapin at mag-aabang na lang kung ano na ang susunod na hakbang na gagawin laban sa amin.
“Yes, a person like me ay talagang iniingatan namin ang imahe namin sa industriya. Dahil once na mawala ito ay ro’n na rin mawawala at masisira ang career mo. But now, I don’t care about the reputation. Basta ang alam ko...” sambit ko at sinulyapan ko si Rykiel. He stared at me too. “Wala akong inaagaw, hindi naman din ako nakikisawsaw sa relasyon nila ni Chrysler and especially I’m not flirting with him. Wala akong oras para sa bagay na iyon,” sabi ko at ibinalik ko ulit ang tingin kay Ryle. “I’m 35 years old, wala na akong hinihiling pa na iba kundi ang magandang kinabukasan lang naman ng anak ko,” dugtong ko at nginitian ko si Khai. Namula agad ang mga mata niya. He is precious to me and I love him more than myself.
“Alkhairo, such a lucky son to have you as his mother,” Ryle uttered with a smile.
“Me too,” I said.
“Your mother raised a kind-hearted woman like you, so as well as Alkhairo,” he added and I just smiled at him.
“But Kuya Ryle, totoo po ba ang sinabi ni Kuya Eryx? A-Anak niya si Ryx?!” bulalas na tanong ni Zules. Hindi pa rin ba siya maka-get over? Or sadyang hindi kayang i-process sa utak niya ang katotohanan na hindi lang nila kaibigan ang anak ko, kundi isang pamangkin din nila ito. They real family.
“Kailan pa ba ang nagbiro sa inyo si Eryx? Alam niyo naman na palaging seryoso iyan, ah,” natatawang saad pa ni Ryle at umupo na rin siya sa single sofa.
“Seriously?!”
“I can’t believe!”
Sa gulat nila ay pabalik-balik lang sila sa pag-upo at sa pagtayo. Putlang-putla na nga ang mukha nila at kaunti na lamang ay sasabunutan na nila ang kanilang sariling buhok.
Huminto lang sila nang napabahing ako nang malakas. Mabilis na lumapit sa akin si Rykiel at ibinigay niya sa akin ang isang tasa ng kape.
“You need to drink this. May gamot ka ba para sa allergies mo?” tanong niya sa akin at marahan lang akong tumango.
Gamit ang kaliwang kamay ko ay kinuha ko sa kanya ang cup. Hindi ko naman kayang galawin ang kanang kamay ko dahil sumisigid ang kirot no’n sa balat ko na tila umabot din sa aking buto. Hindi lang ako sigurado kung may nabalian ba ako roon. Pero hindi ko na iyon sinabi pa kay Rykiel at itinago ko na iyon mula sa kanya. Baka gagaling din naman ito agad.
Visible pa rin ang pamumula niya at habang tumatagal ito ay nagkukulay violet na, dahil tiyak ako na magkakaroon na siya ng pasa.
“Here, take this, Dad.”
“Thanks, son.” Sumimsim ako ng kape na tinempla ni Rykiel para sa akin at tiningnan ko sina Zue and Zules.
“Ate J, totoo po ba talaga na si Kuya Eyrx talaga ang daddy ni Ryx?” Hindi na nakapagpigil pa si Zue at nagtanong na siya sa akin.
Wala sa sariling napatingin ako kay Rykiel na nasa akin pa rin pala ang kanyang atensyon. Marahan na tumango ako at nakita ko naman ang pag-angat ng sulok ng mga labi niya kaya mabilis na akong nag-iwas nang tingin sa kanya.
Nalaman lang niya ito dahil pinakialaman niya ang DNA test result ng daddy niya and it turns out na sa kanya pala nagmula ang sample kaya naging positive ang resulta. His father manipulated the DNA test result. He didn’t bother to ask me if he is biological father of my son. Parang sapat na ang nalaman niya.
“Ate J naman, kulang lang ang pagtango mo sa tanong namin,” parang maiiyak na sambit pa ni Zules at nagpapadyak pa siya na akala mo ay isang five years old na bata lang siya. I chuckled.
“That’s true. He is the biological father of Khai. I named my son after your brother,” I stated and I felt his hand on my back.
“What? W-What is Ryx name again, Zue?” tanong ni Zules.
“Zairyx Alkhairo,” Zue uttered my son’s name.
“Rykiel Eryx...”
“You love me that much, so you named our son after me?” Dahil sa sinabi niya ay hindi ko sinasadyang mapaso ang dila ko at muntik pa akong masamid sa mainit na kape. “Be careful,” he said and rubbed my back.
“Ang yabang mo,” I told him and he just grinned. “Wala lang akong maisip na pangalan noon kaya naalala ko ang second name mo, tss,” I uttered.
“Kung ganoon nga... 12 years mo nang kilala si Kuya Eryx, Ate J?” tanong naman sa akin ni Zules. Ibinigay ko kay Rykiel ang coffee ko sa kanya at kinuha naman niya iyon.
“Actually... It was 14 years ago... Or rather say it’s almost 15 years,” I said at nag-react na naman sila nang husto. Naramdaman ko ang matiim na pagtingin sa akin ni Rykiel.
“That long?!” At nag-umpisa na silang magbilang. Si Ryle ay umiling lamang sa mga kapatid niya.
“Ganoon mo na ako katagal na kilala pero... You acted like you didn’t know me,” parang may hinanakit na sabi niya at humarap ako sa kanya.
“Do you think ay lalapit pa ako sa ‘yo pagkatapos mo akong iwan noon?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“So, ako talaga ang nang-iwan sa ‘yo?” tanong niya sa akin pabalik.
“Matagal na ang nakalipas, wala na rin sa akin ang lahat ng iyon. Kontento na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Ang pinagkukunan ko na lamang ng lakas ng loob at inspirasyon ay ang anak ko.”
“Na anak ko rin. Nalaman ko na ang tungkol sa kanya pero malabo pa rin ang alaala na mayroon ako. May kulang pa rin...”
“Kalimutan mo na lamang iyon at ano ba ang nangyari diyan?” tanong ko sa kanya at itinuro ko ang sugat niya.
“He did that for some reason. Nagpasuntok siya sa bodyguard niya nang dalawang beses para lang i-trigger ang trauma niya at ang amnesia niya pero walang nangyari,” sagot sa akin ni Ryle. Nagsalubong ang kilay ko dahil doon.
“Ano naman ang gusto mong mangyari?” tanong ko na may bahid na iritasyon sa boses ko.
“Ang sabi sa akin ng Daddy at Mommy ni Francine ay iyon ang gagawin ko. I think iyon nga ang isa sa kinakatakutan ko na gawin o mangyayari. Ang i-trigger ang traumatized ko, to fight my own weakness,” sabi niya.
“Ate J, binilang ko po ang age niyo sa mga taong nagdaan!” sabat naman ni Zules. Napatingin kaming lahat sa kanya.
“Lower down your voice, Zules,” suway ni Rykiel.
“What is it then?” Khai asked. Kanina pa rin yata siyang nananahimik.
“13 years old pa lamang no’n si Kuya Eryx at 21 naman si Ate J. Si Ryx naman ay 12 years old na. So, sa edad na 16 pala ay nakabuntis ka na, Kuya! Sa 17 naman ay ipinanganak na si Ryx.”
“It turns out na child abuse nga si Ate J, no offense po, ah,” Zue blurted out. Sa halip na ma-offend din ako ay tinawanan ko lang iyon.
“Zue, you talk too much,” Rykiel hissed him.
“Paano pong nagkaroon kayo ng relasyon noon? I mean, ha... Walang duda na si Kuya Eryx ang nang-akit kay Ate J. Iyong mga litrato nila, Kuya Ryle. Halata po talaga na siya ang unang nang-akit! Do you think po ay si Ate J iyon? Wala ngang pakialam ang Mommy ni Khai sa kanya!” bulalas ni Zules. Ang akala ko ay susuwayin siya ni Ryle pero katulad lang nang ginawa ko ay tumawa lang din siya.
Umigting lang ang panga ni Rykiel dahil parang nabuking na nga siya ng kapatid niya. “Shut up, Zules. I figure it out too,” he just said. His index finger touch my chin to lifted it up and he stared at my face, intently, “And what happened to your face, baby? Bakit ito namumula?” curious niyang tanong sa akin as he traces his fingers on my skin.
Iyon siguro ang nasampal ni Audrey kanina. Sa kaliwang pisngi ko dumapo ang tila bakal niyang kamay kaya hindi na rin ako nagduda pa na mamumula talaga ito. Nakaganti naman ako nang mas malakas pa.
“Wala lang ‘to,” tanggi ko at tinanggal ko ang kamay niya ro’n.
“I forgot na nadatnan kitang nasa sementadong sahig na,” aniya at sinuri ang katawan ko para lang hanapin kung may sugat ba akong natamo.
Nadagdagan ang galos at sugat ko sa siko ko kaya nang makita niya iyon ay mariin na nagtatagis ang bagang niya. Hinawakan pa niya ang kanang kamay ko kaya binawi ko iyon dahil pinisil pa niya kaya naramdaman ko na naman ang mariin na pagkirot nito.
“I’m fine. Nawalan lang ako nang balanse kanina dahil hinahabol nila ako. Aside from this small bruises ay wala na akong nakuha pa na kahit na ano,” sabi ko at muli niyang hinawakan ang kamay ko.
“Namamaga ito,” aniya at ang tinutukoy niya ay ang kamay ko na.
“Naitukod ko kanina. Wala lang ito,” mariin na sabi ko. Bakit ba talaga ang kulit-kulit niya?
“Zules, kunin mo ang first-aid kit niyo,” utos na naman niya sa pinsan niya.
“Okay,” Zue answered at mabilis na tumayo ito para magtungo sa hagdanan.
“Bakit pala ang aga niyong umuwi?” I asked my son.
“Half day lang po kami dahil may meeting ang faculty staff,” sagot niya sa akin.
“And about Dad, Eryx. Alam mo ba na galit na galit siya kanina noong inaresto siya ng mga pulis? Wala namang ibang nakakaalam tungkol doon dahil hindi naman niya hahayaan iyon. Ayaw niya rin naman na masira ang imahe niya sa mga kasosyo niya at lalo na sa mga mata ng kalaban niya” ani Ryle.
“Zules, umakyat muna kayo sa itaas. Isama mo si Khai.”
“Why, Kuya?”
“Basta,” tipid na sagot niya lang.
Hinila na ni Zules si Khai na nagpatianod naman sa kanya. Masunuring bata talaga siya. Kaya wala talaga siyang reklamo.
“Where is he now, Kuya?” Rykiel asked him.
“Nasa presinto na at kasama na rin niya si Attorney Chua, and I think, Jessel. Magdobleng ingat na kayo ngayon dahil kilala ko si Dad. Mahilig iyon na gumanti at wala talaga siyang sinasanto,” ani Ryle.
“Hangga’t nasa tabi lang ako ng mag-ina ko ay hindi ko hahayaan na masaktan pa sila ni Dad.” I pinched the bridge of my nose because of his words.
“We’ll never know, Eryx. Sigurado ako na makakalabas pa rin si Dad, marami siyang koneksyon sa pulisya.”
“I doubled the security then,” seryosong sabi pa ni Rykiel.
“No need, marami kaming bodyguards. Sapat na iyon,” I told him but he shook his head.
“Hindi ka kaya nilang naprotektahan kanina,” he fired back.
“Alerto lang sila kung ang daddy mo na, but they didn’t expected the media,” paliwanag ko.
“Heto na, Kuya,” ani Zue at inilapag sa center table ang first-aid kit.
“Akyat na sa itaas,” he said.
“Grabe,” sabi lang ni Zue at bumalik na nga siya sa itaas.
Unang ginamot niya ang mga galos at sugat ko sa siko. Masusugatan talaga ito dahil blouse lang ang suot ko at kanina ko lang din hinubad ang coat ko. I didn’t bother to wear that again.
“Aalis muna ako, Eryx. I will check dad. Alam natin pareho na may mga pinaplano talaga siya,” paalam ni Ryle and he stood up from his chair.
“Okay, susunod na lamang ako.”
“Huwag na. Mainit ang ulo sa ‘yo ni Dad and Jessel, I’m sorry for the mess. Thank you for raising my nephew, he just like you, a kind-hearted kid,” he said.
“Yeah,” sabi ko lang. Naiwan kami ni Rykiel sa living room ng condo ng mga kapatid niya at seryosong ginamot lang niya ang mga galos ko.
“I will leave you here with the kids, miss,” he said.
“Okay at paano mo pala nalaman na nandoon kami ni Sabel sa Japanese restaurant?” I asked him.
“I have some sources when it comes to you. Napanood ko mismo ang scàndàl sa internet and sorry about that. Ginawa ko na ang makakaya ko at sana lang din ay magawan din ng paraan ng isa sa kaibigan ko na expert naman pagdating sa computer. He is a hacker at kung may ma-upload man na bagong litrato ay kaya pa rin niyang burahin iyon. Kahit mismo ang social accounts nila,” he explained.
“I met Chrysler and her best friend there.” Diretsong tiningnan naman niya ako sa mga mata.
“Is that so? Ang pisngi mo, bakas ng isang palad. Alam kong hindi si Chrysler ang sumampal niyan sa ‘yo. Kilala ko iyon, hindi siya nananakit. Maybe, Audrey?” he guessed it.
“Paano mo naman nasabi na si Audrey iyon? Kaibigan niya kaya ang nasaktan at hindi siya,” kunot-noong sabi ko. Hindi dahil pinagtatanggol ko lang si Audrey kaya iyon ang sinabi ko sa kanya pero ang nakapagtataka lang ay kung bakit ang isang babaeng iyon ang pinagbintangan niya na puwedeng manampal sa akin?
“She likes me for a long time,” he said.
“What? Imposible naman yata iyon. Kung ganoon...karibal niya mismo ang sarili niyang kaibigan? Eh, paanong close pa sila?”
“She respect her best friend. I will talk to her later,” malamig na sabi niya.
“For what?”
“Basta.”
***
Pagkatapos niyang lagyan ang ice compress ang pisngi ko at nakainom na rin ako ng gamot ko sa allergies ko ay hinatid pa niya ako sa guest room at saka inakay pa niya ako pahiga. Parang ang bata ko sa lagay na iyon.
“Rest for now. Babalik ako,” sabi niya at tumango lang ako. Inayos niya ang kumot sa katawan ko. Saglit pa niya akong pinagmamasdan. Hinalikan pa niya ang noo ko saka siya tuluyang umalis.
Nakatulog naman ako kahit sobrang aga pa. Dahil siguro sa nangyari kanina. Napagod ako at sumama lang din ang pakiramdam ko.
Nang magising ako ay naramdaman ko na ang malamig na tela sa bandang noo ko at nakararamdam din ako ng lamig. Kumikirot ang ulo ko at masama na nga ang pakiramdam ko.
Tatanggalin ko na sana ang nasa noo ko nang may kamay ang pumigil doon. Napadilat ako at sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Rykiel sa akin pero nababasa ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.
“How’s your feeling?” he asked me.
“I’m...not feeling well... W-What happened?” nanghihinang tanong ko.
“30 minutes later, our son told me na inaapoy ka na raw ng lagnat. He was calmed when he said that and not me, pinatingin ka namin kanina sa doctor na kaibigan ni Kuya Ryle, and he said pagod ka lang daw and stress,” paliwanag niya sa akin.
“Ano’ng oras na?” tanong ko at tumingin ako sa bedside table. May digital clock doon at nakita ko na 8PM sharp na. “Where’s my phone? Tumawag ba ang parents ko?”
“Yeah, hours ago. Your secretary told me that you didn’t eat your lunch when Chrysler and Audrey arrived. Nakatulugan mo na ang lunch time mo. Nagluto ako kanina ng chicken soup para sa ‘yo, hindi ka pa nakakainom ng gamot.”
“Kaunting pahinga lang ito at magiging maayos naman na ako,” sabi ko.
“Please, rest well. Pupunta lang ako sa kusina,” aniya.
“Si Khai?”
“Nasa loob ng room ni Zules. Nag-movie marathon silang tatlo. Maiwan muna kita rito. Kailangan mong makainom agad ng gamot para bumaba naman ang lagnat mo.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top