CHAPTER 43

Chapter 43: Third party & scándál

“AND why are you blushing, baby?” naaaliw na tanong pa niya sa akin.

“Ewan ko sa ‘yo, and seriously? Stop calling me that. Hindi ako sanggol para tawagin mong ganoon,” supladang sabi ko sa kanya. Bakit niya ako tinatawag na baby? Mukha ba akong sanggol? 35 years old na ako at may 11 almost 12 years old son na. So, why baby? Grr.

“That was my endearment for you,” he said. Walang ganang tiningnan ko siya. Endearment his face, tsk.

“Well, I’m too old for that. Don’t call me that kind of endearment because I’m not even thrilled. It’s so corny, you know,” pagsisinungaling ko sa kanya. Kahit ang totoo naman ay parang isa lang akong teenager na nakararamdam pa rin ng kilig. Especially a butterflies on my stomach.

Hindi ko nga inakala na muli ko itong mararamdaman. Dahil ang tagal na ng pahina na naranasan ko ang pakita na ito. Pero heto, muli ko siyang naramdaman and thanks to this man na matigas ang ulo. Mas matigas talaga ang ulo niya kaysa sa mga kapatid niya.

“What do you want then?” pangungulit niya at binuksan ko na lang isang folder kong nakalatag lang sa office table ko. Para naman napunta na rito ang atensyon ko at hindi na ako kukulitin pa ng lalaking ito kung nakikita niya ako na masyadong busy sa work ko.

“I don’t like the endearment. So, stop it, Mr. Barjo,” I said in a cold voice.
Narinig ko ang footsteps niya palapit sa direction ko. Nagbasa lang ako kahit parang wala naman akong naiintindihan. Naririnig ko ang pag-iingay ng cellphone niya. Wala ba siyang balak na sagutin iyon? Nakakaabala na masyado, eh.

“But I like the idea, Miss,” he said.

“I don’t like it,” I told him.

“Okay, fine. Aalis na ako,” paalam niya ngunit hindi ko na siya tinapunan pa nang tingin. Narinig ko lang ang pagbukas at pagsara ng pintuan. It’s a sign na umalis na nga talaga siya nang tuluyan. Thanks God...

Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Masyado talagang masikip ang office ko kung para sa akin, kapag nasa iisang lugar lamang kami ni Rykiel. Nabibigatan ako sa presensiya niya at hindi talaga napapakali kapag nasa malapit lang siya. Palagi niya akong pinagmamasdan, eh.

Nakakainis na siya kung minsan. Parang binabantayan niya lang ang bawat kilos at galaw ko. Hindi ako tinatantanan ng malalim at malamig niyang tingin.

Napatalon naman ang balikat ko nang biglang bumukas ang pintuan at sobrang lakas no’n. Pinanlakihan ko pa ng mga mata si Rykiel nang bumalik siya. May naiwan ba ito? May kailangan na naman siya mula sa akin?

“Sisirain mo ba ang pintuan ng opisina ko, ha?” masungit na tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lamang siya sa akin at lumapit sa table ko. “Aayusin ko na lamang para sa ‘yo kapag nasira ko man,” mayabang na sabi niya. As if may alam siya na mag-ayos no’n?

Oh, I forgot na marunong pala siya mag-ayos ng mga nasirang gamit. Okay, fine. He’s a carpenter, I can say that kasi siya ang gumawa ng munting kubo namin dati but if course with the help of his friends naman.

“Ano na naman ang kailangan mo?” inis ko pang tanong. Ang kulit niya, ha.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang paglahad ng kamay niya at malapit iyon sa mukha ko.

“Nasaan na ang invitation card mo?” tanong niya.

“Bakit mo naman iyon hinahanap?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Akin na.”

“Sa akin kaya iyon,” seryosong sabi ko. Itinukod niya ulit ang isang kamay niya sa table at mas yumuko para lang magtagpo ang mga mata namin. “Ano ba ang kailangan mo roon? Puwede ka namang humingi sa fiancé mo. Bakit kukunin mo pa ang akin?” naiinis kong tanong sa kanya.

“Ibibigay mo sa akin o hindi na ako aalis pa rito at babantayan na lamang kita buong hapon, kahit hanggang gabi pa? Sige, pumili ka,” makahulugang usal pa niya.

“Nasisiraan ka na talaga ng bait, Rykiel,” sabi ko at kinuha ko ang handbag ko para makuha ang invitation card na ibinigay sa akin ni Chrysler.

Padabog na ibinigay ko pa sa kanya iyon at tumama sa kanyang dibdib. Hinintay ko lang ang susunod niyang gawin. My lips parted in shocked when he tore the invitation card into pieces, and after that ay isinuksok niya iyon sa bulsa ng pants niya.

“What did you do?” gulat na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at hindi na ako nakaiwas pa nang humalik siya sa gilid ng labi ko.

“See you later, baby,” sabi niya at marahan na tinapik pa niya ang kaliwang pisngi ko. Nakaawang pa rin ang mga labi ko habang sinusundan ko siya nang tingin at tuluyan na siyang umalis.

Napatutop ako sa aking dibdib dahil sa bilis nang pintig ng puso ko. Ang lalaking iyon, may balak talaga siyang atakehin ang puso ko. I mean... Maha-heart attack ako in no time dahil sa mga ginagawa niya sa akin.

Matagal bago humupa ang mabilis na heartbeat ko at nagpapasalamat na lamang ako na nakapag-focus ako sa trabaho ko kaya halos hindi ko na namalayan pa ang oras.

Nang sipatin ko ang wristwatch ko ay 12PM na pala. Hindi kumatok sa pinto ko si Sabel. Gumagalaw lang talaga siya sa work niya o kung lumalapit man siya ay dapat inuutusan ko pa siya. Ganoon siya. I stretch my arms and I stood up from my chair.

Lumabas ako mula sa opisina ko at naabutan ko si Sabel na masyado ring abala sa trabaho niya.

“Did you eat your lunch na, Sabel?” I asked her at gulat na napatayo pa siya.

“Hindi pa po, Ms. Jessel,” umiiling na sabi niya and I nodded my head.

“Come on, sabayan mo na ako. Kumain tayo sa labas,” I invited her at mabilis niyang sinikop ang papers niya sa table niya at inayos ang sarili bago siya lumapit sa akin.

Sa malapit na resto lang ang pinili naming kainan ni Sabel at tapos na rin yatang kumain ang bodyguards namin kaya sa labas na lamang silang nagbantay sa amin.

Japanese restaurant iyon at si Sabel na rin ang pinapili ko na kakainin naming dalawa. Pumuwesto kami malapit sa counter at nang makapag-order siya ay nagpaalam na muna ako sa kanya.

Pumunta ako sa comfort room at naghugas lang ako ng kamay ro’n. Bumalik din naman ako pagkatapos pero nadatnan ko sa kabilang table sina Chrysler at ang kaibigan niyang si Audrey.

Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Lalapit pa ba ako kay Sabel o yayain na lamang siya na umalis sa lugar na ito at maghanap ulit ng resto. Pero hindi naman yata puwede iyon. Nakapag-order na kami ng pagkain ni Sabel at saka...

Bakit naman ako aalis? Hindi naman ako takot na makita silang dalawa. Siguro nakararamdam lang ako ng guilt dahil sa nangyari? Dahil kay Rykiel? Sa nakita nito noong nasa boutique pa kami ni Z? Na hindi na matutuloy pa ang kasal nila?

Pinilig ko na lamang ang ulo ko saka ako dahan-dahan na naglakad at tinungo ang table namin. Hindi ako tumingin sa side nila kahit naramdaman ko na napatingin sila sa akin. Dedma na lamang ang ginawa ko at ‘sakto nang makaupo ako ay nagsalita ang kaibigan ni Chrysler.

“You know what, Chrys? May mga tao talaga na gustong makisawsaw sa life ng ibang tao, and worst thing pa ay aagawin na lamang nila ang isang bagay na pagmamay-ari na ng iba. Hindi man lang siya nahiya. Sobrang kapal talaga ng pagmumukha niya,” makahulugang sabi nito at alam ko ang ibig niyang sabihin.

Nagpaparinig ba siya sa akin? O sadyang ako lang talaga ang tinutukoy niya? Sa dami-rami ba naman kasi ng restaurant na mapipili din nilang kainan ay bakit dito pa? Bakit nagkatagpo pa kami?

Parang may galit na nga sa akin si Chrysler and of course, it’s normal. Nasaktan ko ang feelings niya at sa tingin niya ay isa ako sa mga tao na naging dahilan kung bakit tinalikuran siya ng fiancé niya.

“Please, Audrey... Stop ka na lang,” pigil sa kanya ni Chrysler.

“Darating din ang karma para sa mga taong mang-aagaw, Chrys. Makikita mo. Babagsak din siya. Iyong alam mo na hindi naman kayo compatible ay pinagpipilian pa rin niya ang sarili niya sa iba. Sobrang nakakahiya talaga iyon,” sabi pa niya at napakamot ako sa kilay ko.

Nang silipin ko ang mukha ni Sabel ay nawala ang emosyon sa mukha niya at diretso ang tingin niya sa kabila. Inabot ko ang malamig na tubig at uminom.

Ano ba ang pinagsasabi niya? Kung sa akin niya sinasadyang iparinig sa akin iyon o ako talaga ang tinutukoy niya ay nagkakamali siya sa mga sinasabi niya. Hindi ako mang-aagaw or what.

Duh, hindi ako iyong klaseng tao na nakikisawsaw sa buhay ng ibang tao. Magdahan-dahan siya sa pinagsasabi niya and what is it again?

Karma? Ha, wala nam akong ginagawang masama para pagsabihan niya ako na kakarmahin lang ako at babagsak?

Inilapag ko ang baso sa table at hindi ko na lamang pinansin pa ang mga pinagsasabi niya. Hindi siya importanteng tao upang bigyan pa ng pansin. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman siya ang nasaktan pero dinaig pa siya ng kaibigan niya kung maka-react. Tss.

Dumating ang order namin ni Sabel at isa-isang inilapag ang mga iyon. Dalawang chilled tofu, ohitashi, gyoza and softdrinks. Pamilyar na ako sa ganitong kinds of food. Kaya alam ko ang mga pangalan nila.

Nagsimula kaming kumain at hindi tumigil si Audrey sa kasasatsat niya. Away talaga ang gusto niya, eh. “Alam naman niya na ikakasal na kayo, pero sadyang mang-aagaw talaga siya.” Sa sinabi niya ay mas pinatunayan niya talaga sa akin na wala siyang ibang pinapatamaan kundi ako. Ako lang talaga.

Napatingin ulit ako kay Sabel dahil nang kunin niya ang spoon niya ay may kalakasan pa iyon at humigpit ang hawak niya roon. Hindi naman ako naapektuhan sa mga sinasabi ng babaeng ito sa kabilang table. Dahil alam kong inosente naman ako at wala akong kinalaman sa mga iyon.

Please, Aud... K-Kumain na lamang tayo...” mahinahon na sabi pa ni Chrysler. Hindi ko alam kung sincere ba siya na pinipigilan niya lamang ang kaibigan niya na magsalita pa o baka umaakto rin siya na mabait talaga?

Pero alam ko na mabuting tao siya at hindi rin siya katulad ng mga babaeng...katulad na lamang sa best friend niya ngayon. Kung ano-ano ang mga pinagsasasabi niya. Kakarmahin daw ako? Seriously? I didn't do anything. Tsk. Sa dami ng pinagdaanan ko ay kakarmahin pa ba ako?

“No, Chrysler. Dapat nga ay lumaban ka ngayon. May karapatan ka. Ikaw ang fiancé kaya dapat ay may gawin ka laban sa kanya,” matapang na sabi nito at narinig ko ang malakas na pagsagi ng upuan nito sa sahig.

I ignore her at tahimik lang akong kumain. Tumayo siya malapit sa table namin at kahit hindi ko siya tingnan ay nararamdaman ko pa rin ang masama niyang tingin sa akin.

“Puwede ba tayong mag-usap, Ms. Jessel?” tanong nito sa akin. Nanatiling nasa pagkain ko ang tingin ko.

“Show some respect, Miss. Nakikita mo naman na kumakain kami, ‘no? You’re not a stupid naman, right?” naiinis na sabat sa kanya ni Sabel. Hinayaan ko siyang magsalita at kausapin na lamang si Audrey.

“I’m not talking to you, Miss,” pambabalewalang saad lang nito sa secretary ko.

“Mind your own manners,” malamig na sabi pa ni Sabel. Isa sa pinakaayaw niya talaga ang mga taong walang respeto sa nakatatanda o sa kapwa niya mismo.

“Shut up!” sigaw ni Audrey at hinampas pa niya ang table namin.

Naibaba ko ang spoon ko sa table at walang emosyon na tiningnan ko siya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin din sa akin pero hindi niya ako makukuha sa ganoong klaseng tingin.

“Audrey, please... H-Huwag ka nang gumawa pa nang eskandalo rito... P-Please, u-umalis na lamang tayo rito...” parang maiiyak na sambit pa ni Chrysler. Natatakot ba siya? Natatakot ba siya sa posibleng gawin ng best friend niya rito sa loob ng Japanese restaurant?

“Hayaan mo ako, Chrys. Hayaan mo ako na bigyan ng leksyon ang babaeng ito. Kaya hindi matutuloy ang wedding niyo next week dahil sa kanya! Third party ito at alam kong inakit niya lang si Eryx!” asik niya. Kaya sa malakas na pagsigaw niya ay nakuha na namin ang ilan na mga customer sa loob.

“Miss Audrey, lower down your voice at huwag mo akong tingnan nang ganyan. Mas matanda pa rin ako kaysa sa ‘yo. So, just what my secretary said, show some respect and stop murmuring something. I didn't do anything at hindi ko inaagaw si Rykiel. Bakit apektado ka masyado?” nakangising sabi ko.

Mas lalong umusok ang butas ng ilong niya at maikli lang pala ang pasensiya niya dahil tumaas ang palad niya. She was about to slap me pero mas mabilis ako. Hinawakan ko iyon nang mahigpit at marahas na binitawan ko pa.

“Hindi ko inakit si Rykiel at walang third party. Sinabi nga niya sa akin na...” I glanced at Chrysler. “Kagustuhan naman pala iyon ng Daddy niya kaya napaaga ang kasal nila,” sabi ko at ibinalik ko ang tingin kay Audrey. “Wala akong oras para sa inyong dalawa. So, excuse us,” I said at sumenyas ako kay Sabel.

Tinalikuran ko na sila pero hinawakan ni Audrey ang kamay ko at pinigilan ako. Nagawa niyang sampalin ang pisngi ko at mabilis din akong gumanti, mas malakas pa.

Nakarinig pa kami ng maraming pagsinghap sa paligid.

“Third party!” asik niya at napangisi lang ako.

Malalaki ang bawat paghakbang ko para makaalis na kami sa lugar na iyon pero ikinagulat ko ang maraming media na nag-aabang sa labas ng restaurant.

Mabilis na humarang sa harapan ko si Sabel at sa isang tanong lang ng reporter ay parang mawawalan ako ng malay dahil sa gulat.

“Ms. Jessel, totoo po ba na may third party ang relasyon nina Ms. Chrysler at Mr. Rykiel Eryx Barjo? At sinasabi po rito ay kayo raw ang umakit sa lalaki?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top