CHAPTER 40
Chapter 40: Kiss
“DAHIL iisipin ko na rin na...ako ang Daddy niya...” he said and my heart skips a beat.
Do I need to answer his question? Ito na nga ba ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang tungkol sa anak namin? Parang natatakot akong aminin sa kanya ang totoo...
“P-Paano mo... Paano mo naman naisip iyon?” mahinang tanong ko.
“That kid... There’s something with him that I can’t even explain...but seeing him always melting my heart... I don’t know why...” he muttered.
Nag-angat ako ng ulo para matingnan ko siya at sinalubong niya rin ako nang tingin. Ang emosyon sa mga mata niya ay mababasa ang pagkadesperado na malaman ang tungkol doon. Hindi ko na nga rin alam kung paano niya naisip iyon.
“Ano’ng gusto mong isagot ko sa ‘yo ngayon? Dahil sa nalaman mo kanina...ay parang wala na akong katatakutan pa sa mangyayari sa ‘yo...” I stated. His lips rose up again.
“I’ll be fine. Kakayanin ko ang lahat,” he said. I took a deep breath.
“Si Khai--”
“Maybe... You save that later for me? Baka...baka kasi... Magiging makulit na naman ako sa ‘yo, kapag nalaman ko ang totoo at hindi na ako makakauwi pa. Sige na... Aalis na rin ako,” sabi niya at muling pinindot ang button ng elevator. I just nodded at hindi niya pinutol ang pakikipag-eye to eye contact niya. Habang hinihintay ang pagsara no’n.
Kaunti na nga lang din ay magsasara na sana iyon nang mabilis na hinarangan na naman ng kanyang paa. Kaya muling bumukas ang elevator at mabilis siyang humakbang upang makalapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko, saglit na tinitigan niya ang buong mukha ko at nagulat ako sa kasunod niyang ginawa.
Hinapit niya ang baywang ko palapit sa katawan niya at ang isang kamay naman niya ay mabilis na dumapo sa batok ko kasabay nang pagbaba ng mukha niya sa akin at mariin na siniil niya ng halik ang mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
Humigpit lang ang pagyakap niya sa baywang ko at nagsimula na ring gumalaw sa mga labi niya. I couldn’t keep up with him because he was so fast and he manage to bite my bottom lip after sucking it.
Nakakaantok ang bawat paghalik niya sa akin at parang mabilis din na nanlalambot ang mga tuhod ko. Bumilis ang pintig ng puso ko at kahit hindi pa umaabot ng ilang minuto ay kakapusin na ako nang hininga dahil sa tensyon na ibinibigay niya sa akin.
Hindi ko rin alam kung hahawak pa ba ako sa kanya para kumuha nang balanse, dahil sa nararamdaman ko na pagkatumba o itutulak siya palayo mula sa akin para tumigil na siya sa paghalik. Parang wala rin sa dalawang paraan na iyon ang naisip kong gagawin ko. Pagkatapos niyang mahusto sa marubdob niyang paghalik sa akin ay pinagdikit pa niya ang aming noo.
Napapikit ako dahil sa mainit at mabangong hininga niya na tumatama sa mukha ko. Habol ko rin ang sariling hininga ko kahit na hindi ako nakatugon kanina. Hinaplos niya ang batok ko dahilan na tumaas ang balahibo ko roon. Nagtaas baba na rin ang kanyang kamay sa aking baywang at magkadikit pa rin ang aming katawan. Wala siyang balak na pakawalan ako.
“Take care, baby...” malambing na sabi niya at masuyong hinalikan pa niya ang tungki ng ilong ko. Ramdam ko agad ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Napadilat na rin ako at tiningnan siya.
Nakatalikod na lamang siya sa akin at nakita ko na nakasara na ang elevator at sa rooftop mismo ang tungo no’n. Pinindot niya iyon at muli siyang lumingon sa akin. Namumungay ang kanyang mga mata.
Hinila niya ang kamay ko at isinandal niya ako sa nakasarang pinto. Ikinulong ng dalawang kamay niya ang mukha ko at muli niyang inangkin ang mga labi ko. Papatayin yata ako ni Rykiel sa kawalan ng hininga at parang sasabog na rin ang dibdib ko sa lakas nang tambol nito.
Nagpaubaya ako sa gusto niyang mangyari at iniyakap ko na lamang ang magkabilang braso ko sa leeg niya at tumugon na sa mapupusok niyang halik. Muli niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko at ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Lahat yata ng dugo ko ay umakyat nasa ulo ko kaya nararamdaman ko na talaga ang pag-iinit ng buong mukha ko.
“Jess...” mahinang bulong niya at lumipat sa panga ko ang mga labi niya. Binigyan ko siya ng laya nang mas bumaba pa ang halik niya sa leeg ko. Dumiin ang mga daliri ko sa buhok niya at umawang ang labi ko dahil sa marahan na pagkagat niya sa balat ko.
“Rykiel...” I uttered his name at bumalik din sa mga labi ko ang kanyang halik.
Tumunog ang elevator at para hindi ako matumba ay mabilis niya akong niyakap nang hindi pinuputol ang halikan namin. Masyado siyang abala roon.
“Ay!” Narinig kong bulalas ng isang babae pero hindi iyon pinansin ni Rykiel at parang wala na rin iyon sa akin.
Nagsara at nagbukas ang elevator saka niya lang ako pinakawalan. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko ang sunod-sunod niyang paghinga roon.
“You’re killing me, Miss...” bulong niya at maliliit na halik ang dumampi sa leeg ko. Nagbibigay pa rin iyon na kiliti sa akin. “Nakakaadik ang mga labi mo. Gusto pa kitang halikan...” sabi niya na gamit ang bulgar na salita.
Napatingin ako sa pinto ng elevator at bumalik lang kami sa first floor. “Lumabas ka na at umuwi ka na rin, Rykiel,” mahinang saad ko at tinapik ko pa ang likod niya.
“Isang akyat pa,” sabi niya na hindi ko agad naintindihan.
“Ano?” nagtatakang tanong ko.
“Sandali lamang,” sagot niya at mahigpit akong niyakap. Nakabaon pa rin ang mukha niya sa leeg ko. Napahinga ako nang malalim. Binitawan niya ang baywang ko para lang hawakan ang mga kamay ko at iginiya niya iyon payakap sa kanyang katawan. “Hug me back, please,” demanding na utos niya at nang ginawa ko naman iyon ay ibinalik niya ang pagyakap sa akin.
Narating na namin ang floor ng condo ko at dumistansya ulit siya sa akin. Namumungay ang mga matang tiningnan niya ako.
“Tapos na,” sabi ko. Kinuha niya ang kamay ko na may singsing sa daliri at ginawaran niya iyon ng masuyong halik.
“Okay na tayo?” tanong niya na tila napakainosente niya sa puntong iyon. Parang bata lang kung magtanong sa akin kung okay na ba kami.
“Paanong okay na tayo?” naguguluhan na tanong ko sa kanya.
“You kissed me back...” sabi niya at may nakapaskil na ngisi sa mga labi niya na nalagyan na pala ng lipstick ko. Itinuro ko ang lips ko para bigyan niya ng pansin ang nagkalat na lipstick ko sa gilid ng mga labi niya pero iba ang ginawa niya.
Mabilis na pinatakan niya ng halik ang labi ko. Ang paraan nang paghalik niya ay kakagatin niya ang bottom lip ko at hihilahin niya pagkatapos.
“Rykiel...” nambabanta na sambit ko sa pangalan niya. Masuyong hinaplos pa niya ang pisngi ko at ang paghalik niya sa aking noo ay kakaiba sa pakiramdam na iyong lips ko ang hinahalikan niya. Buong lambing niyang pinatakan ng halik ang noo ko.
“Nagkalat ang lipstick mo, kaya binura ko gamit ang labi ko,” he reasoned out. Tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya. Umirap lang ako sa kanya kaya nakaipon siya ng mahihinang halakhak. “See you when I see you, baby,” sabi niya at saglit na niyakap pa niya ako saka niya iginiya palabas.
Ngumiti pa siya sa akin at doon ko lang nakita ang maaliwalas na mukha niya. Sa mga nagdaan na araw kasi na nakikita ko siya ay hindi siya ganito. Hindi ganito kaaliwalas ang mukha niya at halata sa mukha niya ang paghihirap pero ngayon...ay parang wala na siyang problemang dala-dala.
Nang magsara ang elevator ay napangiti na lamang ako at umiling. “Baliw,” sambit ko saka ako nagtungo sa unit namin.
Hindi nga rin ako nagkamali nang makita ko sina Fred. Mabilis na lumapit sila sa akin at nagsiyukuan pa.
“Miss Jessel...”
“I’m sorry. May pinuntahan lang kasi ako kanina kaya...” pagdadahilan ko at walang salitang namutawi sa bibig ni Fred kaya pumasok na lang ako sa condo pagkatapos kong pindutin ang pincode nito.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papasok. Nasa living room ng condo namin sina Mommy at Dad. Si Khai ay tahimik lang na nakaupo roon. Hindi lang ako sure kung nag-uusap na sila or what, kasi tahimik sila nang maabutan ko sa ganoong posisyon.
“Good evening po,” I greeted them.
Tinapunan ako ng malamig na tingin ni Dad. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka nalaman na niya ang ginawa ko kanina. Never kong nakita si Dad na nagagalit sa akin kaya naninibago ako ngayon.
“Mom,” tawag sa akin ng anak ko.
Tipid na ngumiti lang ako sa kanya kaya makikita ko na naman ang pag-aalala niya sa akin.
“Have a sit, Jessel,” malamig na utos ni Dad.
“Take it easy, hon...” sambit naman ni Mommy na tila pinapakalma niya lamang ito. Umupo ako sa tabi ng anak ko at nanatiling tahimik na lamang siya.
“You should no longer be told in things you are not allowed to do, hija. Matanda ka na at alam mo na ang dapat mong gawin, Jessel. Kung dati ay binibigyan pa kita ng pagkakataon na gawin ang gusto mo pero hindi ngayon na masyadong delikado na para sa ating pamilya. Dahil sa nangyari sa apo ko ay dapat maging alerto na tayo. Hindi basta-bastang kalaban lang si Mr. Barjo, kung ang yaman lang din ang ipaglalaban naming dalawa ay magiging fair iyon. Walang talo at walang mananalo, pero gumagamit na siya ng dahas, kapangyarihan at koneksyon. Kung ang kapangyarihan at koneksyon din naman iyon ay kaya kong tapatan ngunit hindi ang gumamit ng dahas,” mahabang saad ni Daddy at sobrang lamig talaga ng boses niya. Alam ko iyon, mabuting tao si Dad kaya hindi niya talaga iisipin ang bagay na iyon.
“Ano po ang nangyari, Dad? Ano po ang napag-usapan niyo ni Mr. Barjo?” tanong ko sa kanya. Curious din ako sa mga pinag-uusapan nila, maliban na lamang sa nalaman ko mula kay Rykiel.
“Walang kuwenta ang ihahain naming kaso para sa kanya kung walang sapat na ebidensiya tayong maipapakita sa judge o sa korte. Hindi natin mapapanalunan ito at ibabasura lang ang kaso. Ginawa ko na rin ang lahat, ginamit ko na ang koneksyon at kapangyarihan na mayroon ako para sa kasong ito pero walang nangyari. Hawak niya ang school president, kaya wala kaming nakuha na isang kopya mula sa CCTV footage noong dinukot nila ang anak mo. Kung hindi nila iyon binura ay nasa kanila mismo ang buong kopya nito. Ang pinag-usapan pa rin namin ay gusto niyang makuha si Alkhairo at kung hindi ko siya isusuko sa kanya...” sabi ni Dad at sinulyapan pa niya si Khai.
“Hindi po ako sasama sa kanila, Dad,” umiiling na sabi ng anak ko. Napangiti ako at inabot ko ang kamay niya para hawakan iyon.
“Alam ko. Hindi mo kayang saktan ang Mommy mo at hindi mo siya kayang iwanan,” tumatangong sabi ng aking ama.
“Hindi ko rin po kayang iwan kayo ni Mommy,” sabi niya.
“Gusto ko man na ilayo kayo mula rito pero hindi puwede. Kung palagi na lamang nating tatakasan ang problema ay hindi pa rin ito titigil. Mas lumalaki lang ang gusot sa pagitan natin ng Barjo family. Na kung tutuusin ay hindi naman natin dapat pang palakihin iyon. Kung gusto lang ni Mr. Barjo na idaan ito sa maayos na usapan nang hindi na tayo umaabot sa puntong pag-aagawan natin ang isang bata ay hindi magiging komplikado ang lahat. Hindi tayo magkakaroon ng problema at hindi na sana mauungkat pa ang nakaraan,” sabi pa niya na ikinatango ko.
“Pero hindi ganoong klaseng tao ang lalaking iyon, honey. Totoo bang may anak pa siyang nawawala at hinahanap nila sa mga oras na ito? Kaya ginagawa nilang dahilan na nakita na nga nila at nasa pangangalaga natin? Dahil kung paniniwalaan talaga iyon ng mga anak niya ay matatawa na lamang ako,” sabi ni Mommy at sinabayan pa nang mahinang pagtawa. Sinulyapan niya si Khai. “Nasa loob ako mismo ng delivery room habang isinisilang ni Jessel ang ating apo. Narinig ko rin mismo ang boses at unang pag-iyak niya. Inilipat pa sa akin ng doctor ang sanggol at tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon dahil naaalala ko rin noong bagong silang pa lamang ang ating anak,” naluluhang sabi ni Mommy na ikinangiti ko. Isa iyon sa mga masayang memories ko. Naaalala ko rin iyon.
“Ano na po ang plano mo, Dad?” baling na tanong ko sa daddy ko.
“Kayo? Ano ang plano niyong dalawa?” balik na tanong niya sa akin at nagtaka pa ako. Ano ang ibig niyang sabihin doon? “Anak, alam ng mga bodyguard niyo kung sino ang kasama mo sa mga oras na nawala ka at tinakasan mo sila kanina. Kasama mo si Rykiel, tama ba?” Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at parang nahihiya ako na sagutin ang mga tanong ni Dad. “Ayaw sa ‘yo ng kanyang ama pero heto... Ikaw pa rin ang nilalapitan ng batang iyon. Wala siyang kinakatakutan kahit kalaban pa niya ang daddy niya.”
“Gusto po niyang... makipag-cooperate ako sa kanya,” sabi ko at napakagat labi ako. Nag-aalangan ako na sabihin iyon kay Dad.
“Makipag-cooperate saan?” nagtatakang tanong niya sa akin.
“Gusto po niya kasing makaalala, Dad. Hindi ko naman po alam kung paano ko siya matutulungan pero...ang sabi niya sa akin kung makikipagtulungan po ako sa kanya o tayo. Ibibigay niya ang kopya ng CCTV footage ng mansion nila kung saan po nila ikinulong sa isang silid ang anak ko. Makikita po roon na sapilitan lang nilang kinuha si Khai dahil wala raw po itong malay at binantayan pa upang hindi makalabas,” sabi ko at napatango naman siya.
“I understand, pero... desidido ba siyang talikuran ang kanyang ama para gawin niya ang bagay na iyon? Dahil alam ko sa oras na ibibigay niya iyon sa atin ay wala ng kawala pa ang daddy niya,” seryosong sabi ni Dad.
“Kung hindi po raw tayo ang mauunang kikilos ay gagamitin na nila ang DNA test nila ni Khai. Isa po iyon sa ipinagtataka ko, Dad. Paano po kayang naging positive ang resulta na iyon? Kung hindi naman po siya ang totoong biological father ni Khai. At nasabi sa akin ni Rykiel, na nabasa niya iyon at hindi raw mapagkakaila na mag-ama nga ang dalawang taong nasa DNA test na nakapangalan ito sa kanila,” paliwanag na sabi ko.
“Baka... DNA test iyon ng anak niya, ang daddy ni Khai. Minapula niya lamang iyon. Posibleng gawin niya iyon para mapaniwala niya ang lahat,” mariin na sabi ni Daddy. “Wala ring kinakatakutan si Mr. Barjo, wala lang sa kanya ang gumamit ng masamang gawain,” mariin na sabi pa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top