CHAPTER 4
Chapter 4: Ex-husband
SAAN ko nga ba siya unang nakilala at unang nakita? Rykiel Eryx Barjo... Well, sa San Francisco nga.
I meet Rykiel in his teenage. He was 15 years old at 21 naman ako at that time. I just thought na nasa 19 or 20 na siya noon. Alam ko naman na mas matanda ako ng ilang taon kaysa sa kanya noong unang kita ko pa lamang sa kanya pero hindi ko inaasahan na ang layo pala ng agwat naming dalawa, sobra... 8 years...
Bakasyon ko noon sa San Francisco at kaga-graduate ko lang from college. Hindi ako naabutan ng K-12 kaya direct college ako after I graduated from my High School year.
Sumama lang ako kay Dad sa probinsya nila. Buhay pa si Grandma, ang strict mother ni Daddy na maging ako ay pinaghihigpitan niya noon.
14 years ago...
"ARE you okay, anak? Hindi ka ba nagugutom? May natira pa ngang pagkain diyan. Doble ang in-order ko. Anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Dad habang nasa biyahe pa kami.
Kasalukuyan na kaming lulan ng kotse ni Dad. Ang family driver namin ang nagmamaneho ng sasakyan papunta sa San Francisco at may kalayuan ito sa Manila pero nag-stop over naman kami para kumain.
Bago kasi kami lumuwas ay dumaan na muna kami sa Starbucks at bumili ng makakain si Dad para kainin namin along the way. Yeah, our baon.
"I'm still full, Dad. Kakakain lang po natin kanina, eh. Remember?" nakangiting sabi ko.
Nasa backseat ako at nakaupo naman sa passenger seat si Dad na katabi niya ang family driver namin. Three boxes of pizza, five burgers and drinks ay nakapatong sa upuan right beside me.
"That's good," sabi niya at may binabasa siya na magazine, "Take a nap, Jessel. Medyo malayo-malayo pa ang biyahe natin," he added and I nodded for respond. Dahil mukhang inaantok na rin ako, eh.
I did what Daddy said. Nakatulog nga ako at naalimpungatan lamang ako nang maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan namin.
Mula sa pagkakahilig ko sa headrest ng upuan ko ay umayos ako at hinagod ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok. Napatingin ako sa labas ng bintana at umawang ang bibig ko nang makita ko ang malaking hacienda.
Dumating na yata kami...
Ang tataas ng gate na color black. Kung hindi lang yata mataas ang gusali ng hacienda ay baka halos hindi na siya makikita mula sa labas.
Parang isang palasyo itong hacienda ni Grandma.
"Welcome to hacienda Diamente, Jessel," sambit ni Daddy at saglit na sinulyapan ko siya. Ngumiti rin ako sa kanya.
May isang lalaki ang lumabas dahil siya ang nagbukas ng malahiganteng gate at bahagya pa siyang yumuko. Nakasuot ng puting longsleeves na naka-tuck in ang loose dark pants niya at nakasuot din siya itim na boots,
Nakita ko ang pagbaba ng salamin ng bintana sa side ni Dad at kumaway sa lalaki na mabilis namang nakalapit sa puwesto niya.
"Maligayang pagdating po sa San Francisco, Senyor Janus," nakangiting bati ng lalaki sa Daddy ko.
"Salamat, Albeo. Katulad ka pa rin ng dati, walang halos na pinagbago sa 'yo," ani Dad. Bakas sa boses niya ang kasiyahan, "Kasama ko ang nag-iisa kong anak," pahayag pa ni Dad kaya ibinaba ko na rin ang salamin ng bintana.
"Hi, magandang hapon po sa inyo," magalang na bati ko sa kanya. Yumuko rin siya at binati ako pabalik.
"Napakaganda po talaga ng anak niyo, Senyor. Parang kayo lang po noong kabataan niyo, na maging hanggang ngayon naman," pambobola pa ni Mang Albeo. Kaya ang lakas nang tawa ni Dad. Aminado akong kamukha ko nga si Dad. Nakuha ko naman ang mga mata ng Mommy ko.
Mayamaya lang ay tinapos na nila ang chikahan nila at pumasok sa loob ang sinasakyan namin. Mas namangha ako sa ganda ng hacienda.
Napakaganda nito...
Hindi ko na hinintay pa ang family driver namin para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse, kaya ko naman. Kusa akong bumaba mula rito at ang lapad-lapad ng ngiti ko.
Nang pasadahan ko ang wristwatch ko ay 3:12 na pala nang hapon. Ang haba nga ng oras na biniyahe namin nina Dad, makarating lang sa probinsya.
As I expected ay masarap sa pakiramdam ang lugar na ito. Hindi katulad ng nasa Manila pa ako ay ganitong oras pa yata ay tirik na tirik pa ang araw at masyadong maingay ang mga busina ng sasakyan na nagdadala lang ng air pollution at walang fresh air.
Katulad nito... Napahinto ako sa pagmo-monologue ko nang makita ko ang teenager boy. Baka nasa 15 or 16 years old na siya. Sobrang tangkad niya kasi at hindi halatang binatilyo pa. Ang laki na ng muscles niya, batak na batak iyon sa suot niyang manipis na black shirt. Nakasuot din siya ng loose brown maong shorts na pinarisan din ng black boots. Magulo ang kanyang buhok pero kahit nakatalikod ay guwapo pa rin. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya.
Nakatalikod lang siya mula sa kinakatayuan ko pero dahil parang pinapakain niya ang isang kabayo ay nakikita ko naman ang side view ng mukha niya. Hindi kalayuan ang puwesto niya kaya kitang-kita ko ang matangos niyang ilong. Morena ang kutis niya, Pilipinong-Pilipino.
Hindi ko alam kung bakit tumatagal na yata ang pagkakatitig ko sa kanya at hindi ko na namalayan ang pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi na rin normal. Pinilig ko ang ulo ko kasabay na narinig ko ang boses ni Grandma.
"Janus! My son!" salubong na sabi agad ni Grandma sa Daddy ko at mahigpit na niyakap niya ito.
Dad is only child kaya ganyan talaga si Grandma sa tuwing nakikita niya ang Daddy ko. Noong binata pa si Dad, mas gusto ni Grandma ang manatili na lang sa hacienda ang aking ama at panghawakan na lang ang ricemill nila pero explorer din naman ang nag-iisa niyang anak at mas gusto nito sa Manila, ang tutukan ang negosyo ni Grandpa at doon niya nakilala si Mommy.
Na sa una pa lamang ay hindi na pabor kay Grandma ang Mommy ko. Masyado siyang clingy at parang natatakot na baka maagaw mula sa kanya si Dad. Kaya ilan pang paghihirap ang dinanas ng Mommy ko sa mga kamay ni Grandma.
Fortunately, naka-survive si Mom at wala namang choice si Grandma kundi ang tanggapin ang napiling mapapangasawa ni Dad. They love each other, she needs to accept the fact. Hindi puwedeng habangbuhay niyang paghihigpitan ang anak niya.
Kaya noong sinabi ko naman kay Mommy na sasama ako kay Dad ay gulat na gulat pa siya. Dahil baka raw hindi ko kayanin pero sinabi ko, "Nakayanan mo naman po, Mommy. Ako pa ba?" Kaya sa huli ay sumang-ayon na rin siya at binalaan lang ako na huwag maging matigas ang ulo kahit alam niya na hindi ako ganoon.
Titingnan ko lang kung may pagbabago na ba sa ugali ng nag-iisa kong Grandma at masasabi ko ngayon na clingy pa rin siya.
"Mama," my Dad called his Mom. Nasa boses din ni Dad ang pananabik sa Grandma ko.
"You surprised me, my son! Ang akala ko ay bukas pa kayo makararating kaya nagulat talaga ako nang ibalita sa akin ng mga kasambahay natin na dumating ka na!" Grandma, nandito pa ako. I'm with my Dad. Hello...
"It's a surprise, Mama, at sumama po ang anak ko. Your granddaughter," my father said and he gentle pulled my from my arms para makalapit ako sa kanila.
"Good afternoon, Grandma," I greeted her with a genuine smile. Inabot ko ang kamay niya para halikan ang likod no'n. Saka ako humalik sa pisngi niya.
"What's her name, again?" tanong ni Grandma at nasa mukha niya na parang nakalimutan niya talaga ang pangalan ko.
Napakamot ako sa batok ko at mahinang humalakhak naman si Dad, "It's Jessel, Mama. Nag-iisang apo niyo lang po ang anak ko," ani Dad at inakbayan pa ako.
"You're only 18, may I right?" Napangiwi ako dahil sa pangalawang tanong niya.
Nakalilimot ba si Grandma? Or sadyang ayaw niya lang tandaan ang birthday ko at pangalan ko? Dahil hindi naman ako importante sa kanya?
Nakadalo naman noon si Grandma sa debut ko, ah? At ilang taon na ang nakalipas o baka ang akala niya ay 18 pa talaga ako hanggang ngayon?
"That was two years ago, Grandma. I'm 21 years old now. You forgot?" I politely asked.
Rumihestro sa mukha niya ang gulat at pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa ko. Tumigil lang iyon sa mukha ko. I can see the... amusement? Or natatawa lang siya sa akin? Sa hitsura ko? Mukha ba akong bata sa kanyang paningin?
"You've got to kidding me, dear. Mukha ka pang teenager, just your looks," she said.
I looked at my Dad and asked him, "It's a bad thing, Dad?"
Humalik lang sa sentido ko si Daddy at may mumunting halakhak pa siya.
"Parang sinasabi ng Grandma mo na hindi ka tumatanda," bulong niya.
"Because I am not, anymore I'm still 21, Dad," burst out ko. Ikatutuwa ko nga ba iyon?
"Anyway, I'm glad that you're here too, my only grandchild," Grandma said at nabigla pa ako sa pagyakap niya sa akin. But I hugged her back at dahil sa pagtingin ko sa left side ko ay hindi ko inaasahan na magsasalubong ang mga mata namin ng... teenager na iyon.
Parang tumigil nga ang mundo sa mga oras na iyon. Napakalalim ng mga mata niya habang nakatitig ito sa akin. Parang pati ang kaluluwa ko ay sinusuri niya. Pero hindi ko nababakasan ng kahit ano'ng emosyon ang maamo niyang mukha.
And yes, he's guwapo...
"MS. Jessel?" Napakurap-kurap ako sa saglit na paglipad ng isip ko sa nakaraan, sa magandang alaala...
Kanina pa yata bumukas ang elevator at natulala lang ako. Hinihintay rin nila ako na maunang lumabas.
"Okay lang po ba kayo, Ms. Jessel?" tanong sa akin ni Sabel. She sounds worried.
Hinawakan ko ang ilong ko na nananakit na, "Makati lang," sagot ko and I pointed out my nose.
"May mga gamot po kayo para sa allergy niyo sa bulaklak, Ms. Jessel. Hinanda ko po iyon bago tayo pumunta tayo rito," she said.
"I'll drink later. Thank you, Sabel," I said.
Sino naman kaya ang nagbigay sa akin ng bulaklak na iyon? Hindi ba nito alam na allergic ako sa bulaklak? Or hindi lang nila ako nakikilala kaya ganoon?
I just shrugged my shoulder at pumasok na kami sa kanya-kanya naming hotel room. Tiningnan ko ang gamot na tinutukoy ni Sabel pero mukhang... nakalimutan niya o nakalimutan ko? Kasi wala akong nakita na gamot sa loob ng maliit na duffle bag ko. Madalas naman na hinahanda niya iyon.
Hindi rin ako natigil sa pagbahing at nang matingnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa banyo ay sobrang pula ng ilong ko. Maging ang lalamunan ko ay nangati rin dahil sa paulit-ulit kong pagbahing.
Hindi ko na inabala pa si Sabel at nagsalin lang ako ng tubig sa pitcher saka uminom. Nakadalawang baso rin ako.
Dala-dala ko sa kaliwang kamay ko ang isang basong tubig at hawak ko naman sa kanan ang phone ko na kanina pang nag-iingay. Lumabas ako at tumambay sa terrace. May chair and table naman siya kaya roon ako pumuwesto at ibinaba ko roon ang baso na wala ng laman na tubig.
Khai baby is calling...
"Hello, baby," I answered the call.
"Are you okay, Mom?" he asked me right away.
"I'm fine, baby..."
"Bakit ganyan po ang boses niyo? Parang sisipunin ka?" sa tanong niya ay napalakas ang pagbahing ko at nagsunud-sunod pa.
"Did someone gave you a bouquet of roses? A flowers?" tanong niya at napatango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Accidentally, baby. Hindi niya siguro alam na mahilig lang ang sa flowers but not my nose," I joked na sinabayan ko pa ng pagtawa pero hindi ko man lang narinig ang pakikisabay sa akin ng anak ko.
"Okay lang ako, baby. Uminom na ako ng maraming-maraming tubig," sabi ko at hindi ko talaga maiwasan ang mapabahing.
"Can't help, Mom," he said from the other line and I was about to say something when I heard a familiar baritone voice.
"Come closer. Drink this coffee, this can help your allergy." I was shocked. I didn't expected that he talked to me and...why he seems worried about me?
"Mom? Who was that man?" seryosong tanong sa akin ni Khai.
"Uhm..." Wala rin akong isasagot... Kinakabahan ako.
Naaalala ba ako ni Rykiel Eryx? Kaya ba siya ganito kung mag-aalala sa akin dahil naaalala niya na... Pinilig ko ang ulo ko at tumayo ako.
Hindi ko naman tatanggihan na inalok niya ako kape. Makatutulong nga ba sa akin ito? Isang kape?
Lumapit ako sa dulo ng terrace ko. Siya pala ang nagmamay-ari ng room sa kabila, na nasa tabi lang din ng hotel room namin.
Abot kamay lang naman ang terrace namin pero hindi ako sure kung kaya ba itong sumampa at lumipat sa kabila.
"Mom?"
"Just a minute, baby," ani ko at naramdaman ko ang malamig na pagtitig sa akin ni Rykiel. Napabahing ako at inabot ko mula sa kamay niya ang kape.
"Don't tell me, Mom. You're going to drink that coffee of stranger? Did you know him, Mom?" Narinig ko pa rin ang boses ng anak ko at napatitig ako sa mukha ni Rykiel.
Walang halos pinagbago ang mukha niya. Guwapo pa rin siya, mukha lang siyang nag-matured.
Kung sabagay baka 29 or 30 years old pa siya ngayon?
Dear, he's still 18 when I married him. Yeah, Rykiel Eryx is my ex-husband...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top