CHAPTER 39
Chapter 39: Behind the ring
"THIS...ring? To be honest ay ayoko na itong makita pa dahil sa sakit na n-naaalala ko... Pero heto ka... Pinaalala mo pa rin sa akin. I-Ikaw...Ikaw ang nagtapon nito dati!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya kasabay nang malakas na paghampas ko sa dibdib niya. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko.
Tandang-tanda ko pa talaga ang araw na iyon, ang araw na kung kailan noong pinagsabihan niya ako ng masasamang salita at iyon na rin ang paghihiwalay naming dalawa. Sobra akong nasaktan noon at sobrang hirap din ng naranasan ko.
"What...w-what are talking about?" gulat na tanong niya at parang ang bilis niyang manghina. Umatras ako para sana dumistansya mula sa kanya pero mariin na hinawakan na naman niya ang siko ko. "A-Ano...ano ang itinapon ko?!" sigaw niya at napahikbi ako.
Wala na akong...wala na akong balak pang sabihin iyon sa kanya. Oo, gustong-gusto niyang malaman ang katotohanan na iyon pero alam ko rin ang magiging consequences kapag sinabi ko iyon sa kanya. Ang kalagayan niya ang una kong naisip kaya hindi pinili ko na lamang ang manahimik pa at huwag na ring makialam pa sa buhay niya.
"P-Pinapahirapan mo lang ako, Rykiel... N-Nakakapagod ka na rin... P-Pagod na pagod na rin a-ako sa 'yo... S-Sinasakal mo lang ako... " umiiling na sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya matingnan pa nang diretso dahil sa mga luha ko, lumalabo ang aking paningin.
Sumisikip ang dibdib ko at parang kakapusin pa ako nang hininga. Nanlalambot ang binti ko at parang mawawalan pa ako nang balanse.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit na tinitingnan niya ang mukha ko.
"Tell me... T-Tell me w-what I did before... Please, Jessel..." I shook my head. I refused to answer his question. Sapat na...sapat na ang sinabi ko sa kanya kanina. "P-Please... Sabihin mo kung ano ang ginawa ko noon! Sabihin mo na sa akin! Dahil wala na akong pakialam pa kung masaksaktan pa ako sa malalaman ko!" sigaw niya at niyugyog pa niya ako kaya mas lalo lang ako mahihilo sa ginawa niya. Mas lalong mawawala lang ako sa sarili.
"B-Bakit... B-Bakit kailangan mo pang m-malaman iyon?" mahinang tanong ko na may iritasyon na sa boses. Ang bilis mabasag ng boses ko. Kapag kausap ko na talaga siya.
"G-Gusto kong m-malaman, please... Gusto k-kong malaman at huwag mo nang itago pa sa akin... S-Sinabi mo na, 'di ba? S-Sinabi mo na sa akin... Na ako...na ako ang nagtapon ng singsing na suot mo ngayon Bakit? Bakit ko tinapon iyan? Ano ang dahilan? A-Ano ba ang dahilan?" giit na tanong pa niya sa akin. Lumakas ang pag-iyak ko dahil sa boses niyang nababasag na rin. Garalgal na ang tinig niya at ramdam ko ang hinanakit at lungkot doon. Maging siya ay nahihirapan na rin.
Umakyat sa mukha ko ang dalawang kamay niya at ipinihit ito pataas para magtagpo ang mga mata namin. Mabilis na ibinaba ko rin pero pinipilit niyang tingnan ako ng diretso sa mga mata ko.
"Ayos n-naman ang lahat, Rykiel... Ayos na ayos na nang hindi na k-kita n-nakikita pa... Pero bakit bumalik ka pa? B-Bakit k-kailangan mo pang guluhin ang buhay ko?! Bakit kailangan mo pang ibalik sa akin ang alaalang iyon?! Why?!" naiiyak na tanong ko at paulit-ulit na sinuntok ko ang dibdib niya. Hindi niya iniinda iyon at hinayaan niya lamang ako.
"Hindi ka lang pala... pamilyar sa akin... We had a past... May ginawa ako sa 'yo noon na hindi maganda. Kaya ka... Kaya ka pala palaging umiiwas sa akin, kaya pala ang sungit-sungit mo sa akin dahil sinaktan kita noon pa man... Pero wala akong naaalala! Wala akong alam at hindi ko matandaan ang ginawa ko sa 'yo!" He let me go at malakas na sinipa niya ang gulong ng sasakyan niya. Ilang beses niyang ginawa iyon kung hindi lang namin parehong narinig ang pag-iyak ni Francine.
Pinunasan ko ang mga luha ko at lumapit sa inaanak ko. Mariin na kinagat nito ang pang-ibabang labi niya at punong-puno ng mga luha ang pisngi niya.
"F-Francine..." tawag ko sa kanya.
"Ninang... Bakit po...bakit po kayo nag-aaway?" umiiyak na tanong nito sa akin. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at tinapik ng isa kong kamay ang ulo niya.
"Wala iyon, baby..." pag-aalo ko sa kanya dahil siguro natakot siya. Natakot siya sa amin.
"I heard you po na nagsisigawan, Ninang..." natatakot na sumbong nito sa akin at tumutulis ang kanyang nguso. I caressed her cheek and smiled at her.
"Wala lang iyon, Francine. Umuwi na tayo?" tanong ko na mabilis niyang tinanguan. Inalalayan ko siyang makababa at gusto ko na talagang umalis sa lugar na ito. Malayo kay Rykiel. Hindi ko na natitiis pa na manatili rito na kasama niya dahil nasasaktan lang talaga ako.
I heaved a sigh nang muli akong pinigilan ni Rykiel. Hinawakan na naman niya ang kamay ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Ang hilig niya sa ganito.
"Pagkatapos kong malaman ang tungkol sa wedding ring ay saka mo ako iiwan dito? Seriously, Miss?" tanong niya at bakit ba ganyan ang boses niya? Bakit parang nasasaktan siya na ano?
"Sapat na ang nalaman mo, Rykiel... Huwag mo na akong tanungin pa... H-Hindi ko lang kakayanin... Kung gusto mo talagang malaman ang lahat... Ikaw mismo ang maghahanap ng paraan kung paano mo malalaman iyon. Kung gusto mo... Basahin mo ang laman ng flashdrive mo at alalahanin lang ako... Alalahanin mo kung bakit...galit na galit ako sa 'yo ngayon... Alamin mo kung bakit palagi kitang pinagtatabuyan at parang walang pakialam sa nararamdaman mo. Alalahanin mo ang lahat ng iyon, Rykiel..." mahabang sabi ko. Umawang ang labi ko nang makita ang pagtulo ng mga luha niya at napatingala siya para lamang pigilan ang luhang iyon. Marahas na pinunasan pa niya ang kanyang pisngi.
Bayolente ang paghinga niya at mahigpit na nakakuyom ang kamao niya.
"Hindi ito... Hindi ito ang inaasahan ko na mga sagot na gusto kong malaman, Miss... Hindi ito na parang sasabog din ang ulo ko..." malamig na sabi niya at napahilamos pa siya sa mukha niya. "Ihahatid ko na kayo..." pagpresinta niya pero umiling ako.
"Huwag na..."
"Ihahatid ko kayo at ako ang magpapaliwanag sa daddy ni Francine," mariin na sabi niya and I don't have any choice kundi ang sumang-ayon na rin. Pero matagal kaming nanatili roon at mabuti na lamang ay hindi nainip ang bata sa kahihintay.
Nasa labas lang din si Rykiel at ang lalim ng iniisip niya. Hinayaan ko na rin siya sa ganoong posisyon niya kahit gusto kong sabihin na umuwi na kami.
***
Tahimik lang kaming tatlo at ngayon lang hindi naging active ang kadaldalan ni Francine. Nakikiramdam lang din siya. Magkatabi kaming nakaupo sa backseat at nararamdaman ko pa rin ang pagsulyap sa akin ni Rykiel pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Parang napapagod na rin ako. Nakakapagod ang araw na ito sa totoo lang.
Habang nasa biyahe kami ay umuulan na nga nang malakas. Napatingin ako kay Francine nang halos yakapin na niya ang sarili niya.
"Are you cold, baby?" malambing na tanong ko sa kanya.
Marahan siyang tumango. "Opo, Ninang," sagot niya.
Huminto sa pagmamaneho si Rykiel at doon lang ako napatingin sa kanya. Hinubad niya ang suot niyang coat at walang imik na ibinigay iyon sa akin. Hindi na rin ako nagsalita pa at kinuha na lamang iyon. Tinanggal ko ang seatbelt ni Francine at kinandong ko siya. Balot na balot na siya ng coat at parang doon lang nabawasan ang ginaw niya.
Nang makarating kami sa mansion nila ay nakatulog na siya sa biyahe. Wala akong idea kung bakit nakapasok kami agad nang makita lang ng security si Rykiel at alam niya agad kung saan nakatira ang best friend ko. Gusto ko sanang magtanong pero naalala ko ang nangyari kanina kaya huwag na lang.
"Ako na lang ang maghahatid kay Francine sa parents niya," sabi ko nang hindi ko siya sinusulyapan. Hindi niya ako pinakinggan at bumaba pa rin siya.
Nang buksan na niya ang pintuan sa side ko ay mayroon na siyang hawak na payong. Saan kaya niya iyon nakuha? O baka may payong siya sa kotse niya?
Inayos ko ang coat sa katawan ng inaanak ko at sinigurado ko na hindi siya mapapatakan ng tubig ulan dahil pareho kaming malalagot ng kasama kong matigas na ulo sa daddy ni Francine.
Mabilis kaming napayungan nito at hinawakan pa ang balikat ko para magkasya kami sa hawak niyang payong. Nakikita ko na nababasa ang balikat niya.
Pinagbuksan kami agad ng gate kaya nakapasok kami sa loob at sa front door pa lamang ay natanaw na namin ang mag-asawa, sina Storm at Z. Nakakrus ang magkabilang braso nito sa tapat ng kanyang dibdib at masama ang tingin sa kasama kong lalaki.
"Hala, nakatulog?" tanong ni Z sa amin at marahan na tumango ako.
Tiningnan ko si Storm na walang emosyon ang mukha niya. Panay ang pag-igting ng panga niya.
"Kapag nagkasakit ang anak ko--" hindi nito natapos ang sasabihin niya nang sinikmuraan siya ng asawa niya, si Z. Napaubo pa siya at kunot-noong nilingon niya ang kaibigan ko. "What was that?" tanong nito.
"Huwag kang ganyan, Storm. Ang anak mo na sadyang madaldal kaya siya kasama ngayon nina J," mariin na sabi ni Z.
Tiningnan naman ako ni Storm at napatikhim pa siya nang magtagpo ang mga mata namin.
"I'm sorry, J. Nag-aalala lang ako sa anak ko. Dahil ngayon lang ako umuwi na hindi ko siya nakita sa bahay namin at walang hyper na Francine ang sumalubong sa akin pagkauwi ko sa trabaho. I'm sorry for what she did, you know that she didn't mean that," pahayag niya na tinanguan ko lang.
"Wala iyon," sabi ko at kinuha na niya mula sa akin ang anak niya. Hinalikan pa niya ito sa noo at napangiti nang makita na sobrang himbing nang tulog. "She smells like chocolate. Kumain siya no'n?" Napakamot ako sa kilay ko at marahan na tumango.
"Thank you for taking care of our daughter, J and Rykiel..."
"And I'm sorry," hinging paumanhin ni Rykiel.
"Don't mention it, Rykiel. Baka gusto niyo munang pumasok sa loob. Malakas pa ang ulan, oh," pag-aaya sa amin ni Z. I glanced at Rykiel.
"Thank you, but..." He looked at me. He cleared his throat. "Okay..." he said.
"Wow, Mr. Barjo. Isang tingin lang ng best friend ko ay nakuha ka na agad?" natatawang tanong pa ni Zinky.
"My Z, bakit hindi mo na lang sila papasukin sa loob? Mukhang nilalamig na ang kasama ni J," ani Storm. Iyon din ang tawag niya sa akin, hinawaan siya ng madaldal niyang asawa.
"Oh, yeah. Come on in, J and Rykiel..."
"Just call me, Eryx," saad ni Rykiel. Hindi ko alam kung bakit Eryx pa ang gusto niyang ipatawag kay Z. Wala namang pinagkaiba sa pangalan niya, ah. Rykiel and Eryx.
"Why is that? Pangalan mo naman iyon, ah," pagdadahilan pa ni Z habang naglalakad na kami papasok sa loob ng kanilang mansion.
"Isang tao lang ang puwedeng tumawag sa first name ko," he reasoned out. Mabilis na tumingin sa akin si Z at umigkas pataas ang kilay ko.
"Wow. Special ba siya? Kaya siya lang ang maaaring tumawag no'n sa 'yo, Mr. Barjo?" pilyong tanong pa ni Z. Sumama ang tingin ko sa kanya.
"Yes, she's very special," he said at hindi na ako agad nakaiwas pa nang tingin dahil nagtama agad ang mga mata namin. In that way ay ipinapahiwatig niya talaga na ako ang tinutukoy niyang special.
"Ah, I see," usal pa ni Z. Alam ko na alam na rin niya ang sinasabing special ni Rykiel. Nakakainis lang at nagkukunwari pa talaga siyang walang alam na as if talaga ay napakainosente niya.
"My Z, masyado kang madaldal," puna sa kanya ng asawa niya. Tumango ako dahil sang-ayon ako sa sinabi niya.
"Whatever," she just said and she shrugged her shoulder.
"Ihahatid ko muna si Francine sa kuwarto niya," paalam ni Storm sa amin.
"Magdala ka ng extra shirt mo sa ibaba, Storm. Nabasa na ng ulan si Ry--Mr. Barjo, baka magkasakit pa siya. Next week na kaya ang kasal nila ni Ms. Chrysler," ani Z. Mabilis akong umupo sa sofa nang marating namin ang living room nila. "Kukuha lang ako ng maiinom para sa inyo, a coffee?"
"Thanks, yeah," ani Rykiel.
"How about you, J?" untag na tanong naman niya sa akin.
"Coffee rin, Z," sabi ko at tipid na ngumiti sa kanya. Rykiel sat down beside me at tumaas na naman ang sulok ng mga labi ni Z bago niya kami iniwan dito.
I thought ay magiging tahimik na lamang kami at magiging awkward lang talaga ang atmosphere sa paligid.
"And about our wedding next week--"
"Dapat matuloy iyon," putol ko sa sasabihin niya.
"No... Pagkatapos kong malaman ang lahat ng iyon? Ay magagawa ko pa bang ituloy ang kasal namin ni Chrysler?" mariin at malamig na tanong niya sa akin.
"Iyon naman ang plano niyo, hindi ba?" I asked him at matapang na tinitigan ko siya. Hindi naman siya nag-iwas nang tingin sa akin. "Sa simula pa lang ay iyon na ang mangyayari, Rykiel. Three years din ang itinagal niyo sa relasyon niyo, tapos...ngayon? May balak kang i-cancel ang kasal niyo? Hindi ba kayo rin naman ang nagdesisyon na next week na iyon gaganapin?" walang emosyon na tanong ko sa kanya.
"No, tama ka na rin na iyon ang plano namin ni Chrysler. Seryoso ako sa kanya at nauna ang marriage proposal ko. Pero...nang makita kita...ulit... Parang ayoko nang ituloy pa ang planong iyon. Parang ayoko na rin..." sabi niya.
"Ano naman ang ibig mong sabihin sa ulit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala pa rin naman akong naaalala pa. Pero nang ipaliwanag mo sa akin ang singsing na iyan... Ngayon ko lang din nalaman na nagkita na pala tayo. Wala ka lang sinasabi sa akin dahil...may galit ka sa akin. Galit ka dahil na rin sa nagawa ko sa iyo noon na hindi ko naman talagang naaalala. Pero oo, susundin ko pa rin ang sinabi mo na ako mismo ang hahanap ng paraan para malaman ang katotohanan. Na ako pa rin, ang sarili ko ang makakatulong sa akin para maalala ko ang nakaraan," mahabang paliwanag niya.
Napabuntunghininga ako. "Naabutan kita sa hacienda," pagsisimula ko. Ngayon lang ako magkukuwento tungkol sa bagay na iyon. Ngayon lang dahil mukhang wala na akong maitatago pa sa kanya. May nalalaman na siya.
"Ano pa?" parang batang tanong niya. May excitement kasi sa boses niya at binigyan na ako buong atensyon.
"13 or 14 years ago? I'm just 21 years old at that time at sumama lang ako sa Daddy ko na magbakasyon sa hacienda namin, para na rin makita si G-Grandma... I'm a fresh graduate from college kaya naisipan ko rin na magpahinga muna. I met you there, Rykiel..." I said and I looked at him. "13 years old ka pa lamang noon. Sobrang bata mo pa pero mas matangkad ka pa rin kaysa sa akin, kaya hindi ko naisip na minor de edad ka pa rin. Tama ang private investigator mo na dati kang hardinero sa hacienda namin," pagkukuwento ko pa.
"Then? Ano na ang nangyari after that?" tanong pa niya sa akin.
"Ikaw na lang ang mag-isip kung ano na ang sunod na nangyari pagkatapos no'n. Limitado lang ang ibibigay ko sa 'yong information dahil baka hindi mo kakayanin," mahinahon na saad ko.
"The ring?" Umiling ako at bumuntonghininga siya.
Ilang segundong naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Mabuti na lamang ay bumalik na ang mag-asawa.
"Magpalit ka muna. Don't worry, hindi ko pa iyan nagagamit," sabi ni Storm. Hindi naman tumanggi pa si Rykiel at kinuha na niya iyon. "O baka gusto mong maligo muna? Nabasa ang buhok mo at alam kong naulanan ka rin."
"Hindi na kailangan, maraming salamat." Storm nod his head.
"Here's the coffee everyone!" Inagaw agad ni Storm ang tray na hawak ni Z at siya na ang nagbaba no'n sa center table. Apat na cup of coffee ang nasa tray at may hinanda rin na sandwich ang kaibigan ko.
Nakapagpalit agad ng damit si Rykiel. Sobrang bilis naman niya. Akmang kukuha na sana ako ng isang tasa ng kape nang mabilis niya akong naunahan.
"Thank you," ani ko at tinanggap na lamang iyon. Sumimsim pa ako at nabawasan ang lamig na nararamdaman ko.
"May balak na ba kayong magpakasal na dalawa?" tanong bigla ni Storm kaya bigla akong napaubo at napaso ang dila ko dahil sa gulat.
"Storm!" sambit ni Z sa pangalan nito at naramdaman ko naman ang kamay ni Rykiel sa likod ko. Marahan na hinagod niya iyon.
"Be careful," sambit niya.
"Heto ang tubig, Mr. Barjo." He handed me a water at uminom ako para mawala ang init at pagkakapaso sa dila ko.
"Storm, bingi ka na ba? Hindi si J ang bride ni Mr. Barjo, si Chrysler iyon. Mag-fiancé na sila," paliwanag ni Zinky sa kanya.
"Oh, sorry," sabi niya. "May...narinig pala ako sa usapan ng asawa ko at sa pagitan niyo, J..."
"Storm, isa..." she warned her husband.
"Hindi iyon, ang sabi mo ay wala siyang naalala. Psychologist doctor ako, my Z kaya malalaman ko rin na kung may mali ba sa isang tao at sa mga nakikita ko ngayon sa kanya...ay sobrang bigat nga ng dinadala niya. O baka pareho sila ni J," sabi nito at nilingon pa niya ako. "Naalala mo ba ang sinabi ko sa 'yo noon, My Z?" untag na tanong niya sa asawa niya.
"What is it?" kunot-noong tanong naman nito sa kanya.
"Na kapag may amnesia ang isang tao ay isa lang din ang mas effective na ways para magbalik ang mga iyon sa kanya."
"Ano?" mabilis na tanong ni Rykiel. Interesado talaga siya.
"Kailangan mong pilitin ang sarili mo na makaalala. Kung kailangan mong i-trigger iyon ay gawin mo, pigain ang utak mo para unti-unti mong maalala ang lahat and mostly, ang pinakaimportante talaga ay ang labanan mo ang kahinaan mo... Iyon lang," his explanation.
"Fight your weakness. O kung may isang bagay ka man na iniiwasan na alalahanin ay subukan mo... Subukan mong alalahanin iyon. Iyon ang tinutukoy ng asawa ko na effective na paraan," paliwanag naman ni Z.
"Gagawin ko iyon," sabi niya at tumango pa siya.
"Pero tandaan mo lang na hindi lahat ng nakaraan ay maganda. May iba kasi ay pipiliin na lamang ang makalimot at huwag nang maalala pa iyon. Dahil baka hindi nila kakayanin, na baka mas masasaktan pa rin sila. Be careful... Lahat ng bagay ay may consequences," babala pa ni Storm.
Pagkatapos naming magkape ay nagpaalam na rin kami sa kanila. Si Z lang ang naghatid sa amin sa may front door nila. Hinalikan pa niya ang pisngi ko.
"Mag-iingat kayo, Mr. Barjo... Ang kaibigan ko. Ingatan mo," sabi ni Z.
"I will."
"Huwag mo na rin kaming hintayin pa na makaalis, Z. Pumasok ka na rin sa loob, malamig na kaya," ani ko. Pagabi na kasi at kahit papaano ay tumitila na ang ulan.
***
Napahilot ako sa sentido ko nang makita ko ang maraming missed calls ni Dad at ni Khai. Alam kong nag-aalala na iyon sa akin. Nakalimutan ko ang magpaalam sa kanila.
"You okay?" Rykiel asked me. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya.
"I'm fine," I replied.
Nang makarating kami sa condominium ay pati siya bumaba rin. Ayoko na sana siyang sumunod pa sa akin pero siya si Rykiel.
"Umuwi ka na rin, pagabi na," sabi ko. Marahan siyang umiling.
"Gusto kong makita si Khai," seryosong sabi niya at nagsalubong ang kilay ko.
"Bakit? Bakit gusto mo pang makita ang anak ko?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Wala lang," he answered.
"Hindi na. Umuwi ka na rin at baka nakaabang na naman sa condo namin sina Daddy at ang mga tauhan niya. Hindi mo gugustuhin ang makita na galit ang daddy ko. Sige na, Rykiel. Umuwi ka na..." mahinahon na saad ko. Hindi naman siya nagmatigas pa.
"Sige... Mag-uusap tayo ulit. Pasok na," aniya at kasabay na bumukas talaga ang pintuan.
"Mag-iingat ka," sabi ko naman. Pumasok na ako at pinindot ang floor namin pero bago pa lamang itong sumara ay nagsalita muna ako. "Rykiel..."
"Hmm?" tugon niya at malambot talaga ang ekspresyon na ipinapakita niya sa akin.
"Si Khai..." ani ko at ilang beses siyang napakurap-kurap. Bayolenteng nagtaas baba ang adams apple niya.
"Si Khai?"
"Paano naging... Compatible ang dugo nila ng daddy mo? Hindi niya anak si Khai... At hindi mo siya kapatid," umiiling na sabi ko.
"Hindi ko alam... Nabasa ko ang DNA test nila at walang duda...walang duda na mag-ama sila kung totoo ba iyon," paliwanag naman niya at ako naman ang napatango.
"Sige na," sabi ko. Muli kong pinindot ang elevator at akmang magbubukas na naman iyon nang pinigilan na naman ng kamay niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Si Khai ba..." Lumakas ang pintig ng puso ko.
"Ano?" Tumikhim pa siya bago dinugtungan ang sasabihin.
"Si Khai ba... Sino...sino ang daddy niya? Ang sinabi kanina ni Francine... Tama ba ang narinig ko? Tama ba ang sinabi niya? Miss, naniniwala ako sa mga bata dahil alam ko... Alam ko...na hindi sila nagsisinungaling at nagsasabi sila ng katotohanan."
"Kailangan ko pa bang sagutin iyan?" tanong ko sa kanya.
"Dahil iisipin ko na rin na...ako ang Daddy niya..."
Not edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top