CHAPTER 38

Chapter 38: Wedding ring & owner

“RYKIEL, ano ba?! Bitawan mo nga ako!” sigaw ko sa kanya. Humihigpit ang paghawak niya sa palapulsuhan ko at hindi ko alam kung saan niya ba ako dadalhin. Todo hila pa siya sa akin na akala mo ay isang bagay lang ako kung makahila siya ng ganito sa akin?!

Nakukuha na rin namin ang atensyon ng customer ni Z at naguguluhan na napatingin pa sila sa amin. But he is Rykiel, hindi siya nakikinig dahil nga sa katigasan ng ulo niya.

Napahinto pa kami sa exit ng boutique ng kaibigan ko dahil natanaw niya mula sa labas ang mga bodyguard ko. Lima lang sila ang naroroon.

“Sa tingin mo? Ano ang gagawin nila sa akin kapag nakita ka na parang hostage kita ngayon?” malamig na tanong niya sa akin at naramdaman ko pa ang pagtitig niya. Hindi ko siya sinulyapan at nanatili ang tingin ko sa labas. Nagpoprotesta pa rin ako para makawala mula sa pagkakahawak niya. Ang hilig niya sa ganito.

“Hindi lang putok sa labi mo ang makukuha mo ngayon kapag pinairal mo pa ang katigasan ng ulo mo,” sagot ko na may himig ng iritasyon sa boses ko.

“You know my situation, right? Hindi mo naman siguro magugustuhan na malagay sa alanganin ang mga tauhan mo. Dahil magiging patas kayo ni Dad. Gagawa pa rin iyon ng paraan para gantihan ang mga bodyguard niyo,” saad niya. Hindi na ako magtataka pa roon. Sadyang kontrabida lang talaga sa buhay namin ang daddy niya. Baka akala niya, ha hindi ko alam.

“At ano naman ngayon?” naiinis ko pa ring tanong sa kanya.

“Kapag hindi ka sumama sa akin ngayon ay hindi kita tutulungan,” wika niya. Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan ko na siya. Nagtagpo ang mga mata namin at nakakailang lang ang paraan nang pagtitig niya sa akin.

“I don’t need your help, Rykiel. Nagpapatawa ka ba sa akin? Mukha bang kailangan ko ng tulong mula sa ‘yo?” nanunuyang tanong ko sa kanya.

“You know that too na nag-uusap na sa mga oras na ito ang daddy mo at si Dad. Alam mo ba na walang saysay ang kaso na inihain ng tatay mo sa aking ama? Dahil kahit may statement pa si Khai at ikaw ay wala pa ring silbi iyon. Wala kayong nakuhang ebidensiya para igiit sa kasong kidnapping ang daddy ko. Dahil kahit sa CCTV footage ng school nila ay binura na ng mga tauhan niya. Kahit gagamit pa ng kapangyarihan at koneksyon ang iyong ama, kung wala naman kayong sapat na ebidensiya na magpapatunay na si Dad nga ang dumukot sa anak mo,” mahabang paliwanag niya sa akin.

Bakit alam niya iyon? Bakit ba marami siyang alam? Ano ba ang binabalak niya laban din sa kanyang ama? Kinapa ko ang cellphone ko sa pants ng suot kong jumper suit. Gusto kong tawagan si Dad at kausapin siya tungkol sa pinagsasabi nitong si Rykiel. But he didn’t answer the call kahit ilang beses pa akong tumawag. Marahas na bumuntonghininga ako at muling tumingin sa lalaking ito.

“Ano ba ang alam mo, ha?” walang emosyon na tanong ko.

“Kapag nakipag-cooperate ka sa akin ngayon ay ibibigay ko sa ‘yo ang nakuhang CCTV footage sa mansion namin kung saan dinala nila si Khai roon nang walang malay at binantayan ng ilan na mga tauhan ni Dad. Sapat na ang ebidensiyang iyon para hindi ibasura ng korte ang kaso ni Dad at kayo pa rin ang mananalo.”

“Rykiel, alam mo... Nahihibang ka na talaga. Daddy mo iyon at gusto mo pa talaga siyang ipakulong? Sa tingin mo ba, ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na ikaw ang may kagagawan ng lahat ng iyon?” tanong ko na may sarkastikong boses.

“You don’t to worry about my father’s welfare o ang relasyon naming mag-ama. Mamimili ka lang naman sa dalawang iyon. Dahil kung hindi ka sasang-ayon ngayon sa akin ay si Dad mismo ang babaliktad sa inyo. Gagamitin niya ang DNA test nila ni Khai at ang daddy mo, ang pamilya mo ang malalagay sa kapahamakan. Sa halip na kami ang mabigyan ng hatol sa kasong kidnapping ay kayo pa ang mapagbibintangan,” sabi niya na tila nagbibigay lang din sa akin ng babala. Oo, may punto siya roon pero hindi ko na talaga siya maintindihan pa.

Gusto niyang makipag-cooperate ako sa kanya at kahit masira pa ang pangalan ng tatay niya o ang pamilya niya mismo ay ayos lang? Ayos lang ba sa kanya na idiin sa kasong kidnapping ang daddy niya?

“What do you want?” pagsuko ko na lamang. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at muli niyang ipinakita sa akin ang dalawang singsing na iyon.

Nag-iwas ako nang tingin dahil ang masasakit na alaala lang talaga ang nakikita kong imahe sa isip ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang singsing ko at bakit naman niya binigyan pa ng pansin ang isa, na sinadya kong ibigay sa anak ko.

“So, what now?”

“Mauuna kang aalis. Hindi ka na makakalapit pa sa akin kapag nasa paligid lang sila,” saad ko at parang may pumitik sa sentido ko nang may naalala ako. “At paano ka pala nakapasok dito kung alam mong may bantay sa labas?” tanong ko na may pagtataka sa mukha. Napangisi siya.

“Sa dami ng tao kanina sa tingin mo ba ay makikita pa nila ako at mapapansin? At hindi ako naniniwala sa ‘yo na susunod ka sa akin,” sabi niya. “Ikaw ang mauunang lalabas at ako ang susunod sa ‘yo.” Segurista!

“Fine! Kukunin ko lang ang bag ko!” naiiritang sambit ko at tinalikuran na siya pero pinigilan na naman niya ako. Mariin na napapikit ako.

“Ako na ang kukuha sa loob,” giit niya.

“Alam mo ba na nasa loob ng boutique na ito ang fiancé mo at ang kaibigan niyang may galit sa akin, ha Rykiel?” malamig na tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at parang wala lang sa kanya ang malaman na nandito si Chrysler. “At alam mo rin ba na ngayon na siyang nagsusukat ng wedding gown niya?” sunod kong tanong, tumango siya ulit. “At alam mo rin ba na next week na ang kasal niyo?” Nag-iwas siya nang tingin sa akin at tumikhim.

“Alam ko,” tipid na sagot niya lang.

“Alam mo naman pala. Rykiel, mabuting tao si Chrysler. Nakikita ko iyon. Mahal ka niya pero bakit ganito ang isinusukli mo sa kanya?” malamig na tanong ko. Para sa akin ay ayoko naman ang makakakita ng babaeng nasasaktan dahil lang sa mga lalaking minamahal nila at makararamdam lang ako ng guilt dahil isa ako sa mga taong mananakit sa kanya.

Involved ako at lalabas pa rin na may third party sa relasyon nilang dalawa.  Alam ng lahat ang engagement party nila at baka may alam na rin ang mga ito sa nalalapit nilang kasal. Kaya ano na lang ang iisipin nila kapag hindi natuloy iyon? Kapag inuna na naman ni Rykiel ang instinct niya at ang gusto niyang bumagsak ang daddy niya.

“Dito pa ba tayo mag-uusap tungkol sa bagay na iyan, Miss? Nakita ni Chrysler ang nangyari kanina kaya sa tingin mo ba ay hindi rin siya lalapit sa atin ngayon? Ayaw mo naman siguro ang maisturbo tayo, ‘no? Dahil ayoko rin sa ganoon. Gusto kong mag-focus sa paliwanag mo nang walang sagabal sa pakikipag-usap natin,” saad niya. Ang yabang-yabang niya talaga.

“Kasalanan mo naman iyon, Rykiel. Ikaw itong basta na lamang susulpot at hihila sa akin. Hindi mo naisip na ang consequence mo at nandoon pa talaga si Chrysler. Mas lalong lalaki ang galit sa akin ng Audrey na iyon,” laban ko sa kanya at bumaba ang kamay niya sa palad ko. Marahan na pinisil niya iyon at nagawa pa niyang ibuka ang palad ko.

“Heto ang susi ng kotse ko. Alam mo naman kung saan iyon naka-park. Mauuna ka nang sumakay roon at susunod na lamang ako,” saad niya at kasabay na ibinigay sa akin ang susi niya. Kinuha naman ng isang kamay niya ang hawak kong cellphone. “Baka takasan mo ako, ah,” sabi pa niya at bumuntonghininga ulit ako.

Padabog na binawi ko ang mga kamay ko sa kanya saka ako lumabas sa boutique ni Z. Bahala siyang magpaliwanag kay Zinky.

Napatingin agad sa akin ang bodyguards ko at sumenyas ako na huwag nila akong susundan.

“May kukunin lang po ako sa loob ng sasakyan ng kaibigan ko. Saglit lang po ako,” paalam ko at itinuro ko pa ang kotse ni Rykiel, na hindi naman oalat kalayuan kaya mahahanap ko iyon agad. Yumuko lang sila bilang tugon.

Napahilamos ako sa mukha ko. Dahil sa kanya ay nagagawa ko na ang magsinungaling sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Dad. Dahil sa kanya ay nagagawa ko ring takasan ang mga nagbabantay sa akin. Kasalanan talaga ito ni Rykiel, lahat ng ito ay siya ang dapat kong sisisihin.

Pagkasakay ko sa kotse niya ay pinainit ko muna ang makina at pasimple ko pang sinulyapan ang mga tauhan namin. Humugot ulit ako nang malalim na hininga saka ko pinaharurot ang sasakyan ni Rykiel palayo.

Natataranta sila nang makita na umaandar ang sinasakyan ko at mabilis na nagmaneho ako para hindi nila ako agad masundan. Ang problema ko na lamang ay ang bodyguards ko na sa malayo lang sila nakaabang at nang makita na may isang itim na kotse ang sumusunod sa akin ay ginawa ko naman ang lahat para iligaw sila.

Itinigil ko lang ito sa isang bridge kung saan na bihira lang ang mga sasakyan na dumadaan dito. Ewan ko na lang kay Rykiel kung malalaman niya kung nasaan ako ngayon. Kinuha niya kasi ang phone ko kaya paano ko sasabihin iyon sa kanya? Tss.

Lumabas ako at sumandal sa nakasarang pinto. Humalik sa pisngi ko ang malamig na simoy ng hangin. 9:02 pa nang umaga at expected na mainit ang sikat ng araw ngayon pero hindi. Magbabadya pa yata ang malakas na ulan dahil dumidilim na ang langit.

Napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ako nang pagbusina ng sasakyan. Isang taxi iyon at baka si Rykiel na. Ang bilis naman niya.

Saan naman kaya nito nalaman kung nasaan din ako ngayon? Hindi nga ako nagkamali nang bumaba siya mula sa taxi at umikot sa kabilang side, kung saan na malaya ko pa rin itong makikita.

Binuksan niya iyon at may inalalayan na isa pa niyang kasama. Namimilog ang mga mata ko nang makita iyon.

Binuhat niya ito pagkatapos at napahakbang ako palapit sa kanila. Matamis ang ngiti ng bata at yakap-yakap pa rin nito ang leeg niya.

“Bakit kasama mo ang inaanak ko?!” gulat na sigaw ko sa kanya.

“Hi po, Ninang!” masiglang bati pa sa akin ni Francine na sinabayan pa nang pagkaway.

“Rykiel...”

“Hiniram ko sa Mommy niya,” walang kuwentang sagot niya. Ano’ng klaseng hiram naman iyan?!

“Hindi isang laruan si Francine, Rykiel para hiramin mo lang siya. Ano ba ang ginagawa mo, ha? Bakit mo kasama ang bata?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

“Sa tingin mo ba ay hindi ko na papansinin pa ang sinabi ng bata kanina, Miss? Gusto kong malaman ang katotohanan at hindi exempted ang narinig ko,” seryosong sabi niya. Hayan na naman siya sa side niyang iyan.

“Overprotective ang Daddy ni Francine at kapag nalaman niya na kinuha mo ito ng walang permiso niya ay hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin sa ‘yo ng isang iyon,” sabi ko at pinanlakihan ko pa siya ng mata. Kilala ko si Storm, mabait naman iyon pero hindi sa mga taong hindi niya kilala kahit na doctor iyon at lalong-lalo na kung lalaki pa.

“Here, kausapin mo ang Mommy niya kung paano ko siya hiniram,” saad niya at ibinigay na ulit sa akin ang phone ko. Mabilis kong tinawagan si Z. Mukhang hinihintay nga nito ang tawag ko dahil mabilis niyang nasagot ito.

“J?”

“Bakit hinayaan mo na sumama kay Rykiel ang anak mo, Z? Nahihibang ka na rin ba?” tanong ko. Mas dinagdagan lang ni Zinky ang sakit sa ulo ko.

“Sorry sa nangyari kanina, J. Nang dahil sa inaanak mo ay malalaman pa yata ni Rykiel ng wala sa oras ang tungkol kay Alkhairo at...ayoko nga rin na isama sa kanya si Francine pero kasi... Nagmakaawa siya sa akin na kung puwede ko ba raw na ipahiram muna sa kanya ang baby ko. Ang sabi ko nga kanina ay magagalit ang daddy niya, lagot ako kay Storm kapag nalaman niya iyon. Pero lumuhod siya sa harapan ko at nakita mismo iyon ni Chrysler at ng kaibigan niya. Umiiyak na nga kanina ang fiancé niya, eh. Kaya wala akong nagawa...kundi ang ibigay ko si Francine sa kanya. J, nakakaawa na si Rykiel, alam mo ba? Desperado siyang malaman ang katotohanan. Parang mababaliw na nga siya, eh.”

“Hindi puwede, Z. Alam mo naman ang dahilan hindi ba? Alam mo na hindi ko puwedeng sabihin at aminin iyon sa kanya. Alam mo ang consequence, Zinky. Si Francine...”

“Alam mong hindi rin iyan nagsisinungaling at magkukuwento pa siya sa mga narinig niya kanina. Masyado siyang honest at alam ko naman na hindi niyo siya pababayaan. Pasensiya na rin kung magdadadaldal na naman siya, J... Alam mo ba na...siya ang pinagkukunan ng sources ng daddy niya? Daddy’s girl siya at ang lahat ng nangyayari sa akin buong araw sa boutique ko ay mina-monitor niya. Parang isang spy na nakabantay palagi. Sorry talaga, J...” mahabang saad niya at naririnig ko pa ang pagsinghot niya mula sa kabilang linya.

“Umiiyak ka ba?” gulat kong tanong.

“Kasi hindi ko alam kung matatawa ba ako, magiging masaya o malulungkot ba o magagalit sa kadaldalan ng anak ko, J... Ang sabi mo pa kanina sa akin ay mag-iingat ako sa anak ko pero ang sekreto mo pa ang ibinunyag niya,” sagot niya sa akin at humikbi pa talaga.

“Sa ‘yo nagmana ng kadaldalan ang inaanak ko pero sa talino? Baka kay Storm iyon. At saka mukhang wala na rin akong choice pa, Z,” wala sa sariling sabi ko at napatingin sa dalawa.

“Ibigay mo muna ang phone mo kay Francine. Gusto ko lang makausap ang baby ko,” sabi niya at tumango naman ako.

“Francine, ang mommy mo,” ani ko at ibinigay ko sa inaanak ko ang cellphone ko. Kinuha iyon ni Rykiel at siya na rin mismo ang naglagay no’n sa tainga ng bata at hinawakan na lamang niya iyon.

“Mommy? Ha? Behave naman po ako here, ah...” nakangusong sabi pa niya at tumingin sa akin. “Love ko po si Ninang at hindi po siya mahihirapan sa akin,” dugtong niya pagkatapos niya akong tingnan at ang lalaking buhat-buhat siya ngayon ang tinitigan niya. “Ang Daddy po ni Kuya Zai? Friends na po kami,” nakangiting sabi niya at mabilis na tumitig sa akin si Rykiel kaya nag-iwas na naman ako ng tingin. Kailangan pa ba talagang sabihin iyan ni Francine?

Ilang minuto ang nakalipas at tinapos na rin nila ang pinag-uusapan nila ng Mommy niya. Kinuha ko na ang cellphone ko.

“Ano ba ang gusto mong ipaliwanag ko sa iyo ngayon, ha?” pagsisimula ko.

Hindi siya sumagot sa akin at binuksan niya lang ang pinto. Isinakay niya roon si Francine. Doon ko lang napansin na may hawak na pala itong isang box ng chocolate.

“You’ll stay here for a while, baby?”

“Yes po,” sagot nito na sinabayan pa nang pagtango.

“Francine, hindi ba ang sabi sa ‘yo ng daddy mo ay bawal kang kumain ng chocolate?” tanong ko and she nodded. Pati ako ay malalagot sa daddy niya.

“It’s okay lang po sabi ni Daddy Storm, Ninang. Basta po may drinks ako rito,” paliwanag niya at ipinakita sa akin ang tumbler niya.

“Francine...”

“One piece lang po ng chocolate bar ko, Ninang. Ito lang po ang kakainin ko. Promise ko po iyan sa ‘yo,” nangangakong sabi niya at hinawakan pa niya ang dibdib niya.

I walked towards her at kinuha ang hawak niyang isang kapirasong chocolate at binalatan ko ito para sa kanya.

“Ako na muna ang hahawak nito,” sabi ko at kinuha ang isang box ng chocolate niya. Tumango siya at nagsimula nang kumain. Mabait na bata naman siya at masunurin. Ang kadaldalan niya lang talaga ang palaging nagpapa-stress sa Mommy niya.

Nanatiling nakabukas iyon at may suot pa siyang seatbelt. Prenteng nakaupo na lamang siya roon at sumandal sa headrest nito.

“Sige na po, Ninang. Mag-talk na kayo,” sabi niya na ikinagulat ko pa. Walang duda na hindi ito nagmana sa mommy niya, sa kadaldalan lang. Pero sa katalinuhan naman ay nagmana nga ito kay Storm.

Binalingan ko naman si Rykiel na kanina pa rin palang nakatingin sa amin.

“Saan mo pala nakuha ang singsing na iyan?” tanong ko at itinuro ang singsing na pagmamay-ari na ni Khai. Suot-suot niya iyon nang tumunton siya ng isang taong gulang. Ginawa kong pendant iyon sa kuwintas niya at alam din ni Khai na kung sino ang unang nagmamay-ari no’n. Alam niya na wedding ring namin iyon at ang daddy niya ang may-ari nito.

“Hiniram ko ito kay Khai,” sagot niya.

“Importante iyan para sa anak ko kaya bakit niya ipapahiram sa ‘yo?” I mocked him. Gusto ko siyang inisin, na kahit alam pa rin ng anak ko na siya ang daddy nito ay kung mahalaga ang isang bagay sa kanya ay hindi niya ito ipapahiram sa iba.

“Iyan din ang sinabi niya sa akin at nagtataka rin ako na kung bakit ibinigay pa rin niya sa akin. Actually...siya ang nagkusang ipahiram ito sa akin,” wika niya. Nangunot ang noo ko. Paanong nangyari iyon? Hindi ganoon si Khai.

“At ano naman ang gusto mong malaman diyan?” walang ganang tanong ko.

“Isang simpleng singsing lang ito kung tutuusin. Napaka-plain niya at walang desinyo, na tanging mahabang linya lamang ang mayroon dito. Hindi ito mapapansin ng lahat pero nakita ko ang kapares niya. Mas nauna kong nakita ang isang ito bago sa anak mo. Kaya sobra akong nagtataka,” aniya at sa dalawang kamay niya na wedding ring namin. “Ang sabi sa akin ni Khai ay pagmamay-ari ito ng Daddy niya at ito raw ang wedding ring nila ng Mommy niya, na ikaw ang tinutukoy niya,” seryosong paliwanag pa niya. Parang hinuhuli niya talaga ako. As if ay aamin ako sa kanya?

“Baka nagkamali ka lamang, Rykiel. Wedding ring iyan ng parents ko,” pagtanggi ko pa rin sa kanya.

“Maniniwala pa ba ako riyan? Hinanap ko nga rin ito sa ‘yo pero wala at salamat dahil dumating kagabi ang parents mo sa condo niyo at nakita ko na suot ang wedding ring nila. Saka... hindi ganitong klaseng singsing ang pipiliin ng daddy mo para sa Mommy mo at alam mo ba kung saan ko rin nahanap ang isang ito?” tanong niya. He's referring to my wedding ring.

“Ano naman ang pakialam ko sa bagay na iyan?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Kahit gumuhit na naman ang kirot sa dibdib ko na diretso sa puso ko.

“Nahanap ko ito sa kuwarto ni Dad at nakatago rin ito sa drawer niya. Hindi rin ako maniniwala na sa kanya ito dahil hindi naman ikinasal sa kahit sinong babae si Dad,” naniniguradong sabi niya.

“Hindi kita maintindihan, Rykiel. Seriously? Isang singsing lang naman iyan at bakit napaka-big deal sa ‘yo?” nanunuyang tanong ko na sinabayan ko pa nang nakakainsultong tawa.

“Dahil hindi naman ako tanga para hindi ko maisip ang bagay na naisip ko. Bakit nasa pangangalaga ni Khai ang singsing na ito at ang pangalawa ay na kay Dad? Ano ang connection nila? Bakit magkapareho ang singsing?” naguguluhan na tanong niya sa akin. “Alam ko na may nalalaman ka talaga, Jessey. Paulit-ulit mo lang iyan itinatanggi sa akin na hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang itago sa akin ang lahat ng ito.” may hinanakit na saad niya. “Bakit hindi mo na lamang sabihin pa sa akin? Para matapos na itong paghihirap ko? Nakakapagod na kasi ang ganito, eh,” he added.

“Alam mo naman ang dahilan kung bakit, Rykiel. Kaya bakit paulit-ulit ka pa ring lumalapit sa akin kahit wala ring dahilan para sa bagay na iyon?”

“Hindi mo pa rin talaga ako tutulungan, ‘no?” malamig na usal niya.

“Wala akong maitutulong para sa ‘yo, Rykiel. Ano ba ang alam ko sa ‘yo?” nakangising tanong ko.

“Marami kang alam tungkol sa akin, alam ko,” aniya at pinagtaasan pa ako ng kilay.

“Imposible iyan. Ang pangalan mo lang na ipinakilala sa akin sa Cebu ang tanging alam ko. Wala na...maliban na lang sa pamilya mo na gustong makuha sa akin ang anak ko. Iyon lang ang alam ko, Rykiel at wala ng iba,” naiiling na sabi ko.. humakbang siya palapit sa akin at siya naman ang napangisi.

Humakbang ako patalikod para hindi ako mapalapit sa kanya nang husto. “I don’t believe you,” he said and he even shook his head.

“That’s good. Hindi mo naman talaga ako kilala kaya huwag mo akong paniniwalaan,” matapang na sabi ko at hindi siya huminto sa paghakbang palapit sa side ko. Nakakainis na siya!

“Sa ibang paraan, oo may tiwala ako sa ‘yo. Ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ko ngayon, eh. Pero ikaw itong paulit-ulit naman akong pinagtutulakan. May nalalaman ka, alam ko. But Jessel...” I looked away when he held my arm.

Nagprotesta ako sa hawak kahit na ang gaan pa ng kamay niya. Hinahawakan niya ako sa paraan na hindi ako masasaktan. Sobrang pag-iingat naman iyon, Rykiel. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa ‘yo. Tatanda talaga ako ng maaga sa ‘yo.

“Miss... Kaya ikaw ang gusto kong itanong at magpaliwanag tungkol sa wedding ring na ito dahil nasa anak mo ang isang pares at nakita ko na ito noon... Nakikita ko ito sa alaala ko...” sabi niya at hinuli na naman niya ang kamay ko.

Nabigla ako nang isinuot niya sa daliri ko ang singsing na iyon. My eyes widened in shock. He let go of my hand and I tried to remove the ring but it didn’t happened. Dumistansya pa sa akin si Rykiel at tahimik niya lang ako pinagmamasdan.

“What the hell are you doing?!” galit na sigaw ko sa kanya at napapangiwi ako dahil hindi ko matanggal-tanggal ang singsing sa daliri ko.

“Watch your words, Miss. May bata tayong kasama ngayon.”

“Ano ba ang mayroon sa singsing na ito at hindi ko man lang kayang tanggalin?!” hysterical na sigaw ko. His lips rose up.

“Kay Chrysler, hindi iyan nagkasya sa kanya. Kahit sa asawa ni Kuya Ryle, sa mga babaeng kakilala pa nila at sa mga kasambahay namin ay wala rin. Pero ikaw?” Napahinto ako sa sinabi niya. “Parang nagugustuhan ka na rin ng singsing na iyan at parang isa ka sa nagmamay-ari kaya ayaw na rin niyang umalis sa amo niya.”

“Nahihibang ka na talaga, Rykiel. Ngayon ko nga lang ito nakita, eh! Hindi ito sa akin! Tanggalin mo!” asik ko sa pagmumukha niya at pinalo ko pa ang dibdib niya gamit ang kamay ko.

“Sa ‘yo iyan. Alam ko. Dahil kung hindi ikaw ang may-ari niyan. Sino naman ang nagmamay-ari ng isa na sinadya mo raw ibigay sa anak mo? Kaya ipaliwanag mo iyon sa akin kung ganoon,” pangungulit pa niya sa akin.

“Wala nga akong alam!” sigaw ko.

“Masasaktan ka lang kapag sinubukan mo lang tanggalin iyan.”

“Nakakainis ka talaga kahit na kailan!” Halos maiyak ako sa frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na talaga ang alam ang gagawin ko sa kanya. Sobrang tigas na ng ulo niya...

“Hindi mo pa rin ako sinasagot. May pumipigil ba sa ‘yo? May tao ba ang nananakot sa ‘yo na sabihin sa akin ang katotohanan, Miss?” malamig na tanong niya sa akin. Nagtaas baba ang dibdib ko dahil sa pagbigat ng hininga ko.

“Ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo, Rykiel... Hinding-hindi mo magugustuhan ang malalaman mo. Sinabihan na kita dati na...huwag mong susundin ang sinasabi ng instinct mo. Dahil alam mong masasaktan ka! Masasaktan ka sa malalaman mo!” umiiyak na sigaw ko dahil hindi ko na talaga nakayanan pa ang emosyon ko. Itinaas ko naman ang isang singsing ko at ipinakita ko sa kanya. “Itong singsing na ito? Tama ka... Tama ka na wedding ring ito at kapares nga ito ng isang hawak mo ngayon. Gusto mo pang malaman ang bagay na ito, Rykiel?” nanghahamon na tanong ko sa kanya.

“Kaya ako nagtatanong sa ‘yo ngayon, ‘di ba?”

“This...ring? To be honest ay ayoko na itong makita pa dahil sa sakit na n-naaalala ko... Pero heto ka... Pinaalala mo pa rin sa akin. I-Ikaw...Ikaw ang nagtapon nito dati!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top